CHAPTER 36.2

I scoffed, instead of being happy at his statement, it somehow made me annoyed a little bit. Gano’n ba ako kababaw para sirain ko ang relasyon namin ng ganito? Hindi ko naman siya pinagdududahan dahil sa picture na ‘yon.

Yes, I admit I was jealous because I thought my man was happily smiling there while I am here being worried to death because he doesn’t answer my calls.

Pero hindi naman umabot sa punto na pagdududahan ko siya. I even told myself that I should wait for his explanation. Tumayo ako at lumapit sa kaniya. He stiffened when he saw my blank reaction.

Kung hindi lang seryoso ang pagkakataon na ito ay baka natawa na ako sa kaniya. It was the first time that I saw him like this. Scared of me.

“Do you think ganoon ako kababaw para sirain ang relasyon natin, Reeve? Yes, I admit. I am jealous cause for a moment, I saw you happily smiling on that picture at kasama pa ang kapatid ko. Insecurities range on me at that time. Na baka agawin ka na naman niya sa akin dahil minsan niya na ‘yong ginawa. But I trust you. I trusted you and stated to myself that I should wait for your explanation,” may diin sa bawat salitang inilalabas ko sa kaniya.

“Do you know what made me upset and mad at you? I kept on calling you so many times, yet none of those calls you answered. I was worried to death about what is happening to you there. Then pagkabukas ng cellphone ko ‘yong picture agad ang bubungad sa akin? At nakita pa kitang nakangiti sa picture na ‘yon. I was worried Reeve! I kept thinking about you, yet that picture somehow answered my question,” nilabas ko lahat ng nararamdaman ko sa kaniya.

“Okay ka naman pala, bakit pa ako nag-aalala,” I almost whispered the last sentence.

Bahagya akong napatalon sa gulat ng bigla niyang hinablot ang kamay ko at niyakap. He put his hands around my waist and leaned his head on my neck as he embraces me so tightly. Napapikit ako sa pabango niyang kumalat sa ilong ko. Nagulat ako ng mas lalo niya pang idiniin ang katawan niya sa akin.

“What are you doing, Reeve?” Nagpupumiglas ako para makaalis sa yakap niya.

Pilit kong inilalayo ang sarili ko sa kaniya ngunit mas lalo lamang niyang idiniin ang katawan ko sa katawan niya at mas hinigpitan ang yakap. Pero hindi ako nagpatinag at mas lalo pang nagpupumiglas.

Hinding-hindi mo ako madadala sa pa yakap-yakap mo Reeve!

“Stop hugging me! Akala mo bati na tayo? No! I haven’t accepted your explanation!” inis kong wika sa kaniya habang patuloy pa rin na nagpupumiglas kahit na wala ng pag-asa kasi mas lalo lamang niyang hinigpitan ang yakap sa akin.

“Go on… just nag however you want. You can nag all day about me. Ilabas mo lahat ng hinanakit mo sa puso mo. I will embrace them all. Just let me hug you like this because I fucking miss you so damn much,” he said softly and embrace me more tightly.

Natahimik ako sa sinabi niya. Lahat ng gusto ko sabihin sa kaniya ay umurong at tila nawala na ‘yon. Ang galit at inis na nararamdaman ay tila unti-unting naglaho dahil lang sa sinabi at ginawa niya sa akin.

Bakit hindi ko magawa magalit ng matagal sa kaniya? Bakit ang bilis kong tumiklop pagdating sa kaniya?

“Ang daya mo!” I accused him.

He chuckled deeply, “I’m sorry if I didn’t get to answer your call that time. My phone got broken because I accidentally put my pants in the washing machine. I forgot that my phone was there,” pagpapaliwanag niya.

“And my flight also was moved the same day that you left kaya hindi agad ako nakapagpaalam sa’yo because it was too sudden. Hindi na ako nakabili ng bago dahil sa mga biglaang pangyayari no’ng araw na ‘yon,” dagdag niya pa.

