Chapter 51

Halos hindi binitawan ni Fred ang kamay ko kahit na nasa loob na kami ng barko, hindi ko maiwabg matakot dahil sa dagat na kalmado naman ang alon, wala na akong tiwala kahit sa tubig. Nakasandal lamang ako sa kaniyang dibdib habang nasa byahe kami. Gladly, nakuha ko ang mga gamit ko sa kotse na hindi ko nailabas noon, may mga damit pa akong nadala at ang sarili kong pera.

Inamin din sa akin nito na si tito mismo ang pumunta sa pinagtatrabahuan niya para maka-usap siya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng galit dahil talagang pinilit niya si Fred na lumayo sa akin, na sasagutin ni tito ang pag-uwi ni Fred sa malayong probinsya, iwanan lang ako. Si Fred pa ang nangumbinsi sa akin na gusto lang akong mapabuti ni tito, pero hindi. Makasarili silang lahat. Kumpanya lang ang iniisip niya. Ayaw man akong isama ni Fred ay wala na siyang nagawa dahil ako na ang kusang nagmakaawa sa kaniya... ilayo niya lang ako sa syudad na iyon.

"Malapit na tayo, tapos kain muna tayo bago tayo pumunta roon, may kalayuan pa kasi papunta sa bahay," bulong nito habang hinihipan ang aking tenga upang mainitan.

Mabuti na lang at nakayakap sa akin si Fred at dahil humabol lamang kami sa barko, sa lapag kami naupo, kasama ang mga taong nais ding umuwi. Hindi ko alam kung paano ilarawan ang mga taong nakapalibot sa akin. Ang mga taong mahihirap na mukhang magiging kauri ko na rin. Wala na akong karapatan sa mansyon at ginusto kong makuha nila iyon. Pero hindi ko ibinigay ang perang inipin at pinaghirapan ko. May pinag-aralan ako, nakatapos kami ni Fred, kaya kampante akong mabilis lang kaming makahanap ng trabaho at magiging maayos ang buhay namin... kahit isa na akong ganap na mahirap.

Maya-maya pa ay napadilat na ako dahil sa pagtapik ni Fred sa akin, sinundan ko ang tingin nito, isa-isa nang nasisipaglabasan ang mga taong kasamahan namin kaya hinila na ako ni Fred. Dinig ko agad ang ingay ng ilan na para bang may tinatawag na kung ano, ang ibang mga kalalakihan ay may hinihilang isang sisidlan na may mga gumagalaw pang isda. Malansa ang amoy ngunit nakayanan kong amoyin.

Seryoso lang kaming kumain, bumili ito ng kape ay tinapay, sa maingay na parte ng lugar na pinagbababaan namin, hindi ko maiwasang mamangha sa mga tao. They are so productive, and you must've hardworking in this kind of place. Maging masipag kung gusto mong mabuhay. They're smiling despite of the sweat that runnings on their body.

Ngunit naagaw ng aking atensyon ang isang lalaking nasa gilid na kumikindat, nakangiti na animo'y nang-aasar kaya ako natawa. Naiiling na lumingon ito sa likuran kung saan ako nakatingin kanina. Muling bumalik ang tingin sa akin saka nangunot.

"Gusto mong magtinda ng isda?" tanong nito na sabay naming tinawanan.

"Why not? New experience," sagot ko saka ito humigop ng kape.

"Hmm, kung gusto mong umuwi pabalik sa inyo, sabihin mo lang sa akin, ihahatid kita," seryosong saad nito at saka ngumiti sa akin.

Alerto akong umiling at saka hinimas ang hita niya. "Babalik lang ako, kapag tinanggap ka na nila," bulong ko at bahagya siyang napapikit.

Natatawang inalis ko ang kamay sa hita niya at mabilis nitong inilagay ang bag sa mismong hita nito. Nailing na lang ako kasabay nang pamumula niya. Ilang minuto rin matapos naming kumain ay bumyahe ulit kami. May mga sasakyan naman dito at maayos ang kalsada, may ilang mga naglalakad na mukhang nga trabahador dahil base sa una naming nadaanan, may ginagawang pabrika roon. Napansin ko ang mga bundok allsa dulong bahagi, sobrang liit nito kaya siguradong sobrang layo nito sa amin. Sa dalawang magkabilaan ay mga bukid na. May mga bahay na nakatayo at sobrang kaunti lang. Base na rin sa kuwento ni Fred, dumadayo pa ang mga taga-dulo para lang bumili ng mga pagkain dahil halos wala pa sa lima ang palengke rito. At sa lugar na pupuntahan namin ay kakaiba raw kung ikukumpara dito.

