Chloris
MAY biglang humila sa braso ko para pigilan ako sa pagtakbo. Napamulat ako ng mga mata. Isang babaeng katulad ko. Kumikinang din ang edge ng katawan, in glittery silver. Isa rin siyang astral body na katulad ko.
“Salve en Kimbura!” (Welcome to Kimbura) sabi niya na hindi ko maintindihan. Sigurado akong ito iyong may-ari ng boses na kausap ko kanina sa madilim na kawalan.
Pero bakit kailangan pa niya akong kausapin sa salitang hindi ko naman maintindihan kung kaya naman pala niyang mag-tagalog?
Ngumiti ang babae at pinakawalan ang braso ko. Magtatanong pa sana ako nang lumutang na siya at parang papel na tinangay ng hangin. Hinihila na siya ng silver cord niya. At ano nang gagawin ko? Nasaan ba ako? Nasaan sina Elwood?
Nagpalinga-linga ako sa paligid. Nakalutang din pala ako, hindi ko namalayan. At sa ibaba, siyudad na nababalot sa kulay pulang hamog ang nakikita ko. Walang ingay o mga galaw. Parang walang tao o nilalang sa siyudad. Teka, saan na ako pupunta nito?
“Halika na, Chloris! Bilisan mo!”
Ayon na naman ang boses. Sa paglingon ko, nakalutang na sa ere si Verniechelle pero this time, physical body na siya at hindi kagaya ko na astral body. Sa kawalan ko nang magagawa o masasabi, sumunod ako sa direksyon na pinupuntahan niya. Para lang magulantang sa mga sumunod kong makikita.
Malayo palang ako pero nakikita ko na ang pagsalya ni Alvis. Isang malakas na berdeng pwersa ang tumama sa katawan niya at isinalya siya. Tumama sa katawan ng isang puno si Alvis pero agad ding nakabawi. Sumalya din sa tabi nito si Soleih. Gamit ang green wand ni Alvis, gumawa ito ng spell na kokontra sa berdeng enerhiya na tatama na naman sa kanila. May tumutulong dugo sa may sintido ni Alvis habang si Soleih naman, hawak ang brasong duguan na din. Sigurado akong may malaking sugat na pinagmumulan ng dugong iyon. Sa ibang bahagi, may nagpapaulan ng blue arrows na sigurado akong kung hindi kay Meteor ay kay Ceilah galing. Habang si Serene naman, nakikipaglaban sa mga naka-itim na hood na mga mandirigma gamit ang daggers nito. Ka-back to back niya si Crius na ganoon din ang gamit. Pareho sila ng weapon. Nakakapanglaslas nga sila ng leeg ng mga kaaway pero may mga sugat ding nagagawa ang mga iyon sa kanila. Parehong sugatan na din ang dalawa pero hindi kakikitaan ng kawalan ng pag-asa. Sa kabilang bahagi ng mga ito, nandoon din si Hino at nakikipaglaban gamit ang sariling green sword. Tagpas ang leeg ng lahat ng lumapit dito. Pero parang walang kaubusan ang mga mandirigma ng kalaban. Parang walang katapusan ang labanan.
Sina Dach at Anika, gamit ang mga yellow gold chains, iginagapos ang mga simulacrum na nasa paligid. Ang chain lang pala nila ang makakahuli sa mga simulacrum para tuluyang malusaw ang mga iyon.
Pero nasaan si Elwood?
Bigla akong ginapangan ng kaba nang hindi ko makita si Elwood kahit ano pang lingon ko sa paligid.
“Dito…”
Bigla ay hinila ako ni Verniechelle. Hindi ko alam kung may magic lang ba siya at nahahawakan niya ako kahit isa lang akong astral body.
“Teka, saan tayo pupunta? Nanganganib silang lahat doon, bakit tayo mag-iiba ng daan? At nasaan si Elwood?” Natatarantang piglas ko sa kanya.
“Isa-isa lang ang tanong, Chloris. At kumalma ka.” Giit ni Verniechelle.
