CHAPTER 38

Chapter 38

Cry

That night I couldn’t sleep well thinking about meeting his parents. Kagaya ng sinabi ko ay hindi ko pa man sila nakikita ay kinakabahan na ako. I can already feel the tension running on my body, thinking how angry his mother’s voice was when I told her that his son has a girlfriend.

It also added to my nervousness the statement his mother left to me, making me dumbfounded and left a question running through my mind. Nang tinanong ako ni Reeve kung may sinabing hindi maganda sa akin ang ina niya ay hindi ko sinabi ang totoo, instead, I cover her mother.

“Is there something that was bothering you, Neve?” Reeve softly asked. He tightened the gripped of his hand to mine.

Huminto kami sa gitna ng mall. Umaangat ako ng tingin sa kaniya at hilaw na ngumiti sabay iling. My mind was clouded with the thought of meeting his parents, and that I almost forgot I was with him.

Inaya ko siyang na mag mall kami ngayon para makabili ako ng dress na susuotin para mamaya. I don’t usually buy dresses in a occasion like this, but this one is different. I need to look presentable in front of his parents.

“You look bothered. If you want to say something, just tell me,” he softly told me. Hawak ang aking kamay ay sabay kaming naglakad papunta sa isang botique.

“I am quite bother about meeting your parents later,” there I finally said.

“You don’t have to. Just be yourself when you’re around them,” mahinanon niyang ani.

“Should I buy gifts for them? Maybe a cake or something extravagant things? I’m sure your mother loves luxurious things perhaps I should buy her accessories?” tuloy-tuloy na wika ko sa kaniya. Napalunok ako pagkatapos kong sabihin ‘yon sa kaniya.

Wala akong ka ide-ideya sa mga gusto ng pamilya niya maliban sa alam ko ang pangalan nila at sa sinabi no’ng kasambahay nila dati.

“You’re stuttering,” puna niya.

“Huh ako?” turo ko sa sarili ko. Gano’n ba ako ka kabado at hindi ko namalayan na nabubulol na pala ako.

Simpleng tumango lamang siya at mas hinigpitan ang kapit sa kamay ko.

“You don’t have to buy them expensive gifts, Neve. Your presence there is the most important, and besides, I am here don’t be nervous,” pagpapakalma niya sa akin.

“I think your mother is terrified that you have a girlfriend, Reeve. By the looks of how you control your anger last night was evident that your mom doesn’t like me already,” I started. Hindi ko pa rin nabanggit sa kaniya ang tungkol sa promise na sinasabi ng ina niya sa akin and how his mother insulted me of being delusional to his son.

Deretso ang mata niyang nakatingin sa boutique na pupuntahan namin bago niya ako sinagot.

“Don’t worry about them, Neve. Whether they like it or not, you’re my girlfriend, and they can’t do anything about it anymore. Introducing you to them was just for formalities,” he stated.

“You don’t even need to buy a dress to impress them,” he whispered.

Hindi na lang ako nagsalita pa at hinatak na lang siya papasok sa loob. Agad naman kaming dinaluhan ng sales lady na may halong ngiti kaso imbis na sa akin dumeretso ay mas dinaluhan niya pa si Reeve at sa kaniya nag tanong kung ano ang kailangan namin.

Tumagal ang paninitig niya kay Reeve. She even eyed him from his head down to his toes. I get it, Reeve was just simply wearing a plain black v-neck shirt and simple cargo pants underneath, nothing special pero kung makaasta ang sales lady ay akala mo nakakita ng artista sa mall.

Unexpectedly, I rolled my eyes and heaved a big sigh. Binitawan ko ang kamay ni Reeve at pumunta sa mga dress station nila dito sa loob.

Hindi ko alam kung tanga ang sales lady nila dito or nagtatanga-tangahan lang eh.

This boutique was obviously for women, and she should entertain me first, for I was the one who needed the dress and not Reeve. Hindi kay Reeve siya magtatanong kung ano ang kailangan namin. Mabuti sana kung may panlalaking mga damit dito eh pero wala naman.

Kaya ang kaba na naramdaman ko kanina ay biglang napalitan ng inis dahil sa saleslady na hanggang ngayon ay hindi pa ring tapos pagmasdan ang mukha at katawan ng nobyo ko.