"May mga tao naman roon, medyo tabi-tabi ang bahay, hindi naman literal na kubo iyon, parang normal na bahay lang din sa syudad, sa pagkakatanda ko may kalakihan naman iyon, wala nga lang kama." Pangungurot nito sa kamay ko habang nasa sasakyan kami. "Pero okay doon, tahimik, masayahin ang mga tao, matatanda na siguro ang ilan doon dahil sobrang bata ko pa no'ng umalis kami. Sana lang nandoon pa 'yong susi kung saan nilalagay ni papa madalas iyon," dugtong nito, pero imbes na magsalita, hinalikan ko lang ito sa pisngi saka sumandal sa kaniyang balikat.

Literal na nasa malayo na kami. Hindi ko alam kung bakit kahit alam kong mahihirapan ako, sobrang saya naman, dahil hindi ko maramdaman ang bigat ng kalooban ko. Ito na ang bagong buhay ko. I don't want to be involved to my family again. I'm done with them, and it's enough.

Inalalayan na ako ni Fred na bumaba sa sasakyan at saka ito nagbayad, hindi na ako nakipagtalo sa kaniya dahil ako ang sumagot ng pamasahe kanina, siya naman ang ngayon. He don't want me to spend my money, but I don't care, hindi naman ako nagsasayang, para sa amin ito. Natigil ako dahil sa sinabi niya kanina, kakaiba nga. Sa bandang kanan ay puro puno lang ito ngunit may kalayuan nang kaunti, sa kaliwa naman ay may bukid at nga kalabaw. Too plain. Kung ililibot ang paningin ay parang hiwalay na lugar na ito. Nilakad na lang namin ang daanan dahil medyo malapit na rin naman kami. Sobrang ganda ng lugar na iyon dahil patag ang daan sa gitna, sa bawat gilid ay may mga bahay na ngunit medyo hiwa-hiwalay, walang tao sa kalsada maliban na lang sa mga babaeng abala sa pagsampay ng mga damit dahil sa init.

"Hanggang doon lang ang bahay, sa dulo niyan, tapos may mga bahay pa roon pero sobrang layo na." Pantuturo nito sa dulong bahagi at agad kaming natigilan.

Inilibot ni Fred ang paningin nito na nangunot pa, mukhang may hinahanap ito, napansin ko naman ang isang lalaki na napatingin sa akin at saka bahagyang ngumiti. May buhat itong makapal na tali at may damit na nakapalibot sa kaniyang ulo. Muli kong natitigan ang lalaki dahil sa pagtitig nito kay Fred. Dahan-dahan itinuro kaming dalawa saka ngumuso.

"S-Suarez? Anak ni Manong Ricardo tapos ni Manang Fresca?" malakas na sabi ng lalaking Nas harapan namin kaya napalingon si Fred dito.

Hindi ko maiwasang matawa dahil sa pagtitig nila sa isa't-isa, hindi ko alam kung sino ang unang kikibo pero agad na tumalikod si Fred saka ngumisi.

"Hindi ko kilala ang mga sinasabi mo," seryosong saad ni Fred pero mas lalo kaming nilapitan ng lalaki.

Ibinaba nito ang hawak niyang makapal na panali at saka kinuha nang marahas ang kaliwang kamay ni Fred. Sinipat ito hanggang sa manlaki ang kaniyang mga mata at dahan-dahang tumingin kay Fred.

"Hindi mo ako maloloko Fred! Ikaw si Fred? Diba? Ayan yong nunal mo, oh, akala mo wala akong palatandaan sa iyo? Ibang klase! Magkikita pa pala tayo kaibigan?" masayang anas ng lalaki na binuksan ang mga palad na animo'y yayakap kay Fred ngunit hindi ito tuminag.

Napakamot na lang ng ulo ang lalaki saka nagtatatakbo sa pang-limang bahay mula sa amin. Napatingin ako kay Fred na bahagyang ngumiti sa akin habang pinipisil ang aking kamay.

"Kababata ko iyon, pasensya na, madaldal talaga iyon," natatawang usal nito na biglang sumeryoso dahil sa pagdating nila, ang lalaki ay may hinihilang babaeng may katandaan na ngunit halatang malakas pa.

"Ano bang problema mong bata ka!"

"Inang! May bisita tayo, huwag kang magulo, ayon sila, oh! Fred! Anak ni Manong Ricardo at Manang Fresca! Teka lang, ah?" Kumakaway na sabi nito at doon lang natauhan ang babaeng hinihila niya.

