Kahawig niya ang tito kapag tulog.
Napalayo ako nang kaunti at sinusubukang tapikin ang kaniyang pisngi para naman magising. Kaninang ala-sais pa ako nandito sa harapan niya, kung hindi pa ako siguro sumilip sa bintana ay hindi ko siya makikita sa haligi ng kubo na natutulog.
"F-Fred? Wake up!" mahinang anas ko at kinurot-kurot ang kaniyang pisngi.
Hindi ito natinag, gumalaw ito kaya naman mas lalo siyang napaharap sa akin. Mas lalo naman akong kinabahan dahil baka pagkamalan ako na may ginagawang masama sa kaniya. May bakod naman kaya paniguradong ang makakakita lang ay ang mga kahilera naming kubo na nakatira doon.
Mas lalo pa akong lumapit, ang kalahati ng mukha niya ay puro makapal na balbas na hindi naman masyadong mahaba. Ang maliit ngunit matangos nitong ilong. Kayumanggi lamang ito ngunit hindi sunog ang balat, marahil e, lagi siyang naka-long sleeve kahit na sobrang init.
"Magandang umag— aray!"
Sa kasamang palad ay mabilis kong naisampal ang kaniyang pisngi. Napaupo nalang ako samantalang siya ay napatayong hinihimas ang pisngi.
"S-Sorry, p-pasenya na," kinakabahang usal ko saka niya ako tinitigan nang masama.
Halos mapayuko ako at gustuhin na lang na tumakbo. Tatayo na sana ako nang bigla ko naman siyang marinig na tumawa.
"Ang hilig mong mag-sorry. Masyado kang mabait. Hmm, sana kinuhanan mo na lang ng litrato ang mukha ko at sa loob ng kubo mo titigan," nakangising sambit nito na inilahad ang kamay.
Agad akong humawak doon at inalalayan sa pagtayo. Tinaasan ko lang ito ng kilay at saka ngumuso.
"Gigisingin lang naman kita. Bakit ko kailangan kuhanan ng litrato ang mukha mo?"
"Kung lagi naman akong nandito?" tanong niya na nakapagtulala sa akin.
Hindi nasabi sa akin nila Maru na may pagkamayabang din pala ang kaibigan nila.
"Ang aga-aga, nagdadaldalan. Alipin, magmumog ka muna bago kausapin ang kamahalan."
Isang boses na nanggagaling sa kabilang kubo, nakadungaw ito sa bintana at saka bahagyang ikinaway ang kamay nitong may bitbit na selpon.
"I'll go," bulong ko kay Fred saka siya nilagpasan.
"Bagay sa 'yo," huling sinabi nito bago ko tuluyang mai-apak ang aking paa sa hagdan.
Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya. Baka si Jairo ang kaniyang kausap at hindi ako. Nag-ayos lamang ako ng aking sarili at pinagpagan ang suot kong damit na hindi naman masyadong nadumihan. Aksidente kong nakita ang dream catcher na suot ko. Hindi ko masasabi kong mahimbing ba ang aking pagkakatulog dahil parang normal lang ang nangyari sa akin. Ang mahalaga ay nagising ako.
Sa mismong tinutuluyan ni Jairo kami kumain. Nadatnan ko na lang sila ni Fred na nag-uusap tungkol sa ibang bagay. Naupo agad ako sa isang bakanteng upuan sa mesa at hindi naman masyadong nakakaramdam ng pagka-ilang, maliban na lang kung napapatagal ang pagtitig nila sa akin.
"Wala ka bang balak na bumalik sa syudad? Puwede kang kumuha ng abogado para mabawi ang lisensya mo," anas ni Jairo sa kaniya na abala sa pagbabalat ng prutas.
Umiling ito saka ngumisi. "Huwag na. Kasalanan ko rin naman e. Pinirmahan ko agad. Hindi ko alam na may nakasingit sa papeles. At isa pa, ako ang naka-assign na engineer doon. Mas okay na yon, kaysa naman sa makulong ako," mahabang paliwanag nito na hindi ko man lang magawang tingnan.