I was busy finding a beautiful dress that would best fit me when someone not far from me caught my attention. Nakasuot ng casual na damit ay si Ry na nagahahanap din ng damit malapit sa akin.

“Ry,” I called his attention.

Upon hearing his name being called, he immediately finds the voice where it came from. Kumaway pa ako para agad niya akong makita.

“Henzy,” ngiti niya sa akin.

“May kasama ka?” tanong ko agad sa kaniya.

“Ah. wala. Pumunta ako dito para bumili ng damit para sa kapatid ko, inutusan ako eh,” agad niyang sabi sa akin.

“Naks ah! Kuya na kuya talaga, ano?” tawa ko.

“Ikaw? May kasama ka?”

“O—”

“Yes she has,” Reeve cut me off. Tumabi siya sa akin at inangklas ang braso niya sa leeg ko.

Ito na naman ang mabibigat niyang tingin kay Ry kahit na wala namang masamang ginagawa ang tao sa kaniya.

Ry just laughed at him, “Akala ko wala pre mag-isa lang kasi siya dito kanina.”

“Ngayon alam mo na,” walang ganang saad ni Reeve.

Siniko ko ang tagiliran niya dahil sa sinagot niya kaso binalewala niya lang ito.

“Chill bro. Hindi ko alam if may galit ka sa akin or wala eh. Every time that I met, you always give me that annoying face of yours to me,” Ry joked to him, pero hindi ‘yon kinagat ni Reeve at may halong diin pa rin siyang nakatingin sa kaniya.

He’s jealous again. Hindi ko talaga alam kung ano ang ikinaseselos niya kay Ry eh na magkaibigan lang naman kami.

“It’s because you’re annoying,” prangkang wika nito na siyang ikinalaki ng mata ko dahil biglaan niyang ‘tong sinabi.

“Reeve!” suway ko at pinanlakihan siya ng mata.

“I’m sorry, Ry. Bad mood ata,” pagpapaumanhin ko sa kasama kahit na alam kong nagseselos na naman ‘to.

“It’s okay, Henzy,” ngiti niya sa amin.

“A piece of advice bro, don’t let your precious diamond left somewhere else someone might steal it,” huli niyang sinabi at tinapik ang balikat ni Reeve bago siya nagpaalam ulit sa amin.

Pagkaalis ni Ry ay pinagsabihan ko agad si Reeve sa inasal niya kanina.

“Reeve, watch your words wala namang ginawang masama ‘yong tao ah,” mahinahon kong saad ko sa kaniya.

“Sinusundan ka ba no’n? Kung saan-saan lang kasi sumusulpot,” medyo inis niyang wika.

“No! Nagkita lang talaga kami dito at bakit naman ako susundan no’n abir? Bumili lang ‘yon ng damit para sa kapatid niya, Reeve,” I explained.

“Okay, okay… I’m sorry, my fault go pick your dress already. I’ll be waiting here outside,” he surrendered.

Bago ko nakita si Ry kanina ay may nakapukaw ng attention ko sa mga damit kanina. When I spotted them, I immediately grab them and went to the fitting room.

It was two dresses with the same details, yet different in color. The first one is a bright pink off-shoulder suspender dress up to tighs, and it was a fitted one, while the other one is color black.

Hindi ako makapili sa dalawa kasi parehong maganda at kulay lang naman ang pinagkaiba kaya lumabas muna ako at nagpatulong kay Reeve kung saan ang mas bagay sa akin.

Naabutan ko siyang busy sa pagbabasa ng magazine at ng lumabas ako ay agad na nag-angat siya ng tingin sa akin.

Bitbit ang dalawang damit ay pinapili ko siya kung saan ang mas maganda at bagay sa akin.

“Which is which, Reeve?” Pinagsalit-salit ko pa ang damit ko para makapili siya ng maayos kung saan ang mas bagay at maganda sa akin.

“Really, Neve? You will asked me that question? Lahat naman bagay sa’yo eh,” he spoke.

“Alam ko naman na bagay lahat sa akin pero kailangan isa lang ang piliin ko,” I proudly stated, “dali na kasi at pumuli na.”

