Mabilis ang tibok ng puso niya. Nakasandal pa rin ako sa kaniyang dibdib habang nilalandas ang daan patungo sa kaniyang isla. Gusto ko lang naman ng kausap hanggang sa makatulog ako, ayaw niyang pumunta ng sentro kaya ako na ang pumunta. He should be glad for that.
"Dito ang daan." Turo ko sa isla nila.
"Alam ko. Tigas ng ulo," bulong niya na nginitian ko.
Ramdam ko pa rin ang hilo at hindi naman ako masyadong nasusuka. Hindi rin ako masyadong inaantok at tanging hilo lang. Maya-maya pa ay huminto ang bangka. Dahan-dahan siyang umalis sa tabi ko kaya napakapit ako at napakapit sa bangka. Naramdaman ko ang pag-usog ng bangka at sa kasamaang palad ay agad na napatumba ngunit may sumalo agad sa akin. Then again, here he is.
"Ayos ka lang? Nandito na tayo. Tara na, ipapasan kita," sabi nitong kinuha ang braso ko saka ipinulupot sa kaniyang leeg.
Nakasubsob lamang ako sa leeg niyang habang dinaramdam ang paghinga niya na mas malalim pa sa dagat. Nahihirapan ba siya?
"Mabigat ba ako?" bulong ko sa tenga niya.
"Medyo. Mabubuhat ba kita kung mabigat ka?" he sarcastic responses.
"Sorry. I might have to be scheduled my workout tomorrow."
"Walang gym dito. Saan ka mag-wo-work out?"
"Somewhere, samahan mo ako," bulong ko muli.
Hindi na siya sumagot, bahagya kong iminulat ang aking mata at napansin na nasa isang liblib na lugar kami, may kadiliman ngunit may naaaninag ako liwanag na parang galing sa gasera.
"You have to take a bath later," utos ko sa kaniya dahil buong araw siyang nagtrabaho at nasa ilalim pa ng arawan.
"Bakit na naman?" masungit na saad nito na kinunotan ko at bahagyang kinurot ang pisngi.
"Of course! You smells like steels, sand or what! Amoy buhangin ka kaya," bulong ko at narinig ang mahinang pagtawa niya.
"Ganyan ba kayong mga umiinom? Nagsasabi ng totoo?" tanong nito ngunit hindi ko na siya sinagot.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa isang kubo na pamilyar sa akin. Parang nakita ko na ito. Rito ba siya nakatira?
Agad niyang binuksan ang gasera sa gilid, mas lalo akong napakapit nang umakyat ito sa maiksing hagdanan at hanggang sa makarating sa itaas ay doon niya lang ako tinapik.
"Alis na riyan, nandito na tayo."
"Sa bahay mo?" tanong ko at tumango ito.
Nakangiting umalis ako sa kaniyang likuran, mabilis pa sa alas-kwatro ang pagyakap ko sa kaniyang tagiliran. I don't know what to do, basta basta ko na lang ito ginagawa at hindi ko na naman ma-kontrol.
"Wala akong aricon dito, wala ring kama. Sa banig lang ako natutulog, hindi malambot ang unan dito, manipis lang din ang kumot—"
"It's okay. I want to try," bulong ko rito.
Pumasok na kami sa loob, ngunit halos maduling ako dahil sa sobrang dilim. Napalingon ako sa gilid nang buksan niya ang dalawang gasera na inilagay niya malapit sa pinto at sa bintana na nasa dulo.
Inalalayan ako nitong maupo at agad na binigyan ng tubig. Inilibot ko lang ang aking paningin, gawa lahat sa kawayan, kahit na kaunti lang ang naaaninag ko ay malinis naman ang buong paligid, kaunti lang ang gamit na talagang mga importante lang. Sa dulong bahagi ng kanan ko ay naroon ang kaniyang higaan.
"What are you doing?" tanong ko sa lalaking nakatalikod sa akin.
"Lututuan ka," sagot nito.
Paulit-ulit aking umiling. "You don't have to. Busog ako."
"Busog ka sa alak? Hindi ko pa naman siguro kumakain," tanong nito na nginusuan ko.
Pinilit kong tumayo at saka dahan-dahang lumapit sa kaniya. Ibinaba ko ang aking suot at saka tumabi sa kaniya. Abala siya sa paghihiwa ng kung ano at hindi ko maaninag dahil hindi masyadong maliwanag. Tumingin ito sa akin at saka bahagyang nangunot ang noo.
"Bakit na naman?" tanong nito.
"You're so mean! I only want your attention," ngusong sagot ko na nginisian niya.
"Hindi mo naman ako boyfriend, a. Kulang ka lang siguro sa pansin kaya ka ganyan. E, kung umuwi ka na lang sa mansyon ninyo, edi sana may kausap ka," dire-diretsong saad nito na agad kong inilingan.
"Ayoko. They didn't understand me."
Sa muling pagkahilo ko ay imbes na sa kaniya ako tumumba ay sa mismong dingding pa, mabuti na lang at nakatayo pa rin ako ngunit malakas ang pagtama ng ulo ko roon.
