Chapter 60

Nang maging abala na si Ara sa panonood ay saka lamang kami nakapag-usap ni Fred, nasa kama lang kaming dalawa habang nakaharap sa anak namin. Mawala ang ngiti niya pero habang tumatagal ay unti-unti itong nawala at naging seryoso, kinabahan ako dahil baka problema na naman iyon.

"You okay? Goodnes, I'm so nervous!" mahinang asik ko dahil kanina pa siya hindi nagsasalita, hanggang sa ibigay niya sa akin ang mga papel.

Retirement. Pinirmahan ni tito. Ipinasa kay...

"Oh my god!" bulong ko habang binabasa iyon.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kakabahan dahil sa mga nakasulat dito, sobrang daming papel, pero pakiramdam ko ay natapos ko iyon ng sampung minuto.

Makailang beses kong tinitigan si Fred at ang papel pero wala akong nagawa kundi ang harapin siya. "Ito ba ang pinag-usapan ninyo?" tanong ko na tumango siya nang mabagal.

"Okay, so let me clarify these things. Nag-retire na si tito? At ikaw ang balak niyang pumalit? Ipapakilala ka by next month at wala ng dapat problemahin dahil pumayag ang ibang director, board of the members and... and all? Puwede mo pang makuha ang lisensya mo as an engineer dahil napatunayang wala kang kasalanan, matagal ka nilang hinanap para ibalik iyon pero nasa Agustin ka na noon? And... w-wow, isa sa anak natin o sa anak nila Nikasha puwedeng isalin ang puwesto?" paglilinaw ko sa lahat na walang sawa naman siyang tumatango.

Kung puwede ko lang ibigay sa anak ni Nikasha ang susunod puwesto ay wala akong magagawa kung umayaw siya, since ayaw niya talagang ma-involve sa ganito.

"Pumayag ka na?" tanong ko na tinawanan niya.

"May pirma na ako, malamang pumayag na ako, sasamahan mo naman ako diba?" tanong nito sa akin saka ako inakbayan at nakatingin sa anak namin.

"Of course! I'm your back up! Kaya mo yan, nandiyan sila Zaffiro, Von, at Sevein kung kailangan mo ng ibang tips, sila tito, they will guide you naman, hindi ibibigay sa iyo ni tito iyan kung wala siyang tiwala sa iyo, engineer ka, malaki ang advantage sa negosyo yon lalo na kung lupa ang usapan, I'll guide you okay?" pagpapakalma ko dahil sa kaba nito.

"Sinabi rin ng tito mo na puwede tayong tumuloy ulit sa bahay mo, sinabi niya na huwag na akong magpagawa ng bahay para atin dahil marami namang property na puwede nating magamit."

"Yep! Huwag ka nang gumawa ng bahay okay? Let's stay at my house. No need na mag-provide ka ng bahay kung meron naman ako. Ahm, gusto mo bang puntahan natin ngayon? Ayusin natin?" tanong ko sa kaniya pero binigyan niya ako ng tingin na nagtataka at iba ang iniisip.

I got his eyes!

"Paano ang anak mo?" tanong nito.

"Iwanan muna natin dito, hayaan natin siyang makipaglaro sa mga pinsan niya. Mas okay na rin na maging close niya lahat dito," sabi ko rito kaya nag-asikaso agad kami ng aming sarili.

Mabuti na lang at nakumbinsi namin agad si Ara na maiiwan siya rito pero mukhang mamimilit pa. Nilinis na muna namin ang kwarto bago bumaba roon at saka bumungad ang iba sa amin. Sinalubong ni Veron si Ara na hindi ko alam kung bakit gano'n agad silang ka-close.

"Baka hindi na kayo umuwi?" tanong ni Nikasha sa amin sa main door na tinawanan ni Fred.

"O kaya bukas na lang kayo umuwi, kapatid, take your time lang. Ako ng bahala sa anak mo," singit ni Veron na halos maduling ako dahil sa magkadikit pa sila ni Nikasha.

