CHAPTER 38

Chloris

GRADUATION na bukas.

Dapat masaya ako eh. Masaya naman ako na finally, tapos na ako sa college life. Next stage na. Pero hindi ko mapigil ang melancholic feels. Maraming buwan na ang dumaan, palagi pa din akong nagpupunta sa old science building. Kahit sa ganoong paraan nalang, mare-reminisce ko ang nakaraan.

Pero ngayong tapos na ako sa pag-aaral, mawawalan na din ako ng dahilan para pumunta sa university. Hindi na din ako makakapunta sa Science Building. Hindi na ako makakabalik sa mga alaala. That was sad. That was really sad.

Pero katulad ng sinabi ni Anika minsang dumalaw siya sa mundo naming mga tao:

“Walang kalungkutang nagtatagal, Chloris. It was your choice to be sad for a long time. At palagay mo ba, kung nakikita at nakakausap ka ni Elwood, matutuwa siyang ipinagluluksa mo pa din ang kamatayan niya?

Definitely not. Baka nga angil-angilan pa ako no’n eh.

“You should move on with your life. Meet someone and be happy.”

Move on? Parang ang dali-dali lang ah? Dalawang salita lang eh. Pero ‘yong move on kasi, sa idinali-daling bigkasin, siya namang inihirap-hirap gawin. Paano ba ang mag-move on talaga? Kung sa bawat sandali nalang ng buhay ko, siya ang naaalala ko. Sa bawat paglingon ko, siya ang nakikita ko.

Ugh! Nakakabaliw mag-move on.

Anyway, about the three priestess, bumalik na sa kani-kanilang buhay sina Ceilah at Soleih. Graduate na din si Ceilah. Si Soleih, isang taon nalang. At ayon, blooming ang love life ng dalawa. Si Anika, siya na ang bagong reyna ng Orlithio. Wala siyang choice kundi tanggapin ang tungkulin. Tumatawid-tawid naman siya sa mundo namin para bisitahin ang mga magulang niya. At siyempre, si Dach.

Ewan ko kung anong mangyayari sa lovelife ng dalawa. Long distance relationship kasi. Nalaman lang din nila sa isa sa mga elders ng Orlithio na ang great grandfather ni Dach, bestfriend ng half-brother ni Princess Kaline na si Prince Zachary. Ibinigay ng huli ang book of spells na ginawa nito sa great grandfather ni Dach nang papatawid iyon papunta sa mundo ng mga tao. Bilang alaala. Nang mga panahon na iyon, may banta na din ang buhay ni Prince Zachary dahil natuklasan niya kung sinu-sino ang mga miyembro ng incognito group pero hindi sumama sa great grandfather ni Dach kahit inaaya nang tumawid. Naglaho si Prince Zachary at walang nakakaalam kung saan napunta. Inakala na tumawid din papunta sa mundo ng mga tao. Pero hindi pala. Pinatay siya ng miyembro ng grupo nina Petunia. Sa part na iyon, nalinawan ang pagkatao ni Dach. Pero kahit ganoon na may kaunting porsyento sa dugo niya ng pagiging Kimburian, choice pa din ni Dach kung saan gustong mamuhay. Pinili niyang bumalik sa mundo namin.

Pero minsan kong nakausap si Dach at hindi na daw niya kaya ang ganoon kalayong long distance relationship na si Anika lang ang pwedeng pabalik-balik na tumawid. Natatakot daw ito na baka madaming manligaw sa reyna ng Orlithio at makalimutan na siya. So he made the biggest decision in his life, iiwan na niya ang buhay ng pagiging tao at tatawid na sa Kimbura, for good. Bahala na daw si Anika sa kung anong balak gawin sa kanya.

Si Crius naman, bumalik na sa vampire community, broken as I am. Pero atleast siya, pwedeng umasa na someday, maipanganak ulit si Serene. Vampires are immortal. He can wait. I know he will wait.

‘Buti pa siya, may hinihintay at makapaghihintay. Para sa katulad kong maigsi ang buhay, ano pa ang aasahan ko?

Isang buntong-hininga. Ang latest sa Kimbura, maayos naman daw ang lahat. Maayos ang pamamalakad ni Hino sa Wushimye. Turns out na galing sa royal blood family si Hino. Second cousin ni Elwood ang general. Kaya pala, ganoon lang din kadaling ibigay kay Hino ang posisyon.

