Fred's Pov
Malayang nagdidikit ang kalangitan sa dagat kung tititigan sa kalayuan, pero walang karapatan ang lupang mahawakan ang ulap, liban na lang kapag umulan, doon ko lang siya mararamdaman.
"So, you ready for tomorrow? Magkita na lang siguro tayo sa cruise ship by seven," mahinhing sabi sa akin ni Zeren na abala sa pagbabasa ng mga papel.
Ngumiti lang ako saka tumayo sa kaniya. "Sige. Baka mahuli rin ako, pero hahabol ako," sabi ko rito pero ngumiti lang siya.
Hindi ako puwedeng tumanggi sa mga iniuutos ng tito niya sa akin, malaking pera iyon at naibenta ko na ang lahat ng ari-arian ko dahil sa mga utang ng aking ina noon, na ako ang pinagbabayad. Hindi ko magawang magreklamo at kailangan kong pagsabayin ang dalawang kumpanyang pinagtatrabahuan ko. Mas pinili ko nga lang ang alok ni Sir Ficarro kaya binitawan ko ang site at hindi ko alam kung kailan ma-tu-turn over iyon sa isang engineer na pumalit sa akin.
"Lola?" tawag ko sa babaeng hindi pa rin nagigising. Ngumiti na lang ako saka hinimas ang pisngi nitong kulubot na dahil sa katandaan. Wala akong ibang marinig kundi ang mga machine na nasa tabi niya. "Aalis po ako ng tatlong araw, dagdag na rin po iyon sa gastusin dito sa hospital, babalik po ako, kailangan lang namin mapapayag si Ms. Aiva, tapos ilalabas na po kita rito. Naibenta ko na rin po pala 'yong bahay na tinutuluyan natin, lola, kaya humanap ako ng mauupahan natin, baka ipasuyo na lang po kita kay Lou," pagkukwento ko sa kaniya saka hinalikan ang ulo ng aking lola.
Kinabukasan ay nagmadali akong kumilos, nahuli nga lang ako dahil kailangan ko pang hintayin si Lou na matapos sa site niya. Bumungad pa sa akin ang mga tauhan ng kliyente namin para ipaalala ang mangyayari bukas. Katabi ko lang ng kwarto si Zeren kaya mabilis ko lang siyang nakaakusap. Noong araw na iyon din ay napapayag na namin ang kliyente at malayo nga lang sa presyo na napag-usapan, mas malaki ang palitan ng pera kaya hindi na ako nagsalita, dahil nandito lang naman ako para samahan ang pamangkin ng amo ko.
"I'm sorry, hindi ako masiyadong umiinom," pagtanggi ko sa isang lalaking kasama ni Ms. Aiva pero nagpumilit ito. Wala akong nagawa kundi inumin iyon dahil parte ito ng negosyo. Hangga't maaari kailangan kong makisama sa kanila.
Kahit na nakakaramdam na ako ng hilo ay nagawa kong tingnan si Zeren na kasayawan si Sevein sa gitna, umiwas din ako dahil parang may hindi tama. Kailangan ko pang ipaalala sa utak ko na nandito ako para sa trabaho hindi para sa kaniya. Lumipas ang ilang minuto na nagpaalam na ako, sobrang init na ng aking katawan at hindi ko na malinaw na makita ang daan, kung hindi ko pa tititigan ay hindi ako makakarating sa mismong kwarto ko. Inalis ko agad ang saplot sa aking pang-itaas dahil sa sobrang init, pero bago pa ako makarating sa kama ay may kumatok. Pinilit kong buksan iyon pero may isang babaeng ngumiti sa akin, alam kong ngumiti siya, pero malabo ang itsura nito.
"S-Sev," bulong nito saka bumagsak sa aking dibdib. Hindi ko alam kung paanong inaalis niya ang suot ko sa ibaba habang hinahalikan siya. Wala akong ibang maramdaman kundi ang init ng aking katawan.
