“HE DID not call you.” Parang siguradong-sigurado na wika ni Aunt Amy kay Sophie. Kakagising lang nito mula sa afternoon siesta nito. Naabutan siya nito sa sala at abala sa laptop niya. Nanonood siya ng mga video sa Youtube para naman kahit papaano ay maaliw siya. Kausap rin niya sa Skype ang kaibigan na si Natalia kanina.
Umiling si Sophie. “He did.”
“But you look sad. What’s wrong? Is there something happened to your family and friends in the Philippines?”
“Everything is fine. It’s just that…”
Napabuntong-hininga si Sophie. Tumingin siya kay Aunt Amy. Mahigit isang linggo na rin siyang nagbalik trabaho sa matanda. Dati pa naman sila naging malapit nito kaya hindi na siya nahihiya rito. Open siya sa matanda.
Naikuwento na niya sa matanda si Nicollo. Nang malaman nito ang nararamdaman niya sa lalaki ay pinipilit pa siya nitong bumalik sa dating trabaho. Pero hindi pa rin siya bumabalik.
Malungkot man dahil wala si Nicollo, it’s for the better. Kailangan niyang pigilan ang nararamdaman niya rito.
Ngumiti ang matanda. Hinawakan siya nito sa pisngi. “You still missed him.”
Tumango si Sophie. Kahit araw-araw naman ay tinatawagan siya ni Nicollo at isang beses pa nga na binisita ay nami-miss pa rin niya ito. Nasanay na siya masyado sa presensiya nito.
“You really like him.”
Tumango ulit si Sophie.
“You love him.”
Hindi nag-react si Sophie. Pag-ibig na nga ba ang nararamdaman niya kay Nicollo? Napakabilis pa ng lahat. Isa pa, ano ba talaga ang alam niya sa pag-ibig?
Kahit kailan ay hindi pa nagkaka-boyfriend si Sophie. Bihira lang rin siyang magka-crush. Malaki ang responsibilidad niya sa pamilya. Wala siyang oras para sa lalaki.
Senyales na nga ba talaga ng isang in love ang nararamdaman niya?
Ayaw rin naman sana na intindihin ni Sophie. Wala rin naman kasing patutunguhan iyon.
Though may malaking part ni Sophie ang nagsasabing puwede siyang maniwala. Nakatuluyan ng tatlong kaibigan niya ang mga taong kagaya ni Nicollo. But then, it’s a one in a million experience. Isa pa, wala namang inaamin sa kanya si Nicollo.
Ayaw mag-assume ni Sophie.
Pero bakit siya binibigyan ni Nicollo ng dahilan para mag-assume?
Hindi na ulit na-intriga ni Aunt Amy si Sophie nang bumukas ang pinto. Siya ang nagbukas noon. Napagbuksan niya ang isang delivery boy.
“Miss Sophie Garcia?”
Tumango si Sophie. Nang ibigay sa kanya ng delivery boy ang hawak na magandang red roses bouquet ay lumakas ang kabog ng puso niya.
“Thank you…”
“There’s also a note for you. Have a nice day!” Umalis na ang delivery boy.
Binasa kaagad ni Sophie ang note.
I missed you. – Nicollo.
Kinilig si Sophie. Napatili siya. “It was from Nicollo! Yay! He missed me, too.”
“He really likes you, too…” Maganda ang ngiti ni Aunt Amy.
Napangiti na rin si Sophie. Mali man pero gusto na niyang maniwala sa sinabi ng matanda. Kung wala talagang nararamdaman sa kanya si Nicollo, bakit pinaparamdam nito sa kanya na espesyal siya rito?
NAG-AALINLANGAN pa rin si Sophie kahit malapit na siya sa mall kung saan sila magkikita ng kaibigang si Natalia. Nagtatrabaho si Natalia ngayon sa Canada. Malayo iyon sa New York pero dahil na-miss na siya nito kaya bumisita ito. Naroroon rin kasi ngayon ang boyfriend nitong si Callisto. Isa rin iyon sa purpose ng pagkikita nila. Gusto nitong ipakilala sa kanya ang boyfriend.
Sa mga kaibigan ni Sophie, si Natalia ang pinaka-close niya. Nakatulong ang pagiging pareho nilang babae. Marami silang pinagkakasunduan. Babae rin naman si Analisse pero dahil malayo ito sa kanila ay hindi sila ganoon ka-close. Isa pa, mas nakaka-relate kasi siya kay Natalia. Pareho silang lumaki sa hirap, hindi kagaya ni Analisse na inampon ng mayaman.