"Okay fine," sagot ko.

"Anong fine? Uuwi ka?"

"Bukas na kami uuwi," ngiting sabi ko na kinindatan ni Veron at tumili pa nang kaunti. Mabuti na lang at pina-una ko na si Fred.

"Malandi ang gaga, kita mo 'tong kapatid natin, kunwari inosente," pang-aasar ni Veron sa akin na nginisian lang ni Nikasha.

"Tumawag ka mamaya para maka-usap ka ng anak mo, para naman hindi umiyak, kami na lang magsasabi na hindi kayo makakauwi," sabi ni Nikasha saka ko ito hinalikan sa pisngi.

"Kapatid, galingan mo, ah? Ikaw sa ibabaw tangeks, walang Ficarro na hindi inuurungan ang espada, sinasagad dapat," sabi nito saka tumawa nang malakas na ikinangiwi ni Nikasha. "Huwag kang mandiri Nikasha, aking kapatid, parang hindi ka umibabaw kay, Maru, ah!"

"Fvck you!"

Iniwan ko na silang nagsasagutan doon at halos hindi ko kayanin ang mga sinasabi ni Veron sa akin. Sanay naman na ako pero akala ko ay nagbago na siya, the hell! Hindi ko alam kung anong ginagawa ng asawa niya sa kaniya para magkaganoon siya.

"Anong nangyari?" tanong ni Fred sa akin nang magsimula na akong magmaneho, wala naman siyang lisensya kaya ako na lang.

"Wala naman. Diretso tayo sa bahay?" tanong ko saka siya tumango.

Tahimik lang kaming nasa kotse dahil hindi pa rin kami makapaniwala dahil sa mga binigay na papeles, nakakapagtaka lang din dahil maayos naman ang bahay ko no'ng iwan ko iyon. Dapat na rin sigurong ayusin ang kwarto dahil doon na namin patutulugin si Ara kapag nag-aral na siya. Pagdating namin sa mismong bahay ay wala pa ring pinagbago, gano'n na pa rin ang puwesto ng mga gamit ko at malinis na nga lang ang refrigerator nang tingnan ko, mukang nilinis nga nila ito.

"Wala na tayong aayusin dito, e, how about the two bedrooms? Sa kwarto ni Ara," sabi ko saka pumunta sa kwartong tinutuluyan ni Fred noon.

Natawa pa ako dahil nandoon pa ang mga gamit niya na binili namin, sakto lang ang laki ng kwarto at mukhang bagay ito kay Ara, baka palitan ko na lang ang designs dito dahil alam kong hindi iyon masasanay. Malaking adjustment ang ginawa niya kagabi dahil nasa mansyon siya. Hindi siya sanay sa sofa dahil daw para siyang lulubog, bagagandahan din daw siya pero natatakot siya g hawakan ang mga bagay doon dahil baka masira.

Sinabi ko naman kay Ara kung anong klaseng buhay ang meron ako rito bago sumama sa kaniyang ama, pero hindi ko alam kung naintindihan ba niya.

Napansin ko si Fred na pumasok sa kwarto at saka ako tinulungan sa mga damit niyang inalis namin sa cabinet. Hindi ko talaga alam kung bakit natutukso aking gawin ang bagay na sinasabi ni Veron sa akin, safe naman ako ngayon kung sakali pero baka hindi pumayag si Fred, ayoko rin naman siyang pilitin, mas maganda pa rin na gusto naming pareho.

"Nakatitig ka na naman sa akin," ngising sabi nito kaya bumalik ako sa ginagawa mo pero wala na ang mga damit doon.

"Want?" tanong niya kaya ako napakagat ng labi.

Alam ba niya ang iniisip ko?

"Okay lang ba?"

"Ikaw si Zeren, e, bakit ako tatangi?"