Nagmadali akong bumangon, nag-dadalawang isip kung ibababa ko ba ang kumot na nakatakip sa mukha ng katabi ko. Agad aking nagbihis at maghilamos ng mukha. Ano itong nagawa ko? Nagkalat ang damit niya sa sahig pati ang pang-ibaba niya. Literal akong mamutla nang makita ko ang babaeng iyon na umiiyak, dinuduro ako na kasalan ko ang mga nangyari at hindi ko alam kung paanong magpaliwanag sa nangyaring wala akong maalala.
Puwede na siya akong kasuhan ng rape... pero paano ang lola ko?
"Huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin, w-wala kang sasabihin sa kahit na sino, kahit kay t-tito. Kalimutan mo na ang lahat ng 'to. U-Umalis ka na sa pag-ta-trabaho mo kay tito, layuan mo na kami," galit na sigaw nito na halos hindi ko na siya makilala.
Isang malakas na pagsarado ng pinto lang ang narinig ko bago ako matauhan na wala na akong trabaho, nanginginig ang mga tuhod ko at alam kong sobrang laki ng kasalanang nagawa ko. Pero bago ko pa man ding kausapin muli si Zeren, ay nakatanggap na ako ng isang mensahe na halos sumira sa buhay ko.
Lou:
Tol, anong oras ka lalapag? Ang lola mo kasi. Kailangan ka rito, pumunta ka na lang, bilisan mo ah. Nandito kami nila Maru.
Blangko ang utak kong pumunta sa hospital kung saan ko iniwan si lola, nakangiting sinalubong ko ang malamig na bangkay ng lola ko na nakabalot na sa puting kumot. Bakit ngayon pa?
"L-Lola? Gising na po, nandito na ako, uuwi na po tayo," pagpapakalma ko sa aking sarili.
Walang sumasagot, nakakatawa lang dahil unang tawag ko pa lang ay naririnig ko agad ang boses niya. Pero ngayon, boses lang nila Lou, at Maru ang nangingibabaw sa kwartong iyon. Paulit-ulit na sinasabing wala na si lola, alam ko naman na wala na siya, umaasa lang ako na baka sakaling ngitian ako ni lola sa huling pagkakataon.
Wala na akong kasama sa buhay. Wala nang sasalubong sa akin pag-uwi ng bahay, wala na akong kasabay kumain. Wala na yong taong naging dahilan kung bakit ako nagtatrabaho.
Sobrang bilis lang nang pagpapalibing kay lola. Walang nakaalam, halos lahat ng problema ay binagsak sa akin, muntikan pa akong makulong dahil sa pagguho ng site na ako mismo ang pumirma. Binawi ang aking lisensya at halos pagtabuyan ako sa kumpanya na tinitingala ko lang noong bata pa ako.
"May problema ba, Suarez?" seryosong tanong ni Sir Ficarro ngunit pinilit kong ngumiti.
"Pasensya na po talaga Sir. Gusto ko lang po talagang magpahinga muna at ayokong madamay ang trabaho. Aalis na po ako, salamat po."
Hindi ko na inantay ang pagpirma niya sa resignation letter ko. Umalis na lang agad ako at mas mabuti na iyon kaysa ako ang kaladkarin palabas sa kumpanya nila gaya ng ginawa sa akin sa kabila. Siguro, ito ang kabayaran sa mga kasalanang nagawa ko sa pamangkin niya, kay Zeren. Pero bakit parang sobra naman? Gano'n ba sila kataas at para halos sumpain na ako? Halos mawala na ang lahat sa akin.
Sa Agustin ko na nahanap ang gusto kong buhay, tahimik, at malayo sa Maynila. Kung noon ay isa akong engineer na kailangang masunod, ako na ang sumusunod ngayon, mahabang oras na nakatayo sa ilalim ng sikat ng araw at kailangang maghukay hanggang sa matapos ang araw. Halos isang taon na ako rito sa Agustin na pinagmulan ng nanay ko na hindi mo na nakita mula nang mamatay si papa.
