Chapter 36

Matapos kong makapaglinis ng kubo ay agad akong pumunta sa labas. I don't know, why Jairo texted me to go at seashore at this afternoon. Wala naman siya sa isla, ilang linggo na ang nakakalipas mula nang iwanan niya ako rito dahil sa tuluyang paggaling ko. Naudlot ang dapat kong pag-uwi dahil na rin sa sunod-sunod na bagyo.

Lumipas ang ilang linggo na hindi kami nagkita ni Fred. Bihira na lang din siyang pumunta rito sa sentro mula nang gumaling ako, may iba namang nag-aasikaso sa akin ngunit mas pinipili ko na lang na mag-isa. Madalas ang pagbili ko ng libro at kung ano-anong puwedeng mapaglipasan ng oras, maaliw ko lang ang sarili ko.

Bumalik na naman ako sa dati, ang mag-isip ng kung ano-ano. Overthink can kill me. Sarili ko na lang ang nakakausap ko at kung minsan ay sila Nikasha at ang anak niyang medyo malaki na. Maya-maya pa ay natigil ako sa katitig sa malakas na hampas ng alon dahil sa pagtunog ng aking selpon.

Oh my god!

Agad akong sinagot iyon dahil halos bilang lang sa daliri kung mag-usap kami.

"Tito?! I missed you!" bungad ko at napatalon pa.

[Riyan ka na ba titira? Wala ka bang balak na uwian ako?] tanong nito sa kabilang linya na tinawanan ko.

Sumandal ako sa malaking puno at saka kinagat ang mga daliri.

"Of course, I want to go back there. But I have a work here, remember?"

[Trabaho lang ba?] tanong nito na parang may iba pang ibig sabihin.

"Why? Is there anything reason? Hmm, vacation at the same time, tho."

[I see. Akala ko nandyan ka pa rin dahil sa isang guy,] pabulong na saad nito na ikinatigil ko sa pagngatngat.

Bigla akong kinabahan at napalunok dahil doon. Anong ibig niyang sabihin? Alam ba niya?

"What about guy? There's a lot of guy here, some of them are tourism, even the worker, what else? Hmm—"

[Guy who looks like a cowboy, living from the Texas, a former employee and engineer... Hmm, what about that kind of man? Did you know him?] mahabang salaysay nito na nagpanganga sa akin.

He described what my mind thinking. He already knew about him? Nasabi na ba ni Jairo? Oh god! I almost forgot! Nagkita nga pala sila noong nasa hospital ako.

[Seems like the girl behind the phone has a secret—]

"C'mon, tito. He's not here. Nasa kabilang isla po siya. We've not talk since last week and three days," pagpapaliwanag ko saka nagsimulang maglakad sa pampang.

Dinama ko lang ang malakas na hangin at nakikisama ang signal sa akin. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang pinapakinggan ang pang-aasar niya sa akin.

[Last week and three days huh. Bakit hindi kayo nagkakausap? Siya lang naman ang close mo riyan kahit papaano.]

"He's busy. Nagtatrabaho po 'yon."

[Simple talk will do Zeren, para naman mabawasan ang inip mo riyan, since ayaw mo pang bumalik dito.]

"I-I'll try to talk him later."

[Okay. Goodbye—]

"W-Wait! Why? Bakit goodbye agad?" tanong ko rito dahilan para mabasa ng tubig ang paa ko dahil sa alon.

[Para makapag-usap kayo,] pang-aasar nito na tinawanan niya.

"Masungit po siya. I badly want to help him to get back his license, but he prefers to stay here and be construction worker in whole life."

Minsan na niyang nasabi iyon sa akin noon. Kaya wala rin akong nagawa. Who am I to force him?

[Let him be. He's not your husband to make a rules. You're not a wife, remember? Anyways, magpahinga ka na. Pumunta ka na sa kabilang isla. I love you.]

Napangiti ako at napakagat pa ang labi. "I love you."

Ibinaba ko na ang telepono at saka pinakawalan ang isang tawa na kanina ko pa pinipigilan. Paano pa kaya kung kaharap ko si tito? Paniguradong talo ako sa mga pang-aasar niya.

Nailing na lang ako at dumiretso agad sa kubo upang makapag-ayos ng sarili. Manipis na damit lang ang sinuot ko dahil mabilis akong mainitan ngayon. Nagdala na lang ako ng jacket at nagsuot ng maikling short para kung sakaling tumaas ang suot kong dress ay hindi ako makikitaan.

Sumabay muli ako kay Mang Lando na pupunta rin doon upang sunduin ang asawa niyang taga-luto ng pagkain ng mga trabahador. Sandali lamang ang byahe namin dahil kalmado ang alon. Mabilis din ang pagpapatakbo nito ng bangka. Nang makarating ay nagpaalam na ako saka sinuot ang sumbrero. Alas-kwatro na kaya oras na nang uwian nila, lalo na't may bagyo pa ngayon ngunit malayo pang tumama sa isla na ito.

Marami pang mga trabahador ang naroon, kaya minabuti kong dumiretso sa lugar kung saan siya madalas nagpapahinga. Tahimik lamang akong naglalakad papunta sa puno ng buko na madalas niyang upuan noon. Okay na rin naman kami, nagkakausap na kami ngunit syempre, hindi maiwasan na makaramdam pa rin ako ng konsensya. Paano kung sinasabi niya lang na okay siya?