“We can buy both, Neve,” he suggested.

Ngumuso ako at umiling. As much as I want these beautiful dresses, I can’t buy the two of them. Bukod sa kulay lang naman ang pinagkaiba sa kanila ay magsasayang pa ako ng pera.

“No, we can’t. Sayang sa pera. Just chose one, Reeve,” pagpupumilit ko.

He eyed both of the dresses and observed them carefully. “The bright pink one,” agad niyang sagot.

Malapad akong ngumiti at tinanong siya, “Why bright dress?”

“Other than it suits you better, you always shine, and whenever you’re beside me, you’re the light that gives shine to my life,” makabuluhang niyang saad habang deretsong tiningnan ako sa mga mata.

“Nambola ka pa ha? Tinanong lang kita kung bakit ito ang gusto mo may pa shine shine ka pang nalalaman d’yan,” tawa ako pero sa kaloob-looban ko ay halos malusaw na ako sa kilig na nararamdaman ko.

“You’re a diamond, a gem to me. Kahit na hindi ka pa nakasuot ng ganiyang klaseng damit you always shine for me,” dagdag niya pa.

“Then, I will keep shining so that darkness won’t eat you,” at ninakawan siya ng halik sa pisngi bago pumasok ullit sa fitting room.

“Bayad na po ‘to ma’am,” agad na bungad ng cashier sa akin ng iaabot ko na sana ang card sa kaniya. Iniabot ko sa cashier ang damit para balutin niya ito at habang binabalot niya ito ay nasa likod ko naman si Reeve na naghihintay matapos.

Hinarap ko siya at pinanigkitan ng mga mata.

“I can pay for my dress, you don’t need to pay for me,” seryoso kong saad sa kaniya.

“It’s fine, Neve. I want to spoil you, my love.” Dahil nakatalikod ako sa casheir ay siya na mismo ang umabot ng dress ko.

“Don’t spend your money on me. Spend it to yourself. I can provide,” pangangatwiran ko.

Pumasok kami sa loob ng restaurant at hindi kalayuan sa amin ay parang may nakita ako. A familiar back of the two people caught my sight. Hindi ako pwedeng magkamali at napakapamilyar talaga sa akin ang pigura nila.

Reeve was busy talking to the receptionist and I on the other hand was busy eyeing the two familiar people. Biglang lumakas ang tibok ng medyo humarap sila banda sa amin. Napalunok ako ng mamukhaan kung sino ang dalawang taong ‘yon.

After how many years… Years of running away… years of hating you ay makikita pa rin pala kita. Wala sa oras kong kinuyom ang aking kamao ng mas naging klaro na ang mga mukha nila dahil humarap sila banda dito. Laking pasasalamat ko na lang at hindi nila ako nakita.

The restuarant was covered with the glasses kaya kitang-kita ko kung paano sila masayang nagtatawanan.

“Neve?” Reeve called my attention. Gulat akong napatingin sa kaniya. Inabutan na niya pala ako ng menu at halatang kanina niya pa ‘yon inaabot sa akin kaso ay wala ako sa sarili ko.

“What’s your order?”

“Kung ano ‘yong sa’yo ‘yon na lang ‘yong akin,” sabi ko at hindi ko na alam kung ano ang gagawin dahil sa nakita ko.

“You okay? You spaced out again. May nakita ka?” sunod-sunod niyang tanong. Sinundan niya pa kung saan ako nakatingin.

Inagaw ko ang attention niya ulit. I don’t want him to worry about me.

“Wala… nakita ko lang ‘yong mga batang pinaglalaruan ang cotton candy d’yan kanina. It reminds me of my childhood,” I lied.

He bit my excused kaya hindi na siya nag tanong pa ulit.

“Love, your family are closed with Joana’s family, right?” I asked out of nowhere.

Hindi rin nagtagal ay dumating na ang order namin. Maingat itong nilapag ng waiter sa table at magalang na umalis sa harap namin.

“My parents are closed why’d you asked?”

“Do your perhaps meet her parents?” tanong ko ulit sabay iwas ng tingin sa kaniya at tinoon ang attensyon sa pagkain.