Maraming beses na naman siya nitong niyaya na makipagkita. Pero dahil nga sa lagay niya dati kaya tinatanggihan niya ito. Ngayon ay naging mapilit na si Natalia. Pumayag na rin naman siya dahil wala na rin naman siyang dapat itago ngayon sa kaibigan. May magandang trabaho na siya kay Aunt Amy. Day-off rin niya ngayon. Pero ganoon pa man, parang ayaw niyang makita si Natalia.
Naiilang siya. Ayaw niyang maging third party. Nagyaya rin kasing manood ng sine ang kaibigan. Nakakahiya. Wala siyang date.
O iyon ang akala ni Sophie. Nang makarating sa meet-up place nila ni Natalia ay nakita niya si Nicollo. Halos sampalin niya ang sarili sa gulat. Pulang-pula rin siya.
“Ang tagal mo naman…” Ngingiti-ngiti pang wika ni Nicollo nang makita siya. May hawak pa itong bouquet ng flowers. Ibinigay nito iyon sa kanya.
“B-bakit ka nandito?” Kahapon ay kausap niya si Nicollo. Naikuwento niya rito na magkikita nga sila ng kaibigan. Naikuwento rin niya ang pag-aalinlangan niya. Pero wala namang sinabi sa kanya si Nicollo na interesado itong samahan siya.
“Gusto ko rin na makita ang kaibigan mo. Isa pa, I know what you feel yesterday. So let me accompany you.”
Tumikhim si Natalia. Nakakapit ito sa isang lalaking nakilala niyang si Callisto. Ilang beses na rin siyang pinadalhan nito ng larawan ng boyfriend. “Accompany? I think date is the appropriate word.”
Siniko ni Sophie ang kaibigan. Itinirik niya ang mga mata. “Natalia!”
“Sosyal ka nga, eh. May flowers ka pa, samantalang ako…” Tumingin ito sa boyfriend nito. Hinalikan naman ito sa labi ni Callisto.
“Ay may kiss. Mas sweet `yun kaysa sa flowers `di ba?” Ngingiti-ngiti si Callisto. Maya-maya ay napakamot ito ng ulo at napabuntong-hininga. “`Sorry na, Babe. Nakalimutan ko, eh.”
Tumawa si Natalia. “Ano ka ba! Niloloko lang kita. All I wanted is you…”
Hinalikan ni Natalia si Callisto. Callisto even kissed her back. Para itong mga teenager na naging oblivious sa paligid.
Ngumiwi si Sophie. Ngiting-ngiti naman si Nicollo.
“Ay, I’m sorry. Nakalimutan ko nga pala na hindi pa kayo official kaya hindi pa kayo makakagaya.” Imbes na mahiya, tumawa pa si Natalia.
Pinandilatan niya ulit ito. Tumawa lang ulit ito. Pormal na pinakilala na nito sa kanya ang boyfriend na si Callisto. Anak ito ng isang International Billionaires rin na si Cedric Guidicelli kaya kilala ito ni Nicollo.
“Long time no see…” Inilahad ni Nicollo ang kamay kay Callisto.
“Yeah. I’ve heard about what happened to you. I’m glad you are okay.”
Tumango si Nicollo. “I’m glad you are okay, too.”
Naikuwento na sa kanya ni Natalia ang nangyari kay Callisto. Maraming taon rin nitong ikinulong ang sarili. Hindi ito nagpapakita sa mga tao. Hindi rin ito basta-basta na nagtitiwala. Nagka-trauma ito dala ng isang trahedya na nangyari rito noong bata pa ito.
Tumingin si Callisto kay Natalia. Hinalikan nito ang tuktok ng ulo ng girlfriend. “And it’s because of her. I owe my life to her. Kung hindi siya dumating sa buhay ko, hindi ako magiging maayos.”
Tumingin rin sa kanya si Nicollo. “Para palang si Sophie sa buhay ko.”
Tumikhim si Natalia. “Bes, alam mo na ang ibig sabihin niyan, ha?”
“Ang kulit mo talaga, Natalia.” Iiling-iling na sabi na lang ni Sophie. Pero sa loob niya ay kinikilig siya.
Unti-unti ng nagkakaroon ng pag-asa si Sophie. Gusto na niyang maniwala na magiging kasing suwerte rin siya ng kaibigan. After all, halos kapareho rin niya ang kuwento ng kaibigang si Natalia.
