Chapter 48
Tears
Umangat ang tingin niya sa akin pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon. Umawang ang kaniyang labi at halong-halong emosyon ang nakita ko sa kaniyang mga mata na tila hindi inaasahan na sasabihin ko ‘yon sa kaniya. Ngunit ay wala akong pakialam sa nararamdaman niya.
He’s being an asshole here, and he deserves it.
Pati ang mga kaibigan ko ay nagulat sa sinabi ko kaya hindi sila makaimik. Gulat na gulat kasi hindi nila inaakala na masasabi ko ‘yon sa harap ni Reeve at sa harap nila.
He left me no choice.
He’s too proud of himself just because he can buy expensive chocolate? Edi kainin niya ang binili niya at magpakasasa. He has no right to degrade, calling Ry cheap? Just because of Hershey’s chocolate? May saltik na ba siya ulo, huh?
Ang mga mata ng mga nurses at ibang tao na malapit sa amin ay dinig na dinig ang sinabi ko kaya naman ay kinaladkad ko na si Ry papalayo doon.
“Are you okay?” Ang unang tanong ko kay Ry pagkatapos naming umalis doon. All eyes were on us. Dahil sa kumusyon doon kanina ay alam kong ma chi-chismis kami dito sa loob ng hospital.
Ramdam ko pa rin ang pagpipigil niya ng galit dahil sa mabibigat niyang hininga. The tension in his arms is still visible in my eyes.
If I wasn’t able to stop him ay baka nagsuntukan na sila si Reeve at ‘yon ang ayaw kong mangyari. Kalmadong klaseng tao si Ry at minsan lang siya maglabas ng galit at ‘yon ay kapag napupuno na talaga siya at sa sinabi ni Reeve kanina ay alam kong nagalit na talaga siya.
Nakakainsulto naman kasi at ang gago lang niya para manghimasok sa amin kanina. He’s being unreasonable.
“What the heck is his problem?” mariin niyang sabi at kinukuyom ang kamao na parang nakikita niya pa si Reeve sa harap niya. Naiinis niyang pinasadahan ang buhok niya gamit ang mga daliri.
“He’s an asshole. He’s being unreasonable,” ang tanging nasabi ko na lang kasi kahit ako ay kumukulo rin ang dugo sa kaniya.
“Ganito ka ba niya tratuhin kapag nasa iisang kaso kayo?” may diin pa rin sa bawat salita niya.
“No… may saltik lang talaga siya sa ulo ngayon, Ry kaya ganiyan siya.”
“I know he has personal issues with me back then pero hindi ko naman inaasahan na dadalhin niya pa rin hanggang dito ang galit niya. He’s real asshole. ” salubong ang mga kilay niya habang sinasabi niya iyon.
“He’s jealous huh,” he said with conviction.
Jealous? Bakit naman niya pagseselosan si Ry ha? Wala namang ginagawang masama sa kaniya ang tao para insultuhin at pagselosan niya ito. He has no right at all.
“Why would he be jealous of you? Napaka walang kwenta ng rason niya,” I told him.
“Yeah… because after all, it’s my fault,” wala sa sarili niyang sabi.
Kumuno ang noo ko sa sinabi niya at hinarap siya. Anong kasalanan ang sinasabi niya? Wala siyang kasalanan dito at malinaw pa sa katotohanan na si Reeve ang may mali dito.
“You’re not at fault here, Ry. Ang gago lang talaga niya kanina,” I convinced him.
“Will you forgive me if I have done something so terrible?” naging seryoso ang kaniyang mukha habang titig na titig sa akin.
“Bakit may ginawa ka bang ikakagalit ko?” pabalik kong tanong sa kaniya.
He smiled and tapped my head, “Nevermind. Just forget about it. Let’s go back to work.”
Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng tanong niya sa akin. Kaya ay hinayaan ko na lang.
Nagpatuloy ako sa trabaho no’ng araw na ‘yon. Naging busy din ako kaya hindi ko na naman namalayan ang oras. Hindi ko na rin nakita ang mga kaibigan dito at pati siya ay hindi ko na rin nakita.