Totoo nga ang sinabi nila, tuluyan nang kinuha ang lisensya sa kaniya. Lalo na't siya ang napagbintangan at hindi nakakuha ng papeles na pipirmahan ang engineer napapalit sa site na iyon, kaya nang mangyari ang pagguho ng site, si Fred ang nasisisi.
"Buti hindi mo pa naisipan na mag-asawa rito? Mukhang okay ka naman," ngising tanong ni Jairo saka tumingin sa akin.
"Ano naman maipapakain ko sa asawa ko? Kailangan ko pang magtrabaho rito ng ilang taon bago ko mabayaran si Anthony, siya kasi ang sumagot sa pagpapalibing kay lola. Naubos kasi lahat ng pera sa pag-oopera. Wala na rin akong mauwian sa syudad dahil ipinagbili ko na..."
Sinabi nito lahat ang mga nangyari aa kaniya at kung bakit siya napadpad dito. Ni hindi man lang niya nabanggit ang tungkol sa cruise ship, Pero ang napansin ko sa kaniya, nanatili lang siyang nakangiti kahit na alam kong masakit para sa kaniya ang i-kwento iyon. Ni hindi niya rin ako matingnan at abala sa pag-kain.
Natapos ang tanghalian na umalis agad si Jairo. Wala si Faith dahil sa emergency ng kaniyang pamilya, kaya pinaki-usapan ni Jairo si Fred na siya na muna ang umalalay sa akin. Hindi ko alam kung nananadya ba siya o talagang mahalaga ang kaniyang pupuntahan.
"Wala naman akong trabaho ngayon, saan mo gustong pumunta?" tanong nito sa kalagitnaan ng pag-aayos ko ng kwelyo.
White polo and black jeans ang sinuot ko terno ang black boots. Bahagya pa akong sumilip sa kalangitan na hindi naman mataas ang sikat ng araw. Napansin ko ang pagtayo nito at pagkuha ng maliit na payong sa gilid ng pintuan.
"Ang ganda ganda ng porma mo tapos madadapa ka lang? Mayroon namang tsinelas diyan."
"Malalagyan ng buhangin ang paa ko, mas gugustuhin ko na lang na magpaa kaysa magtsinelas sa dalampasigan," sagot ko at napansin na titig na titig lang ito sa akin.
"Nasaan yong binigay ko sa 'yo? Isuot mo," utos nito kaya agad ko iyon isinuot.
Hindi ko alam kung bakit ako napapasunod sa mga sinasabi niya. At isa pa, mukhang sasaktan niya ako kapag hindi ako sumunod. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa dalampasigan. Kailangan naming maglakad-lakad hanggang sa masanay ang mga paa ko.
Sa ilalim ng katanghalian, hawak nito ang payong sa aking tabi. May kalakasan ang ihip ng hangin kaya nililipad nang kaunti ang aking buhok. Mas matangkad ito sa akin at hindi ko alam kung lumilingon ba siya.
"Gusto kong pumunta ng kweba, meron naman yon dito diba?" tanong ko na tinanguan niya.
"Oo. Kaso sa kabilang isla pa yon. Walang masyadong pumupunta roon, maliban sa aming mga nakatira," anas nito kaya ako napalingon sa kaniya na nakatingin sa akin.
"Bakit naman? Hindi ba yon dinarayo?"
"Dinarayo naman. Kaso maraming natatakot, lalo na't liblib iyon. May mga pumupunta naman pero by season sila kung dumating. Baka sa susunod na taon pa ulit iyon dagsain," kwento nito.