Natalia changed Callisto’s life. Naging normal na tao na ito. At ganoon rin siya kay Nicollo `di ba? Nakumbinsi niyang mag-move on ang lalaki.
Bukod pa sa siyempre, ilang beses rin na nagpaparamdam sa kanya si Nicollo. Pero ayaw niya pang lubos na umasa. Wala pang kahit anong sinasabi sa kanya si Nicollo.
Nagyaya ng kumain si Callisto. Pagkatapos kumain sa mall ay nanood na sila ng sine. Habang nanonood ay siyempre, magkatabi sina Natalia at Callisto. Halos hindi na nga naghiwalay ang mga ito. Mali siya dahil naniwala siya na gusto talaga siyang bisitahin ng kaibigan. Mas gusto lang talaga nitong makalandian ang boyfriend nito kaysa sa kanya. Puro pang-aasar lang ang ginawa nito sa kanya.
Nagtatampo si Sophie.
Pero mabilis rin naman nawala ang sama ng loob ni Sophie dahil kay Nicollo. Ito ang katabi niya sa sinehan. Sinubuan siya nito ng popcorn kagaya ng ginagawa ni Callisto kay Natalia. Inakbayan rin siya nito.
“Hmmm…?” Tumingin siya kay Nicollo. Gusto niya ang ginagawa nito pero kailangan rin niya nang malinaw na sagot.
“Hmmm… Baka kasi magreklamo ka naman sa akin na out of place ka.”
“Iyon lang?”
Ngumiti si Nicollo. Umiling ito. “I also like doing these things to you…”
Sa sobrang tuwa ni Sophie, naihilig niya ang ulo sa dibdib ni Nicollo. Sa isip niya ay nahiling niya na sana sa susunod ay sabihin na rin nitong like na rin siya nito.
“I WANT to work again, Daddy. Puwede pa naman `di ba?”
Mula sa pagkakaupo ay napatayo si Nikos Afinidad. Binisita niya ang ama sa main office ng HGC sa New York. Sa office nilang iyon madalas ang Daddy niya. Ganoon rin naman siya. Matagal ng pinili ng Daddy niya na magbase ang pamilya nila sa New York.
Nicollo has a Greek and Filipino blood. May mga bahay rin naman sila sa Greece at sa Pilipinas pero dahil na rin sa work issue, sa New York na sila nag-base. Doon na rin siya nag-aral ng highschool, college at kahit ang masteral degree niya. Dahil sanay na, doon na rin siya nagtrabaho. Pabor naman iyon sa Daddy niya. Madalas ay nagbabakasyon na lang silang pamilya sa Greece at sa Pilipinas.
Lumapit ang ama kay Nicollo. Kinuha nito ang kamay niya. Maganda ang ngiti sa labi nito.
“Welcome back, son.” Nang maibaba ang kamay niya, kinuha naman ng ama ang makapal na pile ng papel sa lamesa nito. “Magsimula ka na.”
Napangiti rin si Nicollo. “Malaki talaga ang tiwala mo sa akin.”
“You are a very responsible son, Nicollo. Kaya ganoon na lang akong kalungkot nang magbago ka.”
“I’m sorry, Daddy.”
“It’s okay now. Ang mahalaga ay maayos na ulit ang buhay mo.” Bahagyang niyakap pa siya ng Daddy niya. “I’m so proud of you. Thank you so much that you are back with your senses.”
“Don’t thank me. Thank Sophie…” Lumawak ang ngiti ni Nicollo nang masabi ang pangalan ni Sophie. Gumagaan ang pakiramdam niya kapag naalala ang babae.
“I know that girl would be good for you.”
“Hmmm… I’m sensing a set-up.”
Tumawa ang Daddy niya. “Hindi naman. Naikuwento lang sa akin ng Tito Cedric mo ang ginawa niya para umayos si Callisto. Nang makilala ko si Sophie at nalaman ko na pareho pala sila ni Natalia, naisip ko ang kuwento ni Cedric. Nagtiwala kaagad ako sa kanya.”
“Good decision, Daddy.”
“So tell me, do you like her?”
“Hmmm… yes,” Nakagat ni Nicollo ang ibabang labi para pigilan ang pamumula ng mukha niya.
Aminado na si Nicollo. Gusto na nga niya si Sophie. He liked the feeling whenever they are close to each other. Madalas rin niya itong ma-miss. Gusto niya itong palaging kasama.
