Chapter 47
¬¬Trash
That day, I was distracted from the whole work and it’s not a good start on my first day of work. But because of the many cases I had handled and talking to patients about their case somehow help me to overcome that day.
I had no choice but to work with him. It was then I realized that I was being unreasonable about him working here. Tama nga naman at magaling siyang surgeon, base sa nakita ko nang unang pag trabaho ko dito. He’s skilled and fast. Ang head surgeon na si Dr. Caserial ay amaze na amaze sa kaniya no’ng nasa operating room kami.
Ako lang talaga ‘tong may mali. I was being unreasonable that I let my personal issues let into my system and questions his skills. I shouldn’t have done that. It was so unprofessional of me. Kahit na labag sa kalooban ko na makita siya ay wala akong magagawa kun’di ang makisama sa kaniya.
I am okay. I am doing fine with myself. I am healed; I shouldn’t have reacted that way. Hindi ko lang talaga inaasahan na sa lahat ng lugar, panahon at pagkakataon ay dito ko pa siya makikita—sa unang araw pa ng trabaho ko.
It never occurred to my mind that I will be working with him. Hindi rin pumasok sa isipan na makikita ko pa siya pagkatapos ng sampung taon.
“Kumain ka na ba?” Ry asked me in the middle of studying the case given by Dr. Caserial. Nilapag niya ang cup noodles sa harap ko at langhap na langhap ko ang mainit at mabangong amoy not. Bigla tuloy akong natakam dahil sa amoy nito.
Pagkatapos kong mag rounds kanina kasama ang mga intern kanina ay may kailangan pa akong pag-aralan na procedure para sa operasyon na magaganap mamaya. Kaya nandito ako sa quarters para pag-aralan iyon samantalang di pa ako tinatawag ng mga interns kapag may problema silang makakasalumuha.
Hindi ako gaano kahigpit sa kanila dahil napagdaanan ko naman ang napagdaanan nila kaya nga lang ‘di ko maiwasan na magsungit minsan sa kanila lalo na kapag tinablan na ako ng pagod. Medyo na ko-konsenya rin naman ako pagkatapos kaya hanggang sa makakaya ng pasensya ko ay pinipigilan ko talaga.
Inamo-amoy ko pa ito at tinabi ang libro at iilang mga papel bago nilantakan ang dala niyang pagkain. May pizza at iilan pang mga fast food siyang dala. I was just silently praying na hindi ako tatawagin mamaya para sa isang operasyon o ano pa man na magaganap mamaya ng ma enjoy ko naman itong pagkain ko.
Sa tanong ni Ry sa akin ay doon ko lang napagtanto na hindi pa pala ako kumakain simula kahapon dahil sa sobrang busy at hectic ng schedule ko. Sa tuwing sinusubukan ko na pumunta sa canteen para kumain ay bigla akong tatawagin para sa mga emergency operation o cases.
“Gutom na gutom ka ha. Hindi ka kumain simula kahapon ‘no?” may pagdududa sa tono nito.
Dahil masyadong puno ang bibig ko ng pagkain ay tinanguan ko na lang siya. Enjoying the moment that I could eat freely without any disturbance. Dahil sa sobrang busy ko ay nalipasan na ako ng gutom hanggang sa hindi ko na alam na hindi pa pala ako kumakain.
“You should eat too, you know. I get that we’re busy, but at least find time to eat or better bring a snack to your pocket to somehow help you energize,” pangangaral niya sa akin habang tinitingnan akong takam-takam sa cup noodles.
After this week, I really deserve a good rest. Hindi pa ako nakakuwi simula noong lunes at miyerkules na ngayon. Masyadong busy dito sa hospital na hindi pwedeng iwan.
“Hindi ko na napapansin minsan ang oras kaya nakakaligtaan ko ng kumain. Kaya maraming salamat sa pagdala ng pagkain dito,” I thankfully uttered before drinking the soup of the noodles.
Malakas kong inilapag ang cup ng noodles at huminga ng malalim nang nabusog na ako. Takam na takam pa sana ako sa dalang pizza ni Ry kaso ay nabusog na ako sa cup noodles. Dahil na rin sa ilang araw kong pagliban sa pagkain o hindi makakain ng maayos ay hindi ko na kayang ibalik ang dating eating routine ko. Kakaunti na lamang ang kinakain at nabubusog agad.