Hindi ako kumibo. Nakinig lang ako sa mga paliwanag niya. Hindi ko rin binabalik ang mga yakap na binibigay niya sa akin. Siya naman ay nagpapaliwanag at hindi pa rin tinatanggal ang pagkakayakap sa akin.

“And the picture was nothing, Neve. I also told Joana about us and not to bother me anymore. After that dinner, she confessed to me, but I clearly know who I want to spend for the rest of my life is. I’m sorry if it gets you upset, love.” Ang kaninang mga kamay niyang nasa bewang ko ay napunta unti-unti sa buhok ko at hinimas-himas niya ito.

“I hate you,” ang tanging nasabi ko na lang sa kaniya, “I hate you for making me feel like this, Reeve,” dagdag ko pa.

“Girls hate their boyfriend when they get mad, but deep inside, it was the opposite one. You hate me now, but you’ll love me again after you’d calm down.”

Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko siya matiis. Isang paliwanag niya lang ay tumiklop agad ako. Isang punta niya lang dito ay bumigay agad ako.

Tangina, Reeve bakit ang rupok ko pagdating sa’yo?

“Just because I’m mad ay umuwi ka agad dito para ipaliwanag lang ang sarili mo? Nahihibang ka ba, Reeve? Nagsasayang ka lang ng pera.”

“Even when I am in the farthest place, I will always be going back to you

“Kailan ka babalik do’n? Mas kailangan ka ng kapatid mo doon. Hindi mo naman kailangang umuwi dito para ipaliwanag lang ang sarili mo.”

“Kakarating ko pa nga lang, Neve ay papaalisin mo agada ko? Ganiyan ba talaga katindi galit mo sa akin?” he joked.

“Nagawa mo pa talagang magbiro ha?” pagtataray ko.

“I’m sorry… I’m sorry. Hindi ko na ulit gustong makita ang mukha mo kanina. It scares me,” he told me.

Tinaasan ko siya ng kilay, “So, natakot ka pala sa akin kanina?”

Imbis na sagutin ako ay tinawanan niya lang ako kaya ay hinampas ko siya sa dibdib niya.

Pagkatapos namin magkausap ay pumasok na kami sa bahay. Pinagpahinga ko si Reeve sa kwarto ko at halata ang pagod sa kaniyang mga mata. Hindi pa ata ‘to nakaranas ng tulog simula no’ng nakaraang araw.

Sabi niya ay nag check in daw siya sa isa mga lodging house at pinipilit na do’n na siya magpahinga. I disagreed with him. Nandito na siya sa bahay kaya dito na lang siya magpahinga.

Naabutan ako ni Yesha sa lumabas galing sa kwarto ko pagkatapos kong ihatid si Reeve para magpahinga. She was grinning from ear to ear. Dali-dali siyang lumapit sa akin at inangklas ang kamay niya sa braso ko.

“Ate bakit hindi mo sinabi sa akin na may boyfriend ka na pala ulit?” bulong niya sa akin na may halong hagikhik.

“Bakit kung sasabihin ko sa’yo anong gagawin mo aagawin mo?” pamimilosopo ko.

“Pwede naman ang gwapo eh! Parang may kamukha nga siya eh!” masayang wika niya.

Nakatikim siya sa akin ng kurot sa tagiliran dahil sa sagot niya.

“Mag-aral ka muna ng mabuti uy! May balak ka pang agawin sa akin boyfriend ko ha.”

Napahagikhik naman siya sinabi ko, “Ito naman ate ‘di mabiro. Ang gwapo lang ni kuya Kyzyr eh… parang kamukha niya si ano…” hindi niya matuloy-tuloy ang dapat niyang sasabihin at iniisip ang tamang salita.

Natawa ako dahil alam ko kung sino ang tinutukoy niya na kamukha ni Reeve. It was Christoph, his cousin and also my ex. Huli ko na rin kasi napansin na may magpakahawig si Reeve at Christoph no’n.

“Sino kapag mahulaan mo. Bibigyan kita lollipop kapag nahulaan mo,” I teased.