“How’s the patient in room 221?” tanong ko sa nurse at ni re-review ang chart niya, “Did they sign the waiver already?”
Nag-aalinlangan na sinagot ko ng nurse, “Doc… medyo may problema po sila. Ayaw magpa-opera ng pasyente eh.”
Lumukot ang mukha ko sa sagot niya. Hindi ba na explain ng maayos ng intern ang operasyon na ‘to? Kung hindi itutuloy ang operasyon na ito ay mas lala ang kaniyang sakit.
“Bakit? Sumang-ayon na ang pamilya di’ba? Bakit ayaw ng pasyente?”
“F-financial problem po, Doc.”
I knew it. This is the common reason why some of the patients here choose not to undergo surgery because of financial problems. Dahil masyadong malaki ang gagastusin para sa isang operasyon. Merong program na binibigay ang hospital kapag senior citizen ka at kapag walang-walang ka talaga.
Pero alam kong kahit ganoon ay hindi pa rin sapat ito para pangbayad sa fee dito. But I can’t stand that… I am here to save lives, I am here to cure them wala akong pakialam sa pera na nakukuha ko sa trabaho. Money is my least concern.
I remember one of my professors in med school told this to us.
“Money is the root of evilness. Anywhere, everywhere money matters. Money can be the cause of happiness to others, but money can also cause miseries to some. When you work as a doctor, the first problem of the lower class patient is money. They will worry about their health once, but money will be their problem after stating the possible treatment for them. Then, they will refuse to be treated.”
“And if you are really dedicated and passionate about being a doctor. You won’t think of your monthly salary. You won’t think of money. You will first think about your patient and the health of your patient.”
“You aren’t a doctor because you want money from them. You are a doctor because you want to help them. You want to save them from their miseries. Save the patient not because you want money. Save the patient because you want to save them and capable of saving them.”
At sa sinabi ng professor namin na iyon ay tumatak sa puso ko. And I remember what my mother told me when she’s still alive and when I share with her about my dream.
“Financial problem will hinder the patient in taking surgery, Henzy. So, if you will encounter one. Don’t hesitate to help them. Don’t ever think of money while you are working. Always think your patients first.”
Kumatok ako sa room ng pasyente kaso ay hindi niya ako narinig. Kaya ay pumasok na lang ako at nabutan ko ang maliit na komusyon ng pasyente at ng kaniyang anak.
“Pa! Kailangan mo ‘tong operasyon na ‘to! Ang pera mahahanap ‘yan pero ang buhay mo hindi!” batid sa boses ng anak ang pagsusumano dito.
Nakatalikod sa akin ang anak niya kaya hindi niya ako napansin at busy siya sa pangugumbinsi sa kaniyang ama. Medyo sumakit ang puso ko ng marinig ang sinabi ng pasyente.
“Saan ka kukuha ng ganoong kalaki pera anak? Walang kasiguraduhan na mabubuhay ako pagkatapos ng operasyon na ‘to! Mamatay na nga ako mababaon ka pa sa utang. Mas nagiging pabigat pa lalo ako sa’yo!”
“Pa! Ang sabi ng doctor ay malaki ang t’yansa na magiging successful ang operasyon mo. Kailangan mo silang pagkatiwalaan!” Pumiyok ang boses ng anak.
“Wala nga tayong pera! Hayaan mo na lang akong mamatay sa bahay kesa na malunod ka sa utang!” may diin sa bawat pagbanggit niya ng mga salita.
Sumasakit ang puso ko sa naririnig sa pasyente ngayon. Dahil sa kakulangan sa pera ay mas pipiliin na lang nitong magtiis sa sakit kesa makita ang anak na nababaon sa utang. Kahit na buhay niya na ang pinag-uusapan dito ay anak niya pa rin ang iniisip niya. Na kapag namatay na siya ay ayaw niyang mag-iwan ng pabigat sa anak.
This is so pure—a father’s love. Bigla kong naisip si mama. Siguro kung nandito pa siya kasama ko at naririnig itong lahat ay alam kong tutulungan niya ito hanggang sa makakaya niya. Hindi niya hahayaan na may aalis na pasyente ng hindi natutulungan.