Walang salitang hinalikan ko agad siya. Pinuntirya ko agad ang sinuturon nito na mabilis kong hinagis ngunit mas mabilis na nawala ang aking saplot. Habang tumatagal ay mas lalo kaming napapaurong dahilan para mapa-upo si Fred sa kama, he threw his boxer before I could see his length, saluted at me.

Marahan akong sumampang sa kama at saka naupo sa kaniya. Nakaupo lang siya habang ang mga kamay niya ay nakalubog sa kama para hindi siya matumba, habang ako ay patuloy lang sa aking ginagawa.

Walang ibang ginawa si Fred kundi ang ibulong ang pangalan ko bang paulit-ulit, ni hindi ko siya narinig magmura at mas lalong hindi niya magawang tumingin sa akin. Hingal na hingal na umalis ako sa kaniyang ibabaw at nakahiga na lang, ang mga sumunod na nangyari ay ang hindi mabilang na ginawa namin iyon sa iba't-ibang sulok ng bahay, muntik pa naming masira ang mesa, mabuti na lang at naibaba ako ni Fred doon. Halos buhatin na niya ako sa kwarto namin dahil hindi na ako masyadong makalakad, sobrang sakit. We did it for fvcking four hours. Parehas kaming pagod, kaya mabilis kaming nakatulog.

Ala-syete na nang magising ako, wala pa rin akong saplot pero wala si Fred sa tabi ko. Medyo kumirot ang bandang gitna ko pero nawala ang sakit ng iba kong katawan, naamoy ko pang amoy gamot ako na madalas kong ihilot sa likuran ng asawa ko.

"Gising ka na?" tanong nito saka narinig ang mahinang tawa.

"Why am I smells like, this?" inaantok kong sabi saka naupo.

"Hinilot kita. May masakit pa ba sa katawan mo?"

"Wala naman. I need to shower," bulong ko saka ginising ang sarili.

Mabilis lang din akong nakaligo at sumunod na kay Fred sa kusina. Malinis na rin naman ang kwarto namin. Nadatnan ko ito na may nilutong pagkain, kaunti lang iyon dahil alam niyang hindi ako masiyadong kumakain kapag gabi. Tahimik lang kaming nagkuwentuhan at tinawagan sila tito para ipaalam na baka bukas pa kami darating sa mansyon, no'ng una ay umiyak pa si Ara dahil baka hindi na kami bumalik pero kumalma rin no'ng sinabi kong tabi sila ni tito matutulog.

Napag-usapan na rin namin ni Fred ang tungkol aa mangyayari sa kaniya sa unang araw, alam naman niya ang mga simpleng Gawain sa loob ng conference room dahil madalas siyang nandoon, ang mga negosasyon at kung ano-ano pa. Mabait naman ang mga tao namin sa kaniya kaya wala na ring magiging problema.

"I got your back, okay? Si tito nga kalma lang, e. So do the same, you must be enjoy," ngiting sabi ko habang hinuhugasan ang pinagkainan namin.

Alam ko naman nahindi matatapos ang usapan na ito sa ganito, sa bahay pag-uusapan pa rin naman at kahit saan pa, unless, kapag nagsimula na siyang magtrabaho. We decided to go around, maaga pa naman, masarap maglakad ngayon sa kalsada dahil bukod sa malamig ay kaunti na lang ang tao. Hindi na kami gumamit ng kotse at tanging sarili lang ang dala namin. No gadgets, no distractions.

"Naalala mo 'to?" tanong niya sa akin na tinuro ang isang poste at ang katapat nitong puwesto.

Umiling ako at kinunotan siya. "Ahm, maybe? Why?"

Ngumisi ito. "Rito tayo kumanta noon, tapos huminto sa ilaw na yan, kasi nga nandiyan ang tito mo para kunin ka sa akin," kuwento nito pero hindi kami huminto at napangiti na lang ako.

"Tapos dito kita nakita, umiiyak ka, sobrang lakas ng ulan, niyakap kita agad, para kahit papaano tumahan ka at hindi ka masiyadong magkasakit," bulong nitong muli.

