CHAPTER 36

Chapter 36

My Queen

Nagising ako sa malakas na pagyugyug ni Yesha sa akin na parang nagmamadali o kung may anong importanteng gustong sabihin. Panay pa ang tili niya na siyang nakakarinding pakinggan. Nanaliksik ang mga matang ipinukol sa kaniya dahil sa biglang inis na naramdaman ko ng bigla niya akong ginising.

“What, Yesha?! Can’t you see that I am sleeping?!” I can’t help but yell at her dahil sa inis na nararamdaman.

Masama na nga ang loob kong natulog kagabi tapos ngayon hindi pa maganda ang gising ko dahil sa pang-iistorbo ni Yesha sa akin. Does this mean that I am going to have a bad day the whole day?!

“OMG! Why you didn’t tell us?!” naghihisterikal niyang wika sa akin at nagtatalon-talon pa.

Tamad akong umupo galing sa pagkakahiga at hanggang ngayon ay nanaliksik pa rin ang mga mata ko sa kaniya. Pero para siyang walang pakialam sa masamang tingin na ipinupukol sa kaniya at patuloy pa rin na nagtatalon sa harap ko.

“What, Yesha?! You’re disturbing my sleep!”

“Go and fix yourself! You have a visitor!” Hindi pa rin siya makalma dahil sa bawat galaw niya ay may halong talon-talon ito.

Ako ay nahihilo sa ginagawa niya kaya naman ay pinagalitan ko ulit siya. “Jesus, Yesha! Can you stop moving around? Nahihilo ako sa ginagawa mo!” sigaw ko ulit, “at anong bisita? I don’t have a visitor. Hindi nga ako lumalabas ng bahay simuala nang dumating ako dito tapos may bisita?!”

Kinalma niya ang sarili pero ang mga ngiti na nakapaskil sa labi niya ay parang clown na hindi maalis-alis. Parang tanga ano ba ang dahilan at bakit ginising ako nito.

“Anong oras na ba at bakit mo ako ginising ng ganito ka aga ha? Siguraduhin mo lang na worth it ang rason mo kun’di kahit kapatid kita ‘di talaga kita papansinin,” pagbabanta ko sa’yo.

I need to sleep more!

Bumalik ako sa pagkakahiga at nagtakip ng kumot. Hindi ako alam kung ano ang dahilan ni Yesha pero kung ano man ‘yan ay matutulog pa rin ako! Kailangang maubos ang lahat ng sama ng loob ko dito sa puso ko bago ko simulan ang araw ko!

Nang ipipikit ko na ang mata ko ay bigla namang hinila ni Yesha ang kumot ko at itinapon ‘to kung saan na lamang. Hinila niya ang mga kamay ko at pilit na pinapabangon ako.

“Dali na kasi ate… fixed yourself at bumababa ka na may bisita ka nga na naghihintay sa’yo!” pamimilit niya sa akin. Pero dahil sa mabigat ako ay hindi niya ako napabangon.

“Yesha! Ano ba! Bisita siguro ‘yan ni mama at papa. Sila ang tawagin mo at hindi ako!”

“Ehhh… sige na ate bumaba ka na ‘di ka magsisisi kapag nakita mo na kung sino ang naghihintay sa’yo sa labas,” ngisi niya sabay taas-taas ng dalawa niyang kilay.

I rolled my eyes and heaved a sigh. Tamad akong bumangon at tiningnan pa rin ng masama ang kapatid. Nang nakita niya na unti-unti na akong gumalaw ay mas lalong lumawak ang mga ngisi niya.

“You look weird. Don’t smile like that it creeps me out,” kunot noo kong wika sa kaniya.

“Basta dali na ate! Fixed yourself ako na pipili ng susuotin mo!” She even pushed me inside the bathroom and closed the door.

Wala na akong nagawa at sinunod na lang ang utos niya. Tiningnan ko ang sarili sa salamin at ngumiwi ng makita kung gaano ka laki ang eyebags ko. I cry to sleep last night kaya ganito na lang kalaki ang alaga ko. Laking pasasalamat ko na lang at hindi napansin ni Yesha dahil na rin siguro sa sobrang hyper niya sa pagpapagising sa akin.

At sinong bisita ang tinutukoy niya? Wala naman akong sinabihan na uuwi ako dito maliban sa mga kaibigan ko. Weird because I didn’t expect to have a visitor given that hindi pa naman ako gumagala dito sa amin simula no’ng dumating ako.