Ngumuso siya at biglang nagreklamo, “Ate ano ako bata na mauuto mo sa lollipop mo?”

“Edi bahala ka… bahala ka kakaisip kung sino kamukha ni kuya Kyzyr mo,” I shrugged my shoulder at lumayo sa kaniya. I turned on the tv to watch some movies on Netflix.

Dahil tapos ko na halos lahat ng mga medical drama sa Netflix ay napagpasiyahan ko na lang manood ng kdrama. I chose the Extraordinary you.

Medyo matagal na rin akong hindi nakapanood ng kdrama kasi naging busy na rin ang buhay ko at wala na akong oras para manood. At dahil wala naman akong gagawin ngayon at tulog pa naman si Reeve ay manonood na lang muna ako.

I glanced at my sister, and she was still thinking kung sino ang kamukha ni Reeve until now.

Pinabayaan ko na lang siya at nagpatuloy sa panonood. Bahala ka d’yan kapag sumakit ang ulo mo sa kakaisip.

Nasa kalagitnaan na ako ng episode 1 nang bigla siyang sumigaw. She looked at me with her eyes widen.

“Naalala ko na! Kamukha niya ‘yong ex mo! Si kuya Christoph!” she shouted like she wins in the lottery.

I just laughed at her and focused again on watching. Habang siya naman ay tila pinoproseso pa ang kaniyang nalaman. Plano kong ipakilala si Reeve mamaya kapag nakauwi na sila mama at papa. Ano kaya ang magiging reaction nila kapag nalaman nilang magpinsan din si Christoph at Reeve.

Minsan na din kasing napalapit ang loob nila kay Christoph. Speaking of Christoph. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin pala nasabi ang totoo kay mama kung bakit kami naghiwalay no’n. At napag isip-isipan ko na ‘wag na lang sabihin sa kanila.

Some things don’t need to open up again, especially if it was already in the past. We don’t need to dwell in the past. Let’s just live in the present.

Nang nasa episode 2 na ako ng Extraordinary you ay kinalabit ako ng kapatid.

“Hmm?” Hindi ako makatingin-tingin sa kaniya kasi nakatuon ang attention ko sa pinapanood ko.

“Ate, I almost forgot! May assignment pala kami sa Science and Math. Gusto ko sanang magpatulong sa’yo,” she said.

“Okay,” agad kong sabi.

We spent the whole day making her assignments. Akala ko ay isang assignments lang ang meron siya but to my surprised ay halos lahat ng subject niya ay may kaniya-kaniyang assignments. Ika niya ay sabi ng principal nila hindi porket sembreak ay magpapahinga na rin sila sa mga gawain pampaaralan.

Sa mga mahihirap na assignments niya ay ako ang gumagawa kapag madadali at kaya niya ay siya na ang gumagawa. Habang inii-scan ko ang isa sa mga notebook niya ay may nahulog na nakatuping papel.

Napamangha ako ng nakita ko kung ano ang laman ng nasa papel na ‘yon. A shade of yellow, orange, and red welcome my eyes. It was abstract art. Different colors, shapes, and forms amaze me as I stare at the paper.

I couldn’t understand its meaning to some people like me, but those who love art see the deeper meaning of this abstract art.

Napatingin ako kay Yesha na busy sa paggawa ng assignment niya. I think I know what will be her future looks like. Mahilig si Yesha mag pinta at draw or anything related to arts. Ang loob ng kwarto niya ay halos puno ng mga gawa niya. She even tried to join in the competition before about arts, and she won.

She has this passion for art, and I think someday she will become a famous artist. Ibinalik ko ang papel sa kung saan ito nakalagay kanina at nagpatay malisya na wala akong nakita.

Tiningnan ko ang oras at mag a-alas sais nang gabi na. I stretched my arms and yawn when I am finally done with all of her assignments. Inayos na namin lahat ng gamit niya at umakyat sa kaniya-kaniyang kwarto.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko dahil mahimbing pa rin na natutulog si Reeve. Nakadapa siya sa kama ko at malaya niyang idinantay ang isa niyang paa sa unan ko.