My mother’s heart was so pure. I miss her so much… I miss the warmth and comfort of my mother.
Ilang taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay sariwa pa rin akin ang nangyari.Naghilom ngunit hindi maipagkakait na nandoon pa rin. Na hindi ito mawawala. It will always be engraved in my heart.
“Pa!” Napabalik ako sa relayidad sa sigaw ng anak.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ako napapansin. Kaya naman ay tumikhim na ako para makuha ang attensyon nila. Humarap sa akin ang anak ng pasyente at nakita ko ang maluhang-luhang mga mata nito.
“Magandang-gabi sa inyo,” I greeted them.
Pinagmasdan ko ang anak niyang pinupunasan ang luha gamit ang mga palad at tumabi sa tatay niya. Hindi ko pa sinasabi ang dapat sabihin sa kanila ng biglang nagsalita ang pasyenete.
“Hindi ako magpapa-opera, Doc. Wala kaming ganoon kahalagang pera pambayad dito. At panigurado akong ibubulsa niyo lang din naman ang perang nakukuha niyo sa mga operasyon.”
“Pa!”
Medyo hindi naging maganda ang pagsabi niya sa tungkol sa amin na ibinubulsa namin ang pera na binabayad nila sa operasyon. Ngumiwi ako ng hanggang ngayon ay ganito pa rin ang pag-iisip ng mga tao tungkol sa amin. Na pineperahan lang sila ng mga doctor.
Kung mayroong ibang ganito pwes ako hindi. I can help as much as I can, but I will never be a corrupt one. I will prove to him that I am not like them. Hindi lahat ng doctor na iniisip niya ay ganoon. Meron pa ring magagandang loob at handa silang tulungan hanggang sa makakaya nila.
“Naiintindihan ko po ang hinaing ninyo, sir. Ngunit ay kakailanganin niyo itong operasyon na ito at para rin po ‘to sa inyo,” mahinahon kong sabi.
“Alam ko na pera ang pino-problema niyo at ang iilan pang gastusin pagkatapos ng operasyon na ‘to pero sang-ayon po ako sa anak niyo. Mahahanap ang pera pero ang kalusugan niyo po ay hindi mapapalitan.”
“Wala rin namang magbabago pagkatapos nito kapag patay na ako. Mababaon pa sa utang ang anak ko samantalang kayo ay nagpapakasasa sa pera nakuha niyo,” matigas at madiin nitong sabi sa akin.
Kahit ganoon ay hindi ako nasaktan sa sinabi niya. Nandito ako para ipaitindi sa kaniya kung gaano ka importante ang operasyon na ito. Alam kong hindi ko na mababago ang pangingin niya sa amin at na iintindihan ko rin ‘yon. Hindi ko rin siya pipilitin na baguhin ang pananaw niya sa amin dahil lang nagsasalita ako dito.
Kasi kahit anong salita ko dito na hindi lahat ng doctor ay kagaya ng iniisip niya kung hindi ko naman ito isasagawa ay wala pa rin saysay ito. I want them to change their perspective about us not because I was good in words but because they really saw it with their own eyes.
“Mataas ang tyansa na magiging successful ang operasyon niyo po. At magagaling po ang mga doctor na o-opera sa inyo. Kailangan niyo lang po sila pagkatiwalaan,” I said, “at hindi po kami ganoong klaseng doctor. Mas gugustuhin po namin na maging maayos kayo kesa po sa pera,” I added.
“Pa… let’s do this. Hindi ko kakayanin na mawala ka sa akin ng walang ginagawang paraan.” Hinawakan niya ang kamay ng ama niya at nagsusumano ito.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanila. Bigla akong nakaramdam ng inggit sa nakikita ko. Hindi dapat ako ma-inggit dahil lumaki naman ako ng maayos, may ama at ina pero ang nakikita ko ngayon ay pagmamahal ng isang anak sa ama at ganoon din ang ama sa anak.
