IN ABLE to moved on, ang unang payo ni Sophie kay Nicollo ay ang ibalik ang self confidence nito. And physical aspect is a big part to develop self confidence.
Ngayong araw ay bumisita sila ni Nicollo sa dermatologist nito. Nagkaroon na ito ng interes na ayusin ang mukha nito na nasira dahil sa aksidente.
“There’s nothing to worry about, Mr. Afinidad. Your wounds can be perfectly healed. But just like emotional wounds, this one will also need time.”
“How much time? I will pay you more just to make the procedure as soon as possible.” Natutuwa naman si Sophie na makitang determinado talaga si Nicollo.
“You have to get ready first.” May inilabas na gamot ang dermatologist. “You have to put this everyday for a month. This cream will give us better results. After that, go back here.”
“A month!” Nanlaki ang mata ni Nicollo. Nainis ito.
Hinawakan ni Sophie ang balikat ni Nicollo. “Patience is a virtue, okay?”
Napabuntong-hininga na lang si Nicollo. “Okay. We’ll be back after a month.”
Tumango ang Doctor. Pagkatapos sa dermatologist, nagyaya si Nicollo sa mall.
“Anong gagawin natin sa mall?”
“Shopping. Sabi mo, kailangan kong simulan sa pag-aayos ng physical self ko `di ba?”
“Ah, okay. Pero wala ka bang magagandang damit sa bahay?”
“I have. But I still have to buy a new one. Two days from now, anniversary ng HGC. I’m the vice president of Haven Developments. I’m invited. Kailangan ko rin na um-attend. Isa rin sa payo mo na kailangan ko na makipag-socialize `di ba? Hindi ko dapat ikulong ang sarili ko sa bahay. Matutuwa rin sina Daddy kapag nalaman nila na lumalabas na ako.”
Ngumiti si Sophie. “Nagbabago ka na nga…”
Tumawa si Nicollo. “I went here. You should know that I am serious. At gusto ko, you’ll be with me all the way…”
Tumango si Sophie. Pumayag siya sa gusto ni Nicollo. After all, iyon naman talaga ang trabaho niya.
Responsibilidad niya na alagaan si Nicollo at maging maayos ito. Nasabi na rin niya kay Sir Nikos ang sitwasyon. Masaya ito. Pinangakuan rin siya nito na bukod sa aagahan ay mas malaki pa raw kaysa sa ipinangako nito ang magiging sahod niya.
Maraming beses na daw na kinausap ng pamilya si Nicollo. Pero kahit sino ay walang nakapagpabait ulit rito. Napakagaling raw niya para mabago si Nicollo.
Sophie was also proud of herself. Sa tingin niya ay nakatulong talaga kay Nicollo ang litanya niya rito noong na-ospital ito.
Pumunta na sila Sophie at Nicollo sa mall. Dumiretso sila sa isang sikat na store ng mga designer suits.
Tinulungan sila ng sales lady na makapili ng damit na isusuot ni Nicollo sa okasyon. Mabilis rin naman na may nagustuhan si Nicollo sa suggestion. He asked for her opinion.
“Mas maganda kung isusukat mo muna.”
Tumango si Nicollo. Pumasok ito sa dressing room. Nang lumabas ito ay halos malaglag ang panga niya.
“Ang guwapo mo…” Hindi napigilan na wika ni Sophie.
Nagiging invisible kay Sophie ang sugat sa mukha nito. He looked so perfect. Bumagay rito ang damit. Parang ibang-iba ito sa Nicollo na kilala niya. He looked so manly and corporate.
Ngumiti pa si Nicollo. Napahawak si Sophie sa dibdib. Kaunti na lang yata ay malalaglag na ang puso niya.
Pinalo ni Sophie ang braso ni Nichollo. “Tama na nga. Mahihimatay na ako sa kaguwapuhan mo, eh. Dinaig mo pa si Daniel Padilla. Ngiti mo pa lang, mapapaihi na ako sa kilig.”
Tumawa si Nicollo. “You really know how to boost someone’s self confidence, huh?”