"Fred! Hindi ka pa ba kakain? Magkasakit ka niyan, sige ka, wala pa namang mag-aalaga sa iyo, ayaw mo namang asawahin ang anak ko," sabi ni Mang Kanor na walang ibang ginawa kundi ang ilapit sa akin ang dalaga niyang anak.
"Hindi na po. Busog pa po ako," sagot ko saka bumalik sa pag-ta-trabaho.
Wala akong balak magkaroon ng pamilya, hindi ko alam kung paanong maging ama o magulang na hindi ko man naramdaman sa magulang ko, baka ikahiya pa ako ng magiging anak at asawa ko dahil sa narating ko. Akala ko nalang nakapagtapos na ng pag-aaral gagaan na ang buhay ko, pero mali, mapaglaro silang lahat. Kinuha nila ang lahat.
Halos hindi ako makatulog mula nang makita ko ang babaeng isa sa dahilan kung bakit ko kinalimutan ang Maynila, hindi ko alam kung kinokonsensya ako o talagang kailangan kong pagsisisihan ang mga nangyari noon.
"Aww!"
Agad akong napatingin sa likuran ko dahil sa aking nabangga, pinilot ko agad ang mga nahulog pero huli na dahil sa babaeng nakasangga ko. Walang pinagbago ang itsura niya, malayong-malayo ang babaeng nakikita ko ngayon sa babaeng nakita ko sa barko. Napatitig ako sa babaeng nakatitig din sa akin. Mukhang hindi niya ako nakikilala. Mabuti na rin iyon.
"May dugo ang daliri mo sa paa," wala sa sariling sabi ko na lumaki pa ang mata niya.
"W-Wala po ito. Salamat po ulit." Ngumiti lang siya at tumalikod na sa akin, hindi ko magawang alisin ang mata sa kaniya at may kung ano na naman akong naramdaman na matagal na panahon ko nang tinatago na kahit sa mga kaibigan ko ay hindi ko masabi. Napahinto ito at saka agad na humarap sa akin kaya ako kinabahan, akma na sana akong tatalikod nang marinig ko siya.
"Hmm, sandali lang po. May itatanong lang po sana ako, kung okay lang?"
"Ano yon?" sagot ko agad.
"A-Ah, saan po ba rito yong daan pabalik sa pampang? Hindi ko po kasi matandaan kung saan ako dumaan kanina," nahihiyang tanong nito na mukhang nanliligaw nga siya.
Bakit ba siya pumupunta rito na hindi naman niya alam ang daan?
"Diretsuhin mo lang iyon, tapos kanan. May makikita kang maraming puno na magkaaksunod, sa dulo no'n, matatanaw mo na yong pampang," pagpapaliwanag ko rito na hindi magawang alisin ang tingin sa kaniya.
"S-Sige po. Maraming salamat po," sabi nito saka ako tinalikuran.
Bumili na ako ng pakay ko sa palengke at saka binilisan ang lakad, nang tuluyan ko siyang matanaw ay kitang-kita ko ang pa-ika-ikang lakad nito at lumilingon sa kanan at kaliwa na parang natatakot sa mga lalaking nalalagpasan niya. Naupo ito sa gilid at saka tiningnan ang sugat niya nang humangin ng malakas. Sinulit ko na ang pagkakataon at umiwas ng tingin sa kaniya saka dire-diretsong naglakad. Hindi ko na siya nilingon, hangga't maaari ay ayokong makita niya ako.
Lumipas ang ilang araw na hindi ako masiyadong makapagtrabaho ng maaayos dahil nalaman na niya na nandito ako, pinilit kong maging normal pero takot at pangamba ang nararamdman ko mula noong humihingi siya ng tawad sa akin, gusto kong magalit sa kaniya pero wala akong karapatan dahil kasalanan ko, babae siya, hindi ko kayang manakit ng babae, pero natagpuan ko na lang ang sarili kong hatak-hatak ang braso niya habang nilalandas ang pampang at ang lakas ng ulan.
"Bakit ka ba nandito?" inis na sabi ko saka binitawan ang braso niya.