“Take care of yourself too. You’re taking care a patient, yet you couldn’t take care of your own. Paano na lang pagnakasakit ka? Instead na ikaw ang doctor ikaw pa ang naging pasyente,” seryosong saad sa akin bago sinimulan ang pagkain.
“Teka nga… Ikaw? Ba’t ang dami mong oras para kumain? Ganiyan ba talaga kapag kasama mo sa iisang lugar ang gusto mo? Inspired palaging kumain?” I teased him.
Kumunot ang noo niya sa akin at tinabi ang kinakain niya ng naubos na ito. “Anong kinalaman na naman ng pagkain sa babaeng gusto ko? Nagdadala lang talaga ako ng snacks on my pocket para kahit habang naglalakad ay madali lang kainin. You should too. Iba ang Seattle sa Pilipinas, Henzy. Baka nakakalimutan mo.”
Tumango-tango na lang ako bilang sang-ayon sa kaniya. Tama rin naman ang sinabi niya. I should really bring a one bar of dark chocolate or any small snacks para sa sarili. Hindi rin naman pwedeng palagi kong ipagliban ang pagkain. Baka ako nga ang matuluyan nito.
“How are you?”
Suddenly, the atmosphere around us felt so profound on his simple question. Hindi ako tanga para hindi malaman ang laman ng tanong niya. Nasa iisang lugar lang kami at alam kong nakita na niya rito si Reeve no scratch that—Dr. Sandoval rather.
And I know he’s been dying to ask me a question, but he has no time since everybody was busy. At iniiwasan ko rin naman na tanungin niya ako. As much as I can, I want to avoid this kind of topic. I don’t want him to ruin my system while I am working here. Pero kapag anong iwas mo nga naman sa isang bagay ay siya rin itong kusang lalapit sa’yo.
The sad fact is there’s no escape. It’s either you ignore it, or they will run to you or face it and solve the problem. Either way, running won’t solve the issue. Just like my situation right now. And even if you run they will still continue to hunt you.
Iniwas ko ang tingin sa kaniya at bahagyang tumikhim. Kinuha ko ulit ang chart at ang case na binabasa ko. I am glad that I will be one of the resident to witness this operation given by Dr. Caserial kaya kailangan ko ‘tong pag-aralan dahil may discussion na magaganap mamaya kaso ay hindi ko pwedeng iwasan ang tanong ni Ry sa akin ngayong nandito na siya sa harap ko.
“I’m good,” simpleng saad ko at mas ipinokos na lang ang attensyon sa binabasa ko.
Wala rin naman akong madaming ibabahagi sa kaniya. Nakakasalamuha ko siya dito ngunit ‘di naman kami nagpapansinan lalo na kung hindi ko naman ako parte sa iilang mga kaso. Sa tuwing magtatama ang tingin namin ay seryoso niya lang akong binabalingan.
He’s very professional in his work.
“Hindi ka naman niya pinapahirapan, right?”
Tumikhim ako huminga ng malalim. “Hindi naman. He’s being professional kaya dapat ganoon din ako. We’re completely stranger this time, Ry.”
“Nandito lang ako kapag sasaktan ka na naman niya ulit, Henzy. Just call my name and I’ll be there for you in an instant,” bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya ay napaangat ako ng tingin sa kaniya. Namumugay ang mga mata niyang nakatingin sa akin na tila may pinapahiwatig.
Bigla kong kinuha ko ang kamay ko napatungan ng kamay niya at iniwas ang tingin. Sa pag-iwas ko ng tingin sa kaniya ay sandaling dumaplis ang sakit sa kaniyang mga mata. Ngunit ay hindi ko ito pinansin at sinagot na lamang siya.
“He will not hurt me. Not again, and I won’t allow that. I’ve learned my lesson.”
Hinding-hindi ako magpapa-apekto sa presenya niya dito. I will always remember what he did to me. At sa tuwing naiisip ko ‘yon ay galit na ang namumuo sa puso ko.
