Chapter Epilogue-FINAL CHAPTER

Elwood

“NASAAN ako?”

Napabangon ako mula sa pagkakahiga. Pero parang hindi naman kailangan. Lumulutang din lang ako sa kawalan. Sa madilim na kawalan. At ang gaan ng pakiramdam ko. Para akong nasa astral form sa gaan ng pakiramdam ko.

“Elwood…”

May narinig akong tumatawag sa akin pero hindi ko kilala ang boses. Hindi ko din alam kung saan nanggagaling.

“I’m the guardian of your world Elwood.” Palinga-linga ako sa paligid pero wala naman akong makita kundi mga nakalutang na dahon sa walang hanggang kadiliman. “At hindi mo pa oras. Hindi ka pa dapat na mamamatay. Hindi pa nakatakda ang kamatayan mo.”

Ugh. That was the sad thing. Muling bumalik sa akin ang huling sandali ng buhay ko. Si Chloris… hindi ko gusto ang huling sandali ng paghihiwalay namin. Ayoko siyang umiiyak. Hindi pa ako dapat na mamatay! Hindi ako dapat na namatay pero heto, nasa kawalan ako. Bakit palaging ang daya? Kung kailan nahanap ko na ang kaligayahan, bigla ulit binawi sa akin.

“Don’t curse life, Elwood. Dahil palaging may biyaya ang buhay. At dahil maganda ang pinakita mo hanggang sa huling sandali ng buhay mo, I am going to grant your heart’s desire. I can bring you back to life since you aren’t on the list of the dead.”

Nanlaki yata ang mga tainga ko at namilog ang mga mata ko. Totoo ba? Makakabalik ako? Mabubuhay ako ulit? Pero kung mabubuhay ako, ayoko nang maging Kimburian. Kaya ko lang naman gustong mabuhay ulit, para mabalikan ang babaeng mahal ko. Para mapaligaya, alagaan at protektahan siya. Kahit bumalik ako sa simula, okay lang. Basta maksama ko lang siya ulit. Gusto kong mabuhay bilang tao na naniniwala sa reincarnation.

“We are all an old souls, continuously searching and meeting each other.”

Napangiti ako sa bahaging iyon. Hindi ko kailangan ng mahabang buhay kung hindi naman siya ang kasama ko. Mas gusto ko pa ‘yong pinaniniwalaan niyang paulit-ulit na buhay. Hinahanap ang isa’t-isa, nagkikita at nagkakasama hanggang sa huli. Gusto kong maging katulad niya. Gusto kong makasama siya, hanggang sa huli.

“Ang kagustuhan mo ang palaging masusunod…”

Sumabog ang liwanag sa buong paligid. Para akong hinigop ng napakalakas na pwersa at nilamon ng nakakasilaw na liwanag. At wala akong ibang maramdaman kundi saya at pag-asa. Napakatindi din ng pag-asam ko. Naiintindihan ko na ngayon kung ano ang nakita ni Chloris sa time plane. Nandoon kami sa panahon na iyon, pero iba na ang mga buhay. We maybe are reincarnated. And still together. At siguro, hindi naman kami mga cyborg sa panahon na iyon. Hindi na din siguro natuloy ang pagiging cyborg ng mga tao. Naayos ko naman ang kaguluhan sa Kimbura, hindi ba?

Ah… whatever life will offers, as long as we are together, nothing matters.

At sa wakas… magkakasama na ulit kami. Makakasama ko na ulit si Chloris.

WAKAS

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.