“I only met her mom, but not your— I mean his father,” he hesitated to say the last word.

“Why? Is there something that bothers you?”

Umiling ako at pinagpatuloy ang pagakin. I shouldn’t worry about that now and focus only on meeting his parents tonight.

Kung ano man ang ibinalik niya dito ay sigurado akong para ‘yon sa kaniya at hindi para sa akin.

If ever we will meet again, I only wanted to ask this question to him ad hopefully he could answer me honestly.

Why did he do it. Why does he have to do it instead of fixing it.

“I’m going to fetch you before seven, love. Rest well,” he kissed me on the lips longer before he bid his goodbye.

Pumasok ako sa loob at nagpahinga ngunit hindi ko maiwasang isipin ang nakita ko kanina. Half of me hated it and half of it wanted that for once, he went home for me. But, who am I kidding? I’m an unwanted child of his. He just married my mother not because he loves him but because he was pressured by his father.

It’s been years— I even lost counts of years already at ngayon ay nakita ko ulit siya ay biglang nagbago ang naramdaman ko. I loathed him for what he has done to us—but I even loathe myself even more. Kung hindi sana ako dumating sa buhay nila ay hindi sana naghirap si mama no’n.

If I wasn’t born into this world, maybe everyone was happy with their own decisions, yet a mistake is a mistake, and no matter how they would conceal it, it can’t be undone anymore and all they have to do was to face it.

I loathed him, but it will never change the fact that he’s my biological father. Mahirap man tanggapin pero dugo niya ang nanalaytay sa katawan ko. Pagbalikbaliktarin man ang mundo siya pa rin ang tunay kong ama.

And that is the fact that will never change, the fact that my own father abandoned me.

Humugot ako ng malalim na hinga bago inabot ang kamay ni Reeve na nakalahad sa akin. Tama nga ang sinabi ng isa nilang kasambahay no’n na dalawa ang bahay nila dahil nasa ibang bahay na naman kami. This house was much more bigger than the other. At habang unti-unti kaming naglalakad papasok sa loob ay siya ring pagbilis ng tibok ng puso ko.

The mood of this house wasn’t like the mood of his grandparent’s house. Labas pa lang ay amoy makapangyarihan at authorative na. Paano pa kaya ang mga tao sa loob?

Sunagi na naman sa isip ko ang boses ng kaniyang ina kaya mas nakapagdagdag ng kaba ko. Siguro naman ina lang ni Reeve ang gano’n at hindi pati ang kaniyang ama?

Sa tabi ko naman si Reeve ay seryoso lang na naglalakad. Hinapit niya ang bewang ko at hinawakan ito ng mariin. Hindi na ako nagreklamo kung gaano kami kalapit ngayon dahil kailangan ko rin ‘to. I need his hold to somehow calm my nerves.

“Where are they?” ma awtoridad na tanong niya sa kasambahay nila.

Tiningnan ko ang kasambahay at pati siya ay may awra rin kagaya ng bahay nila. Iban-iba sa kasambahay sa kabila niyang bahay. Lahat dito ay seryoso.

Yumuko ang kasambahay at inilahad ang kamay niya sa kung saan magaganap ang pagkikita namin.

The look of the maid crept me out kaya napahawak ako ng mariin sa katawan ni Reeve. Anong meron sa bahay na ‘to at lahat ng mga tao dito sy seryoso. Pati ag mga halaman sa labas ay tila walang ka buhay-buhay.

Nakarinig ako ng kunting tawanan kaya do’n nabaling ang attensyon ko. Pero ang kasama ko ay para wala lang sa kaniya at seryoso pa rin ang mukha. Tuloy-tuloy lang kami na pumasok sa dining at ang tawanana kanina ay naudlot dahil sa presensya namin.

“Ky!”

“Joana?” bulong ko hindi makapaniwala na nandito siya.

Pagkatapos niyang tawagin ang attensyon ni Reeve ay tiningnan niya ako at may halong malaking ngisi.

What is she doing here?

Nilibot ko ang paningin ko sa kung sino ang nandito ngayon at maliban sa aming dalawa ay ang parents ni Reeve at si Joana ang nandito.

