Chapter 21

MAAGANG nagising si Nari kinabukasan. Nakatulog naman siya pero hindi ganoon kahimbing. Napa-paranoid pa rin siya na baka umalis ulit si Ritter. Hindi naman dumating ang Daddy niya sa bahay. Natulog daw ito at si Tito Nikos sa bahay ni Nicollo. Nagka-problema daw kasi sa tagapag-alaga ni Nicollo. Dahil sa aksidenteng kinasangkutan ni Nicollo ilang buwan ang nakalilipas ay nagbago ang ugali nito. Mahirap itong pakisamahan. Pero dahil isa ang Daddy niya sa nag-alaga kay Nicollo noong bata pa ito ay kinakaya nito ang lahat. Mahalaga rito ang lalaki at nahihirapan rin ito sa sitwasyon. It was also a way of helping his Tito Nikos. Sakit ng ulo nito ngayon ang panganay na anak.

Nakita naman ni Nari si Ritter. Natulog ito sa sofa sa sala. Naglabas siya ng kumot para hindi ito lamigin. Huli man dahil alas singko na ng umaga, at least she made an effort. Kailangan niyang bumawi kay Ritter. Nagpunta siya sa kusina at nag-umpisang magluto.

Hindi mahilig magluto si Nari. But she knew eventually that she have to like it. Responsibilidad ng isang may bahay ang ipagluto ang asawa nito. Lalo na ngayong hindi na kagaya ng dati si Ritter. He was now a busy man because of his rising career. Hindi na siya nito maipagluluto kagaya ng dati. Kailangang matuto na siya ng mga gawain ng isang mabuting asawa alang-alang sa pagsasama nila.

Iyon ay kung gusto pa nga ni Ritter na ituloy ang relasyon nila…

Inalis ni Nari ang negative thoughts sa utak niya. Nag-concentrate na lang siya sa pagluluto. Nakakita siya ng pancake mixture sa refrigerator. Niluto niya iyon.

“Morning,” Kakatapos lang lutuin ni Nari ang pancake nang marinig niya ang boses ni Ritter. Napalingon siya.

“Good morning,” Hindi rin nagpaapekto si Nari sa nakitang ekspresyon ng mukha ni Ritter. Blangko iyon. Pero ngumiti siya. Pinilit niyang sumigla. All she could do was to hold on to the positive energy. Malay niya, mahawa roon si Ritter.

“You’re cooking. Tapos ka na ba? I’m hungry,”

“Sa pancakes, oo. Pero magluluto pa ako ng iba at---“

“It’s all right. Gusto ko ng kumain.”

“Hmmm… Kasama ako?”

Kumunot ang noo ni Ritter. “You ask silly questions.”

Nakagat ni Nari ang ibabang labi. Masyado lang akong natatakot na baka hindi mo na talaga ako gustong makasama.

Honey lang ang syrup na available kaya iyon ang inilagay ni Ritter na syrup sa pancake nito. Pinanood niya lang muna itong kumain. Hindi pa naman siya gutom. Isa pa, ang makita lang si Ritter ay sapat na para mabusog siya.

“Masarap, Honey?”

Naalala niya si Ritter na dati ay sinabi ang kaparehong tanong. Umasa siya na hindi siya babarahin nito kagaya ng ginawa niya dati.

“Yes.”

Napakurap si Nari. Ibig sabihin ba noon ay okay lang rito na tawagin niya itong “Honey”? Hindi ito nagalit. Napaiyak si Nari.

“What’s wrong?” Nilapitan siya ni Ritter. Lalo siyang napaiyak. He looks so concerned. It just means that he cares….

“Nari, ano bang ginawa ko? Bakit ka umiyak? Naalala mo pa rin ba ang tungkol sa baby?”

“Mahirap kalimutan iyon.” Halos araw-araw pa rin na iniiyakan ni Nari ang anak niya. “Pero lalong mas mahirap kung pati ang ama niya ay mawawala rin sa akin. Natakot ako kaya hindi ko kaagad sinabi rin sa `yo, Ritter. You are right. I am unfair. Sinaktan kita. I’m so sorry.”