For once, I remember my biological father. Lumaki akong may galit sa kaniya dahil sa ginawa niya kay mama. Ngunit hindi ko maiwasang isipin na sana bago nawala si mama sa mundong ito ay nakahingi siya ng tawad sa ginawa niya. Na sana ay nilapitan niya ako sa mga panahon na ‘yon.
“May assistance program ang hospital para po sa inyo. Punta lang po kayo sa finance at e fill-up ang mga kailangan. Makakatulong po ‘yon sa inyo.”
“Umaasa po ako na magbabago ang isip niyo at ituloy ang operasyon. Tawagin niyo lang po ako kapag nagbago na ang isip niyo,” huli kong sinabi bago lumabas sa kwarto nila.
Agad akong nagtungo sa billing station at pinahanap ang mga bills nila. Nang makita kung gaano kalaki ang babayaran nila sa ilang araw na pananatili dito sa hospital at hindi pa kasama ang operasyon ay walang pagdadalawang isip na binayaran ko lahat ng iyon.
“Put bills on the patient in room 211 under my name. Paki-asikaso rin ng assistance program ng hospital para sa kanila. Don’t let them know that I paid their bill. Thanks.”
Nang akmang aalis na ako ay may biglang nagsalita sa gilid ko. Tiningnan ko si Reeve na nakapanghalumbaba sa gilid ko at malamig na tinitigan ko.
“It’s been ten years, and you’re still the same. Willing to help and softhearted one.”
I don’t want to talk to him because I was still annoyed with what he did earlier kaya ay nilagpasan ko lang siya nag bigla ulit siyang nagsalita at nagpahinto sa akin.
“May I remind you that you can’t be deeply attached to your patients cause their death might be painful for you.”
“No need to remind me of that Doc. Sandoval. I know what I am doing,” I said coldly.
Lumapit siya sa akin at pumunta sa harap ko. “You’re still the same,” he pointed out.
Lumitaw ang guhit sa noo ko sa sinabi niya. What is he trying to point out here?
“What are you talking about?” malamig kong sabi.
“You’re still the same Neve I used to know. You’re still the same girl I loved,” malumanay niyang sabi.
I laughed sarcastically at him. How could he? How could he claim that I am still the same girl he loved? Minahal niya nga ba ako? Sampung taon na ang nakalipas at ang dami ng nagbago.
“How could you say that? Nandoon ka ba sa tabi ko sa mga nakalipas na sampung taon?” nakataas kong kilay na sambit sa kaniya.
“And don’t you ever used the word love in front of me. Kasi hindi mo naman napandindigan ‘yan,” deretsong sabi ko sa kaniya.
Na estatwa siya sa sinabi ko at nakita ko ang pagdaplis ng sakit sa kaniyang mga mata. Wala akong pakialam kung nasaktan siya sa sinabi ko. I am being harsh on him since earlier, and I don’t care. I’m done.
“And I am not the same person you used to know the moment you hurt me. It’s been ten years, and you’d expect I will still be the same?” Tinitigan ko siya ang mariin sa mga mata niya. Hindi siya makaiwas sa akin at kitang-kita ko ang sakit at pagsisisi sa ginawa niya, “and if you’re thinking that we’re okay. Then you’re wrong. I am being casual with you because of our job.”
“You’re not going to forgive me, aren’t you?” naging mahina ang bawat pagsasalita niya.
He promised me. He used to promise me. He promised that he will never cheat on me. The promise he made was like a deep grave, and I fall hard. I fall hard, unable to climb my way up. I fall to his promises that are now broken and unable to climb my way up. That’s how deep I fall for him. For his so-called love to me.
Ganoon ka lalim ang paniniwala ko sa pagmamahal at pangako niya na sa huli at matatabunan lang din pala. And just like other men who cheated on their partner, he’s really trash.
Ang sakit na naidulot niya ay hinding-hindi ko makakalimutan. Nagpadala ako sa mga pangako niya. Nagpadala ko sa sarili kong damdamin at nagpakampante. Now that I’ve learned my lesson. I won’t do it anymore.
Guarding my heart will be the best way to avoid pain.
Whatever his reason is. Better keep it to himself.
