CHAPTER 30

Elwood

“So, ang kailangan pala, i-kiss ang may kaparehong birthmark para mapalabas ang validity of power?”

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis habang nakakalat sa harapan ko ang mga miyembro ng grupo. Idagdag pang wala nang ginawa kundi magharutan ang dalawa nina Dach at Anika. Ganoon din sina Meteor at Ceilah. Hindi naman sa ayoko na nagkasundo na ‘yong dalawang nauna. Pero naiinis talaga akong makakita ng naghaharutan at naghahalakhakang lovers. Hindi ako bitter. Sadyang… ewan ko.

Napalingon ako kay Soleih na parang tuwang-tuwa pang tingnan ang mga weapons nina Dach at Anika. Parang ngayon lang nakakita ng weapon. Kunsabagay, ganoon din ito kaaliw sa bow and arrows nina Ceilah at Meteor. Alam kong naiinip na itong mapalabas ang sariling weapon.

Ipinakita din sa akin ni Anika ang locket watch niya na kasama raw sa gamit niya nang iwan ng mga magulang sa tapat ng bahay ng mga Danfort. Ang necklace chain noon ang nag-evolve at sinaniban ng air power nila ni Dach at naging weapon. Habang ang locket naman ay naalis na sa chain.

At hindi ako puwedeng magkamali. Ang design at marka, pati na din ang ilang maliliit na characters. Galing iyon sa bansang Orlithio, sa Silangan ng Kimbura. Mga air shapers ang mga witch and wizards doon. Mga matatalinong nilalang at malilinis ang mga puso kaya naman madali ding mapahamak.

Argh! Oo, minsan, ang labis na kabaitan ang nagpapahamak sa isang nilalang. Kaya hindi rin maganda ang pagiging sobrang mabait.

At maibalik lang sa locket ni Anika, hindi iyon basta locket lang ng ordinaryong air shapers. She can manage time. She can bring back the time using her locket watch. She can also see the future from it. At ang puwede lang magmay-ari ng ganoon ka-makapangyarihang bagay ay isang maharlika.

Maaaring galing sa maharlikang pamilya si Anika. Kung bakit siya iniwan ng mga magulang sa mundo ng mga tao, hindi ko pa iyon alam sa ngayon. Pero mahahanapan ko din iyon ng kasagutan. Ramdam ko din ang kapangyarihan ng isang royal blood Orlithion na nakapaloob sa locket watch. Posibleng kapangyarihan iyon ng isa sa mga magulang ni Anika na ini-lock sa locket watch. Nang hiramin ko sandali sa kanya iyon, sandali ko palang nabubuksan at nalaman ko na kaagad ang nakaraan niya. I had travelled back in time habang patuloy sa pag-ikot ng mabilis pabalik ang mga kamay ng orasan.

At sa halip na makahinga ako ng maayos, mas lalong nadagdagan ang problema ko. Dahil sa isang eksenang nasilip ko.

“Isang hybrid ang anak mo, Princess Kaline.” Sa salitang Kimburian ay sabi ng sorceress habang nakatingin sa mga palad ng prinsesang nagpapabasa ng destiny nito. Bilugan ang may kalakihan nang tiyan. Siguro ay kabuwanan na nang prinsesa. “At isa sa mga anak ni Maidas ang nakatakdang mamatay bago ang sagradong ritwal na magliligtas sa buong Kimburian.” Nanlalaki ang mga mata ni Verniechelle habang binababalaan ang prinsesa ng mga Orlithion.

Si Maidas ay ang hari ng Fotora. At posibleng ama ni Anika dahil bakit bigla itong isinangkot sa destiny reading?

Hanggang sa mga pangalan at ranggo lang ng mga magulang ni Anika ang nagawa kong sabihin. Hindi ko masabi sa kanya ang mga nakita at narinig ko. At hindi ko din alam kung paano sosolusyunan ang problemang ito. Hindi pwedeng mamatay si Anika!

“Teka. ‘Di ba may same birthmark kami ni Sir?” narinig kong sabi ni Soleih na biglang bumaling sa akin.

Parang sinaniban ng masamang elemento si Soleih at ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata habang nakatitig sa akin. Alam ko ang iniisip ng makulit na babaeng ito. At hindi ko gusto ang iniisip niya.

“Sir…?”

“No!”

Bigla akong dinaluhong ni Soleih. Sabay kaming bumagsak sa couch at nasa ibabaw ko siya. Ah! Buwisit! Kung hindi lang ito babae, isasalya ko ito.

“Isa lang naman Sir eh. Tetestingin lang natin. Malay natin baka nga tayo ang match, Sir…”

“Soleih! Anong ginagawa mo?” kandamulagat si Chloris na agad inalis si Soleih sa ibabaw ko. Kasunod nito si Alvis na napatulala nalang sa amin.