“Bakit pa ba ako nagtanong? Kitang-kita na sa mukha mo…” Halatang kinikilig rin ang Daddy niya. “So kailan mo siya ipapakilala sa amin bilang girlfriend mo?”
“Girlfriend?”
“Yes. I think it’s time. Gusto mo siya `di ba?”
“B-but…” Nicollo felt uncomfortable.
“But what?”
Umiling si Nicollo. “Naguluhan ako, Daddy. Gusto ko si Sophie. But I don’t think I love her…”
“What do you mean?”
“Iba ang nararamdaman ko sa kanya kaysa sa nararamdaman ko kay Giselle. And I love Giselle, right? Well, dati…” Nagkibit-balikat si Nicollo. “I don’t know, Daddy. Love is such a strong word and feeling. It’s serious. Samantalang itong nararamdaman ko kay Sophie, it’s fun. Maybe I just like her because she’s a nice friend? I’m confused…”
“O siguro ay dahil bago pa lang ang lahat. Love takes time.”
Tumango si Nicollo. Mukhang tama nga ang ama.
Aminado si Nicollo na gusto niya si Sophie. Pero ang sabihin na in love siya rito ang hindi niya pa kayang aminin sa ngayon.
NAPAKUNOT-noo si Sophie nang makitang tinatawagan siya ng kaibigan na si Analisse. Hindi na niya maalala kung kailan itong huling tumawag sa kanya. Madalas ay sila ang nagri-reach out sa kaibigan. Naiintindihan naman nila na busy ito. Ginagawa ni Analisse ang lahat para maging karapat-dapat sa pamilyang kinabilangan nito. Nagsisikap ito para maging kasing galing rin nina Jet Martinez.
Dahil nagulat, matagal-tagal rin na sinagot niya ang tawag ni Analisse. “Uy, bakit?”
“Hi…” Naramdaman ni Sophie ang pag-aalinlangan sa boses ni Analisse. Sa katunayan, matagal rin nitong sinundan ang pagbati. “Kumusta?”
“Okay naman. Ikaw ba? Hindi ka ba busy?”
Ang huli niyang balita kay Analisse ay nakabalik na ito sa Spain kung saan naka-base ang pamilya nito. Kapag nasa Spain ay busy ang babae. May full-time na trabaho ito sa malaking ospital roon bilang nurse. Bukod pa roon ay nag-aaral rin ito para maging Doctor kagaya ng nag-ampon rito na si Jet Martinez. Panigurado rin na marami itong kailangan na i-catch up dahil ilang buwan rin itong nagbakasyon sa Pilipinas.
“Hindi naman masyado. Hmmm… Nakita ko pala `yung p-in-ost ni Natalia sa Facebook. Nagkita pala kayo.”
“Ay, oo. Ipinakilala niya sa akin si Callisto.”
“Yeah. Pero parang hindi lang naman iyon ang nangyari. Kasama niyo rin si Nicollo. Magkakilala pala kayo?”
Inamin na ni Sophie ang lahat-lahat kay Analisse.
“Oh. So close friends kayo?”
I want to think that it was more than that, napahagikgik rin si Sophie sa kanyang isip. “Parang ganoon na nga.”
Hindi nagsalita si Analisse. Hikbi ang sumunod niyang narinig rito.
“Analisse?”
“Oh, Sophie. Ang suwerte-suwerte mo…” Nakarinig ulit siya ng mga hikbi.
“Anong ibig mong sabihin?”
“I like Nicollo. Matagal ko na siyang gusto na maka-close. I even tried to take care of him. But he pushed me away.”
“Seryoso ka ba? All this time, ang alam namin ay si Simon ang gusto mo.”
Isa si Simon sa mga nakasama nila sa Safe Haven Orphanage. Ang alam niya at ganoon rin ang mga kaibigan niya ay may komunikasyon pa rin ang mga ito. Nagsikap rin si Simon para maging matagumpay na tao. Isa na ngayong business man ang lalaki. Sa pagkakaalam rin niya, kaya ginawa iyon ni Simon ay para kay Analisse. Gusto nitong maging karapat-dapat para sa babae.
“Let’s not talk about Simon…”
“But Analisse…”
“Isang tanong, isang sagot. Gusto mo ba si Nicollo?”
Huminga nang malalim si Sophie. “Oo. At sa tingin ko ay mahal ko na rin siya.”
Matagal ulit bago nagsalita si Analisse. “I see. Then I guess I’ll just wish you both all the best.”
“Pero ayoko na tuluyan siyang mahalin kung alam ko na masasaktan ka, Analisse.”