“Nakikipaglaban si Elwood sa Aunt niya. Ang napakamapanganib nating kaaway. Ang puno at dulo ng lahat ng kaguluhang ito. At kung bakit tayo magbabago ng daan, dahil kailangan kitang maitago. Hindi nila pwedeng malaman kung nasaan ang soul priestess. Ikaw ang pinakamahalagang medium para mabuo ang spell na tatalo kay Petunia.”
Hinila niya ulit ako papasok sa hole sa ilalim ng lupa.
“Conniveo!” Bigkas niya sa palagay ko ay spell para magsarado ang hole dahil nawala nga ang port na dinaanan namin. Nagdilim pero muling nagkaroon ng liwanag nang magsalita ulit siya. “Lumino electrum!”
Nagkaroon ng torch sa paligid. Sa buong daanan, may mga nagkalat na liwanag.
Nagtuloy-tuloy kami sa paglalakad sa loob ng parang underground hole. Ang hole na sa palagay ko, walang dulo at katapusan. Kaninang-kanina pa kaming naglalakad pero wala kaming tigil.
“Saan ba tayo pupunta?” Hindi na ako nakatiis na nagtanong.
“Sa lugar na, hindi mahahanap ni Petunia.”
Gusto ko pang mangulit. Gusto ko pang magtanong patungkol kay Elwood. Nag-aalala talaga ako ng sobra. Hanggang hindi ko siya nakikita na maayos, hindi ako mapapakali. Pero wala naman akong ibang choice kundi ang manahimik at sumunod. Baka kasi mayamot si Verniechelle sa akin. Baka din mas hindi iyon makatulong sa halatang pilit nagpapaka-stiff na character ni Verniechelle. Kahit gusto kong ilabas ang frustration ko na makita si Elwood, hindi ko magawa. Ayokong magbigay ng ikakabigat ng loob nila lalo at nasa hindi magandang sitwasyon ang lahat ngayon.
Ah! Ano bang aasahan ko. Sadya namang dapat na asahan kong nang panganib ang sasalubong sa akin sa Kimbura. Malinaw na sinabi ni Elwood na ayaw na niya akong sumama sa misyon dahil mas mapanganib na iyon ngayon. Wala din akong kapangyarihan at kakayahan para protektahan ang sarili ko. Mas makakabigat pa ako sa kanila.
Hala!
Bigla kong naalala. Alam ba ni Elwood na nagawa kong sundan sila? Alam ba niya na dadating ako at susunduin ni Verniechelle? Alam ba niya na kailangan ako sa ritwal?
Kung alam niya, then, bakit hindi niya ako isinama? At anong magiging reaksyon ni Elwood kapag nakita na niyang nandito ako?
“Nandito na tayo.” Announce ni Verniechelle na nagpatigil sa walang katapusang pagbuhos ng mga katanungan ko.
Isang spell ulit ang ginamit niya para magbukas ang pinto. Saka kami dumeretso sa pagpasok.
“Sumunod ka sa akin.” Sabi niya na tuloy-tuloy pa din sa paglalakad.
Sumunod naman nga ako. Napakadaming pinto. At ang bawat pinto, may mga design na katulad ng secret door na ginawa ni Elwood sa mundo namin. Pakiramdam ko, para akong nasa loob ng isang lumang castle pero nasa ilalim naman ng lupa kasi walang natural light na galing sa araw. Puro galing sa torch na gawa lang din ng spell ni Verniechelle. At ang mga dingding, parang mga lupa lang talaga na pinatigas at hindi basta-basta guguho. O dahil la ng din sa spell kaya hindi gumuguho?
Tumigil kami sa tapat ng isa pang pinto. Binuksan iyon ni Verniechelle at isang malawak na silid na walang ibang laman kundi ang napakalaking bilog na mesa. Nasa kalagitnaan iyon ng silid. Sa paglapit namin, noon ko nalaman na may mga hollow ang napakalaking mesa. Sa bawat hollow, may nakamarka ng apat na elemento. Sa gitna, ang katulad na amulet ng Yin at Yang ng mga Chinese. Bilog na may letter S na naghahati sa gitna. White at black ang kulay at may bilog din sa magka-alternate position, sa white part ay sa itaas may bilog, sa black part naman ay sa ibaba may bilog. Naka-enclose iyon sa silhouette body. Katulad ng nakita ko din sa pentacle na naka-design sa secret door na ginawa ni Elwood.