I smiled at his position. Unti-unti akong lumapit sa kaniya at pinagmasdan ang natutulog niyang mukha. Mas napagmasdan ko pa ng maigi ang kaniyang mahabang pilikmata at mapupulang labi. Matangos na nga ang ilong ni Reeve pero dahil nakagilid ang kaniyang mukha ay mas naging matangos itong tingnan na siyang mas bumagay mismo sa kaniyang mukha.

Ngunit ang mga mata ko ay mas nanatiling nakatitig sa kaniyang mapupulang labi. Simula no’ng naging kami ay hindi ko na nakikita na naninigarilyo si Reeve. Aniya ay kapag stress lang siya ay do’n na siya naninigarilyo. We once fought about this one, but at the end I won. Kaya hindi ko na siya nakikitang naninigarilyo.

And he promised that he will not be doing it anymore.

“Are you done staring at me, Neve?” his husky voice woke up my system.

I smiled when he yawned and stretched his arms and the way he does it looks like a child na tamad pang bumangon mula sa pagkakahiga.

“I plan to introduce you to my parents tonight, and I hope you don’t mind.”

“Anong oras na ba?” he asked, still his eyes were sleepy.

Na istorbo ko pa ata ang tulog niya.

“Gabi na and anytime ay nandito na sila. I also informed them about this, so I am pretty sure na uuwi ngayon sila dito,” I said.

“Ikaw ha… gusto mo na ba akong pakasalan at may meet the parents nang nagaganap,” he teased.

“Umayos ka Reeve. May utang ka pa sa akin…” pagbabanta ko.

“Anong utang?” taka niyang tanong.

“Akala mo papatawarin lang kita ng gano’n kadali? Prepare yourself cause I know you’re gonna be having a hard time at my dad.”

Alam ko ano ang gagawin ni papa mamaya. My dad has this ritual na kung sino ang ipapakilala namin dito sa bahay ay kailangan maki pag one on one sa kaniya sa inuman.

I don’t know the reason behind this kind of ritual he has, but the only thing I am sure is palaging nalalasing ang ka one on one niya. Kagaya na lang no’ng sa asawa ni ate.

Pagkatapos kong sabihin ‘yon sa kaniya ay lumabas na ako para tulungan si ate Nena sa paghahanda ng pagkain. Tinext ko na si mama kanina at sabi niya ay pauwi na siya.

“Ang gwapo ng boyfriend mo, Henzy ha…” puna ni ate Nena habang inaayos ko ang mga pinggan sa lamesa.

“Bagay kayong dalawa,” she continued.

“Nako ate… ako lang to si Henzy,” sabay flip ng hair ko sa kaniya kaya napuno ng tawanan ang dining area.

Hindi rin nagtagal ay dumating na sila mama at papa at sakto rin ang pagbaba ni Reeve. Reeve initiated to help us at hindi na ako nagpapabebe pa at pinatulong na lang siya. Para madaling matapos.

“Good evening mama at papa,” I greeted to the both of them and kissed their cheeks ng makababa na sila galing sa kwarto. Ayaw kasi nila na humahalik kami agad sa kanila lalo na kapag galing sila sa trabaho.

It’s because they are from the hospital and we don’t know kung minsan ay nadadala nila ang iba’t ibang klase ng germs at bacteria. The reason also why they are very strict when it comes to proper hygiene.

“Ma, Pa si Reeve po pala boyfriend ko,” pagpapakilala ko sa kanila ng nakaupo na kaming lahat.

Tumayo naman si Reeve sa tabi ko at inabot ang kaniyang kamay. He also introduced himself formally to my parents. Kagaya ng sinabi ko ay malugod nilang tinanggap si Reeve.

I feel out of place kasi nakatuon lahat ang attention nila kay Reeve at si Reeve lang ang kinakausap nila pati na si Yesha! Hindi naman ako makasingit sa pinag-uusapan nila dahil hindi ko naman alam at wala akong maintindihan!