"Aww—"
"Bakit ka ba kasi buntot nang buntot sa akin? E, kung naupo ka na lang? Tsk! Tara, mahiga ka na, kapag nangulit ka pa ihahatid na kita sa bahay m—"
"Stop! Kaya ko sarili ko, okay? I'm just a tipsy, you know that? Tipsy! Hindi ako lasing, kilala kita, I can recite and describe you. So shut up," anas ko saka muling tumuwid ng tayo.
,
Inaantok na ako ngunit mas pinipili kong manatili sa tabi niya, natatakot ako sa lugar lalo na't may kadiliman, o baka epekto ito ng ininom ko. Pinagmasdan ko lang siyang magluto at bahgya niya akong kinakausap, hindi naman ako makasagot dahil baka sungitan niya ako.
Amoy na amoy ko ang bango ng kaniyang niluluto. Ngunit mukhang hindi na ako makakakain dahil isusuka ko lang iyan. Mas okay nang kumain ako bago uminom.
Inilibot ko ang aking paningin upang tingnan ang oras, ngunit wala akong makita. Ngumuso na lang ako at saka bahagyang tatalikod ngunit hinarap agad ako kay Fred na nakaharap sa akin.
"Bakit? Inaantok ka na?" tanong nito na tinanguan ko.
"Yes."
"Kumain na muna. Mahirap matulog na walang laman ang tiyan kundi alak."
Imbes na magsalita ay lumapit lang ako sa kaniya. Siniksik ko ang aking sarili sa pagitan niya at ng kahoy doon kung saan nakapatong ang ibang mga gamit. Agad kong pinulupot ang kamay ko sa kanyang leeg kaya ito napayuko.
"Ano na naman ba? Akala ko ba inaantok ka na? Kung ano-ano pa ang ginagawa mo—"
"Good night kiss." Pagngunguso ko rito at tumingkayad.
Pilit itong lumalayo sa akin kaya ako nauuntog sa kaniyang panga. Narinig ko ang pagbuntonghininga nito na para bang napipikon na. Ewan, ang sistema ko ang may gusto nito at hiyang-hiya na ako.
"Ito na naman tayo, Ren. Sasabihin mong tipsy ka, e kung ano-anong pinanggagagawa mo. Hindi mo na alam mga kinikilos mo, Ren. Ni hindi mo na nga ata ako kilala, e. Tapos paggising mo, ano? Aawayin mo ako? Ako may kasalanan?" mahinahong sabi nito habang nakadikit ako sa kaniyang dibdib.
Somehow, he has a point. Pero this time, hindi ko na siya sisisihin, alam ko ang ginagawa ko, hindi ko lang ma-kontrol.
"I know you. You are Fred Ricky Suarez. The mean. A Mean Engineer. So mean!" Panununtok ko sa dibdib niya. "I only want a kiss. Hmm, then I go to sleep na. I don't do that again, don't you want to kiss me, Fred? Just once?" pagpupumilit ko rito.
Naramdaman ko ang pagtayo niya nang tuwid at unti-unting pagtitig sa akin. "Bakit ba gustong-gusto mo na halikan kita? May gusto ka ba sa akin?" tanong niya.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Basta na lang bumilis ang tibok ng puso ko at para bang nawala ang aking kalasingan. Kumunot ako saka tumango.
"I don't know. But I always want you to be my side," anas ko kaya mas lalong kumalabog ang aking puso.
Stop it Zeren! Your gonna regret this tomorrow! Damn! I can't control my mouth. My heart!
"Edi may gusto ka nga sa akin? Kaya ba namumula lagi pisngi mo? Puwede ka namang umamin sa akin at hindi ako pilitin na halikan ka—"
"Because no one dare to kiss me. I don't have any boyfriend, they're kiss me but only in my forehead. I want on this one." Pantuturo ko sa labi ko. "I'm not good at kissing so I have to try it with you, so if ever I have a boyfriend, he'll never leave me just because I didn't know how to kiss."
Isang malakas na hangin ang pinakawalan ko saka narinig ang mahina niyang pagtawa. Ang mga mata niyang nakatingin sa akin at ang bewang ko na kaniyang inaalalayan upang hindi ako matumba.
"Nagpapraktis ka kung paano humalik para hindi ka iwanan ng magiging boyfriend mo? At talagang sa akin pa?"
Run Zeren! Run! My goodness! Ano na ba ang mga sinasabi ko sa kaniya?
"Exactly! Very good! So now kiss me, so that I'll got to sleep," utos ko.
Kitang-kita ko kung paano niyang kinagat ang kaniyang labi saka dahan-dahang yumuko sa akin. This is once in a blue moon, and yet, pilit pa. Bumibilis ang tibok ng puso ko habang unti-unti akong inaantok.
"Then you will stop after this?" tanong nito sa akin kaya ako kinalibutan dahil sa lalim ng kaniyang boses.
Isang tango ang ibinigay ko bago niya gawin ang aking gusto. Ngunit sa kasamaang palad, imbes na sa labi, hinalikan niya ako sa noo.
"Sleep."