“Dito ang position mo, Chloris.” Itinuro niya ang pinakagitna ng table. “Your spirit is the soul priestess. Ikaw ang gagawa ng ritwal na gagamitin laban kay Petunia. You were the one whom’ll mote the ritual and spell. Ikaw kasi ang tatanggap ng lahat ng kapangyarihan habang ginagawa ang ritwal. Ang magse-shape ng kapangyarihan ng apat na elemento. Your astral will be the soul medium while Elwood would be the medium body. Elwood will be the one to fight his Aunt by supplying him the energy you’ll going to shape.” Matigas na pag-iinform niya.
Pero alam kong sa likod ng pagmamatigas at pagpapakita ng katatagan, nandoon ang hindi maitatagong kaba at takot ni Verniechelle. I can feel her. Hindi ko alam kung paano pero parang may hangin na nagbubulong sa akin ng emosyon niya. Hangin na imposibleng mayroon sa ilalim ng lupa. Ang nakapagtataka lang talaga, paano namin nagagawang magtagal doon e underground nga ang kinaroroonan namin.
Argh! What could be so impossible with the spells and chants, anyway?
“Pero bakit ako? Paano mo nalamang ako?” nagtataka at nagdududa pa din ako. Imposible kasi. Wala akong kapangyarihan na tulad ng sa kanila.
“Dahil sa soul detector spell na inilagay ni Hino sa orb of powers ni Elwood. Sa sandaling makatawid si Elwood, automatic na mahahanap ng orb ang soul priestess. Kaya nagliwanag ang orb nang una kayong magharap ni Elwood, dahil nahanap ka ng orb.”
Hindi ko na alam ang sasabihin. Sa simula palang pala, talagang kasama na ako sa misyon na ito. At ang hindi ko eksaktong alam, kung aware ba si Elwood na kasama ako sa misyon. Dahil kung alam niya, hindi niya ako iiwan sa mundo ko. Isasama niya ako.
“You mean, isa din ba akong Kimburian? Isa din akong witch?” naitanong kong bigla. Bigla kasi akong nagkaroon ng pagdududa sa pagkatao ko dahil sa koneksyon ko sa misyon na ito.
“Hindi. Isa ka lang ordinaryong mortal. Pinipili ang soul priestess sa pamamagitan ingo kalinisan ng loob at matinding kagustuhan na tumulong. Dahil din sa matinding kagustuhan na maligtas sa hindi magandang pagbabago ng mundo. Katulad ng mga aim at goals namin sa mundong ito. Hindi kami sang-ayon sa New World Order ni Petunia na siya lang ang mamumuno sa buong Kimbura. Na ang lahat ay magiging alipin niya. Na ang tanging malalakas lang ang dapat matira at magsisilbi sa kanya at papatayin ang mga mahihina. Hindi kami pumapayag. Katulad mo na hindi makakapayag na lamunin ng modernisasyon ang mundo ninyo. Na hindi pumapayag na mauubos ang mahihina. Na magiging alipin lang ang mahihina. Mula pa sa simula, alam na ng ministry of souls sa mundo mo kung kaninong kaluluwa ng mortal ang iaalay at karapatdapat para sa pagbuo ng malakas na kapangyarihan gamit ang mga elemento ng daigdig.”
“Iaalay?” Pinanindigan ako ng balahibo. “You mean na iaalay, mamamatay ako sa mundong ito?”
Napangiting bigla si Verniechelle. “Silly. Iaalay, means, gagamitin sa ritwal. Kapag magtagumpay tayo, siyempre, buhay tayong lahat.”
“At kung hindi?”
Natatakot ako. Paano kung hindi kami manalo. Malakas at napakadami ng kalaban.
“Huwag kang mag-isip ng negative. Kailangan nating maging positive thinker lahat.”
Mula sa palad ni Verniechelle na ibinuka sa harapan ko kasabay ng pagsambit ng spell, lumabas doon ang naka-roll na papel. Iniabot niya iyon sa akin na binuklat ko naman.
“Walang nakasulat.” Sabi kong nagtataka na nilingon siya. Bakit niya ako binigyan ng blank paper?
