Chloris
IT’S BEEN a week. Nakaalis na sila. Bago naputol ang contacts namin ni Hino months ago, naipaalam niya sa akin kung paano makakabalik ng Kimbura. Nai-relay ko na iyon dati kay Elwood bago pa siya nag-decide na umalis. Hindi ako nakipagkita sa kanila sa araw ng pagtawid nila. Hindi ko kaya. ‘Yon ngang pamamaalam ko sa mga nakasama namin sa time plane, ang hirap-hirap na. Paano pa kung sa kanila, sa kanya?
Pero ang tanga ko din ano? Alam ko naman na hindi na lalabas ang secret door kahit pa gamitin ko ang itinurong spell ni Elwood sa akin noon, pero heto ako. Nasa second floor na naman ng old science building. Hindi ako pumalya ng pagbisita dito na para bang kasama na sa pang-araw-araw kong buhay. Nagpe-pretend pa din ako at pinapaniwala ang sarili na makakapasok ulit sa time plane na iyon. Kahit pa, aware naman ako na imposible na. Sinarado na ni Elwood.
Ewan ko ba. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kasi naman, name-miss ko na nga siya. Isang linggo.
Isang linggo palang siyang wala.
Isang linggo palang akong natatahimik.
Isang linggo palang akong walang maaway na masungit na lalaki.
Isang linggo palang pero parang decades na ang dumaan.
And I am crazy missing him, already. Hindi ko na naman maintindihan kung bakit ko iniiyakan ang pagka-miss ko sa kanya. When all I should do is hope and pray that they were fine, right now.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko sa tapat ng wall kung saan palaging nandoon ang secret door.
“Ostendo vester celatum!” Sabay wagayway ng kamay sa tapat ng wall.
Nang walang mangyari, parang tanga at baliw na tumawa ako ng mapait sa tapat ng wall. Asa pa ako na lalabas nga ang secret door. Imposible na iyon.
“Pero last naman na ito. Hindi na ako babalik dito pagkatapos ng araw na ito. Magpapaalam lang ako sa mga alaala. Huling beses na talaga. Magle-let go na ako.” Pagkausao ko pa sa sarili ko.
Binigyan ko ng ilang segundo ang sarili ko na mag-stay pa sa tapat ng wall bago ako nag-decide na umalis na. Papatalikod na ako nang mapansing nagliliwanag ang wall. Nanlaki ang mga mata ko nang lumingon doon. At katulad ng nangyayari kapag magre-reveal ang secret door, gumagapang ang ethnic design ng mga Kimburian sa buong wall hanggang sa tuluyang lumabas ang pinto. Kusa din iyong bumukas.
Gulantang talaga ako. Nakasilip ako ng pag-asa. Pero nagtataka din ako. Paano ko nabuksan ang secret door eh ini-dissolve na ito ni Elwood. Kaharap pa ako nang gawin niya ang spell ng pagdissolve at pagla-lock ng time plane.
Pero mahalaga pa ba iyon? Gusto kong makapasok ulit. Gusto ko lang balikan ang mga alaala at pagkatapos, tapos na. Last na lang talaga.
I step inside. Na-excite akong makakabalik sa chateâu ni Elwood. Sandali lang naman ako eh. Sisilip lang ako.
Elwood
“BAKIT hindi niyo kasama ang soul priestess?” salubong ang kilay na tanong ng sorceress sa salitang Kimburian.
Umigkas ang kilay ko sa tanong na iyon ni Verniechelle.
Nilamon na ng pulang hamog ang buong Kimbura. May palagay ako na hindi na kinaya ng kapangyarihan ng hari ng Fotora na ibalot sa shield ang buong south nation. Siguro ay bumigay na din ang kapangyarihan ni Maidas. Mabuti nalang at sa pagtawid namin sa Kimbura, kaagad nakaabang sa amin sina Hino at Verniechelle na idineretso kami sa underground tunnel. Doon ang daan papunta sa hide out nila. Bakit hindi ko kaagad naisip iyon noon? Na pwede namang gumawa ng underground hide out.
Dahil din siguro sa nasa underground sila at hindi masyadong nakakalabas kaya naputol ang communication nila ni Chloris. Kahit noong iopen ko ang telephatic communication ko sa mga Kimburian, hindi ko na din siya nakontak.
“Soul priestess? Apat na priestess lang ang ipinahanap ni Hino sa amin ni Chloris, ‘di ba?” nagtatakang sagot ko naman. Ang walo, nagkanya-kanya nang pwesto ng pamamahinga. And as usual, kahit namamahinga ang iba, ang ingay at angilan nina Soleih at Alvis ang nangingibabaw.