Sandaling natulala si Sophie. So akala ni Nicollo ay para sa self confidence lang nito ang lahat?
Hindi nahalata ni Nicollo na nagkakagusto na siya nito. O siguro ay hindi lang nito gustong isipin. Ayaw nitong mangyari iyon.
Dahil wala naman talaga silang pag-asa ni Nicollo. Aminado siya na attracted na siya kay Nicollo. Pero bukod sa boss niya ito, napakalayo rin ng agwat nila.
Maling-mali kung paiiralin ni Sophie ang nararamdaman ng puso niya. Napakataas na tao nito. Simple lang siya. Hindi siya kailanman magugustuhan ng isang Nicollo Afinidad.
“TEKA, anong ginagawa natin dito? Hindi ba dapat ay umuwi na tayo?”
Hinawakan ni Nicollo ang noo ni Sophie na kunot na kunot. Naramdaman rin niya ang panginginig nito. Tinawanan niya ito. “Mag-relax ka nga.”
Umiling si Sophie. Tumingin ito sa store kung saan niya dinala ito. It was a store of designer gowns. “Sagutin mo muna ako.”
“You’re going to the party with me. Kailangan mo rin ng isusuot na damit.”
Nanlaki ang mata ni Sophie. “Bakit? Wala naman akong gagawin doon! Isa pa, paano kung makita ko doon si Analisse? O kaya ay si Francis? Nagkakamabutihan na rin sina Callisto at Natalia. Mga kaibigan ko sila. Hindi nila alam na nagtatrabaho ako para sa `yo. Ang alam nila ay nagtatrabaho ako sa isang matanda dito sa New York. Pero niloko ako ng agency ko. Sa mga kaibigan ko, kay Ritter ko lang nasabi ang lahat.”
Nang minsang nagkaroon siya ng libreng oras ay napilitan siyang katagpuin ang kaibigang si Ritter na nagpunta ng New York para sa asawa na nitong si Nari.
“Don’t worry. Bihira na magpunta si Marisa sa mga events ng HGC. Balita ko, madalas rin siya sa Pilipinas. As of Analisse, sa Spain sila naka-base. Hindi rin sila active sa business kagaya ng pamilya ni Tito Cedric. Sigurado akong hindi pupunta si Callisto. Hindi iyon nakikipag-socialize.”
“Pero may possibility pa rin---“
“Nalimutan mo na yata ang papel mo sa buhay ko. You are supposed to take care of me. Paano kung bigla na lang sumama ang pakiramdam ko sa party?”
“Hmmm… may point.” Tumingin ulit si Sophie sa paligid pero napangiwi ito. Tumingin ito sa kanya. “Hindi pa rin. Bakit naman ako magsusuot ng gown eh caregiver mo nga ako? Magsusuot na lang ako ng uniform. Magre-request ako kay Sir Nikos---“
“No. I want you to wear a gown and it’s final. I don’t want you to look like my caregiver in the party.”
“Pero---“
Tumingin na si Nicollo sa sales lady. “Please pick an evening gown that will best suit on her.”
“Yes, Sir…” Ngumiti ang sales lady. Tinignan nito si Sophie. Maya-maya ay umalis na ito sa harapan nila.
“This is really not a good idea.”
“Trust me, it’s a good idea.” Hinawakan ni Nicollo ang kamay ni Sophie. It was a gesture to make her feel calm and relax. Pero napakurap siya nang kabaligtaran naman noon ang naramdaman niya. Para siyang nakuryente.
Hindi naging komportable si Nicollo. Holding Sophie’s hand is not the good idea.
Binitawan na lang ni Nicollo ang kamay ni Sophie. Hindi niya gusto ang feeling. Mas tinitignan niya si Sophie ngayon bilang kaibigan kaysa sa caregiver. Ayaw niyang mawalan ng kaibigan. After all, kakaunti lang talaga ang kaibigan niya. Mas inilapit kasi niya ang sarili niya sa pamilya kaysa sa ibang tao.
Bumalik ang sales lady. Magaganda lahat ng dinala nito kaya pinasukat niya na ang mga iyon kay Sophie. Inuna nito ang silver halter dress. Tinulungan ito ng sales lady para isuot ang damit.