“Do you remember what I said to you that day?” nanliliit ang mata kong tanong sa kaniya.
Nakatayo lang siya sa harapan ko at malumanay akong tinitignan. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at humakbang papaalis at nag-iwan ng salita na makakasagot sa tanong niya.
“I can forget, but I can’t forgive.” At iniwan siya roon.
Kaya kong kalimutan ang lahat na nangyari sa amin noon. Kayang kong ibaon sa limot lahat-lahat pero ang patawarin siya? Iyon ang mahirap. Dahil masyadong masakit at malaki ang pinsala na idinulot nito sa puso ko.
Hindi pa man ako tuluyang nakalayo sa kaniya ay may sinabi siya na siyang nagpatigil sa akin.
“I don’t care what you think of me. I don’t care if you can’t forgive me. I don’t care if you’re mad at me. I will still pursue you no matter what. Pahirapan mo pa ako, saktan mo pa ako ng lubusan, Neve. Hinding-hindi kita suskuan. I will pursue you no matter what.”
“Kasi kahit kalian walang iba. Wala akong ibang minahal kun’di ikaw lang. Ikaw pa rin at ikaw lang hanggang dulo. Alam kong hindi mo ako papaniwalaan ngayon. I will earn your love again. Hinding-hindi kita hahayaan na mapunta sa iba.”
“Try harder Doc. Sandoval. Cause. I. Won’t. Let You.” At tuluyan na siyang iniwan doon.
Paano niyang nasasabi na mahal niya pa rin ako pagkatapos niyang gawin sa akin ‘yon? Ilang layer ba ng foundation ang nilagay niya sa mukha niya at umabot ng ganoon ka kapal?
Still love me? Sana naiisip niya ‘yon bago niya ginawa sa akin ang lahat ng iyon. Kasi kahit anong sabihin niya pa sa akin ay hinding-hindi ko na siya papaniwalaan.
Nakalipas ang ilang araw simula no’ng pag-uusap na naganap sa amin ni Reeve. Hindi ko na siya nakita noon sa hospital at wala akong pakialam. Pursue me? Hanggang salita lang naman siya.
“What are you doing here?” tanong ko sa mga kaibigan na humihikab pa.
It’s my off duty today and I planned to sleep all day kasi pagod na pagod ang katawan ko. Bago ako umuwi dito ay may emergency surgery na naganap at 12 oras akong nasa operating room.
Kakagising ko pa lang at ingay agad nila ang bumungad sa akin. Dalawang oras lang siguro ang naitulog ko dahil umaga na akong nakauwi galling sa hospital. At ngayon ay naistorbo pa dahil sa mga kaibigan kong nanggulo sa kwarto ko.
“We’re here to catch up with you! Hindi ka man lang nagsabi na sasabak ka agad sa trabaho! Ni hindi man lang tayo nakapag welcome party sa’yo!” maarteng sabi ni Althea sa akin.
Umupo ako ng maayos at nakita kong busy silang halughugin ang bago kong kwarto. Pati ang maleta na dala ko galing Seattle na puno ng pasalubong nila ay hinalughug ni Zenneth at ni Renaissa.
Right, hindi ko pa pala naibibigay sa kanila ang pasalubong nila. Bahala na sila r’yan may mga pangalan din naman nila lahat ng pasalubong sa kanila.
“Wala ba kayong mga duty ngayon at lahat kayo ay nandito?”
“Meron pero mamayang gabi pa sa akin. Si Renaissa ay nag leave ng isang araw at si Zenneth ay off duty niya kagaya mo,” si Hannah ang sumagot sa akin na malaki ang ngisi dahil sa manga book na binili ko sa kaniya at sa ibang merch ng anime na kina-aadikan niya.
“Grabe alam mo talaga kung ano ang gusto ko!” tuwang-tuwa niyang niyayakap ang action figure ng isang anime character.
“Henzy! Thank you sa mga branded make-ups! Mga limited edition pa! Oh my gosh!” si Althea.