Tumango na lamang ako, nagpatuloy pa akong nagtanong tungkol sa mga lugar sa Agustin. At ang casino na ginagawa ay tinutuloy pa rin. Hindi ko alam kung nakapunta na ba ako sa dalawang isla roon, hindi ako masyadong pamilyar sa dalawang isla na tinutukoy ni Fred. Pero siya na ang nagsabi na nakapunta na ako sa dalawang iyon. Baka hindi ko rin maalala.
"Sa susunod na lang kita dadalhin sa kuwebang iyon, kapag okay ka na. Baka kasi mamaya mangyari pa sa iyo, ako pa ang masisisi. Hanggang dito na lang muna siguro tayo."
Naupo kami sa ilalim ng puno ng buko, walang masyadong tao rito at hindi ko rin alam kung nasaan na kami. Naging abala siguro kami sa pagkukwento ng kung ano-ano. Tahimik lang kaming dalawa na tinitingnan ang malakas na pag-alon ng dagat.
Pinapakiramdaman ko siya kung may magsasalita ba o wala. Ayoko naman na basta na lang magsalita dahil nakakahiya kung hindi niya masagot. Kahit papaano naman ay nahihiya pa rin ako sa kaniya.
"Ren?" tawag nito sa akin gaya ng dati.
Automatikong napatingin ako rito dahil sa pagtawag niya sa akin. I missed this. I mean, I missed the old days.
C'mon, Zeren.
"Why?"
"Gusto mo si Sevein, diba?"
Nawala ang kunot kong noo, napatingin ako sa kaniyang paanan at hindi masyadong nagpahalata. Ngumiti ako at saka umiling.
"No. Akala ko lang siguro noon," sagot ko at saka lumingon sa malayo.
"Hmm, ikakasal na pala sila next yea—"
"Ayokong pag-usapan 'yan. Hindi ko naman kasal 'yan. I'll support them, pero hindi tamang pag-usapan yan dito."
"Okay. Sorry. Hmm, magpasalamat ka na lang at hindi siya ang lalaking pakakasalan mo. Baka nakatadhana talagang tumanda ka ng dalaga—"
"What the hell are you talking about?! Goodness!" Napatakip na lang ako sa aking mukha saka ko narinig ang kaniyang pagtawa.
Iyon na iyon din ang huli naming usapan tungkol sa dalawang iyon. Nawalan na rin ako ng koneksyon sa kanila pero inaamin kong gusto ko silang makita. Umalis si Fred ngunit humalik din na may dalang dalawang buko. Hindi ko na iyon na tinangihan dahil gusto ko rin.
Pahinga, lakad, pahinga, lakad ang ginawa namin hanggang sa dumilim ang paligid. Imbes na umuwi sa kubo ay nagpasya kaming pumunta sa palengke upang samahan siya sa pagbili ng mga pagkain.
"Ano ulam natin?" tanong ko sa kalagitnaan ng pagtingin sa paligid ng palengke.
Kaunti lang naman ang mga tao at malinis ang paligid.
"Natin? Talaga bang sinasama mo na ako sa lahat bagay na gagawin mo, ano?"
Napataas ang kilay ko saka siya inirapan. "Excuse me? Common sense lang, ah, kakain ka rin naman mamaya, diba?"
"Paglulutuan lang kita. Ayoko naman na lagi akong nasa tabi mo. Kasalanan ko pang masanay na nandito ako lagi," bulong nito na tinawanan ko ng mahina.
"Too arrogant. Ganyan ka ba talaga sa mga babae makipag-usap?"
"Sa iyo lang."
"Kaya pala sa kambal ko masyado lang sweet. C'mon, Fred, masyado kang halata," ngising sambit ko saka siya tinalikuran.
"Ang dami mo talagang napapansin sa akin, ano? Hmm, masyado ka ring halata. Defensive."
Naikuyom ko na lang ang sarili kong kamay at iniwan siya sa palengkeng iyon. Dinig ko ang pagtawag niya sa akin ngunit hindi ako nag-abalang lumingon. Bakit ba ako umaakto ng ganito? Sobrang lakas niyang mang-asar. I can't handle him!