“Declaro cantamen!” sambit niya.
At gumapang ang black tint sa blank paper. Kusang sumusulat ang dapat na nakasulat doon. Hindi ko maintindihan ang calligraphy. Hindi ko mabasa. Isa pa ulit spell ang binigkas ni Verniechelle at nag-translate sa salitang latin na may English translation sa ilalim.
“Kung alin ang madaling bigkasin para sa ‘yo, ‘yon ang gamitin mo. Either of the two ay may bisa. Pero mas malakas ang bisa ng latin.”
“Ime-memorize ba?”
Napabuntong-hininga ako nang tumango siya. Ang haba-haba!
Magrereklamo pa sana ako nang may marinig akong nagkakaingayan sa labas ng silid na kinaroroonan namin. Napatakbo palabas si Verniechelle. Mabilis naman akong sumunod. Para lang salubungin ng mga iyakan at daingan. Nangunguna sina Crius na karga si Serene na sugatan at duguan. Duguan din ang lalaking bampira pero halatang mas malaki ang pinsala ni Serene. Namumutla na din ito at halatang walang malay. Maging ang iba pa ay sugatan din. Maski si Hino na nakapinta sa mukha ang pagod at panghihina.
“Kasalanan ko!” Humahagulhol si Anika habang nakasunod sa dalawang nauuna. “Hindi nalang sana niya sinalo. Ako dapat ang tinamaan ng malakas na spell na iyon!”
Histerikal si Anika. Hindi ko naiintindihan ang nangyayari. Pero sa paraan niya ng pagsunod kina Crius at Serene, na-gets ko nang sinisisi niya ang sarili sa nangyari kay Serene.
“No. Hindi mo kasalanan iyon, Anika. Walang may gusto ng nangyari.” Pang-aalo ni Dach na nakaalalay kay Anika.
Kasunod ng mga ito ang iba pa na hindi yata napansin na nandito ako. O posibleng hindi nila ako nakikita dahil isa lang naman akong astral body. Hindi ko lang alam kung bakit si Verniechelle, nakikita ako. Must be the spell or because of her nature.
At sa pinakahuli, nakaramdam kaagad ako ng napakalakas na pagdagundong sa loob ng dibdib ko. The last person to came. Si Elwood. Na direct ang matitiim na titig sa akin. Pagod at panghihina ang una kong nakita sa mukha niya. At galit mula sa mga mata niya. Bakit siya nagagalit? Ayaw niya ba akong makita na nandito? At talaga bang nakikita niya ako.
“I can’t believe this, Verniechelle. Talagang dinala mo siya dito.” Pagalit na sita niya kay Verniechelle pero hindi naman inaalis ang mga mata sa akin.
Hindi ko alam kung tatakbo ba ako para salubungin siya. Sobrang miss ko na siya. Gusto ko siyang yakapin. Ng sobrang higpit. Pero nang tumigil siya sa paghakbang, nahila ko din ang matindi kong kagustuhan na takbuhin siya at yakapin.
Ayaw niya nga akong makita. Ayaw niya na nandito ako. Kahit astral lang ako, ayaw pa din niya. Bakit ba ang damot-damot niya? Gusto ko din namang makatulong and at the same time, ang makita siya. Kahit makita ko nalang siya. Kahit hindi ko na siya mahawakan. ‘Yon na nga lang eh. Ipagdadamot pa niya sa akin.
Nakakainis ka Elwood! Sobrang na-miss kita tapos ikaw, parang wala lang sa ‘yo ang isang linggo. Sabagay, magtataka pa ba ako? Hindi naman ako ganoon kahalaga sa ‘yo.
“You have to understand me. Mawawalan ng saysay ang lahat ng paghihirap natin kung wala si Chloris.” Nafu-frustrate nang sabi ni Verniechelle.
“Pwede naman tayong gumamit ng ibang spirit. Ang kaluluwa mo? Bakit hindi pwedeng ikaw? You can do the astral projection. At isa kang witch. We you can do what she can do. And more!” galit na asik ni Elwood.