"Fred, baka puwede tayong mag-usa—"
"Umalis ka na rito, hindi mo ba alam na may bagyo ngayon? Hindi ka dapat nanggugulo rito! Umalis ka na dahil ayoko ng istorbo."
Agad kong inalis ang pagkakatali ng bangka niya at itinulak iyon sa pampang, sobrang dilim na ng paligid at ang nakakabinging hampas ng alon. Iniwan ko na siya at muling bumalik sa kubo, hindi ko alam kung paanong mabilis niya akong nasundan dahil sa pagsisigaw niya sa labas ng bahay.
"Ano bang problema mo!"
Sa unang pagkakataon, sinuway ko ang lola ko. Binulyawan ko ang babaeng kaharap ko.
"P-Patawarin mo ako Fred. I-I'm really sorry for what I did to you, h-Hindi ko alam ang mga nangyari noon. S-Sorry, Fred, h-hindi kita pinakinggan..." umiiyak niyang sabi.
Kusang lumitaw ang galit sa akin at ang malakas na pagtulak ko sa kaniya no'ng lumapit siya dahilan para madapa ito. Wala akong ginawa kundi ang lumayo sa kanila para hindi na magulo ang buhay namin, pero ano itong ginagawa niya? Nagagawa niyang lumuhod sa harapan ko? At humingi ng tawad na ako ang sinisisi niya noon.
"Hindi ko hinihingi ang sorry mo! Maibabalik ba niyan ang buhay ng lola ko? Ha?! Namatay ang lola dahil sa 'yo! Nagkanda-malas-malas ang buhay ko nang dahil sa 'yo! Ito naman yong gusto mo diba? Ang mawala lahat sa akin! Ikaw! Ikaw ang may dahilan bakit ganito! Lumayo na ako Zeren, kung puwede lang sana na umalis ka na rito at huwag pakilaman ang buhay ko! Katiting na lang ang respetong makukuha mo sa akin dahil minsan akong tinulungan ng tito mo. Parang-awa mo na, umalis ka na rito! Alis!"
Hindi ko siya kayang tingnan, galit na galit ako sa mga nangyari noon na pinilit kong ilagay sa utak ko na kasalanan ko lahat, kung ito lang ang paraan para tuluyan siyang magalit sa akin, gagawin ko ang lahat para itaboy siya, paulit-ulit siyang paalisin para lang makalayo siya. Ilang minuto pa ang nagtagal ay hindi ko na narinig ang boses niya, pero imbes na matuwa ay tuluyan akong natakot dahil sa maraming puwedeng mangyari dahil sa sobrang lakas ng ulan ngayon. Wala sa sariling sumunod ako at pumunta sa pampang pero huli na, nakita ko na lang ang malakas at mataas na paghampas sa kaniya ng alon dahilan para tumaob ang bangkang iyon.
"Zeren!"
Tumama ang ulo niya sa bato at ang bangka ay nakadagan sa kaniyang katawan.
Suwerte nga bang matatawang na wala siyang maalala? Ang huling naaalala niya lamang ay ang panahong inutusan siya ng tito niya na pumunta sa Agustin, at ang balak niyang paghingi ng tawad sa akin noong nasa Maynila siya, base sa kuwento ni Jairo sa akin. Hindi niya naaalala ang mga pananakit ko sa kaniya at ang pantataboy ko. Sinabi ko iyon kay Jairo at kitang-kita ko kung paano siya nainis sa akin, pero siya na mismo ang nagsabing huwag na sabihin iyon kay Zeren.
Bilang kapalit, gusto ko siyang alaagan, makabawi man lang. Pero nag-aalangan si Jairo sa akin, pero wala akong magawa dahil si Zeren na ang kusang lumalapit sa akin, siya na ang nauunang makipag-usap at walang ibang ginawa kundi ang humingi ng tawad sa nangyari sa cruise ship na siya raw ang may kasalanan. Mabait siya, sinasabi niya lang iyon para hindi siya makunsensya, kilala ko si Zeren, bihira lang siyang magalit pero hindi niya ugaling magtanim ng sama ng loob.