Naguguluhan man ay naligo na lang ako dahil wala rin naman akong choice at nasa banyo na ako.

Habang binabanlawan ang sarili ay napunta na naman ang isip ko kay Reeve. Ano na kaya ang ginagawa niya? Magkasama pa rin ba sila ni Joana? Does he think of me there?

I know I should trust him, and I know that he has reasons for that. Naniniwala akong hindi siya gagawa ng ikakasama ng loob ko. Kaso hindi ko mapigilang hindi ma galit kasi nagmumukha akong tanga kakahintay sa tawag niya kaka-alala sa kaniya tapos ‘yon pa ang makikita sa facebook niya?

I believed him. Ang hindi ko lang kayang paniwalaan ay ang kapatid ko. She used to steal everything from me before at hindi malabo na aagawin niya rin sa akin ang kung anong meron ako ngayon.

I didn’t check my phone this morning at hanggang ngayon ay nakapatay pa rin ‘yon. Wala akong planong buksan ‘to hanggang hindi pa maayos ang pakiramdam ko. And I don’t want to disappoint myself again kung ang taong hinihintay kong tawagan ako ay hindi pa rin ako tinatawagan hanggang ngayon.

“Ate! Ang tagal mo namang maligo! Ilang oras ka ng nakababad d’yan!” Yesha shouted.

“Oo na! Ito na!” I shouted back.

Sino ba kasi ‘tong bisita na sinasabi ng kapatid ko… Nakakainis ha at nasira pa ang tulog ko.

After cleaning myself, I went out of the bathroom and saw my sister frowning at me. Nakapamewang pa siya at salubong ang mga kilay niyang bungad sa akin.

“What?” pa inosente kong wika kahit alam ko naman ang rason.

“Ang tagal mo sa banyo ate ano bang ginagawa mo ro’n?”

“Naligo malamang, ano ba ang ginagawa sa banyo, Yesha? Nag-aaral?” pamimilosopo ko.

“Ate ka aga-aga ang init ng ulo mo… chill ka lang dapat,” puna niya.

“Paano hindi iinit ang ulo ko ha e ginising moa ko?!” walang preno kong sabi sa kaniya.

“’Di bale na mainit ang ulo mo alam ko naman na lalamig ‘yan kapag nakita mo na kung sino ang bisita mo sa labas,” she said.

“Alam mo, Yesha? Kanina ko pa naririnig ‘yang bisita sa bibig mo, bakit hindi mo na lang kaya banggitin ang pangalan niya at kung malaman kong worth it ang paggising mo sa akin ngayon?”

“Oo naman ate! Kaya magbihis ka na r’yan!” Sabay abot sa akin ng damit na pinili niya.

I gasped when I saw the clothes she prepare. It’s a simple black ribbed knit tube top partnered with black shorts. Nasa bahay lang naman ako at ito ang ipapasuot niya sa akin? Usually, I would just wear long tee shirts and simple shorts kapag wala akong pupuntahan at nasa bahay lang ako. Pero ang damit na pinili niya sa akin ay ang mga casual clothes na sinusuot ko kapag gumagala ako.

Gaano ba ka importante ang bisita na ‘yan at kailangan ganito talaga ang suot ko?!

“Ano ba ‘to, Yesha? Nasa bahay lang naman ako bakit ito ang ipapasuot mo sa akin?” Itinapon ko sa kaniya ang damit at pumasok sa walk in closet para magbihis ng palagi kong sinusuot.

Inihadlang niya ang kamay niya sa pagkuha ng damit at umiling sa akin. “No no… you need to wear that sige na ate!”

Ayaw ko ng makipaglaban sa kaniya at sinuot na lang ang pinili niyang damit.

“Basta ate pagkatapos mong magbihis labas ka agad ha?! Bababa na ako,” pagpapaalam niya.

I nodded and continue fixing myself. I conceal my eyebags and do my brows. I prefer showing up my bare face than putting a heavy make-up. Hindi ko nga kilala kung sino ang bisita ko kaya bakit ako mag-aayos ng bongga-bongga? Kaya eyebrows lang ang inayos ko at nag lip balm lang ako.