Mabuti sana kung tungkol medical ang pinag-uusapan nila ay makaka relate pa ako!

“What was your surname again, Reeve?” my mother asked in the middle of their happy talk.

“Sandoval po,” he politely answered my mother.

Biglang nabitawan ni mama ang kutsara na hawak niya na siyang gumawa ng ingay at natigil ang masayang pag-uusap nila. All of us were looking at my mother na ngayon ay nakatulala sa harap namin.

“Hon? Are you okay?” my father tapped the shoulder of my mother at siyang nagpabalik sa huswisyo niya.

“Are you okay tita?” si Reeve.

Pinakita naman ni mama ang ngiti niya at tumango. She apologized for her action at inabutan siya ni ate Nena ng bagong kutsara.

“Yes… may naalala lang ako,” she replied.

“Are you somehow related to Harold Sandoval and Ysa Smith Sandoval?” tanong ulit ni mama.

“Yes po tita, Ysa Sandoval is my mother and Harold is my late uncle,” sagot niya kay mama.

Terror pa raw sila sa terror. And I don’t want to leave a bad impression about me kaya sinabihan ko si Reeve na kapag ipapakilala niya na ako ay bigyan niya ako ng heads up.

“Bakit mama do you know them?” I butted in the conversation.

I just know the name of his parents, yet I never meet them. Kasi nasa New York sila at hindi alam ni Reeve kung kailan sila uuwi dito. But hearing that Reeve would introduce me to his parents trembles me. I once heard in one of his housemaid that the family Sandoval aren’t easy to deal with.

Tumikhim si mama at tiningnan kaming dalawa ni Reeve. “Just some old friends, anak,” medyo nag-aalinlangan pa si mama pag sagot pero sinabi niya na rin naman ang totoo.

“Wow… so magkakilala pala kayo?”

Hindi ko mapigilang mamangha. Everything are connected. Starting when I met Reeve again parang lahat na lang nakapaligid sa amin ay konektado. I was amazed but at the same time I felt that it was weird. Hindi ko maintindihan kung bakit iba ang pakiramdam ko sa nalaman ko ngayon.

I feel that there was still something big that would happen.

Napabalik ako sa pag-iisip ng bumulong si Reeve sa akin.

“Are you okay?”

I nodded and continue eating. Nagpatuloy naman din sa pag-uusap sila Mama, Papa at Reeve.

Samantalang ako ay iniisip pa rin kung bakit parang may mali sa pagiging konektado ng lahat. I don’t know what the right words would be, but I feel like parang hindi tama? Parang may mali talaga and it frightens me when I immediately think that it could somehow affect our relationship.

No, Henzy you’re just overthinking.

“Kyzyr do you drink?” my father asked Reeve after our dinner. Pagkatapos namin kumain ay napagpasiyahan namin na tumambay muna sa garden at si Yesha naman ay hindi na pinasunod kasi usapan na ‘to ng matatanda.

Katabi ko ngayon si Reeve at kaharap naman namin silang dalawa. There’s a round table at the center at do’n inilapag ni papa ang JD niyang inumin.

Natawa ako dahil ito na ‘yong sinasabi ko na dapat paghandaan niya kanina. Hinding-hindi ‘to papalampasin ni papa lalo na at mataas ang alcohol tolerance niya.

I leaned closer to him and whispered, “I told you to prepare yourself didn’t I? Accept the challenge of my father at bayad ka na sa utang mo.”

“Deal… I have no worries kasi nandito ka naman para alagaan ako kapag lasing na ako mamaya,” matapang niyang wika.

“Ang tapang mo ha.”

“I am stronger when I’m with you,” pagbabanat niya.

Nakuha ni papa ang attensyon namin ng tumikhim siya. Si mama naman ay nakangiti lang nakatingin sa amin. Medyo tinablan ako ng hiya sa katawan ng hindi ko napansin na kasama pala namin ang mga magulang ko.