Nang lumabas si Sophie, nakasimangot ito. “Hindi maganda `no?”
Ilang beses na napakurap si Nicollo. Gusto rin niyang mapakunot-noo. Nagsisinungaling si Sophie. The dress fit perfectly on her!
Sanay siya na simple lang ang ayos ni Sophie. But right now, she looked nice and special.
Ganoon pa man, pinigilan ni Nicollo na titigan si Sophie. He felt uncomfortable again. Malakas ang tibok ng puso niya.
Tumikhim si Nicollo. “It’s beautiful and we will get it.”
Tumingin si Nicollo sa sales lady. Nagprotesta si Sophie. “Pero---“
“Maganda, okay? `Wag ka ng magpabebe diyan.”
Lumabi si Sophie. “Pero hindi ko nga ito gusto,”
Hind na nag-react si Nicollo. Tumalikod na siya. Alam niyang mali dahil hindi niya pinagbigyan si Sophie sa gusto nito. Pero ayaw na niyang mahirapan. Siguradong lalago lang lalo itong kakaiba niyang nararamdaman kay Sophie kapag nakita niya pa ito sa iba’t ibang klase ng magagandang damit.
Paano na sa party? Maybe bringing Sophie is really a bad idea. Pero parang mas bad idea yata kung magtatagal na mawawala ito sa paningin at tabi niya.
“DADDY, bakit hindi mo naman sinabi sa akin na ang ganda pala ng caregiver na kinuha mo para kay Kuya Nicollo? Sana man lang ay nadalaw ko siya---“ Natigil si Nyke sa pagsasalita nang kurutin ni Nicollo ang braso nito. “Ay, I mean, siyempre, si Kuya Nicollo sa apartment niya.”
Hinawakan ni Sir Nikos ang balikat ng bunsong anak. Nakangiti ito. “Kaya nga hindi ko pinakilala sa `yo. You’ll be trouble. See how your brother pinch your arm. I just don’t want you to get harm.”
“Well, tama ka nga, Dad. Thank you for saving my life. The best ka talaga!” Tinanggal ni Nyke ang kamay ni Nicollo sa braso nito. “Ang possessive mo pala, Kuya.”
Sumingit si Illeana sa usapan. “Dapat lang naman na maging possessive si Kuya. Her date tonight is so beautiful…”
“And she’s so unlike you.” Tumawa si Nyke. Tinignan nito mula ulo hanggang paa si Illeana na kakaiba ang suot kaysa sa mga kababaihan sa party. Sa halip na gown, naka-long sleeves ito at slack ito. “Kuya, kay Illeana ka dapat kabahan. Kakaiba ang tingin na binibigay niya kay Sophie, o.”
Itinaas ni Illeana ang kamao nito sa kapatid. “Gusto mo na makatikim ng sapak?”
“See? Tomboy ka talaga.” Umiling-iling si Nyke. “Ay naku, magsisimula na nga akong mag-socialize para hindi na ako mainggit kay Kuya Nicollo na may date. Maghahanap ako ng makaka-date.”
Umalis na si Nyke.
“Buwisit talaga `yun si Nyke kahit kailan. Walang galang!” Nangigigil na wika ni Illeana.
Hinawakan ni Irene Afinidad ang braso ng anak. “Magsuot ka na kasi ng gown, Anak.”
Umingos si Illeana. “Ew! I’m not comfortable with that. `Wag niyo na nga akong pakialaman sa gusto kong suotin, Mommy. I hate dresses, especially gowns!”
“Paano kapag kinasal ka na, Anak?”
Umikot ang mata ni Illeana sa panunukso ni Sir Nikos. “Daddy, I hate you!”
Tumawa si Sir Nikos. Tumingin ito sa kanya at kay Nicollo. “Paano sa kasal ng Kuya mo kay Sophie? Hindi puwedeng hindi magga-gown, Anak. Ako mismo ang hindi magpapasok sa `yo sa simbahan…”
“Daddy, stop it.”