Nanlaki ang mga mata nitong tinitigan si Fred nang makalapit na sila. Para akong nanonood ng pelikula na muling nagkita ang dalawang taong matagal na nagkawalay.

Pero mas nailing ako nang marinig ko ang boses ni Nikasha sa aking utak. Cringe. Goodness my sister!

"Nanang," panimula ni Fred ngunit agad itong nabigla dahil sa pagyakap sa kaniya ng tinatawag niyang nanang. "A-Ako po si Fred," dugtong nito saka tinapik nang mahina ang matanda.

"Alam namin," sagot ng lalaking nakanguso. Napatingin ito sa akin na bahagya akong kinawayan kaya ko ito nginitian.

"Ikaw talagang bata ka! Halika't pumunta na tayo sa bahay ng iyong ama, akala ko pa naman ay mabubulok na ang susi sa akin, sinabi ko pa naman na bago ako kunin ng Diyos, e, maibigay ko man lang sa iyo, ang susi, kay wala man aking tiwala rito sa kaibigan mo na burara—" natigil ito sa pagtingin sa akin.

Kumaway ako at saka marahang napayuko. "Good afternoon po," nakangiting usal ko ngunit tumitig lang ito sa akin mula ulo hanggang paa.

"At sino naman ang babaeng kutis porselanang ito?" Nakangiting tapik nito kay Fred.

Mas lalong hinigpitan ni Fred ang pagkakahawak sa akin saka ngumiti. "Asawa ko po, nanang," banayad na sabi nito na ikinainit ng aking pisngi.

Hindi ko alam kung bakit niya sinabi iyon, dinig ko ang pag-impit ng tili ng dalawa, dahilan para mapangiti ako, hindi ko kayang itago lalo na't sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kanila.

"Grabe, may papatol pala sa iyo, anak ni Ricardo?—"

"Conrado! Ikaw! Tulungan mo ng ang tatang mo! Hala't sabihin mo na nandito si—"

"Iyong anak ni Ricardo at Fresca, at ang asawa ng babaeng porselana? Sige inang," nakangiting sabi nito na mabilis na hinampas ni Fred at inilagan ng lalaki.

Sumunod na kami sa babaeng iyon na nanang na lang din daw ang itawag ko, pansin ko na karamihan sa mga nakatira sa bukid o sa tabi ng dagat ay pawang malalakas nag katawan kahit matanda na. Katulad ni Mang Lando na halos wala na kaming balita. Nahinto kami sa isang bahay na katabi lang din ng bahay na pinaglabasan nila nanang at ang kaibigan nitong si Conrado.

Totoo nga ang sinabi ni Fred, may kalakihan ito at sa magkabilang gilid ng bahay ay bakante lamang, at ang kasunod na ay abg bahay nila nanang na may bakante rin sa gilid. Gawa sa bato ang dingding na kulay tsokolate, inalalayan ako sa pagpasok at doon lang bumungad ang kaunting gamit. Mesang bilog at ang tatlong upuan na nasa gilid, sa gilid mismo ng pinto at naroon ang kusina sa dulong bahagi na parang iskinita ang itsura.

"Ito ang saka at naroon ang kusina, at dito naman, kung saan may pinto ay ang kwarto, at naroon na rin ang banyo," sabi ni nanang sa amin. "Maiiwan ko muna kayo rito, ano nga uli ang pangalan mo, ija?"

"Zerenika po, Zeren na lang po," magalang na tugon na tinanguan niya.

"Ako'y maghahanda ng pagkain muna, maiiwan ni muna kayo."

Nang maisara ang pinto ay parehas kaming nagkatinginan ni Fred, pinisil nito ang aking balikat saka hinalikan ang aking noo. "Okay lang ba sa'yo rito?" tanong nito na kinunotan ko.

"Of course! It's quite simple!"

Hinalikan nito ang aking ilong at umasang gano'n din ang gagawin niya sa akong labi ngunit tumawa lang ito, hinila ako papasok sa kabilang kwarto at doon bumungad ang isang malaking aparador. Bakante ang kwarto maliban sa isang banig at dalawang unan. Hindi ko maiwasang maalala ang buhay ni Fred noon sa Agustin.

"See? Hindi malambot ang mahihigaan natin di—"

"Nah, it's okay. Mukhang maluwag ang kwarto, and look!" Turo ko sa bintanang nakasara lang.