“Makaka-move on rin ako…”
Tinapos na ni Analisse ang tawag. Pero para kay Sophie ay nagsisimula pa lang na mag-sink in ang pinag-usapan.
Hindi pala-kuwento si Analisse. Isa ito sa pinakamahiyaing babae na nakilala niya. Kaya naman kagulat-gulat ang nalaman niya rito. Kahit araw-araw silang magkausap ni Nicollo at minsan pa nga na nagkasama sa iisang bahay ay hindi nito naikukuwento ang babae.
Naguluhan siya sa nangyari. Gusto at parang mahal na nga niya si Nicollo. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito katinding damdamin sa isang lalaki. Pero kung ang nararamdaman niya ay makakasakit sa damdamin ng iba, handa siyang magparaya.
Hindi pa nga sigurado ang lahat sa kanila ni Nicollo, may problema na kaagad. Mali nga yata talaga itong nararamdaman niya sa lalaki.
ILANG beses na tinignan ni Nicollo ang mukha bago lumabas ng kotse. Ngiting-ngiti siya. He looked presentable. He looked good… again.
Kaninang umaga ay bumalik na siya sa dermatologist niya. Naayos na ang malaking sugat sa mukha niya. Though may mga precautions pa para manatiling maayos, hindi naman makakaapekto na pinuntahan niya kaagad niya si Sophie.
Mukhang hindi na rin naman naalala iyon ng babae. Hindi nila napapag-usapan ang tungkol sa sugat niya. Pero minabuti na lang ni Nicollo na itago kay Sophie ang lahat. He wanted to surprise her.
Binitbit ni Nicollo ang takeout na pizza at pasta bago bumaba ng sasakyan. Nagdala siya ng dinner para kay Sophie. Gusto niya sana kasing ilabas si Sophie para mag-celebrate. Pero naiintindihan naman niya na may trabaho ito kaya siya na lang ang nag-adjust.
Hindi naman minsan na pinuntahan ni Nicollo si Sophie sa trabaho nito. Ilang beses na rin siyang nag-dinner roon. Mabait ang amo ni Sophie. Halatang gusto rin siya nito kaya hindi na siya nahiya na maki-dinner sa bahay. Pagkatapos ng lahat, sa tuwina naman ay nagdadala rin siya ng pagkain kapag pumupunta.
Maganda pa rin ang ngiti ni Nicollo habang umaakyat sa apartment ng amo ni Sophie. Nang makita rin niya si Sophie ay lalong gumanda iyon. Pero kaagad rin na nawala ang ngiti nang makitang may kasama si Sophie. It was a man. Hinatid ng lalaki si Sophie sa pinto.
At hinalikan nito si Sophie sa pisngi!
Parang piniga ang puso ni Nicollo sa nakita. Nabitawan rin niya ang hawak na pizza at pasta sa inis. Nagseselos siya.
Pero kung nagseselos siya, hindi ba’t ibig sabihin lang noon ay mas matindi pa kaysa sa pagkagusto ang nararamdaman niya kay Sophie?
“KUMAIN ka muna,” wika ni Sophie kay Nicollo. Binuksan niya ang dalang pizza box nito. “Wow! Ang daming cheese. Alam mo talaga ang favorite ko. Salamat. Celebration ba ito dahil wala na ang sugat sa mukha mo?”
Nasorpresa si Sophie sa pagdating ni Nicollo pero mas nasorpresa siya sa mas guwapong anyo nito. Hindi na niya naalala na ngayon pala babalik si Nicollo sa dermatologist nito.
Umiling si Nicollo. “Gusto kong mag-usap tayo. Puwede naman `di ba? Maaga palang natulog si Aunt Amy.”
“Pero baka lumamig itong dala mong pagkain.”
“Gutom na gutom ka na ba?” Pagak na tumawa si Nicollo. “Mukhang kuripot ang date mo, ah.”
Tumingin si Sophie kay Nicollo. Nang dumating ito sa apartment ay napansin niyang hindi maganda ang mood nito. Hindi ito nakangiti. Hindi na ganoon ang Nicollo na kilala niya. Kaya ba nagbago ito ay dahil nahuli siya nitong may kasama?
“So nakita mo kaming dalawa ni Craig na magkasama…”
“Sino siya? Bakit hindi mo siya naikukuwento sa akin?”
“Kapitbahay namin siya. Sinamahan lang niya ako na mag-grocery nang kaunti sa labas.”
“Eh bakit ka niya hinalikan?”