Namumula na si Nicollo. Ganoon rin naman si Sophie. “Oo nga po, Sir. Nakakahiya…”
“Sir?” Kumunot ang noo ni Irene Afinidad. “How could you, Nikos? Bakit mo naman pinatawag ng ganoon sa `yo ang batang ito?”
“She insists. Now, you should call me Tito Nikos…” Hinawakan ni Nikos ang balikat niya. “I insist now, okay? Or else, baka ma-outside kulambo ako nitong asawa ko mamaya. Ayaw niya na magmukha kaming matapobre. And in our home, she’s the boss.”
“You shouldn’t argue with that,” Tumawa si Irene Afinidad. Inilahad ng ina ni Nikos ang kamay sa kanya. “Ako naman ay puwede mo ng tawagin na Mommy…”
“Mommy!” Lalong namula si Nicollo.
Yumuko na si Sophie. “Nakakahiya na po talaga.”
Siniko si Sophie ni Illeana. “`Wag ka ng mahiya, okay? Ayaw mo noon, tuwang-tuwa sa iyo ang mga future mo. We like you on our family…”
Umiling si Nicollo. “Kung alam ko lang na ganito ang gagawin niyo sa akin, sana hindi na ako um-attend ng party.”
“`Sorry na, Anak. We’re just happy that you socialize again. O siya, maiwan na namin kayo, ha?” Tumingin si Irene Afinidad sa unica hija. “Sumama ka na rin sa amin, Illeana. Let’s give your brother and Sophie their quality time.”
At umalis na nga ang tatlo. Bumuntong-hininga si Nicollo.
“I’m sorry.”
“Masyado lang siguro silang natuwa sa akin. I know your Dad is happy that I made you change.”
Gusto naman ni Sophie ang pagtanggap sa kanya ng pamilya ni Nicollo. Kahit mayaman, mabait ang mga ito. Pero ayaw niyang mag-assume. Napakalayo pa rin ng estado ng buhay nila sa isa’t isa. How could someone like her fit to a family like him?
“Masyado ka kasing nagpaganda sa gabing ito…”
“Anong sabi mo?”
Nicollo looked at her. “Maganda ka nga kasi.”
You don’t mean it. Nasa isip ni Sophie. Kung nagagandahan nga sa kanya si Nicollo, dapat ay nakangiti ito. Pero sa halip, blangko ang ekspresyon nito.
Pero ayaw ng palakihin ni Sophie ang usapan. “Your fault. Ikaw ang nagpumilit sa akin na magsuot ng gown sa party.”
“Tama ka nga. It’s a bad idea.”
Ayaw mo ng inaasar ako sa `yo kaya bad idea talaga. Nalungkot na naman si Sophie. Pero ayaw niya na lang pansinin iyon. Everything she felt for Nicollo is not right.
“Kumain na nga lang tayo. Nagugutom na ako.”
Pumayag si Nicollo. Buffet-style ang serving ng pagkain sa party kaya kailangan pa nilang pumunta sa buffet table.
“Oh, look who’s here…”
Sabay silang napalingon ni Nicollo sa nagsalita. Kasalukuyan silang kumukuha pa rin ng pagkain.
Isang lalaki na sa tingin niya ay ka-edad ni Nicollo at isang babae na sa tingin naman niya ay kaedad niya ang nakita nila. They both look good, lalo na ang babae. Parang ang babae na yata ang pinakamagandang babae na nakita niya sa party. Kaya naman hindi na siya nagtataka kung bakit matindi ang pagkakahawak ng lalaki rito. Parang magkasintahan ang mga ito.
“What are you both doing here?”
Nang tignan ni Sophie ang nagtanong na si Nicollo ay parang tinakasan ng kulay ang mukha nito.
“Well, I think we are the one who should be asking that. You are back to socializing after the accident. You are not bitter anymore…” Tumingin ang lalaki sa kanya. Ngumisi ito. “I see you got a girl.”
“We should go now, Steven.” Sinubukang hilahin ng babae ang kasamang lalaki.
“Why?”
“It’s not a good idea to talk with an ex-boyfriend, right?”