Para tuloy may tumadyak sa dibdib ko. Ayoko mang aminin, pero namimiss ko si Chloris. Parang sina Alvis at Soleih lang kami noon. Palaging nag-iinis-an.
“Apat lang dahil sa simula palang, nahanap ko na ang soul priestess. Kaya nga siya ang pinagpapakitaan ni Hino sa mga panaginip dahil parte siya ng ritual.” Stiff na sabi ni Verniechelle.
“What?” Bigla akong dinagsa ng sandamakmak na kaba at hinala. ‘Wag sabihing…
“Oo. Si Chloris ang soul priestess. Lahat ng kapagyarihan ng apat na elemento, maghahalo-halo sa ritwal at siya ang kakatawan ng lahat ng iyon. Siya ang dapat na magsasagawa ng orasyon.”
Napatiim-bagang ako. Hindi ko gusto ang itinatakbo ng sinasabi ni Verniechelle. “At siya din ba ang tatanggap ng lahat ng latay at kapahamakan na pwedeng gawin sa atin ng kalaban? Siya ang makikipaglaban sa kapangyarihan ni Aunt Petunia?” pagalit kong tanong sa kanya.
At lalong nagsiklab ang galit ko nang marinig ang direct na pagsagot niya ng:
“Oo.”
“Fuck!” Marahas kong sabi. “Hindi ako papayag!” matigas kong tanggi na tinalikuran ang sorceress.
Ngayon ko naiintindihan. Ang lahat ng panaginip ni Chloris. Ang biglang pagco-collapse niya at makakatulog ng matagal, ang lahat ng iyon, dahil tinatanggap ng katawan niya ang mga panganib na pinagdaanan ng mga priestess at mga wizards. Sa panaginip niya nakikita ang lahat pero ang physical body niya ang tumatanggap ng lahat ng sugat at mga pahirap. Kaya pala noon, halos isang linggo na nagre-reflect sa kanya ang mga sugat at paghihirap na dinaanan nina Anika, Dach, Alvis at Meteor.
At hindi ito tama!
Hindi siya Kimburian. Isa lang siyang mortal na pinili at itinadhanang kumatawan sa kapangyarihan ng apat na elemento. She was the one who was destined to balance and mote the powers. Wala naman siyang kinalaman sa Kimbura pero posible siyang mapahamak. At hindi ako makakapayag!
“Makinig ka, Elwood!” Pasigaw na sabi ni verniechelle na sinundan pala ako.
Nakalayo na ako sa walo. Ayoko ding marinig nila ang pag-uusapan namin ni Verniechelle kaya pumasok ako sa isa sa mga silid sa hide out niya.
“Destiny niya iyon. Anuman ang mangyari, hindi natin kayang pigilan. Mangyayari ang dapat na mangyari.”
Bigla kong naalala ang destiny reading kay Anika kahit nasa tiyan palang siya ni Prinsesa Kaline. May mamamatay sa mga priestess. Posible din na hindi kami magtagumpay lalo’t mas lumakas si Aunt Petunia ngayon. Ano pang silbi ng pagtwaid namin. Pwede ko pang mabago ang lahat. ‘Wag naming ituloy ang ritwal sa pagbuo ng malakas na kapangyarihan na pwedeng tumalo kay Aunt Petunia. Tutala naman, walang hundred percent ang pagkapanalo namin. Pwede ko pang mailigtas si Anika and at the same time, mananatiling maayos ang lagay ni Chloris. Hindi ko na kailangang sunduin pa siya sa mundo ng mga tao para isama na naman sa gagawin namin . After all, wala siyang kapangyarihan na kahit paano, makakapagprotekta sa kanya.
Nah! Don’t get it wrong. I’ll do everything to protect her. At isa sa paraan ko para protektahan siya ay ‘wag nang isama sa gulo namin.
“I’m sorry Verniechelle. There’s no way I’ll contact her. Tahimik na ang buhay niya sa mundo niya. Ayoko na siyang guluhin pa.” matigas kong tanggi.
“Kung hindi mo gagawin, ako ang gagawa.”
Bago pa ako makapag-react, nakaramdam na ako ng malakas na pagyanig. Nagsunod-sunod iyo at nawalan na ako ng pagkakataon para makipagtalo sa kanya. Nagpapanic na din ang walo nina Soleih. Humahangos na pumasok sa hide out si Hino.
“Nahanap tayo ng mga kalaban. Wala tayong choice, kailangan nating lumaban o katapusan na nating lahat.” Nagmamadali ang boses niya na pinapapwesto at pinaghahanda ang lahat. Bilang isa sa mga general warriors ng Wushimye, palaging handa si Hino at may plano para sa mga labanan. Ini-instruct niya ang lahat. Habang si Verniechelle naman, bigla nalang nawala.
“Fuck!”