Ang Fotora, unti-unti na ding naaayos. Buhay si Maidas na ama nina Serene at Anika pero napatay ang asawa nito. Nagtago lang din si Maidas at palihimang pagsubaybay sa magkapatid sa mundo ng mga tao. Para protektahan ang dalawa. Hindi kasi makalapit si Maidas sa mga anak kasi mas medaling mate-trace kapag magkakasama. Lumalakas ang pwersa na madaling made-detect noon ni Petunia at ng mga simulacrum nitong palakas ng palakas dahil sa pagkain ng enerhiya rin ng mga tao, through their dreams.

The Caligo nation had back to its normal life either. Si Petunia ay forever nang makukulong sa black halo, well until her last breath. Iyon ang ibinigay na parusa ng kalikasan sa pagiging sakim at gahaman ng dark witch.

All is well. Wala nang problema. Puso ko nalang ang may problema. Hindi kasi makapag-let go. I had given myself to cry and mourn. Pero hindi matapos-tapos. Nag-aalala na nga sina Mama at Papa sa akin. Nagtataka daw sila na hindi na ako kasing ingay ng dati. Pinipilit ko namang ibalik ang dating ako. Talagang mahirap lang. At ang palagi ko nalang sinasabi sa kanila: It’s part of growing up. Hindi naman ako pwedeng forever na immature.

Pero posibleng maging forever heart broken and mourning. Minsan, itinatago ko nalang din ang pag-iyak kapag naaalala ko si Elwood. Sobrang…sobrang name-miss ko siya. Paulit-ulit ang tragic moment na namatay siya sa harapan ko, sa mismong mga braso ko.

Errr! ‘Eto na naman ako, naiiyak na naman ako.

Mula sa hallway sa third floor na kinaroroonan ko, kitang-kita ko ang old science building. Gusto kong puntahan iyon. Kahit sa huling sandali, tatapak ulit ako sa building na iyon. Magpapaalam na naman for the nth time. O pwede ding kahit sa huling pagkakataon, aasa ako nab aka maulit ang nangyari noon. Baka mapalabas ko ulit ang secret door. Baka makapasok ulit ako sa time plane. Baka makita ko siya sa future. Kahit paano, aasa ako. Gusto kong umasa. Ayokong mawalan ng pag-asa. Ayokong pumayag na malungkot ang ending namin.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko. Dali-dali ako sa pagbaba ng building namin. Punuan ang elevator kaya walang choice kundi maghagdan. Ni hindi ako tumitingin sa mga nakakasalubong ko. Ang aim ko lang, makarating sa old building. Kailangan kong makarating doon. Nang may bigla akong makabangga sa ground floor.

Nag-sorry naman ako at nagmamadali na ding tinulungan siyang pulutin ang mga nanlaglag na mga papel. Form ng school ang isa kong nadampot at inabot ko sa lalaki palang nakabangga ko. Ewan ko ba, but I felt something… I don’t understand. Nakatungo naman siya at hindi ko nakikita ang mukha. But his hair, it seems familiar. The scent. His shoulders…

“Thanks. I’m in a hurry.” Narinig kong sagot niya na hindi naman tumitingin sa akin. Nagmamadali din siyang humabol sa papasarang elevator.

At hindi ko maintindihan ang napakaingay at napakalakas na pagkabog ng dibdib ko. The timbre of his voice… that was familiar thou. I knew I heard that from somewhere. Kilala ko ang buong-buong boses na iyon.

“Elwood…”

God! Hindi ako pwedeng magkamali. Ang mga balikat na iyon, ang built ng katawan, ang buhok niya. Even his scent. Plus the voice.

“Wait!”

Napatakbo ako palapit sa elevator. Hindi na ako nakahabo, sumarado na iyon. Pero hindi ako pwedeng magkamali. Kahit ilang segundo lang ang pagkakasilip ko sa mukha lalaking nakabangga ko, alam kong si Elwood siya. Nakatitig din lang siya sa akin na parang nagtataka habang sumasarado ang elevator. Parang kinikilala niya ako na hindi ko maintindihan. Pero kung si Elwood siya, bakit hindi niya ako kilala?