I looked at the clock, and it’s 9:00 am already. Paniguradong wala na si mama at papa dito. Sa mga natitirang araw ko dito ay plano ko sanang tumulong sa hospital. Ayaw kong sayangin ang oras ko dito. Hindi ibig sabihin na sembreak namin ay break na rin kami ng utak ko. Alam kong kakailanganin ko rin naman ‘to sa huli.

I opened my drawer and contemplated if I should open my cellphone. Huminga ako ng malalim at binalik na lang ‘to sa loob.

Hindi naman niya siguro ako tinawagan. I’d just disappoint myself.

Pagkababa ko ay narinig ang boses ko ni Yesha at ni ate Nena. I stopped midway when I saw who’s the visitor Yesha was talking about.

“Reeve?” I stated. Hinding-hindi ako magkakamali dahil kilala ang pigura ni Reeve kahit nakatalikod. Nakasuot siya ang black polo shirt at nakatupi ang manggas nito hanggang siko. Ang kaniyang mga muscle sa likod were flexing whenever he moves because of his fitted polo. His hair was still the usual—it’s still messy.

Nakatingin ako sa damit na suot ko at kulay black din ito. Kaya pala… kaya pala ginising ako ng maaga ng kapatid ko at pinasuot ang color black na top ‘to dahil nandito pala si Reeve.

At siya pala ang tinutukoy niyang bisita ko.

Biglang napabaling si ate Nena at Yesha sa akin ng mapansin nila ang pagtawag ko kay Reeve.

“Ate!” tawag ni Yesha.

Na estatwa ako sa kinatatayuan ko ng si Reeve na ang napatingin sa akin. Unable to move, I was just staring blankly at him. Hindi ko magawang ngumiti sa kaniya at bigla na naman pumasok sa isipan ko ang nakita ko kagabi. The smiles he wears in that picture remind me of my useless worries to him.

Bakit siya nandito? Akala ko ba ay nasa New York siya at masayang kasama si Joana? He was happy in that picture that he almost forgot that he has a girlfriend who worries for him. Nakita niya na ba ang napakarami kong tawag sa kaniya kaya nandito siya?

I cleared my throat and continue walking. Still, my face remained blank and stoic. In my peripheral vision, I saw him furrowed his forehead at my reaction.

Tsk… what do you expect? Sasalubongin kita ng mainit na yakap at halik dahil umuwi ka dito? Hindi ako pwedeng maging marupok sa sitwasyon na ganito. Kahit na mahal kita ay hindi pwede na bibigay agada ko sa’yo.

“Ate, hindi mo naman sinabi sa akin na may boyfriend ka na! Kung hindi pa pumunta si kuya Kyzyr dito ay hindi ko pa malalaman!” tuwang-tuwang sabi ng kapatid ko.

Wow? That fast? Okay na agad sa kaniya na may boyfriend ako? Hindi man lang niya ginisa si Reeve ng kung ano-ano? Nakuha na agad ni Reeve ang loob nito?

I wonder kung ano ang mga pinagsasalita niya sa harap ng kapatid ko eh hindi naman siya palasalita kung tutuusin.

“Why are you here?” I told him, coldness was evident in my voice.

Hindi ko pinasin ang sinabi ng kapatid ang deretso lamang akong nakatitig kay Reeve.

Nang mapansin ni Yesha ang lamig sa boses ko ay unti-unti na na silang umalis ni ate Nena. She even patted on Reeve’s shoulder and whispered na naririnig ko naman.

“Goodluck kuya, bad trip nga pala si ate kasi ginising ko ng maaga.”

Natatawa naman lang siya itong tinugon ni Reeve. I rolled my eyes because of his laugh. Nagawa niya pa talagang tumawa ha.

“Ate Nena, kindly deliver my breakfast po on the pool area. Do’n na lang po ako kakain,” magalang kong suyo kay ate Nena na agad niya naman tinanguan.

Nang makaalis na sila Yesha ay walang pagdadalawang isip akong nagtungo sa may pool area namin at hindi inaya si Reeve. Napansin niya naman ang pag-alis ko kaya agad niya rin akong sinundan. Tahimik lamang siyang nakasunod sa akin tila tinatansiya ang mood ko.

Umupo ako sa may lounge area namin malapit sa pool at pumikit habang nilalanghap ang preskong hangin. Ang asul na tubig ay tila nang-aakit sa akin na daluhan sila. Too bad at kakatapos ko lang maligo at may kasama pa ako ngayon.