Pagkatapos namin kumain ay biglang tumunog ang beeper ko. Pinapatawag ako ng isang intern at kailangan daw ako sa conference room. Hindi na ako nakapagpaalam ng maayos kay Ry at agad na umalis doon sa quarters namin at dali-daling nagtungo sa conference room.
This must have been the discussion on the case that was given to me.
I studied the case earlier, and base sa medical history niya this patients need coronary artery bypass graft surgery. Hindi biro ang ganitong procedure dahil kailangang patigilin ang pagtibok ng puso ng pasyente at ang mga risk factors na dala nitong procedure na ito. This needs a thorough discussion.
Dali-dali akong pumasok kasi akala ko ay nagsisimula na sila kaya ay walang pagdadalawang isip kong tinulak ang double doors. My eyes widen at the sight that welcomes me. Nakasandal siya sa sandalan ng upuan at may binabasa ito gamit ang kaniyang mata. Kumunot ang noo niya sa binabasa niya at bahagyang inayos ang rimmed glasses niya. Nakasuot siya ng lab gown at may stethoscope na nakasabit sa leeg niya. Different color of pen was on his pocket. May napansin din akong dalawang maliit na bar ng dark chocolate doon.
Hindi niya ako napansin na nakapasok at masyado siyang nakapokus sa binabasa niya. Kaming dalawa lang ang nasa loob at akmang lalabas na ako dahil baka mali ang napuntuhan ko o mali ang pag page sa akin ng intern ng bigla siyang nagsalita.
“You came to the right room. Don’t leave,” ang malamig niyang boses ay bumalot sa tainga ko.
I had no choice but to stay with him here. Totoong kaming dalawa lang talaga ang nandito at wala pa ang ibang kasama sa team. And I thought he will not be in this case. Malinaw na sinabi sa akin ni Dr. Caserial na si Dr. Ignes ang kasama sa kaso na ito. Kaya bakit nandito sa ngayon?
May pagtataka man sa presensya niya ay hindi ko na lang ‘yon pinuna at tahimik din na binasa ang chart ng pasyente. I don’t want to interact with him at sana ganoon din siya. Pero dahil nasa iisang trabaho kami ngayon ay kakailanganin ko pa rin.
Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko ng bigla siyang nagsalita, “What can you say about this case, Dr. Vasquez?”
Pumikit ako at huminga ng malalim. Kakasabi ko lang na ayaw ko siyang kausap pero taliwas pala sa iniisip ko ang iniisip niya. Akala ko ay mag-uusap lang kami kapag nandito na ang lahat ng team.
“This patient was diagnosed with ischemic heart disease and ongoing angina—no family history of ischemic heart disease but a former smoker. In her past medical history, it was stated there that she has been in non-insulin-dependent diabetes Mellitus, COPD, hypertension, and hyperlipidemia. Three years ago, she was suffering from Polycythaemia rubra vera. ” I stated what I have read on the patients’ chart earlier.
Dahil na rin sa diagnosis sa kaniya at sa kaniyang past medical history ay kailangan ng surgery dito. A coronary artery bypass graft surgery to help improve the blood flow of her heart.
“So?” tinanggal niya ang suot ng glasses at pinatong ito sa lamesa hinimas-himas niya ang sintido at naghihintay ng sagot galing sa akin.
“She needs surgery.”
“What procedure?”
“Coronary Artery Bypass Graft (CABG),” I directly answered her.
Tamang-tama ng pagkakasabi ko ay biglang pumasok si Dr. Caserial at ang iba pang kasama sa team sa gaganapin na surgery.
Tumayo ako at binati si Dr. Caserial samantalang siya ay prenteng nakaupo lang na tila walang pakialam na nandito ang head surgeon.
“You’re right Dr. Vasquez. We’re performing a CABG on this case, but there are high-risk factors on this one upon performing this procedure,” Dr. Caserial told everyone.
“Because this procedure is a complicated one. We stopped the heart of the patients,” an intern muttered beside me.
Dr. Caserial opened the projector and presented the case to us clearly. Nakinig lang ako the whole time at pa minsan-minsan ay nagsasalita rin para sa mga suggestion para sa operasyon na ito. I only focus on my work the whole time, and I didn’t bother taking a glance at him kahit na nagsasalita din siya at ine-explain ng maayos ang kaso.