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Tinakbo ko ulit ang hagdanan matapos kong maicheck kung anong floor bababa ang bagong sakay. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit ako umaasa na pwedeng si Elwood ang nakabungguan ko. Oo at alam kong patay na siya. But I do believe that there could be miracle. Para sa lalaking inialay ang buhay niya para maligtas ang mas nakakarami, isn’t it fair enough to give him a new life?

Sana… sana…

Patuloy sa pag-asa ang puso ko habang wala akong tigil sa pagtakbo paakyat. Hinihingal na ako kasi hanggang fourth floor na ang natatakbo ko. Dalawang floor nalang. Hindi ako pwedeng sumuko. Kailangan ko siyang makita. Gusto kong makasigurado. Gusto kong umasa.

Paakyat na ako sa hagdan na papuntang fifth floor nang matigilan. Sa pinakatutok kasi noon, nando’n siya. Hinihingal din na katulad ko. Tumakbo din ba siya, pagkalabas na pagkalabas ng elevator para hanapin ako? Katulad ko bang nalilito at nagtataka din ang pakiramdam niya?

Ngumiti siya. Kasing init at kasing ganda ng ngiti ni Elwood sa akin noon. Pero kaiba sa mga ngiti ni Elwood na siguradong-sigurado, may pagkalito pero may hint of recognition ang sa kanya.

“Hi!” bati niya sa akin nang makabawi sa pagkahingal. “I’ll try my luck in you. Alam mo ba kung saang advisory room nandoon si Mr. Avery? Sa kanya kasi ako itinuro ng isa sa mga admins.”

Hindi ko alam kung ano ang unang mararamdaman. The sound of his voice was just as the same of Elwood’s. He is Elwood. I know it from the inner core of my heart, siya ang lalaking mahal ko. Pero paano? Bakit?

Naramdaman ko na naman ang walang tigil na pagwawala ng dibdib ko. Ang uneasiness kapag tinititigan niya ako ng ganito. I felt my eyes grew misty. God! Is this real?

“And… hey. You look like crying. May problema ba? May nasabi ba akong masama?” Halata ang pagtataka at pagkalito sa boses nito.

Napatiim-bagang din ito na humakbang. Hinintay ko siyang makalapit. At kahit dalawang baitang pa ang pagitan namin, nilundag ko na siya ng yakap. Halatang nagulat siya at sandaling nag-dalawang isip kung itutulak ba ako o ano. Mas lalong humigpit ang pagyakap ko sa kanya. The same feelings, the same warmth, the same scent, the same fast beating of my heart, just by now, alam kong siya ang lalaking hinahanap at hinihintay ko.

“I’ve missed you. Damn it but I’m hell missing you, Elwood.” Paulit-ulit at nanginginig na sabi ko habang yakap ko siya ng mahigpit. Naramdaman ko ang pamilyar na pagpalibot ng mga braso niya sa katawan ko. It was warm and delicious. Paano akong magkakamali?

“Hey? How did you know me?” Parang gulat na gulat ang lalaki. Pinakawalan ko siya. Maski ako ay parang gustong magtaka at magulat. So, he was really Elwood?

Sa paraan ng pagtitig niya sa akin na parang nare-recognize ako na parang hindi din, hindi ko alam kung ano ang iisipin. “By chance, have we met before? Mag-e-enroll palang ako dito para sa masteral ko, paanong nakilala mo na kaagad ako?”

Hindi ko na napigilan ang mapahagulhol. Anuman ang nangyari at nandito siya sa mundo namin. Kahit hindi niya ako nakikilala at kailangan naming magsimula sa umpisa, wala na akong pakialam. Ang mahalaga nalang sa akin, nandito siya. Makakasama ko siya. We can do make our love happen again. And this time, hindi na ako papayag na hindi kami magkaroon ng happy ending.

I’ll do everything to get my happy ever after.

“Kilala kita, kahit hindi mo ako kilala. And I knew I love you before I met you.”

Nang ngumiti siya at akalaing pumi-pick-up line lang ako o nagjo-joke, parang bigla akong binuhusan ng sandamakmak na pag-asa. Para akong nilunod sa karagatan ng ligaya. And I swear, hindi na ako magrereklamo pa!

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.