“You didn’t answer my question earlier,” malamig ko pa rin wika samantalang ang mukha ko naman ay walang emosyon na pinapakita sa kaniya.

Pinasadahan ko siya ng tingin. The clothes he wears today were also the clothes he wore in the picture. Don’t tell me he went straight here after being happy with Joana?

Akala ko ba ay aalagaan niya pa ang kapatid niya do’n kaya na hindi tinanggap ang imbitasyon ko na sumama dito tapos malalaman ko na lang na kasama pala niya si Joana?

Tinignan ko siya sa kaniyang mukha na blanko lamang at nakita ko ang mariin niyang paglunok. I raised my brow at him. Mukha siyang bodyguard sa harap ko dahil nakatindig siya ng maayos at hindi gumagalaw.

Takot na takot, Reeve? Bakit may kasalanan ka bang ginawa?

“Nag New York ka lang ulit napipi ka na?” I asked while raising my brow, “gan’yan ba ang ginawa ni Joana sa’yo do’n?” I added.

“Neve, it’s not what you think.” Finally, after a minute of silence, he spoke.

“Oh? Really?” still, my brow was raising at him.

He was about to speak something when I cut him off.

“Wait… you’re supposed to be at New York taking care of your sister, so why are you here, now?” I sarcastically asked him.

The anger inside me range, but I still managed to be calm. Kahit na kumukulo na ang dugo ko sa kaniya ay hindi ko pa rin siya sinisigawan. I should remain calmed and wait for his explanation.

Now that he’s here, there must be something that he wanted to say. O nakaramdam na siya ng hindi maganda simula kahapon. I don’t have plans on liking that picture, but unfortunately, I clicked the like button. I don’t want to hurt my pride, so I leave it.

Kaya siguro siya nandito kasi pinakita ng kapatid ko sa kaniya ang picture nilang dalawa na na like ko or siya mismo ang nakakita ng pagla-like ko ng picture nilang dalawa.

“Yes, I should be there taking care of my sister, but my girlfriend’s mad at me, so I am here in front of her asking for an apology,” he bravely stated.

I greeted my teeth. Taking care of your sister eh bakit si Joana agad ang kasama mo sa unang araw mo sa New York?

Asking for an apology? So may kasalanan nga siya? And how does he know that I am mad at him? We didn’t even contact each other last day and even yesterday, then suddenly he knows that I am mad at him?

Manghuhula ka pala, Reeve?

“Bakit mo ginawa ‘yon? Mas kailangan ka ng kapatid mo kesa sa akin. And apology? Why do you need to apologize, may kasalanan ka ba?” tuloy-tuloy kong usal sa kaniya.

“I already explained to my sister, and she understands, she even pushed me to come home to explain to you,” he told me.

Nanatili pa rin siyang nakatayo sa harapan ko at para ko talaga siyang body guard dahil sa tindig niya.

“Explain? Ano ba dapat kailangan mong e explain?” pagmamatigas ko.

Tumikhim siya at seryoso akong tiningnan sa mga mata. Ramdam ko ang pagod sa kaniyang mga mata marahil ay hindi siguro siya nakatulog ng maayos o wala pa siyang tulog. For a moment, nakaramdam ako ng awa sa kaniya, but I remained firm on my stand.

Bawal maging marupok ngayon.

“I know you saw the picture posted by Joana on Facebook. I saw you liking it,” he spoke.

“Then what about it? How do you know that I am mad at you? Ano ‘yon hula-hula lang? Ganoon?” sarkastiko kong wika sa kaniya.

“I saw it because it was tagged on me when I opened my phone. I tried calling you several times, but you aren’t answering my calls,” he started.

“That picture was nothing, Neve. I was just forced by my parents to do it. I didn’t even know that Joana was also in New York. The moment that the airplane was landed in New York ay agad akong pinatungo ng mama ko sa isang restaurant. Hindi ko alam na nando’n si Joana. I promise, Neve hindi ko siya pinansin the whole dinner because I was exhausted from my flight. It was just they force us to take a picture together,” he started to explain.

“Swear to God, Neve, that picture was nothing. Even my smile on the image was a forced one. Kaya ako umuwi dito agad-agad because I called you many times to explain, but you’re not answering my calls. I am scared that in that simple picture, I might lose you,” he added.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.