CHAPTER 34

Chapter 34

Crazy

I miss the provincial life for its peaceful and simple life that can’t be found in the city. The fresh air we breathe, the dancing trees that follow the wind’s direction, the green surroundings that satisfy my eyes, and most importantly, the friendly and helping people, far from the city I lived in.

Dito kasi sa probinsya walang pataasan ng estado sa buhay. Everyone is treated fairly and right. The government officials that were sitting on the throne aren’t corrupt. They don’t disappoint the people who voted and trust them.

Ang pera ng bayan ay para sa taong bayan. That’s the motto of the government here. How nice if that was also the mindset of the higher politicians who ruled the entire country. But then, money and power consumed their heart that some of the politicians who were in the higher positions led to do illegal things—stole the citizens’ money.

Kaya ganoon na lamang ako ka galak nang makita kung gaano ka laki ang panibago ng lugar na kinalakihan ko. Kung dati ay hindi pa masyadong well developed ang lugar ngayon naman ay marami ng magagandang tanawin na makikita dito. The beautiful agricultural sceneries have always been pleasing to watch. Since this place was the major source of agriculture, everything you see here was the captivating agriculture view.

“Ang laki na ng pinagbago ng lugar na ‘to ha. Ilang buwan lang naman ako hindi naka-uwi dito,” I told myself after getting out from the tricycle.

My mother initiated to fetch me in Gensan so it wouldn’t be a hassle on my part, but I decline. Hindi nga hassle para sa akin kasi tuloy-tuloy ang biyahe pero hassle naman sa driver namin dito kasi kinakailanga niya pang pumunta ro’n para lang sunduin ako.

Dalawang oras pa naman ang biyahe papunta ro’n at pauwi dito. Kaya mas lalo siyang mapapagod. Besides, mas na e-enjoy ko ang pag co-commute kapag umuuwi ako dito. I am not an adventurous woman, but everytime I go home, I always went to a different places before going home straight. The supposed to be two hours drive ay nagiging apat na oras sa akin sa rami ko pang pinupuntahan na lugar.

“Ate!” My younger sister ran towards me as soon as she saw me going out from the tricycle.

Our guard quickly opens the gate when Yesha ran towards me. Aba, kung makatakbo ‘tong bata ‘to ay walang sakit na iniinda ah.

“I miss you! You’re not visiting me anymore!” she hugged me tightly while ranting on her sentiments.

I patted her hair and gave her a peck kiss on her cheeks. She’s my half-sister, and she’s in the tenth grade already, yet still acts like a child whenever she’s with me.

“Ate’s busy at her school works, Yesh kaya ‘di kita nabibista rito,” I explained to her. Yesha is a clingy when it comes to me. Siguro kasi hindi siya masyadong napapansin ni mama at papa kasi busy sila sa kanilang trabaho at naghahanap siya ng taong mapapansin siya.

Ang nakakatandang kapatid namin ay masyado ring busy sa ibang bansa at sa kaniyang pamilya roon kaya minsan niya lang din pansinin si Yesha. So, among us, sa akin siya pinaka ka close.

“At umuuwi naman ako kapag sembreak ko diba? Para makasama mo ako.”

She whined and pouted. I chuckled at her reaction, “Iba pa rin kasi ‘yong dati. Before, you would call me everyday and ask me how my days went no matter how busy you are. Pero ngayon, you seldom call na. Kung hindi ka pa siguro sinabihan ni mama na may sakit ako baka ‘di ka pa uuwi dito.”

“Ma’am nandito na pala kayo. Pumasok na po kayo sa loob at mag meryenda po. Ako na po ang magdadala ng gamit niyo,” Ate Nena isa sa mga pinagkakatiwalaan dito sa bahay ang pumansin sa akin.

“Opo ate… nako ‘wag na po ate ako na po ang magdadala nito hindi naman mabigat. At isa pa ate ilang buwan lang ako nalingat dito sa bahay tinatawag mo naman akong ma’am,” may bahid na tampo sa boses ko.

Tumawa siya napasapo sa noo niya, “Nako! Pasensiya na… ayaw mo pala ng tinatawag na Ma’am. Sige, sige sa susunod hindi ko na ‘yan makakalimutan.”