Napakurap si Sophie. Ang tinutukoy ba nitong ex-boyfriend ay si Nicollo?
Naalala ni Sophie ang kuwento ni Sir Nikos. Ito ba ang babaeng nang-iwan kay Nicollo pagkatapos ng aksidente nito?
Ang ganda-ganda, ang sama pala ng ugali!
“Yes. But I just want to see if you’re still affected with your beast-looking ex-boyfriend, Giselle.” Tumawa pa ang lalaki.
Hinawakan niya ang kamay ni Nicollo. Naramdaman niya ang panginginig nito. Binulungan niya ito. “Keep calm and don’t react…”
“Let’s go, Steven…” wika ni Giselle. Hinila na nito si Steven.
Sumunod na ang tinawag na Steven. Tumalikod na ang mga ito nang magsalita ulit si Nicollo.
“How’s life?”
Lumingon naman ang lalaki at ang babae.
“Oh, so you really want a conversation, ha?” Tumingin si Steven sa babaeng kasama nito. “I’m good. The business is good. I’m inspired, well, very inspired because I have this beautiful girl beside me. I have the possession that is once yours.”
Ngumisi si Nicollo. “Nakakaawa ka, Steven. Namumulot ka na lang ng naging basura na ng iba…”
“What did you say?” Halatang hindi nakakaintindi ng Tagalog si Steven. Ganoon rin naman si Giselle. Nakakunot ang noo nito. Sabagay, mukha naman kasing may lahi ang dalawa. They are both blondes and have blue eyes.
Ngumiti si Nicollo saka umiling. “I said, I’m happy for you both.”
“You should be…” Hinalikan ni Steven sa harap nila si Giselle. “So how about you? How’s life?”
Malagkit ang naging tingin sa kanya ni Nicollo. Lumakas ang tibok ng puso niya. “She’s fine…”
Ilang beses na napakurap si Sophie. Ano raw?
Nanlaki ang mata ni Giselle. “You consider that girl beside you as your life?”
Tumango si Nicollo. Ngumisi ito. “You are not hard to forget, Giselle.”
Dumilim ang mukha ni Giselle. Hinila na nito si Steven na mukhang nainis rin sa sinabi ni Nicollo. Umalis na ang mga ito sa harap nila.
Hindi naman makapaniwala na tinignan ni Sophie si Nicollo. “Anong sinabi mo sa kanila?”
Kinindatan siya ni Nicollo. “Kapag nagkagusto ka na sa iba, it’s a sign that you’ve already moved on.”
Teka, nakikita na rin ba siya ni Nicollo bilang future nito kagaya ng pamilya nito? May gusto rin ba ito sa kanya?
WALA pang dalawang linggo na nagtatrabaho si Sophie kay Nicollo pero natanggap na niya kaagad ang suweldo. Na-excite si Sophie. Nagpaalam siya kay Tito Nikos at kay Nicollo na pupunta ng mall. Bibili siya ng mga ipapadala para sa pamilya sa Pilipinas. Magpapadala rin siya ng pera. At kung magkakasya pa ang pera, gusto rin niyang bumili ng damit.
Masaya si Sophie dahil mas malaki pa kaysa sa ipinangako ni Tito Nikos ang ibinigay sa kanya. Tuwang-tuwa talaga ito sa kanya. Masaya rin siya na nakuha niya ang tiwala ng pamilya. Ganoon pa man, marami man siyang nabili ay malungkot pa rin siya. Mag-isa lang kasi siyang namimili.
Niyaya niya si Nicollo na samahan siya sa mall pero tumanggi ito. Pakiramdam niya ay kulang siya. Nasanay na siya na nasa tabi niya lang palagi ang lalaki.
Ganoon pa man, pinasaya na lang ni Sophie ang sarili sa pagbili ng mga gamit. Binili na niya ang juicer na bibilhin dapat ni Nicollo sa kanya dati para sa ina niya. Binilhan rin niya ng bagong sapatos ang ama niya at bag naman para kay Jade. Tuwing nakakausap niya ito, palagi lang siya nitong inuungutan. Pinadala na rin niya ora mismo ang mga gamit. Nagpadala rin siya ng pera. Luckily, may natira pa naman sa pera.