Nagkibit-balikat si Sophie. “She’s being too friendly, I guess.”
“Too friendly!” Nanlaki ang mata ni Nicollo. “How could you, Sophie? Normal lang ba sa `yo na halikan ng isang kaibigan? Isa pa, gaano mo ba kakilala ang lalaking iyon?”
Bumuntong-hininga si Sophie. “Nagulat rin naman ako sa ginawa niya. But I also guess he’s just an affectionate man. After all, Americano siya. Matagal-tagal na rin ako dito kaya naiintindihan ko na ang kultura at ugali nila. They are liberated.”
“I’m not like it and I don’t like it. Nagseselos ako.”
Tumawa si Sophie. “But we are just friends, Nicollo. In my books, walang karapatan ang isang kaibigan.”
Tumiim ang bagang ni Nicollo. “So you just see me as a friend.”
Mababakas ang sakit sa mukha ni Nicollo. Parang nasasaktan rin siya pero pinili niyang huwag magpaapekto. Tinatagan ni Sophie ang loob. “Ganoon naman talaga `di ba?”
Kinuha ni Nicollo ang kamay niya. “Gusto kita, Sophie.”
Nanikip ang dibdib ni Sophie. Parang gusto na rin niyang maiyak. “Nicollo…”
“At nararamdaman ko naman na gusto mo rin ako.”
“Pero hindi tama iyon.”
Kumunot ang noo ni Nicollo. “Anong hindi tama? Bakit hindi tama?”
Huminga nang malalim si Sophie. “Basta. Hindi dahil gusto mo ako, may karapatan ka ng magalit dahil may kasama lang akong iba. I’m not yours.”
“But I want you to be.”
Kumurap si Sophie. “Mahal mo ako?”
Matagal rin na natigilan si Nicollo. When he felt ready to tell something, he looked straight into her eyes. “Masaya ako kapag magkasama tayo. I want us to be always together, Sophie.”
Naglihis ng tingin si Sophie. “Pero paano tayo magiging masaya kapag may nasasaktan?”
“Anong ibig mong sabihin? May gusto ba talaga sa `yo ang Craig na iyon?”
Umiling si Sophie. “Matagal na siyang nakikipagkaibigan sa akin. Matagal na rin niya akong niyayaya na lumabas. Ngayon ko lang siya napagbigyan kasi gusto ko sanang kalimutan ka. I don’t want to hurt my friend Analisse. Ngayon ko lang nalaman na may gusto pala siya sa `yo.”
“Si Analisse…” Napakurap-kurap si Nicollo. “But I don’t like her.”
“Alam mo na may feelings sa `yo ang kaibigan ko?”
Tumango si Nicollo. “Matagal na. Whenever we go to parties together, she’ll always greet me and catch my attention. Palagi rin niya akong pinapadalhan ng mga regalo kapag birthday at magpasko. Kahit tuwing Valentines. At nang magkasakit ako, she had lots of attempt to take care of me.”
“At hindi mo sinuklian iyon.” Napabuntong-hininga si Sophie. “If you ask me, good catch si Analisse. Maganda, mabait, matalino at mas bagay kayo. Mayaman na si Analisse dahil sa nag-ampon sa kanya. And birds of the same feather flock together, right?”
“I don’t feel good when I’m around her. And she’s not you. All I want to be with is you, Sophie…” Pinisil ni Nicollo ang kamay niya. “Let’s be together…”
“Nicollo…” May luha na tumulo sa mata ni Sophie. Gusto niyang pagbigyan si Nicollo. Pero tama nga ba ang lahat?
Sinabi naman ni Analisse na makaka-move on rin ito. Pero nakokonsensya pa rin siya. Pakiramdam niya
Pero gusto ni Sophie si Nicollo. Mahal niya ito.
Hindi man siya sigurado kung ano ang nararamdaman sa kanya ni Nicollo, hindi na iyon mahalaga. Masaya na siya sa isipin na gusto siya nito. Gusto rin niyang makasama ito.
Even though it will be a big risk.
Marami ng pinagdaanan si Sophie. Pagod na siya sa problema. For once, ayaw na muna niyang isipin iyon. Gusto niyang maging masaya.
Pinahid ni Nicollo ang luha sa mata niya. Hinalikan nito ang tuktok ng ulo niya. “I will take care of you. Everything will be all right. Basta manatili ka lang sa tabi ko…”
At natagpuan na lang ni Sophie ang sarili na tumatango sa sinabi ni Nicollo.