“You don’t have to say it again, Babe. Naiintindihan ko na ang lahat. Kailangan ko lang ng space kahapon…”

Tumigil si Nari sa pag-iyak. Tinitigan niya si Ritter. Hindi siya makapaniwala.

May luha rin na pumatak sa mata ng asawa. “I’m unfair, too. Na-realize ko iyon kahapon. Sarili ko lang ang inisip ko nang mas pinanaig ko ang galit ko sa `yo. May point ka rin naman. Inisip mo lang ang sa tingin mo ay ikinabubuti ko. But what I did, it doesn’t make any point or sense. Inalala ko pa ang sarili ko kaysa sa naging lagay mo.”

“It makes sense, Ritter. Nagsinungaling ako sa `yo.”

“Kagaya ni Sophie sa amin at sa pamilya niya. What you did normally happens…” Kinuwento ni Ritter ang nangyari rito nang umalis. Nakipagkita pala ito sa kaibigan na nagtatrabaho sa New York. “Nagsakripisyo ka para sa akin. Pero hindi ko nakita iyon.”

“Napakalungkot, Ritter. There were a lot of times na akala ko ay hindi ko na makakaya pa. Oo, nandito si Daddy. Pumupunta rin dito sina Mommy at Yohan pero hindi sila sapat para sa akin. I need someone and that someone is you. Pero hindi ko kayang sirain ang binubuo mong career. You’ve done a lot for me.”

“And that makes me sad, Nari. Wala ako sa tabi mo sa mga panahong kailangang-kailangan mo ako…”

“Okay lang iyon. Basta ba ngayon ay hindi ka na aalis sa tabi ko…” Yumakap siya kay Ritter.

“I want to. Pero sa tingin ko ay ikaw ang kailangang umalis, Nari…”

Kumunot ang noo ni Nari. Bahagyang lumayo siya kay Ritter. “What do you mean?”

“Makikipag-ayos na sana ako sa `yo kagabi. Pero naabutan kita na inilalagay ang throw pillow sa katawan mo. Sinabi mo sa akin ang dahilan noon. And I feel that---“

“I am crazy?” Kinagat ni Nari ang ibabang labi. Marami pagkakataon na ganoon ang nararamdaman niya sa sarili. Pero sobrang lungkot lang naman talaga niya kaya nagagawa niya iyon.

“Hindi naman sa ganoon. Naiintindihan ko na masakit sa `yo ang nangyari. The pain drives you to do that. Pero alam ba ito ng Daddy mo?”

Umiling si Nari. Alam ng Daddy niya na nasasaktan siya pero hindi ang tungkol sa pangangarap niya na maging buntis ulit.

“Kung alam ito ng Daddy mo, for sure he would call a therapist for you. At iyon ang gusto kong gawin mo, Nari…”

“Ritter…” Would it really be the best for her?

Niyakap siya ni Ritter. Hinalikan nito ang tuktok ng ulo niya. “Kailangan mo ito, Nari. I want to be with you. Pero mali kung hahayaan ko na magsama tayo samantalang alam ko na may mali sa `yo. Magtiis na lang muna tayong dalawa. Who knows kung ilang araw lang pala ang itatagal ng therapy `di ba?”

“Natatakot ako…”

Sinuklay-suklay ni Ritter ang buhok niya. “Bakit ka matatakot? Hindi naman kita iiwan. I will support you. And that’s just to erase all the bad feelings. Makaka-move on ka rin. At kapag naggawa mo iyon, it will be the time to make babies again.”

“Paano kung hindi na ako magkaanak ulit?”

“Iyon ba ang sinabi ng Doctor?”

Nagkibit balikat si Nari. Hindi na niya iyon tinanong. Natatakot rin kasi siya sa maaaring sagot.