Hindi ko pinansin ang ngisi na ipinukol niya sa akin at tiningnan ang ama at ina ni Reeve.

“Good evening po, ma’am and sir,” I greeted them formally.

His mom was wearing a red dress that fitted on her body kaya kitang-kita ang kurba ang katawan niya. Seryoso ang mga mukha nito at hindi nakikitaan ng tuwa. Inirapan niya ako at ang kaniyang mga mata ay deretsong nakatingin sa kamay ni Reeve na nakahawak sa bewang ko.

She smirked upon seeing our sight. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kaniya at binati ulit ang ama ni Reeve. Tipid niya lang ako nginitian at inilahad ang upuan sa amin ni Reeve.

Reeve didn’t even greet his parents at seryoso pa rin hanggang ngayon ang kaniyang mukha. Kinakabahan man ay umupo pa rin kami ni Reeve.

Joana’s eyes didn’t leave Reeve. Masaya pa rin itong umupo katabi ang ina ni Reeve samantalang magkatabi naman kami ni Reeve.

“So? What is this, Ky?” nakataas ang kilay na tanong ng kaniyang ina.

The maid serve our food pero hindi ako makatingin sa pagkain na inihanda sa harapan ko dahil tensyonado ako. My hint was right. By the looks of his mother now, she wasn’t happy that Reeve brought me here.

“Mom, Dad. I want to introduce my girlfriend to you. Henzy Neve,” walang preno na sabi niya at biglang pagpapakilala niya sa akin.

Her mother eyed me. Tahimik lang ako sa upuan ko at hindi nagsalita. Ito na naman…. Parang bumabalik na naman ang nangyari no’n. The feeling of being neglected and embarrassed in front of the family member of someone I loved.

My eyes landed on Joana. Given that my sister was here, I think I already know where this conversation is going. No…not again…

Despite the nervousness, I am feeling, I still remained calm in front of them. Hindi ako pwedeng maging mahina ngayon. I need to fight for my rights if ever they will insult me. Hindi ko na gustong mangyari ulit ang nangyari sa akin no’n ‘yong kinakawawa ako.

I don’t want that to happen, and I won’t let it happened again.

“Girlfriend ha? I thought we talked about it, Ky. What happened now?” ma awtoridad na tanong niya.

“Ysa,” suway ng ama niya.

“Okay fine. I won’t cause a disaster here. Joana honey, can you please pass the shrimp to Ky? It’s his favorite food,” masuyong wika niya kay Joana.

Shrimp? Reeve is allergic to that food hindi niya ba ‘yon alam?

Hindi nagdalawang isip si Joana na iabot kay Reeve ang pagkain ngunit hindi ito pinansin ni Reeve at mas ako ang pinagtuonan niya ng pansin. Nabitin sa ere ang kamay ni Joana na may hawak na plato ng shrimp, hindi makagalaw sa biglang ‘di pag pansin sa kaniya.

“Are you okay?” bulong niya sa akin habang inaasikaso niya ang pagkain ko.

“Don’t mind me, just talk to your parents,” sabi ko at inagaw sa kaniya ang pagkain. I can feel the intense stare his mother was giving to me and as much as I can I don’t want to cause a scene here.

“Ky, Henzy isn’t disabled, and she can handle that on her own. Joana was offering you the food, yet you decline her disrespectfully,” biglang sulpot ng ina niya sa amin.

“Right, Henzy?” she raised her brow at me.

Plastik akong ngumiti sa kaniya at sinagot pa rin siya. “Yes po.”

“I can serve on my own she doesn’t need to that to me, and besides, it wasn’t my favorite dish. Don’t you know that I don’t eat shrimp ma?” seryoso ang boses nitong wika sa ina.

“What? Does your preference on food change ng naging girlfriend mo na siya? Ano, Ky? Ginayuma ko ba niya?” she insulted me.

Tahimik kong nginuya ang pagkain ko kahit na unti-unti na akong nakakatanggap ng insulto sa kaniya.

Hindi ako nagpatinag sa salita niya at nanatiling kalmado kahit na gustong-gusto ko ng magsalita.