"Bakit ba gustong-gusto mo na halikan kita? May gusto ka ba sa akin?" lakas-loob kong tanong sa babaeng lasing na nasa harapan ko.
Lagi na lang niya ako pinagdidiskitahan at hindi ko alam kung nang-aasar lang ba siya. Titig na titig lang siya sa akin bago ko makita ang pagtango niya.
"I don't know. But I always want you to be my side," sagot nito.
Paanong hindi niya maintindihan? Sarili niyang nararamdaman hindi niya alam?
"Edi may gusto ka nga sa akin? Kaya ba namumula lagi pisngi mo? Puwede ka namang umamin sa akin at hindi ako pilitin na halikan ka—"
"Because no one dare to kiss me. I don't have any boyfriend, they're kiss me but only in my forehead. I want on this one." Turo niya sa labi niyang kulay rosas. "I'm not good at kissing so I have to try it with you, so if ever I have a boyfriend, he'll never leave me just because I didn't know how to kiss."
Sa sagot niyang iyon ay mas lalo akong namangha sa kaniya, nagsasabi nga ng totoo ang mga lasing, pero hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa kaniya. Inalalayan ko agad ang kaniyang bewang dahil sa pagtumba nito nang kaunti.
"Nagpapraktis ka kung paano humalik para hindi ka iwanan ng magiging boyfriend mo? At talagang sa akin pa?"
"Exactly! Very good! So now kiss me, so that I'll go to sleep."
Napakagat na lang ako ng aking labi, at halos marinig ko ang pagkalabog ng puso ko. Mahal ko na ba ito? Alam ko naman na may gusto na ako sa kaniya noon pa at si Nikasha lang ang dinadahilan ko dahil alam kong balewala lang iyon sa kapatid niya, pero iba na ang ngayon.
"Then you will stop after this?" seryosong tanong ko kaya siya napangiti. Antok na antok na ito dahil sa pagpikit niya ng ilang beses.
Gusto ko siyang halikan, pero ayokong samantalahin ang pagiging lasing niya. Masama raw iyon sabi ni lola. Na kahit lalaki raw ako ay kailangan kong humingi ng permiso sa babae.
"Sleep," bulong ko matapos halikan ang kaniyang noo.
At doon ko mas lalong napatunayan, na talagang isang malaking kasalanan ang nagawa ko.
Lumipas ang maraming taon, sobrang daming nangyari. Mula nang sumama sa akin si Zeren pauwi sa probinsya ng papa ko at makapagsimula ng bagong buhay kasama siya. Hindi ko Alam kung dapat ba akong matuwa dahil mas pinili niya ako at iniwan ang ang marangyang buhay sa Maynila. Totoo nga ang sinabi ni Maru, nakakabaliw ang pag-ibig. Lalo na kung Ficarro ang makakabangga mo. Pakiramdam ko, nag-iba akong tao, ni hindi ko maipaliwanag kong bakit kailangan kong magtrabaho nang mabuti, hindi ko maramdaman ang pagod sa tuwing nakikita ang mag-ina ko, hindi ako binigo ng Diyos at tinupad ang isang kahilingan ko.
Ang magkaroon ng direksyon ang aking buhay. Si Zeren at ang anak namin.
Siguro, totoo talaga ang sinasabi ng mga matatanda, na kapag may nawala, may magandang kapalit, pero huwag kalimutan ang mga bagay na naunang nawala dahil iyon ang dahilan kung bakit mas naging kuntento na ako ngayon. Kung nandito lang si lola, matutuwa siya.
"Congratulations Mr. Suarez, unang pagkakataon na nangyari ito, tumaas lahat ng stocks at mas lalong trumiple ang laki ng kita, hindi ko alam kung mabuti bang umalis si Mr. Ficarro," natatawang sabi ng isa sa mga director sa kumpanya.