“Yes tito, I drink though my alcohol tolerance isn’t that high,” he answered my father.

Sinimulan ng buksan ni papa ang JD at sinalinan ang baso nilang dalawa. Nanlaki ang mata ko kung gaano karami ang nilagay ni papa sa baso ni Reeve.

Tangina e baka isang lagok pa lang ni Reeve ay tumba na agad ‘to!

“Pa! it’s too much… hard drinks ‘yang iniinom niyo hindi beer!” pagsasaway ko sa kaniya.

Hindi ako pinansin ng ama ko at nilahad kay Reeve ang baso. Walang pagdadalawang isip na tinanggap ito ni Reeve. Ang mga mata ko ay nakasunod sa bawat paglagok ni Reeve sa inumin.

Napaawang ang bibig ko ng deretso-deretso itong ininom ni Reeve at sabay lapag ng baso sa lamesa. He wiped the side of his mouth and look at me.

“I’m fine don’t worry,” he assured me.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng gano’n pa rin ang ginawa ni papa gaya ng kanina. I looked at my mom who’s smiling when he saw my reaction.

“Ma? Aren’t you gonna stop him?!”

“Hayaan mo na anak. Minsan lang naman ‘yan,” she told me.

Aba at naging konsentador pa ‘tong nanay ko ha.

“Relax anak. Hindi naman ‘to ikakamatay ng boyfriend mo ang alak eh. At isa pa wala pa naman kami sa kalahati oh,” sabi ni papa.

“You know what anak? Paghandaan na lang natin sila ng pulutan, okay?” si mama.

“Mas mabuti pa, Hon. Promise anak wala akong gagawin na masama sa boyfriend, okay?”

Napailing na lang ako sa kagagagawan ng ama ko. Ganitong-ganito rin ang ginawa niya dati sa asawa ni ate. He wasn’t drunk but his daughter husbands was so wasted.

“Anak,” tawag ni mama sa attensyon ko habang gumagawa kami ng nachos.

“Yes ma?”

“Gaano na kayo ka tagal ni Kyzyr,” seryosong tanong niya.

“We just started ma, why?”

Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko sa tanong ni mama. Bukod pa sa seryoso ang boses niya ay hindi rin siya nagtanong ng ganito sa akin no’n.

This time, I can sense that there was something wrong going on.

“Do you love him?”

“Oo naman ma. I love him so much,” I honestly told her.

Hindi na ata magbabago ang nararamdaman kong ‘to sa kaniya. Hindi ko nakikita ang sarili ko sa piling ng iba at tanging kay Reeve lang. Parang hindi ko kakayanin kapag mawala siya sa akin.

He’s part of my life now and losing him means taking the other half of me.

“Then I will be at ease. As long you love each other I will be at ease. Love overpowers everything. When you two have a strong faith and love to each other you can conquer everything that might pave your relationship. Two hearts is better than one. When you fight, make sure that you fight together,” makahulugang sabi ni mama.

“Of course ma. Love is what everyone need cause when there’s no love there will be no peace right?”

“Yeah… and I hope history doesn’t repeat itself,” she whispered.

Hindi ko masyadong naintindihan ang huling sinabi ni mama kasi binulong niya lang ito. Ipinagsawalang bahala ko na lang ‘to at nagpatuloy sa paggawa ng nachos. I put cream cheese behind the plates.

Nachos are better when there’s cream cheese.

Medyo natagalan kami ni mama sa paghahanda ng pulutan kasi hindi lang nachos ang ginawa namin gumawa pa si mama ng kinilaw para sa dalawang nag-iinuman.

Nang bumalik na kami do’n ay halos mabitawan ko ang bitbit kong nachos sa nasaksihan ko.

My goodness! What did I just witness?! Natawa si mama sa likod ko nang makita mismo ang pangyayari! My goodnees! He’s a mess!

Reeve’s fucking totally mess!