Ako kinulam si Reeve? The heck? Ni hindi ko ‘yan gagawin sa anak niya. At anong nagbago ang mga paborito ni Reeve? Reeve is simply allergic to shrimps, akala ko ba ina siya? Bakit hindi niya ‘yon alam?

Reeve scoffed, “Really ma? I don’t eat shrimps simply because I am allergic to that. My girlfiend is out of this. Hindi mo ba ‘yon alam?”

Natahimik ang ina niya at hindi nakapagsalita ng ilang segundo. Joana laughed awkwardly and tries to cover up the situation.

“Oo nga pala tita. I forgot allergic nga pala siya dito. My fault.”

Reeve’s father tried to make the situation lighter kaya tinanong niya kung ano ang kursong kinuha ko.

“I’m a nursing student po,” ngiti ko sa kaniyang ama.

“Nursing? What are you trying to be? Gusto niyo maging alipin ng mga pasyente?” insulto ng ina niya.

Hindi ko na napigilan ang naramdaman ko at sinagot ko na agad ang kaniyang ina.

“Mawalang galang na po pero hindi po alipin ang tawag sa amin. We choose this field because this where we are happy. Helping people fulfill us and bring happiness to us. Masyado niyo naman po atang dina-down ang mga nurses dito? Hindi niyo po ba alam na baka sa pagtanda niyo ay baka nurses din ang mag-aalaga sa inyo?”

“Wala naman kayong pera na makukuha d’yan bakit ‘yan pa ang pinipili niyong kurso? Sge nga ija, what future of the nurses awaits here in the Philippines? Kaya nga maraming mga kagaya niyo ang nangi-ngibang bansa dahil sa hindi sila na pa-prioritize dito?”

Nagpipigil akong sumigaw sa harap niya kaya ay nginitian ko pa rin siya.

“Hindi lahat ganyan ang mindset kagaya niyo po. May mga nurses pa rin na mas gustong manatili dito dahil mas kailangan kami dito at isa ako do’n. Hindi ko pinili ang kursong ito para lang sa pera. Hindi po pera ang habol ko. Ang habol ko po dito ay makakatulong ako sa mga nangangailangan at sa kapwa ko tao,” I honestly told in front of them.

“Yes, I am not business-minded like you because, unlike me money isn’t everything to,” dagdag ko pa.

Ito talaga ang ayaw ko sa lahat ang dina-down ang pinili naming kurso. Why don’t people mind their own business? Bakit palagi lahat na lang ng desiyon at kokontrahin.

There’s no superiority when it comes to the career or path each and everyone was taking. Not because you save more money than others is you would think highly of yourself.

Health is much more important than money. That money that they keep on bragging on will eventually fade. Hindi ko ma gets ang punto kung bakit ang baba ng mga tingin nila sa mga medical staffs.

Hindi ba nila alam na sa pagdating ng panahon ay dito rin ang bagsak nila?

Tumawa ng napakalakas ang ina niya. Binaling niya ang tingin sa anak niya.

“Are you like this too, son? Do you choose this field also because you have a mindset like her? Right from the start, you know already that we hated the path you’re taking. I highly disagree with you being a nurse,” she mocked.

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Reeve sa ilalim ng lamesa dahil sa sinabi ng kaniyang ina. Nagpipigil siya ng galit kaya siya ganito.

“But then you choose not to follow us and pursue what you wanted. Nakalimutan mo na ba ang pinag-usapan natin no’n Ky? It’s either you follow us, or you will marry Joana, right?”

“Stop it ma! Stop matchmaking me to her! I only see her as a friend and nothing more. Hinding-hindi ko siya magugustuhan kahit kalian! So please ma, I beg you to stop you and your wildest imagination because Joana and I won’t be a couple ever!” Napatalon ako sa kinauupuan ko dahil sa biglaang pagtayo ni Reeve at paghampas niya sa lamesa.

Kahit na si Joana at ang kaniyang mga magulang ay nagulat din sa inakto ni Reeve.

“But you are a good match! Sa lahat ng babae ay si Joana lang ang gusto ko para sa’yo! You’re a good match!” nangangaligting sigaw ng kaniyang ina.

Kaya pala. Kaya pala sa tuwing tinatangka kong kausapin siya sa tungkol sa pamilya ay palagi niyang nililihis ang usapan o kaya nag-iiba ang mood niya dahil dito… dahil hindi sila magkasundo.