Natawa na lang ang tito ng asawa ko na tumingin sa akin at saka tumango. Hindi ko alam kung anong meron sa akin at gano'n sila magtiwala, kaya wala akong ibang ginawa kundi ang pagbutihin ang trabaho at higitan ang mga ginawa nila Zeren noon. Masaya sa trabaho, pero wala nang sasaya pa kapag umuuwi ako ng bahay dahil sa sumasalubong sa akin.
"Looks great, hindi ko alam ang ginawa mo para mapataas lalo iyon, we all know na muntikan nang ipasara ang kumpanyang ito mula nang umalis si Zeren," ngising sabi sa akin ni Zaffiro na prenteng nakasandal sa sofa.
"Ewan, hindi ko rin alam. Si Zeren ang na-iistress sa akin kapag may tintanong ako, magaling lang siguro akong sumunod," natatawang sagot ko na sinabayan nila.
"Paano ba yan? Ready ka na? Tangina ka, sabi mo noon ayaw mo mag-asawa, ginamit mo pa si Nikasha pero kay Zeren nakatingin." Panlalaki ng mata sa akin ni Lucas na halos lahat ng sikreto ko ay alam niya.
"Ritwal talaga siguro sa mansyon iyan ano? Iyong kailangan muna ng anak bago ikasal, grabe, kinakabahan ako," sabi ni Martin na literal na umingay sa buong kwarto.
Sobrang taas ng mga taong kasama ko, galing sa mga pamilyang talagang malulula ka dahil sa pinagmulan nila, na bata pa lang ay may patutunguhan na. Hindi gaya ko na mahirap noon ay kailangan ko pang magtrabaho habang nag-aaral at hindi isipin ang pagkakaroon ng pamilya para lang makatapos. Pero ngayon, halos kapantay ko na sila. Alam ko man kung ano ang totoong buhay nila noon at kung ano sila noon, hindi ko sila tinuring na iba. Dahil ako na malayo sa estado ng buhay nila ay tinanggap nila ng buong-buo.
Dumating ang araw na pinakahihintay ko. Napag-usapan namin na ayusin muna ang lahat bago gawin ang seremonyang pinag-uusapan lang namin noon. Maraming mga tao ang nasa magkabilang gilid na halos hindi ko na pagtuunan nang pansin dahil ang paningin ko ay napako lang sa isang babaeng titig na titig sa akin, babaeng tumanggap sa akin at ang babeng paulit-ulit kong mamahalin.
Hindi ko alam kung nananadya ba si Martin sa pagkanta niya dahil mas binagalan niya iyon, mas pinaintindi ang bawat liriko. Ang lahat ay saksi sa kung paano makarating si Zeren sa aking harapan. Nakangiti lamang akong tinititigan si tito na mahigpit na hawak ang kamay ni Zeren, ang pinakamasayang parte ng mga babae, ang ihatid sila sa taong pakakasalan nila.
"Fred, ito na lang ang huling alas na mayroon akong, ibibigay sa iyo..." salitang binitawan ni tito bago ko tuluyang mapasakamay ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang ngumiti nang ngumiti.
Habang ako, pinipigilang maluha lalo na't nakatingin sa amin ang anak namin.
Buong seremonya lang akong tulala at hindi makapaniwalang nasa daliri na namin ang singsing na mas lalong pagtitibayin kami kahit na mauna itong kumupas. Ang mata ko ay nasa kaniya lang, sa isang babaeng diyos na mismo ang nagbigay.
"Pasensya na, hindi maulan," sabi ko na tinawanan ng mga tao sa simbahan. "Habang buhay kong tatanawing utang na loob sa diyos ang babaeng binigay niya sa akin nang walang pag-aalinlangan, araw-araw akong magpapasalamat dahil binigyan mo ako ng tamang direksyon sa buhay."
Ayoko siyang umiyak, pero sa pagkakataong ito, gusto ko ang nakikita ko, ang babaeng umiiyak dahil sa sobrang saya dahil sa wakas, asawa ko na siya.
Sa mismong mata ng diyos, sa akin na ang isang Zerenika.
Kung kasalanang mahalin ang gaya niya, paniguradong hindi na ako patatawarin ng Diyos.