Agad na hinila ni Fred ang kahoy papunta sa gilid dahilan para makita ko ang magandang tanawin na nakita ko kanina sa kalsada. Ang mga puno na nakahilera at ang kabila non ay ang bukid kung saan natanaw ko ang mga kalabaw. Mahangin din kaya hindi ramdam ang init sa kwarto. Nang makarating si nanang ay pinagsaluhan namin ang pagkain na mukhang ngayon ko lang matitikman. Hindi rin nagtagal ay dumating si Conrado at ang ama nito na agad ding tinawag si Fred. Wala naman daw akong dapat na ikabahala sa lahat dahil may ilaw at tubig na raw kami, magbabayad na lang kami sa mismong namumuno sa kanila na pumupunta raw doon tuwing katapusan.

"Namatay kasi iyang si Ricardo noong pitong taong gulang pa lang si Fred, hanggang sa umalis sila ni Fresca at hindi na bumalik dito, mabuti na lang at ibinilin sa akin ni Ricardo ang bahay na ito kay Fred, kaya nga tuwang-tuwa ako nang bumalik ang iyong asawa rito. Saan ka nga ulit nakatira?" tanong nito sa akin habang pinagsasalihan ako ng sabaw ng buko.

"Sa syudad po," mabilis kong sagot na ikinatango niya.

"Sa Maynila? Ang layo pala at hindi nakapagtataka sa itsura mo, paano mo nakilala si Fred?"

"School mate ko po siya noong college. Then nagtrabaho po siya bilang engineer sa kumpanya ng tito ko," sagot ko na ikinatigil niya.

"Engineer? Sa kumpanya ng tito mo? Aba'y mabuti't nakapag-aral ang batang iyon, hmm, kung may kumpanya ang tito mo, ibig sabihin, nakaaangat ka sa buhay?" Mahina akong tumango saka uminom. "Kung gano'n, bakit ka sumama sa batanh iyon? At bakit kayo nandito? Umaasa akong maganda ang kapalaran ni Fred sa Maynila dahil ang sabi mo isa siyang engineer," pagtataka nito na ikinangiti ko nang kaunti.

Sino ba naman ang hindi magtataka, sobrang bilis ng mga pangyayari noon, sa isang iglap nawala lahat sa kaniya. Lisensya, pag-aari, ang kaniyang lola, trabaho at iba pa. I was about to answer her questions but they already here. Nakangiting lumapit sa akin si Fred at pumasok ang dalawang lalaki.

"Tang, si Zeren po, asawa ko. Ah, Ren, siya si Tatang Alo, asawa ni Nanang Sita," pagpapakilala nito sa akin na kinawayan ko.

"Ako Fred? Pakilala mo ako," singit ni Conrado na inirapan ng kaniyang ina na nasa tabi ko.

"Kilala ka na," sagot ni Fred na tinawanan ko nang mahina.

"Mabuti naman at naisipan mong umuwi rito, ang iba mukhang wala ng balak na bumalik dahil umalis na rin, iyong iba na nakatira dito nandito pa rin naman. At isa pa ija, masasanay ka rin dito, maraming tao rito kapag buwan ng tag-ulan lalo na ngayon, pero tuwing umaga sila naglalagi riyan, sa hapon naman ay nasa bukid sila o depende sa trabaho, kapag gabi, maaga kaming nagpapahinga. Mababait ang mga tao rito, kilala iyang si Fred kaya wala lang dapat na ipag-alala," mahabang paliwanag nito.

Nauwi kami sa kuwentuhan at tawanan, muli nilang ikinuwento ang nga nangyari noong bata pa sila. Roon ko lang din nakita ang tawa ni Fred at ang magandang ngiti nito. Natapos ang usapan namin dahil kailangan na nilang maghanda ng hapunan, naiwan kami ni Fred na nag-ayos ng mga gamit at dahil malapit nang magdilim, binuksan na nila nanang ang ilaw sa labas. Matapos naming kumain ay nag-asikaso na kami ng aming sarili. Walang ingay na naririnig kundi ang kuliglig lang.

Dahil sa sobrang pagod at haba nang byahe ay mabilis kaming nakatulog ni Fred sa isang kwarto at sa banig, tanging manipis na kumot at ang yakap lang ni Fred ang nagpatanggal sa aking ginaw.

Kinabukasan ay nagising na lang ako dahil sa mahinang pagtapik sa aking balikat. Paulit-ulit ito hanggang sa titigan ko ito. Nakangiting Fred ang bumungad sa akin at kapansin-pansin na iba na ang kaniyang damit.

"Good morning, almusal na," bulong nito saka ako hinalikan sa pisngi.

"Okay, I'll follow," inaantok kong sagot aaka niya ako iniwan.