Pero sa halip na pumunta sa store ng mga damit pangbabae, naagaw ng store ng mga panlalaking damit ang tingin ni Sophie. Napatingin siya sa mannequin. Maganda ang T-shirt na iyon. Naalala niya si Nicollo. Babagay iyon rito.
Pumasok si Sophie sa store at tinanong ang damit. Mura lang naman iyon. Nakangiting binili na niya iyon para sa lalaki. Naging mabait ito sa kanya. Wala namang masama kung bibigyan niya ito ng regalo.
“Got something for your boyfriend?”
Nagulat si Sophie nang marinig ang boses ni Nicollo sa likod. Kaagad na nilingon niya ito. “Uy, bakit nandito ka?”
Nagkibit-balikat ang lalaki. “Hindi ako makatiis. Sinundan kita.”
Na-touch si Sophie. “Paano si Illeana?”
Habang wala siya, binisita naman si Nicollo ng nakababatang kapatid.
“Pinaalis ko.” Tumingin ang lalaki sa paper bag na hawak niya. “So may boyfriend ka nga?”
Kung hindi malinaw para kay Sophie ang nararamdaman ni Nicollo, iisipin niyang nagseselos ito. Kakaiba ang tono na ginamit nito. Parang interesado rin ito na malaman ang love life niya.
Pero nasagot na ni Sophie ang tanong kung gusto siya ni Nicollo. Hindi siya nito gusto. Pinalabas lang nito sa harap nina Giselle at Steven na girlfriend siya nito para maasar ang dalawa. Nagpanggap lang ito. Nasaktan si Sophie sa nalaman pero sa huli, tinanggap na rin niya. Wala naman siyang choice.
Ibinigay ni Sophie kay Nicollo ang paper bag. “Wala akong boyfriend. Para sa `yo talaga ito.”
Ilang beses na napakurap si Nicollo. “P-para sa akin? Pero bakit?”
“Dahil mabait ka sa akin.”
“You are so nice to me, Sophie…” Tinanggap na ni Nicollo ang regalo. Tinitigan siya nito.
Natawa si Sophie. “In-english mo lang ang sinabi ko.”
“But you really are. Mas kailangan mo ng mga bagong damit pero mas naisip mo pa ako.”
“Wala iyon. Matatapos na naman ang winter. Hindi na out-of-weather ang mga damit ko kaya hindi ko na kailangang bumili ng bago.”
“Paano ako makakabawi sa `yo?”
Tumawa si Sophie. “Hindi naman kailangan.”
“But I want to, Sophie. Sobra-sobra na itong ginawa mo sa akin.” Kinuha ni Nicollo ang parehong kamay niya. Itinaas nito iyon.
Natulala si Sophie. Parang tumigil ang mundo niya at ang tanging nakikita lang niya ay si Nicollo. Ang tanging nararamdaman lang rin niya ay ang malakas na tibok ng puso niya.
Bumalik lang sa normal ang mundo para kay Sophie nang maramdaman niyang may bumunggo sa kanya. Nag-sorry naman ito. Pero kahit ganoon, nanatili pa rin na nakahawak ito sa kamay niya.
“P-puwede mong bitawan ang kamay ko.”
“Paano kung ayaw ko?” Tinitigan pa siya ni Nicollo. Nakakaloko ang tingin nito.
“Nicollo…” Pigilan mo akong ma-in love sa `yo!
“You really are a nice girl, Sophie. Bakit naman wala ka pang boyfriend?”
Eh kasi hindi mo pa ako nililigawan… sagot ni Sophie sa utak niya.
“May pamilyang umaasa sa akin sa Pilipinas. Mas dapat kong unahin sila kaysa sa boyfriend na `yan. O, okay na? Bitawan mo na ang kamay ko.”
Sumunod si Nicollo. Tinanggal na nito ang pagkakahawak sa kamay niya. Pero ang mainit na pakiramdam na dala ng hawak ay hindi yata matatanggal-tanggal sa katawan ni Sophie.