“Yesha, bumalik ka na ro’n sa kwarto mo at magpahinga. Hindi ka pa gumagaling,” baling niya kay Yesha na grabe ang kapit ang sa aking bewang.

“Sige na ate, ako nang bahala sa kapatid ko. Sa akin na ibinilin ni mama si Yesha kapag nandito ako. Magpahinga na po kayo,” ngiting sabi ko kay ate Nena.

I called my mother first to notify her that I am home. She told me to try their best to finish their work early than usual to have a family dinner. Pero sinabihan ko rin sila na ‘wag nang mag-alala sa amin at tapusin na lang nila ang trabaho nila sa hospital.

Hindi naman nilang pwedeng madaliin ang mga pasyenteng pumapasok sa loob ng hospital para lang maka-uwi ng maaga. Laking pasasalamat nila sa amin at hindi kami demanding na mga anak at iniintindi namin sila.

Their job wasn’t easy, to begin with. The moment you chose to be a doctor, you must prepare yourself already, physically, mentally, and emotionally because this job needs commitment.

Pagkatapos kong tawagan si mama ay agad ko namang tinawagan si Reeve. Isang araw pa lang naman kaming hindi nagkita pero miss ko na kaagad siya. My phone was flooded by his messages kaso hindi ko ako nakapag-reply kasi walang signal kanina sa biyahe.

I was all smiles when his phone rings. I decided to just call him instead of replying to all of his messages. Ikaw ba naman ang makatanggap ng 100 messages sa isang oras tapos isang sentence lang ang e r-reply ko sa kaniya? Parang ang arogante naman tignan. At isa pa, mas magiging panatag ang loob ko kapag maririnig ko ang boses niya.

But my smile suddenly faded when he didn’t pick up the phone. Bigla na lang itong namatay. I thought my signal was the problem, so I checked it, yet it shows that I have a strong signal. So, I tried calling him again. Ilang beses pang nag ring ang phone niya pero hindi niya pa rin sinasagot.

Baka busy siya? Kung busy siya ano naman pinagkakaabalahan niya? O baka bumabawi siya sa akin kasi hindi ko ni r-replayan ang mga messages niya kanina. Pero impossible naman na hindi niya sagutin ang tawag ko. Siya pa nga ang nagsabi na tawagan ko siya pagkadating ko na mismo. Ngunit siya itong hindi makahintay dahil nasa biyahe pa lang ako ay tinadtad na niya ako ng text niya.

I tried calling him all over again. Kanina pa rin ako palakad-lakad sa loob ng kwarto kakahintay na sagutin niya ang tawag ko. Pero nabigo lang ako ng hindi pa rin niya sinasagot.

Can’t be reached palagi ang natatanggap ko.

Huminga ako ng malalim at bigong nakatitig sa cellphone ko. Pinaningkitan ko ito ng mata ang cellphone ko at dinuro-duro ito kahit wala namang kasalanan.

“Ano ba naman ‘tong cellphone ko walang kwenta ‘di niya napapasagot si Reeve,” paninisi ko sa cellphone kong walang ka alam-alam sa mga pinanggagawa ko.

“Kung itapon na lang kaya kita at baka sakali mapatawag mo siya sa akin?” I talked to my innocent phone.

Natawa na lamang ako sa sarili kong kabaliwan. Goodness, Henzy, since when did you become clingy like this? Hindi ka naman ganito no’n ah!

I shake my head to somehow erase my nonsense thoughts. Baka busy nga lang talaga siya, Henzy. Remember? It’s his flight tomorrow at baka nag-iimpake lang ng gamit kaya hindi niya nasagot ang tawag.

“Stop being paranoid! He will eventually call back later once he sees my missed calls to him,” I scolded myself.

I spent my whole day spending and taking care of Yesha. Hindi naman gaano ka taas ang lagnat niya dahil sa pag-aalaga ng iilan naming kasambahay dito na siyang tumayo panandalian kay manang Yury na umuwi sa kanila.

Pero iba pa rin kapag natututukan si Yesha. Hindi naman nila trabaho na asikasuhin si Yesha kasi personally si manang Yuri ang nag-aalaga sa kaniya. Yesha has a weak immune system kaya madali siyang madapuan ng sakit. Kunting wisik lang ng ulan ay lalagnatin na, kapag nabibilad naman ng sobra sa alaw ay sasakitin din siya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.