"Bakit nga pala hindi ko umalis noon?" tanong ko. May katagalan din kasi ang pag-uusap namin ni tito kaya sigurado ako noon na nakalayo na siya. Pero iyon nga ang nangyari, niyakap niya ako.

"Hindi ko rin alam. Nagbilang ako, sinabi ko sa sarili ko na kapag walang Zeren na dumating sa loob ng sampung minuto, aalis na ako. Naghintay lang ako sa gilid. Natapos ang oras na yon, aalis na sana ako pero may narinig akong tumatakbo."

"Behind the scenes, huh," natatawang saad ko saka namin tuluyang nalagpasan ang lugar na iyon.

Maraming mga ilaw ang nagkalat sa daan, nagmula sa mga sasakyan at sa mga tindahan na nakahilera lang. Nasa gilid kami ng daan at parang walang anak na iniwan sa lolo nito kung makapaglakad kami. Gusto kong paulit-ulit na maranasan ang ganito kahit na madagdagan ang mga anak namin, na kahit mahirapan kami sa paglalakad gusto ko lang siyang kasama. Alam kong darating kami sa ganoon pero umaasa akong huwag muna sana.

Sabay pa kaming napahinto dahil sa pagpatak ng tubig sa amin, napatingin pa ako sa poste na may ilaw na umaambon na dahil sa tuloy-tuloy na pagbagsak ng mahinang ambon. Pero imbes na tumakbo sa may mga bubong gaya ng ibang mga taong nagmamadaling tumakbo, nanatili kaming nakatayo, mas humigpit pa ang hawak namin sa isa't-isa at parang iisa lang ang tumatakbo sa isip namin.

"Namiss ko 'to," bulong niya saka ako kinindatan.

Gusto ko siyang pigilan na sa paglalakad dahil sobrang lumalakas na ang ulan, pero tuloy-tuloy lang siya, hindi ko alam kung dahil ba sa pagkanta niya ang dahilan kung bakit lumalakas ang ulan, hindi ko mapigilang matawa dahil lumalakas na rin ang boses nito.

"Shut up! Nakakahiya!" natatawang sabi ko na hindi niya pinakinggan.

Para na ulit siyang sila Lucas. Oh god.

"When the sky is bleeding, I felt it too!" kantang sigaw nito na kinakanta ko noon sa Agustin kapag nasa dalampasigan ako.

Tuluyang nawala ang hiya sa katawan ko nang matagpuan na lang namin ang aming sarili na kumakanta at sinasabayan ang malakas na pagbagsak ng ulan, hindi pa nakuntento si Fred at isinayaw ako sa mismong park na halos wala ng tao. Dahil madilim na ay tanging ilaw sa poste na naninilaw ang nagbibigay liwanag sa kinatatayuan namin, isabay pa ang ulan at ang pagtalsik sa mga paa namin.

"Kung puwede lang kitang pakasalan habang umuulan," bulong nito nang magdikit ang aming mga noo habang lumalandas ang tubig sa aming katawan.

"Why not? I love your idea, anyway," ngiting sabi ko rito saka niya ako paulit-ulit na hinalikan.

"Kapag nagkasakit tayo, yari tayo sa tito mo," natatawang sabi nito na inilingan ko.

He's not. Alam kong gusto ni tito na magkaroon kami ng time ni Fred dahil nakakapagtaka no'ng sinabi niyang pumunta kami sa bahay para mag-ayos, pero wala namang dapat ayusin. Balak din naman naming umuwi sa mansyon ng madaling araw para maabutan kami paggising ng anak namin.

"Ikaw at si Ara ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko, Ren," sabi nito sa akin na halos hindi ko na alam kung tubig pa ba ang lumalandas sa pisngi niya o luha.

Sa gitna nang malakas na ulan, natagpuan ko na lang ang sarili kong kaharap ang isang kasalanang paulit-ulit kong gagawin.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.