“Wala naman akong nakikitang masama kung hindi na tayo magkaanak ulit. Only you is enough for me. Ang gusto ko lang ay maging maayos ka. Isa pa, puwede naman tayong mag-adopt…”

Tumango si Nari. “Tama ka.”

“I love you, Nari. I always want the best for you.”

“Ditto…” wika ni Nari at hinalikan si Ritter.

Siguro ay ganoon nga ang totoong pag-ibig. Both of them want the best for each other. Nagtiis siya na huwag ipaalam kay Ritter ang kondisyon niya para sa ikabubuti nito. Ngayon, si Ritter naman ang magtitiis na `wag siyang makasama para sa pagpagamot niya. Iyon rin ang makakabuti para sa kanya.

Love is learning how to sacrifice for the sake of the ones you love.

Two weeks later…

“THANK you so much, Doc…” halos sabay nilang sabi ni Ritter sa Doctor. Ngayon ang araw ng pag-discharge niya sa psychiatrical clinic kung saan siya namalagi sa loob ng halos dalawang linggo. Pumayag na siya sa plano ni Ritter na sumailalim sa therapy. She suffered major depression according to her Doctor. Lahat ng iyon ay nagmula dahil sa pagkawala ng baby niya.

Sumailalim si Nari sa series of therapies. Ngayon ay cleared na siya. Ramdam rin niya sa sarili na okay na talaga siya. Kaya na niyang ngumiti ngayon ng hindi nakokonsensya. Her happiness was genuine now.

Hindi na maibabalik ni Nari ang anak na nawala. Pero hindi naman ibig sabihin noon ay nawala na ang lahat sa kanya. Puwede pa naman siyang magkaanak. She just wished that her first angel was happy in heaven right now with his real father.

“You’re always welcome, Dear…” wika naman ng Americana na Doctor. Sa New York na rin siya nagpagamot dahil mas advance nga naman ang mga medical technologies roon. Her Doctor is one of the best. Mabait rin sa kanya ang Doctora. Sa tingin niya, ang sweet na personality nito ang talagang nakakatulong sa mga pasyente nito. “Enjoy life. Always be happy,”

Tumingin si Nari kay Ritter. Ito lang ang sumundo sa kanya. Sa pagkakaalam niya, bumalik na ang Daddy niya sa Pilipinas. Hindi naman ito nag-aalala sa kanya dahil naroroon naman si Ritter. Pinagkakatiwalaan nito ang asawa niya.

Kumapit si Nari sa asawa. “This guy is my life and I’m definitely enjoying him, Doctora.”

Napahagikgik si Nari. Ngumiti si Ritter. Hinalikan siya nito. “My happiness.”

“You two are sweethearts. I wish you all the best!”

Magkahawak ang mga kamay na lumabas sila ng clinic. Nang makasakay sa kotse ay nagtanong siya sa asawa. “So saan na tayo pupunta ngayon?”

“Airport,”

“Uuwi na agad? Hmmm… Mukhang in-enjoy mo ang New York habang wala ako, ah.”

Tumawa si Ritter. “Lumabas ako pero hindi enjoy. Walang maganda, eh. Pero ngayon meron na at tinitigan ko pa…”

“So let’s just enjoy New York. Ayoko pang umuwi ng Pilipinas. Naroroon sina Daddy at baka um-epal pa. Saka sikat ka na roon. Hindi tayo makakagala,”

“Sino bang nagsabi na sa Pilipinas tayo pupunta?”

“Hmmm….?”

“We’re off to our very post-poned honeymoon, Honey…” Naging malagkit ang tingin sa kanya ni Ritter.

“Hong Kong?”

“Paris.”

Napangiti si Nari. “Bigatin ka na talaga ngayon…”

Kinuha ni Ritter ang mukha niya. “Only the best for the best girl in my life.”

“Oh Ritter, I love you so much!” Kumapit siya sa leeg nito.

“And I love you, too, Honey. Always and forever…”

THE END of BOOK 3

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.