“His coronary angiography results showed a an occluded right coronary artery. 60 percent of proximal stenosis in her LAD. The preoperative blood all shows normal.”
Habang nagsasalita si Dr. Caserial ay ramdam-ramdam ko ang mga mabibigat niyang tingin sa akin. I can’t see him fully since I was busy listening, but in my peripheral vision, he didn’t even glance at the presentation at sa akin lang nakatingin.
It gives me goosebumps. I don’t want to be distracted kaya nakapokus lang talaga ako sa kaso. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa sa akin pero wala na akong balak sa kaniya. I can interact with him if it is all about our work. Other than that ay wala na akong pakialam.
“She suffered Polycythaemia rubra vera, and performing this procedure will result in a high risk of bleeding and the development of his pleural effusion,” bigla kong sabi ng mas maiisip pa ng maayos ang kaso.
“We can reduce the risk by having proper management and close monitor of the patient. We can reduce the complications. After all, we’re taking a risk here,” Dr. Sandoval spoke.
At doon lang ako napaangat ng tingin sa kaniya sa buong oras na nag di-discuss kami sa kasong ito. Seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko. Nag-iwas agad ako ng tingin at binalik ang attensyon kay Dr. Caserial na nagsasalita pa.
“What is the possible rate that this operation will be successful?” I asked.
“70 percent, Dr. Vasquez,” siya na naman ang sumagot sa tanong ko. Medyo na-inis na ako ng siya ang panay sagot sa mga tanong ko. Hindi ko naman siya tinatanong. This question are for Dr. Caserial pero siyang itong sabat nang sabat.
I am kinda annoyed pero hindi ko na lang pinapakita. I was trying to suppress myself by rolling my eyes in front of him. I keep reminding myself to stay cool in front of him.
“We need to discuss this matter with the patient and the family since the risk is high, especially she’s a senior citizen.”
Pagkatapos ng discussion ay agad na nagtungo kami ng interns sa kwarto ng pasyente para ipaitindi sa kanila ang procedure na magaganap. The thing about being a doctor is honesty. Both patients and the doctor needs to be honest.
The patient needs to be honest to us to give a right and proper diagnosis and medication for their health. The same goes for the doctor.
Sometimes, patients aren’t honest with their health kaya nabibigyan ng maling diagnosis at nasisis ang mga doctor that results in medical malpractice, which is the very last thing we want to happen.
Pagkatapos ma-explain ng maayos sa pamilya ng pasyente at sa pasyente ang gagawin ay binigyan namin sila ng oras para makapag isip-isip bago pirmahan ang waiver.
Nakita ko si Renaissa at si Zenneth sa nurse station at papunta ako sa room 122 para e monitor ang pasyente doon. They are busy talking to the nurse, probably about the patient’s details.
Renaissa is in neurosurgery, Zenneth is in general surgery, while I am a resident under cardiothoracic. Althea is in her fellowship on orthopedics, and Hannah is in obstetrics.
Iba-iba ang field naming magkakaibigan kaya minsan-minsan lang kami magkita. Pero nakakakasama ko rin sila minsan kapag need na na ng neuro, at gs sa isang pasyente.
“While I am walking towards them ay nakita ko si Reeve na papalapit din sa posisyon nila. Kaya imbis na pupunta ako sa kanila ay hindi ko na lang tinuloy. Nilagpasan ko sila at at tuloy-tuloy na nagtungo sa kwartong papasukan ko.
Pero bago ko pa man sila malagpasan ay may tumawag sa pangalan ko. “Henzy Neve,” Ry called me. Napatigil ako sa paglalakad at tinignan si Ry na papalapit sa akin.
Kitang-kita ko sa sulok ng mga mata ko ang mapanuring tingin ng mga kaibigan dahil sa paglapit ni Ry sa akin. Sumipol si Renaissa nang nasa harap ko na si Ry at may inabot sa akin.
Si Zenneth naman ay bahagyang tumawa at nanukso pa sa amin. What’s wrong with them?
“I knew it. Hindi ka na naman nagdala ng snacks sa pocket mo. Makakalimutan mo namang kumain mamaya,” sabi niya sabay abot ng hersheys na dark chocolate.