Natigil ako sa gitna nang paglakad mo dahil may isang pamilyar na babae na nakaupo roon, katabi ang mga gamit ni Fred. Maya-maya pa ay lumingon ito sa kanan at doon lumabas si Fred na may dalang inumin at agad na inabot iyon sa babaeng madalas kong makita noon na kakuwentuhan niya. Naupo pa ito sa tabi ng babae at napansin ko ang kaniyang pagtawa, kung paano siya tumawa sa tuwing kasama sila Lucas noon.

Napabuntonghininga na lang ako dahil mukhang sayang lang ang oras ko. Ngunit wala na ang bangka ni Mang Lando nang mapasilip ako roon. Naikurot ko na lang ang sarili kong kamay dahil matatagalan bago siya bumalik dito. Gustuhin ko man makihiram ng bangka ay hindi rin puwede dahil walang gagamitin ang iba.

Imbes na problemahin pa iyon ay naglakad pa ako patungo sa mga bar na malapit lang din sa dalampasigan. Sari-saring inumin ang mayroon doon at tahimik lang din. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at pumunta agad doon. Tatlo lang kami sa hilerang iyon at napansin kong magkasintahan pa ang katabi ko.

Kung si Nikasha lang ang nandito, nagsusuka na iyon.

Sumenyas ako at alam na nila ang ibig sabihin non. Naglabas na agad ako ng pambayad ko para naman wala akong problemahin, bukod sa bangkang sasakyan ko.

"We can set an appointment with her para mapag-usapan na ang wedding plan natin, honey."

"Really? Akala ko ba postpone muna?"

"Tinapos ko na ang trabaho ko, and we have to fix that as soon as possible..."

Maingat akong ngumisi nang marinig ko ang usapan nilang dalawa na malapit pa sa akin. Kasabay nang paghilo na nararamdaman ko ay muli kong naalala ang dalawang tao na naging importante sa buhay ko. I'm so happy for them. Wala na akong kontra, naliwanagan na ako since napunta ako rito at mukhang ayoko na silang guluhin.

As a woman, I want to experience those things. Having a boyfriend that ask me to become his wife. A wedding where my tito finally surrender me to the man who I can share my life with. And of course, having a family that I never had before. Pero paano? I have a suitors but I couldn't see myself with them. They want me because of our business.

Kadalasan, gano'n ang reyalidad ng pagmamahal sa aming mga negosyante. Kung hindi ka ipagkakasundo para mairaos ang kumpanya, pakakasalan ka naman nila para gawing hatak iyon.

Wala pa akong makitang lalaking puwedeng tumanggap sa akin. Pero siyempre, gusto kong masagot na muna niya ang mga tanong ko bago ko hayaan ang sarili kong pagkatiwalaan ang lalaking iyon.

Will he support me despite of having a lack of time? Will he understands me? Paano kung magsawa siya sa akin at mapagod? Kaya niya bang humarap sa tito ko?

"Ano bang klaseng problema ang meron ka at bakit kailangan mong maglasing?" Isang boses na nanggagaling sa gilid ko at napansin kong naupo.

Umiling ako at papikit-pikit na tumungga muli. "I'm just asking myself, wala namang kumakausap sa akin," sabi ko rito at inilapag ang bote.

"May sumagot ba sa mga tanong mo?" tanong nito na tinawanan ko at inilingan.

"Even myself couldn't answer that. Zerenika a useless," bulong ko saka Muling tumungga.

Nakaramdam na ako ng hilo at hindi ko na naman mapigilan ang emosyon ko. Sa tuwing naaapektuhan ako ng alcohol ay nagkakaroon ako ng lakas na loob na sabihin lahat ng gusto ko. Kahit na kaninong tao.

"Ihahatid na kita sa inyo. Bakit kasi hindi mo ako nilapitan kanina?" tanong nito kaya ako napalingon.

Si Fred. Nakikilala ko pa siya kahit na nahihilo ako. Maamo ang mga mukha at nakataas ng kaunti ang sumbrero. Ngumisi lang ako sa kaniya at saka umiling.

"Because you were busy flirting that girl." Pantuturo ko sa ibang direksyon at bumagsak ang aking kamay sa kaniyang hita.

"Flirt? Nagkuwento lang siya. Kaya ba umalis ka kanina?"

Tumango ako at saka uminom muli. Nang makita kong ubos na ang limang bote sa aking harapan ay agad akong sumenyas ngunit mabilis niyang hinawi ang kamay ko.

"Tara na. Uuwi na kita. Baka mamaya kung ano na namang mangyari sa iyo, rito," bulong nito saka ako pinatayo nang dahan-dahan.

"Ayoko sa roon, mag-isa lang ako," bulong ko ngunit hindi siya natinag sa pag-alalay sa akin.

Nakakapit ang mga braso ko sa bewang nito at halos sa kaniya ako sumandal dahil ko ka kayang tumayo nang tuwid.

"Sasamahan kita hanggang sa makatulog ka. Basta kailangan mo nang umuw—"

"Sama ako sa 'yo, sa bahay mo."

"Hindi puwede, Ren. Bawal ka roo—"

Humiwalay agad ako sa pagkakayakap sa kaniya. Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. Agad na lang akong naglakad papunta sa ibang direksyon at pinipilit na tingnan ang daanan na halos tubig na ang natatapakan ko. Naramdaman ko naman agad ang paghawak sa aking braso at ang paghila nito.

"Iuuwi na kita sa bahay mo. Hindi ka puwede sumama sa akin sa bahay."

"Why? Bahay rin naman iyon, ah? I promise, I'm not gonna do something bad. I sleep agad, hmm, I sleep immediately." Pantuturo ko sa pisngi niya at ramdam na ramdam ang pagbuntonghininga nito.

"Hindi puwede, Ren."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.