“YOU’RE not okay.”
Mula sa pagkakaupo sa lamesa ay tumayo si Sophie. Sinalubong niya si Nicollo na hawak ang ulo nito. Namumutla ito.
“Sumasakit ang ulo ko…”
Kinuha kaagad ni Sophie ang gamot para roon. Kumuha rin siya ng tubig. “Inumin mo ang mga ito.”
Sinunod siya ni Nicollo. Pinagpahinga niya sandali si Nicollo. Pumikit ito. Nang magmulat ito ay inobserbahan niya ito. Mas maayos na kaysa kanina ang itsura nito.
“Feeling better?”
Tumango ito. “Thank you.”
Ngumiti siya. “See? Hindi na kailangan pa ng ospital. Basta uminom ka lang ng gamot, magiging maayos ka rin.”
“Oo na. Nagmu-move on na nga ako `di ba?” Ngumiti si Nicollo. Tumayo na ito. “Ano palang ginagawa mo?”
Bumalik si Sophie sa laptop niya. Tinignan niya kung may bago ulit na message.
“Ah, kausap ko `yung dati kong naging amo dito sa New York…”
“Akala ko naloko ka ng agency mo?” Kumunot ang noo ni Nicollo. Naikuwento na niya rito ang unang nangyari sa kanya sa New York.
“Ito `yung ilang buwan rin na umampon sa akin. Inalagaan ko rin siya. Ngayon ay pinababalik na niya ako. Nag-resign na daw si Gabriela, `yung dati niyang caregiver. Nakahanap raw ng bagong amo na mas mataas magpasuweldo.”
“Anong sabi mo?”
“I employed already. Hindi naman kita puwedeng iwan…”
Matagal-tagal rin bago nagsalita si Nicollo. “Mas kailangan ka niya kaysa sa akin.”
Tumango si Sophie. Magaling na si Nicollo. In the first place, hindi naman talaga kailangan ni Nicollo ng mag-aalaga rito. Ngayong nagbago na ito, mas lalo lang siyang nawalan ng silbi sa buhay nito.
“And what do you feel about that? Gusto mo bang bumalik sa dati mong amo?”
“Mabait si Aunt Amy. Hindi rin siya mahirap na alagaan. Isa pa, kung hindi naman siya pumayag na ampunin ako dati ay baka napa-deport na ako sa Pilipinas. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Nalulungkot rin ako na hindi ko siya mapapagbigyan.”
“I see. Pero puwede mo naman siyang pagbigyan.”
Kumunot ang noo ni Sophie. “But I’m working for your father, I am working with you…”
“Oo. Pero magaling na naman ako. And as I said, mas kailangan ka ng dati mong amo. Sa tingin ko ay mas makakabuti kung bumalik ka na sa kanya.”
Natigilan si Sophie. Totoo naman ang sinabi niya tungkol sa dating amo. May isang bahagi rin niya na gustong bumalik. Pero mas malaking bahagi niya ang gustong manatili pa rin sa poder ni Nicollo.
Kung aalis siya, puwedeng hindi na niya makita si Nicollo. Ayaw niya. Gusto niya pang mas makilala at mas makasama ito. Mami-miss niya ito.
Pero naisip niya ang nararamdaman niya kay Nicollo. Kung magtatagal pa niyang makakasama ito, mas mahuhulog lang ang loob niya rito.
Mas makakabuti nga kung umalis na siya. Masasaktan lang siya kapag nakasama niya pa nang mas matagal si Nicollo.
Sophie might fall but Nicollo won’t catch her. Napakalayo ng buhay nila sa isa’t isa.
Tumango si Sophie. “Well, tatawagan ko na siguro si Tito Nikos.”
Matagal-tagal bago nag-react si Nicollo. Nakatitig lang ito sa kanya. Malaking bahagi niya ang umaasa na babawiin nito ang sinabi. Gusto niyang pigilan siya nito.
Nang tumango si Nicollo, bumagsak ang balikat ni Sophie. Tinalikuran rin siya ng lalaki.
Pumikit si Sophie. Was it really good bye for the both of them?