“Sorry kakatapos lang namin eh at may pasyente pa akong pupuntahan.” Kinuha ko ang chocolate na binigay niya at nilagay ito sa mini pocket ng hospital gown namin.
“Ang sweet naman Dr. Fuentabella,” Renaissa teased him.
“Bittersweet since he gave Henzy dark chocolate. Dark chocolate is bitter, but can’t deny the fact that it has a sweetness on it,” si Zenneth naman na nakataas ang kilay at nakangisi sa amin.
“Anong pinapahiwatig niyo, ha?” taas kilay kong tanong sa kaniya.
“Sure ka ba talagang hindi mo nililigawan ang kaibigan namin?” mapanuring tanong ni Renaissa at bahagyang tiningnan si Reeve na busy kakabasa ng chart ng pasyente.
“I am plan—” hindi na naituloy ni Ry ang kaniyang dapat sasabihin ng bigla siyang pinutol ni Reeve.
“Hershey’s chocolate? You let her eat cheap chocolate?” malamig nitong tugon kay Ry na rinig naming lahat. Pati ang mga nurses ay dinig din ang sinabi niya.
Nagpipigil ng tawa si Zenneth samantalang si Renaissa ay nakaawang ang mga bibig. I looked at Ry who looks at Reeve with a creased on his forehead, tila na iinsulto sa sinabi nito.
“What’s wrong with the Hershey’s chocolate? Got a problem with that dude?” naging seryoso ang boses niyang binalingan si Reeve.
“Yeah. I have. It’s cheap, and she doesn’t deserve to be treated with cheap things.”
Akmang susugurin na ni Ry si Reeve dahil sa sinabi nitong nakakainsulto tungkol sa chocolate ay mabilis kong hinawakan ang kamay ni Ry. Nakita naman iyon ni Reeve at nagtiim ang bagang nito. Ano bang problema niya sa buhay, ha?
Hindi naman siya inaano ng tao pero ang hilig manhimasok.
“What is your problem ba? Hindi naman ikaw ang kakain ng chocolate na binigay niya kaya ba’t parang big deal na big deal sa’yo?” nagsalubong ang mga kilay kong tugon sa kaniya.
“And how can you call a food cheap? Ganoon ka na ba ka yaman na kahit sa pagkain ay ang babaw na ng tingin mo?” Matalim na tiningnan ko siya at hindi ko pa rin inaalis ang kamay sa kamay ni Ry.
He didn’t looked at me, but instead, he looked at our hand. Matalim ang titig niya dito at kinuyom niya ang kaniyang isang kamay. I don’t care about his look right now. Siya ang may mali dito biglang sabat nang sabat.
“Goodness… It’s just a chocolate pero parang ang tindi na ng tension sa inyong tatlo. Loosen up people!” si Renaissa.
“Don’t eat that. It’s cheap,” sabi niya na na mas lalong nagpadagdag sa galit ni Ry.
“Anong sabi mo?!” galit na galit na boses ni Ry.
“You want me to repeat my statement?” nakataas na ang kilay nitong sabi.
“The chocolate is cheap same as the person who gives it.”
Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya at gustong-gusto kong sumigaw ngunit ay pinipigilan ko lang sarili. The nerve of him calling Ry and his chocolate cheap?!
“Ry stop it. Control your temper,” biglang sabi ko ng akmang susuntukin na niya talaga si Reeve.
“No, Henzy ang gago eh. Harap-harapan talaga pre? Ano bang problema mo sa amin ha?”
“Stop it… don’t start a fight inside the hospital Ry,” bulong ko at mas lalong hinawakan ang kamay niya.
Hinarap ko si Reeve na hanggang ngayon ay hindi pa rin nilulubayan ang kamay namin ni Ry. Lumapit ako sa kaniya at pinakita ang chocolate na binigay ni Ry.
“You call this chocolate cheap? Then what do you call to yourself?” duro ko sa kaniya.
“Trash?”
Because right now, you’re an asshole just like what you did ten years ago and it made me feel sick.
“It’s better to eat cheap products from a cheap person rather than eating food coming from a trash like you.”