Hindi niya pwedeng guluhin si Chloris! I can’t allow her to do that!
Chloris
“SOUL priestess…”
Napalingon bigla si Chloris. Nasaan ba ako? Sa pagkakaalala ko, matapos kong makapasok sa chateâu ni Elwood sa loob ng time plane, dumeretso ako sa silid na dati kong ginagamit. Wala. Na-miss ko lang talaga doon. Gusto ko lang ulit puntahan. And while entering the chateâu, parang naghuhumiyaw ang mga alaala. Lahat ng mga memories namin doon, parang guni-guni na nagpapakita sa akin. From one corner to another, may mga scene na nagpe-playback sa isip ko.
How I missed him. Humiga ako sa kama at nag-iiyak na naman hanggang hindi ko na namalayan, nakatulog ako. Pero bakit ngayong magising ako, nasa isang madilim na lugar na ako? Sa isang kawalan.
“Chloris…”
At iyon na naman ang boses. Palingon-lingon ako sa paligid. Wala akong makita kundi ang kadiliman ng gabi.
“Nandito ako. Si Verniechelle. Kailangan mong sumama sa akin. Kailangan mo kaming tulungan.”
“Huh?” Parang tangang pagkausap ko sa kawalan. Sa boses ng kung sinong hindi ko nakikita.
Nananaginip ba ako? Nasa astral travelling state ba ako? Tiningnan ko ang sarili ko, kumikinang nga ang edges ng katawan ko in silvery color. And I had no weight. I am an astral body. Nasa astral travelling state ako. At ang physical body ko, naiwan sa time plane.
Pero hindi naman ganitong astral plane ang pinupuntahan ko kapag nag-a-astral travel. Ang astral plane ay isang imaginative place sa loob ng panaginip. But everything happened and everything I saw from it were true. Kahit ang pakikipag-usap ko kay Hino doon, alam kong totoo.
“Nasaan ba ako? At…” Bigla akong natigilan. Si Verniechelle? Kinokontak ako ng nasa Kimbura? Bakit niya ako inaayang sumama? O baka kalaban ito na nagpapanggap na si Verniechelle?
“Hindi namin magagawa ang ritwal na wala ka. Kailangan ka namin.” Ayon ulit ang boses.
“Pero hindi ako priestess. Wala akong marka.” Nalilitong sagot ko.
“Meron, Chloris. May marka ka. Hindi lang iyon nakikita pero sa sandaling maisagawa ang ritwal, lalabas ang mga marka.”
Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya o ang gusto niyang sabihin. Pero kumakatok sa puso at isip ko ang kagustuhang sumama. Ang siguraduhing ligtas sina Elwood at ang grupo sa pagtawid. Gusto kong makita si Elwood. At kung iyon lang ang paraan para makita siya, sasama ako.
“Saan ba ang daan?” wala na maski kakatiting na inhibition na tanong ko sa boses.
“Dito.”
At sa isang bahagi sa hindi kalayuan, may nakita akong liwanag.
“Bilis Chloris, bilisan mo. Bago ka pa mahila ng silver cord mo, tumakbo ka at habulin mo ang liwanag. Bilisan mo!” Halata ang pagmamadali sa boses.
Napatakbo naman ako sa takot ko ngang hilahin pabalik sa katawan ko ang astral ko. Ang silver cord kasi ay isang cord that was formed of glittery energies na naka-connect ang magkabilang dulo sa astral at sa physical body. Hindi iyon mapuputol unless patay na ang nagmamay-ari. Iyon ang nagsisilbing life line ng isang tao na nag-a-astral travel.
“Bilis, Chloris! Bilis!”
Parang mas gusto kong mataranta sa pagmamadali sa boses ni Verniechelle. Pahina din iyon ng pahina kaya mas lalo akong nag-alala. Ibigsabihin kasi noon na nawawala ang astral communication namin. Baka hindi ko siya mahabol. Baka hindi ako makapasok sa liwanag na iyon. Gusto kong makahabol. Gusto kong makapasok sa Kimbura.
Ginamit ko na ang lahat ng lakas ko at mas binilisan pa ang pagtakbo sa abot ng makakaya ko. Siguro, ang matinding kagustuhan kong makasunod at makahabol ang nagbibigay ng lakas sa akin para makatakbo pa ng mas mabilis. Halos ayaw ko na ding huminga at baka makabawas iyon sa bilis ko. kailangan kong makahabol. Kailangan kong makapasok.
At nang papalapit na ako, para akong nilamon ng liwanag. Nakakasilaw. Ipinikit ko ang mga mata ko habang patuloy sa pagtakbo. Mabilis. Mas mabilis. Na para bang wala nang katapusan ang pagtakbo. Gusto kong makarating sa Kimbura.