For the first time, gusto kong pasalamatan ang babaeng bungangera sa biglaang pagsulpot. I was save by the belt.

“E’ kasi, ‘di ba pareho kami ni Sir ng birthmark? Baka kami talaga ang match ni Sir. What do you think, Chloris?”

Lalong nanlaki ang mga mata ni Chloris at nagtalo na ang dalawa. Hindi naman na ako nakatiis. Tumikhim ako para kunin ang atensiyon nilang lahat. Hindi na nila ako iginalang eh nasa teritoryo ko sila!

Naiingayan na ako sa totoo lang. Masyado silang hyper dahil lang ibinigay ko ang oras na ito para magpakasaya at makapagpahinga sila. Pero mali yata ang naging desisyon ko. Masyado na akong nagiging mabait. Dapat na maging mahigpit ako. Lalo na kay Anika…

“Mas kailangan yatang mag-train ng mga air shapers natin ngayong lumabas na ang weapons nila.” Poker faced kong sabi na binalingan ang dalawang lovers sa couch na nagsusubuan ng pagkain.

Pati ang android kong waffle maker, pinagtrip-an na i-doodle ang mukha. Gustong sumakit ng ulo ko. Ang kalat-kalat na ng lounge area sa dahil sa kaguluhan nila. Por que pinayagan ko silang i-cancel muna sa araw na ito ang training, kung ano-ano na lang pinaggagagawa. Nagkakalat pa. Ayoko pa naman ng makalat.

Lintik!

“Teka, Sir. Akala ko po ba, pahinga day namin sa training? Reward niyo na sa amin ‘yon.” Bigla ay angal ni Anika. May laman pang cupcake ang bibig habang nagsasalita.

“Baby, ano ka ba? Don’t talk when your mouth is full.” Saway naman ni Dach sa girlfriend.

And baby? Ugh. It was so disgusting to hear! Kinikilabutan ako sa kanila. Nakakakilabot din ang pagdikit-dikit ni Soleih sa akin! Lintik!

“Do’n ka humingi ng halik kay Alvis.” Sikmat ko kay Soleih. Na sandaling natigilan pero agad ding nakabawi.

“Hindi naman niya ako mahal, bakit ako hihingi ng halik sa kanya?” angal ni Soleih.

“That’s the point. Hindi din kita mahal, bakit kita hahalikan?” Balik ko sa makulit na babae.

Tinalikuran ko na sila bago pa makahirit si Soleih. Nai-stress ako sa kakulitan niya. Kailan kaya ito makakahanap ng lalaking magpapatino dito? Speaking of matino. Si Alvis na yata ang pinakamatinong lalaki sa loob ng grupo… maliban sa akin, siyempre. Alvis was a man of few words. Halos hindi nagsasalita kaya kung titingnan ay napakasuplado. Soleih can’t get along with him. Iyon siguro ang dahilan kaya hindi mapalabas ang weapon. They need team work.

Ugh. May isa pa pala akong problema. Si Serene. Bukod sa ayaw niyang sumama sa grupo, binalak pa niyang ipirata si Alvis. Inaya ba namang umalis ng grupo ko? Argh! Kailangan ko na talagang asikasuhin din ang babaeng iyon.

Stress.

Stress.

Stress.

Bwisit!

“Nagbago ang isip ko. Balik na sa training ground.” Stiff kong deklara at nilayasan sila.

Dumeretso ako sa meeting room at nagbabalak magpahinga. Hindi ako makapagpahinga sa front porch at nasi-stress lang akong panoodin ang pagkakagulo nila. Humilig na ako sa swivel chair at pumikit nang pabalagbag na bumukas ang pinto ng meeting room. Mas tumindi yata ang pitik ng sintido ko pagkakita sa nakabusangot na si Chloris.

“Ano na naman?” Inunahan ko na siya bago pa niya ako bungangaan.

“Nagtanong ka pa? Hindi ka na naawa sa dalawa nina Dach at Anika. Ngayon-ngayon lang naging masaya, puputulin mo na kaagad at isasalang sa training? Akala ko ba reward mo na sa kanila ang araw na ito tutal naman napalabas nila ang mga weapons nila.”

Napapikit ako ng mariin. Heto na naman si Chloris. Kailan ba siya titigil sa pagrereklamo sa akin? At ang mga lintik. Por que alam nilang hindi ako makaangal sa babaeng ito, kay Chloris nagsusumbong.

At teka nga? Bakit nga ba hindi ako makaangal kay Chloris?