Nagsasayaw lang naman siya sa harap ng aking ama ng kung anong-anong dance step sabay kanta ng Johny, Johny Yes Papa. May pa kembot kembot pa siyang nalalaman kahit na hindi tugma-tugma ang lyrics na kinakanta niya.

Mas naging palakas nang palakas ang kaniyang kanta at mas lalong nag iintense ang kaniyang mga dance moves na ewan ko at kung saan-saan niya napulot. Hindi rin nagtagal ay nag-iba naman ang kanta at naging my toes, my knees na naman! Lahat na lang ata na mga nursery rhymes ay kinanta na niya eh!

Bakit hindi naman ganito ang pinakita niya sa akin no’ng una siyang nalasing ha?! Bakit naging ganito na ‘to ngayon?!

Ako ang nahihiya sa kagagawan niya ngayon kahit na sila mama at papa lang naman ang nandito.

“Pa? What have you done?”

Hindi ako sinagot ni papa at patuloy pa rin sa pagtawa na ang mukha niya ngayon ay pulang-pulang na. I looked at Reeve na hindi pa rin matigil sa pagsasayaw kahit na nandito na kami ni mama.

Tiningnan ko ang bote ng JD at napasigaw ako ng makita kong malapit na ‘tong maubos! Hindi naman ata kami umabot ni mama ng isang oras sa loob at ngayon ay nangangalahati na ang bote ng JD!

“Nakalahati niyo agad papa?!”

Napatigil si Reeve sa kaniyang ginagawa ng bigla akong sumigaw. Muntik pa siyang matumba kung hindi ko agad siya naalalayan.

Pulang-pula ang mukha niya at ang kalat-kalat ng buhok niya. Inalalayan ko siyang umupo at pinainom ng tubig. Pati pag-inom pa nga ng tubig ay halos hindi na niya.

“Ba’t naging bata ka bigla, Reeve?” napangiwi ako sa mukha niya ngayon.

Pinatigil na rin ni mama si papa sa pag-inom at itinabi ang natitirang JD. Inalalayan din ito ni mama at medyo tinamaan na rin ‘to ng alak.

“Anak, mauuna na kami sa loob ha. Kung kailangan mo ng tulong sa pag-akay kay Kyzyr ay magpatulong ka na lang kay kuya Noel,” tukoy niya sa bodyguard namin dito.

Nakapikit na ngayon ang kaniyang mga mata at ang kaniyang damit ay basing-basa ng pawis. Ba’t nagiging ibang tao ka kapag nalalasing ka?

Kung maaalala mo lang ang ginawa mo ngayon ay paniguradong hinding-hindi mo na gustong uminom pa ulit.

“Reeve… open your eyes , I need your cooperation para maihatid kita ng maayos sa kwarto,” I tapped his face.

Minulat naman niya ang mga mata niya. Namumungay ang mga mata niyang tiningnan ako. He sat properly as he cupped my face.

Bigla siyang ngumiti at nilapit ang mukha ko sa kaniya. Napapikit ako ng maamoy ang alak sa hininga niya. Inaalis ko ang pagkakahawak niya sa mukha ngunit pilit niya itong binabalik.

“Reeve umaayos ka. You need to sleep,” pagbabanta ko.

Inangklas ko ang braso niya sa leeg ko at pinatayo siya. I almost lost my balance when his weight shifted on me. Mabuti na lang at nakayanan ko pang ibalance ang sarili. Hinawakan ko ang bewang niya para kahit papaano ay may suporta ako.

We tried walking pero nakakadalawang hakbang pa lang kami ay bigla kaming natumba sa damuhan.

“Damn it!” I hissed.

I have no choice but to call kuya Noel to help me carry this wasted man. Nang tatayo na ako ay hinablot ni Reeve ang kamay ko causing me to fall on his massive chest. At bigla niyang nilagay ang kamay sa likuran ko at hinigpitan ang yakap.

“Reeve! Hindi tayo matutulog dito sa damuhan! Let me go para matulungan tayo ni kuya Noel.”

Natigilan ako ng bigla siyang nagsalita, “I love you my queen.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.