Kung hindi pa ako napalingon sa paanan ko ay hindi ko mapapansin ang maraming paper bag, nagmadali akong tingnan iyon at doon ko lang nakita ang iba't-ibang mga damit, napamaang pa ako dahil sa damit panloob doon na halos ka-size ko pa.

"F-Fred?" tawag ko.

"Hmm?" sagot nitong binuksan ang pinto.

Agad kong tinuro ang nasa lapag saka siya ngumiti at yumakap sa akin sa likuran. "Binili ko, iniwan ulit kita pero bumalik ako," pangunguna nito sa akin saka nagtama ang paningin namin at pinaulanan ako ng halik.

"Wala naman tayong masyadong damit, lalo ka na, babae ka, marami ka dapat damit kaysa sa akin, bumili na rin kami ng mga kailangan dito sa bahay, para naman hindi na pumunta sa malayo. Mamaya pala, ilalagay na namin yong kama rito—"

"What?! The hell Fred?" Humarap ako rito ngunit siya ay nakayakap pa rin sa akin.

"Bakit? Malalamigan ang likuran natin, edi magkakasakit tayo. Bumili na rin kami ng makapal na kumot, at higaan, mura lang naman ang benta roon sa bayan dahil walang masyadong bumibili. Alam mo na, para maubos ang tinda nila kaya mababa ang presyo." Humalik ito sa aking labi ngunit sandali lang iyon bago lumayo sa akin.

"I love you."

Natatangang pumunta na lang ako ng banyo.oara makapag-ayos, hindi ko na muna inayos ang mga gamit para masabayan si Fred sa umagahan. Kaunti lang ang gamit sa sala at may ilang mga bagong gamit doon. Pansin ko ang sinangag na kanin at dalawang itlog, mayroong kamatis at ang isda na prito... I don't know exactly what it that.

"Kumakain ka ba ng tuyo?" panimula ni Fred na kinunotan ko.

"What is tuyo?"

Ngumisi ito. "Maaalat ang mga isdang iyan, pinapatuyo sila sa mainit na araw at binababaran ng asin. Puwede mo siyang isawsaw sa suka o kaya isabay dito sa kamatis. Walang bacon dito Zeren, pinapaalala ko lang," natatawang anas nito na inirapan ko.

"Hindi ako palakain ng gano'n okay? Well, let see. Baka magustuhan ko," natatakam kong saad saka sinimulang kumain.

Pansin ko ang pagkamay ni Fred at bahagyang sinisilip kung paano ako kumain ng sinasabi niyang tuyo, naiiling na tinulungan ako nitong hintayin iyon at halos maubos ko na ang tuyo dahil sa sobrang sarap, tama lang ang alat at sasamahan pa ng maasim. Goodnes! Bakit ngayon ko lang nakain ito?

Matapos naming kumain ay ako na ang naghugas ng plato, rinig ko ang mga batang naghahabulan at nagtatawanan pa. Naninibago pa rin ako dahil sa bagong itsura ng tirahan namin, mukhang okay naman ang mga tao rito at kailangan ko na lang makisama.

"Ren?" tawag nito sa akin saka yumakap mula sa aking likuran.

"Hmm?"

"Bukas, sasama ako kina Tatang Alo, magtatrabaho na agad ako bukas," mahinang anas nito habang dinadampian ang aking balikat.

Akma akong napatigil ngunit nagpatuloy ulit. "What kind of work?"

"Naghahanap sila ng construction worker, matrabaho raw pero malaki ang kita, umaga hanggang hapon iyon, okay lang ba?" Panghihimas nito sa akong braso at panay halik sa aking tenga.

Hindi pa naman ako masyadong mapakali sa tuwing malayo sa akin si Fred, masiyadong delikado at kung minsan ay halos sumabog na ang utak ko kakaisip kung anong nangyayari sa kaniya.

"Okay lang naman. Hindi naman kita puwedeng pigilan, basta uuwi ka rito, okay? Hindi pa ako masiyadong sanay dito e," sagot ko na pinunasan na ang aking kamay saka siya hinarap. "Tapos ako, susubukan kong humanap ng trabaho rito," bulong ko na kinunotan niya.

"Saan naman? Ipapasuyo na lang kita kay Nanang para hindi ka maburyo, marami ring alam na trabaho si Nanang na puwede mong gawin kahit sa loob lang ng bahay. Sa ngayon, mag-ayos na lang muna tayo ng mga gamit tapos magpahinga ulit." Pagpipindot nito sa aking ilong.

Agad akong napamaang nang maramdaman ko ang kamay nitong nasa loob na ng aking short. Fvck you Fred!

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.