“Ako ang mas nangangailangan ng pahinga. Tigilan mo na ako Chloris, masyado akong stressed ngayon,” sabi kong itinuloy ang naputol ang balak na pagtulog.

Sumugod na siya nang tuluyan sa akin at hinampas ako sa balikat. Bahala siya. Magbunganga siya hanggang sa gusto niya. Basta hindi ko babawiin ang utos ko sa kanila na mag-training.

“Wala ka ngang ibang ginagawa kundi ang magpahinga, magpapahinga ka na naman. Aba, hindi ka na napagod sa pagpapahing—”

Medyo nagtaka ako na biglang natigilan sa pagdakdak si Chloris. Magmumulat na lang sana ako ng mga mata para alamin kung ano ang ganap at natigilan siya, nang maramdaman ko ang isang kamay niya sa gilid ng kanang pisngi ko. Marahan at malambot iyong humaplos doon, sa palagay ko ay sa birthmark ko. Nandoon kasi sa bandang iyon ang birthmark.

Narinig ko siyang biglang napasinghap kaya tuluyan na akong dumilat. Noon ko nakita ang shock na reaction ni Chloris. Kasunod ang pagtutubig ng mga mata niya. Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Minsan kasi ay may pagka-weird ang babaeng ito. At nahihirapan ako sa kanya kasi hindi ko nababasa ang iniisip niya kahit hindi naman siya preistess. Hindi ako makapag-intrude. Imposible namang dahil protektado ni Hino. Mas malakas ako kay Hino.

“Anong problema mo?” Hindi na ako nakatiis at pinagtaasan siya ng kilay.

Tuluyan siyang umiyak at sinunggaban ako ng yakap. Nagtataka man ako pero hinagod ko ang likod niya habang humahagulhol sa dibdib ko.

“I’m sorry… I’m sorry. Hindi ko alam.” Humihikbi at paulit-ulit niyang sabi.

Ano ba ang nangyayari sa babaeng ito? Inilayo ko siyang saglit sa katawan ko maski pa nga tutol na tutol ang malaking bahagi ng isip at damdamin ko.

“Anong hindi mo alam?” Nagtatakang tanong ko na pinakatitigan si Chloris.

`Yong eksaktong pagtitig ko sa mga mata niyang lumuluha. Iyong sandali na hinaplos niya ang mukha ko kasabay ng pagbaba ng mga daliri niya sa birthmark ko at pagdama niya roon, biglang dumaloy sa isip ko ang nakaraan. Para bang sa paraan ng paghaplos niya sa marka ko, doon niya pinadaan ang mga nalaman niya. Nakikita ko ang mga eksena sa mga mata ni Chloris na malungkot at nasasaktang nakatitig sa akin.

“What… what the hell are you doing to me, Chloris?!” pagalit kong sita sa kanya.

Pero alam ko naman na hindi ko na siya kailangang sitahin. Alam ko na ang nangyayari. She was sneaking inside my memory. My painful memories… na hindi niya dapat sinisilip. Hindi ko alam kung paano niyang nagawang silipin pero naririto sa harapan ko ang ebidensiya ng katotohanang nakita niya ang lahat-lahat. At hindi ko nagugustuhan ang pagkaawang nasa sa mga mata niya.

Kahit kailan, hindi ko ginustong kaawaan. Hindi! Lalong-lalo na kung si Chloris ang magpapakita ng awa sa akin. That makes me feel more pitiful.

“Don’t look at me like that, Chloris. Hindi ko kailangan ng awa ng kahit na sino. Sobra-sobra na ang naramdaman ko para sa sarili ko. Hindi niyo na kailangang dagdagan pa iyon.” Matigas kong sabi sa kanya saka siya binitiwan.

Dere-deretso akong lumabas ng chateâu at nag-teleport papuntang port area para makalabas din sa time plane. Gusto ko munang takasan kahit sandali ang mga nakita ko sa mga mata ni Chloris. Those were like daggers slicing my ego.

Bakit kailangan niyang makita ang kailaliman ng sarili ko? Bakit kailangan niya pang hukayin ang nakaraan? At ipaalala ulit sa akin ang mga nangyari? Bakit?!

Mahigpit na nadaklot ko ang tapat ng dibdib ko habang nakasandal sa concrete wall doon sa old science building. Sarado at invisible na sa paningin ng mga mortal ang secret door. Isinarado ko na matapos kong lumabas.

Pero hindi ako makalabas sa paulit-ulit na mga eksenang pumapasok sa isipan ko. Ang mga masasakit na alaala ng nakaraan. Muli na namang nagbabalik. At paulit-ulit akong nilulunod. Sa sakit. Sa galit. Parang ikinukulong ulit ang isip ko sa kagustuhang makapaghiganti!

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.