Una pa lang ay ilap na si Reeve basta usapang pamilya. Kasi ganito pala. His parents don’t support him in what he wanted in life. They oppose him. Pati ang personal na buhay niya ay pinapakialaman nila.

Kung hindi ko pa sila nakita ay hindi ko pa malalaman na ganito pala ang pinagdadaanan niya. His life was being controlled by his parents.

My sister was close to his family because of this, they wanted my sister to marry Reeve.

Tangina… palagi na lang. Palagi na lang akong naagawan. Palagi niya na lang inaagaw ang kung anong meron sa akin…

“Putangina! Ma! Stop freaking controlling my life! I had enough of those! Simula pagkabata ko hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang mag de-desisyon sa buhay ko?!”

Halos lumabas lahat ang mga ugat sa leeg niya habang sinisigawan niya ang kaniyang ina. Kuyom ang dalawa niyang kamao sa ibabaw ng lamesa at namumula ang mukha nito na tiningnan ang ina.

I have never seen him like this… Simula pa kanina ay pinipigilan na niya ang galit niya at ngayon ay hindi na niya napigilan.

Napasigaw kaming lahat ng biglang humandusay siyang humandusay sa sahig.

“Reeve!” I called at nagmamadaling pumunta sa kaniya para tulungan siyang patayuin. Pumutok ang gilid ng labi niya dahil sa suntok ng kaniyang ama.

“Stop disrespecting your mother!” galit na galit na sigaw ng ama niya.

“Reeve… stop it… please huminahon ka,” pagpapakalma ko sa kaniya sa nagsusumanong boses.

“No! Dad? Aren’t you tired? Aren’t you tired of being her puppet?!’

Nang ambang susuntukin ulit siya ng ama ay biglang sumigaw ang ina niya.

“And now you can disrespect me for that girl?! Ganiyan ba ang nagagawa ng pagsasama mo sa kaniya huh?! Then this girl is no good for you! Why are you so stubborn, Ky! Hindi pa ba sapat na hinayaan ka namin sa kursong kinuha mo kahit ayaw namin?!Kung may utang na loob ka then you should make my simple wish! is to be with Joana!”

“Tita,” rinig kong bulong niya.

“There… you spill it. You let me choose my dream course because you wanted me to do something in return. You let me be with my dream course, but you have never supported me. Do you know how tiring it is? Tapos ito pala? Kasi utang ko pala sa inyo ‘to? Utang ko pala ang pagsunod sa gusto kong kurso kasi babayaran ko pala kayo?” may diin sa bawat salitang binibitiwan niya.

I hugged him from behind hindi na inisip kung ano ang iisipin ng pamilya niya sa akin. Doon ko naramdaman na nanginginig sa galit si Reeve at nang niyakap ko siya ay medyo kumalma ang katawan niya.

“Stop it please… Reeve please,” I pleaded.

Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko siya mapapakalma at ito na lang ang tanging paraan ko. Hindi ko gustong magkaroon ng galit pa sila sa isa’t-isa ng dahil sa akin. This night wasn’t supposed to be like this.

“Then, I’m sorry to disappoint you mom and dad. I won’t pay my debt to you. I will be firmed with my decision, and if you can’t accept my girlfriend, then I am sorry, I will fight for her kahit pa kayo ang makakalaban ko,” he firmly told.

“You will regret this! I will make you regret your decision! I will destroy your relationship, Ky!”

Hindi na pinansin ni Reeve ang huling salita ng kaniyang ina at bigla akong hinila paalis do’n. Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ko na para bang ayaw na niyang itong bitawan. At tahimik lang akong sumunod sa kaniya.

“Love,” I softly called.

Bigla niya akong niyakap ng pagkahigpit na halos hindi na ako makahinga ngunit pinabayaan ko lang ito. I patted his back and brushed his hair.

“I’m sorry you have to witness that,” pagod niyang wika.

I didn’t respond to him until there’s a liquid I felt on the back of my dress. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin at naririnig ko na ang mga hikbi niya.

He’s crying… Reeve’s crying… My baby’s crying.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.