“Worth it din pala ang paghihintay ng sampung taon sa’yo ‘no. Bongga-bongga lahat ng pasulobong mo,” si Renaissa ng makita kung ano ang binigay ko para sa kaniya.
“Ang mahal-mahal nito. My goodness!” si Zenneth na tuwang-tuwa rin sa kaniyang nakita.
“Guys! Let me sleep! Two hours lang ang tulog ko. Kakauwi ko lang kaninang alas 5,” inaantok kong wika sa kanila.
“Mamaya ka ng matulog! Catch up tayo! Or we’ll plan your late welcome party!” si Althea.
“Nagawa mo pang mag plano ng welcome party kahit na halos hindi na tayo nakakauwi sa bahay natin, ano?”
“She misses partying, Henzy. Kaya ganiyan ‘yan kagalak,” biglang salita ni Zenneth.
“Gaano na ba ka tagal hindi nakapag-part ito?” takang tanong ko.
“Since med school,” sagot ni Renaissa.
“Med school? Ganoon ka tagal? Mabuti at natiis mo?” nakaawang ang bibig ko kay Althea.
“Yeah. Priorities. Kaya nga mag plano na tayo! I miss the fun!”
“Party pagkatapos ng duty? Ni hindi nga tugma-tugma ‘yong mga rest day natin,” I told them.
I am not a party girl, but I learn to party with them when I was in Seattle and under my friends’ influence. Kasi dati dito sa bahay lang naman kami nag-iinuman ng mga kaibigan kaya pagdating doon ay natuto na rin kahit papaano.
“We’ll make it happen no matter what!” Pursigido talaga si Althea na matuloy ang late welcome party na binabalak niya.
I doubt that though. Masyadong busy at maraming gagawin. Hinding pwedeng ipagliban ang trabaho para lang ka kasiyahan.
Bumaba silang lahat ng katukin ako ni ate Nena dito para kumain na. Nag half-bath muna ako bago bumababa dahil lagkit na lagkit na ako sa katawan ko. Gusto ko sanang maligo kaso ay hindi pwede dahil pagod at puyat ako.
Pagkababa ko ay naabutan ko silang nilalantakan na ang lasagna na niluto ni ate Nena. Umupo ako sa tabi ni Yesha na nakikisabay sa usapan ng mga kaibigan.
“You don’t have class?”
“Ate, it’s Saturday.”
Right, I lose track of days because I was busy. Sabado pala ngayon at hindi ko alam. Tinandaan ko lang ang date ng aking rest day pero ang araw ay hindi.
“So, what’s your plan, Henzy?” si Renaissa na nakatingin sa akin.
Sinubo ko muna ang lasagna bago siya sinagot, “Plano saan?”
Yesha excused herself after she’s done eating. Tumango na lang ako at binalik ang tingin kay Renaissa.
“You… Kyzyr and Ry?” may pag-alinlangan pa sa boses nito.
“Oh! I heard na trash talk mo, Kyzyr. Tinawag mo raw trash,” si Hannah na natatawa.
“He deserves it. Walang ginagawa si Ry sa kaniya,” walang ganang sagot ko sa kaniya.
“May world war three na magaganap sa loob ng hospital ah,” Zenneth but in.
“Kung tumahimik lang sana siya edi sana ‘di niya ‘yon narinig mula sa akin.”
I admit after I said it, I kinda feel guilty. I was harsh. Pero sa tuwing naiisip ko kung bakit ganoon ang inasal niya ay naiisip ko na deserve niya naman iyon.
“So anong plano mo nga?” tanong ulit ni Renaissa.
Pinagmasdan ko ang mga mukha ng kaibigan na naghihintay din ng sagot sa akin.
Ano nga nga ba ang dapat gawin? Kasalanan naman ni Reeve ‘yon at umiral ang kayabangan sa katawan.
“Ano ba ang dapat kong gawin?” pabalik kong tanong sa kanila at narinig ko ang dismaya sa kanilang paghinga dahil sa sagot ko.
“You really are numb, are you?” iling ni Zenneth sa akin.
“Bakit? Wala naman akong dapat gawin ha.”
I have no idea what they are talking about or what they are trying to point out.