Mabuti nalang at inilipat niya kay Verniechelle ang tingin. Hindi na niya mapapansin na nasaktan ako sa narinig ko. Wala ba siyang tiwala sa akin? Porke wala akong kakayahan, wala siyang tiwala? ‘Yon ba ‘yong ikinagagalit niya? Dahil imposible kaming manalo kung ako ang gagamiting medium?
Grabe naman siya sa akin. Sumusobra na siya sa pananakit ng damdamin ko!
“Dahil hindi ako ang pinili. Hindi ako ang soul priestess. At wala ako sa order para magawa ang ritwal. Bakit ba hindi mo iyon maintindihan? Hindi ba dapat na lawakan mo naman ang isip mo? Hindi lang isang tao ang pinoprotektahan mo. You are soon the King of our Nation pero wala kang malasakit para sa mga nasasakupan mo? You are not worth the position, Prince Elwood. Masyado kang makasarili.”
Nagtagisan ang mga bagang ni Elwood. I know somehow, Verniechelle hit a nerve in him. Pero wala din sa position si Verniechelle para sabihin iyon dahil hindi naman niya alam ang pakiramdam ni Elwood. Hindi ko din masisi basta si Elwood lalo at may napakasakit na alaala na nakabaon sa pagkatao niya. May napakatinding galit at sama ng loob na inaalagaan si Elwood sa puso niya.
Agad din kumalma si Elwood matapos ang ilang sandali. Saka tumigas ang mukha at nawalan ng emosyon. “Tama ka. I don’t deserve the position. I don’t deserve to be your King. Kaya hayaan nalang natin ang lahat na mangyari. Iuuwi ko na ang mga priestess sa mundo kung saan sila mas tahimik na mabubuhay, at ligtas. Itigil na nating ang lahat ng ito.”
Bigla akong naalarma. “Elwood…”
Pero tumalikod na siya. Si Verniechelle, parang nawalan ng lakas na napaupo sa katabing upuan. Kung bakit ba naman kasi kailangan niyang sabihin iyon kay Elwood na hindi nag-iisip. Nakakasakit din naman siya. Wala siyang alam sa masakit na naramdaman no’ng isa.
“You shouldn’t have said that. You don’t know his pain.” Hindi ko napigilang sabihin.
“And you did?” Napangiti siya ng mapait. “Of course you did. Magagawa mo talagang maramdaman ang kung anong nararamdaman niya because you and Elwood were connected. Sa simula palang, connected na ang medium soul at ang medium body.”
So, that is why I can sneak to his memory the moment I touched his mark? Pero hindi ko naman alam. No’ng mga sandaling iyon kasi, masyadong malakas ang hatak ng kagustuhan kong maintindihan si Elwood.
“Anyway, kailangan kong isampal sa kanya ang hindi magandang attitude niya, para magising siya. May mga pagkakataon kasi sa buhay natin na kapag nilalamon tayo ng galit, nakakalimutan nating may mabuti tayong side. Kailangan ko lang gisingin iyon kay Prince Elwood by means of making him guilty.”
“Pero hindi naman iyon ang nangyari.” Naiinis kong kontra. “Look? Isinusuko na niya ang laban kasi ang harsh mo sa pag-condemn sa kanya.”
“He should learn the hard way. Lalo pa sa sitwasyon natin ngayon.”
Bakit ganito manalita si Verniechelle? Ilang taon nab a siya? Pero kung titingnan naman, parang nasa mga twenty to twenty two lang siya. Halos kasing edad namin. Ugh! Muntik kong makalimutan na hindi tumatanda ang mga Kimburian.
“Ewan ko sa ‘yo, Verniechelle.”
At iniwan ko na siya. Nakakainis kasi. Sinasaktan niya ang lalaking mahal ko. Hindi naman sa pagiging biased pero sobra na ‘yong pinagdaanan ni Elwood sa kamay ng Aunt niyang napakawalanghiya. Binaligtad at ipinasa ang kasalanan niya sa inosenteng pamangkin. Dapat pa bang i-condemn ni Verniechelle si Elwood dahil lang nagtanim ng galit sa nasasakupan? Ang mga nasasakupan niya ang nawalan ng tiwala kay Elwood. Sino ngayon ang mas may pagkukulang?