CHAPTER THIRTEEN

MADILIM ang silid pero may bahagyang liwanag na pilit pumapasok sa mga siwang ng window blinds. Sapat na iyon para makita ni Lori kung ano ang meron sa loob. Ang lahat ng mga kagamitan ay natatakpan ng puting tela. Luma na ang mga closet pero matitibay pa. Yari kasi sa magagandang uri ng kahoy. Nagsabit ang kung anu-anong paintings sa concrete wall. Makukulay at puno ng buhay. Pero may isang nakaagaw ng pansin niya. Dark ang theme. Babaeng nakahiga sa sahig, nakapikit at parang walang buhay, nakasabog ang buhok sa sahig. Ang mga binti ay nakaangat sa ibabaw ng kama. Madilim ang background.

Hindi niya maintindihan kung bakit parang out of place ang isang iyon samantalang halos lahat ng painting na nakasabit sa dingding ay babae ang tema.

Mapait na napangiti siya. Parang nakita ni Lori ang sarili sa painting. Pare-pareho ang tema pero ang isang ito ay kakaiba. Parang siya sa mga Monfort. Pare-pareho silang mga astral vampire pero kakaiba siya sa lahat.

Naupo si Lori sa gilid ng kama at napatingin sa chest of drawers sa tabi niya. Nakailang bukas-sara din siya. Wala naman siyang hinahanap pero gusto ng kamay at ng loob niya na buksan ang mga drawer. Nang may mahagip ang mata ni Lori sa isang drawer. Photo album. Nagbuklat-buklat siya nang wala sa sarili. Hindi naman niya kilala ang mga laman ng album pero gusto pa rin niyang tingnan. Hanggang sa magsawa na siya.

Pabuntong-hiningang itinupi ni Lori ang album.

“Ano ba’ng ginagawa ko rito?” inis na sita niya sa sarili.

Sa kaguluhan ng utak niya, kung anu-anong walang kwentang bagay ang pinagkakaabalahan niya. Ibabalik na lang ni Lori ang photo album nang may mahulog na litrato mula roon. Dinampot niya iyon para isuksok uli pero bigla siyang natigilan nang matitigan ang larawan.

Para siyang inagawan ng lakas pagkakita sa isang napakapamilyar na mukha sa larawan. Napakagandang babae, masaya ang mukha at puno ng pag-ibig.

Napakalayo ng aura na ipinapakita ng larawang iyon sa aura na nakaharap niya, maraming dekada na rin ang nakararaan. Ni hindi kakikitaan ng galit at sakit ang babae sa litrato. Pero nagkakamali lang siguro siya. Baka... Baka hindi ito ang...

Kaya lang, bakit lumulukso ang puso niya, pagkakita lang sa larawan? Bakit ganoon ang excitement niya? At bakit ganoon din ang pangungulila niya?

“There you are...”

Parang hangin lang na dumaan ang boses sa kanyang pandinig. Hindi niya maialis ang mga mata sa hawak na larawan.

“That’s my Lolo Haji’s fiancée. Namatay siya bago sila ikasal.”

Iyon ang nagpalingon kay Lori sa nagsalitang si Theron. Halos hindi siya makapaniwala. Tao ang nasa litrato. At matagal nang patay. Hindi kaya...

Hindi magkaintindihan sa pagtambol ang dibdib ni Lori. Ayaw niyang isipin ang posibilidad. Paano kung mali pala siya?

“Patay na siya? Paano siya namatay?” Halos hindi lumabas sa bibig ni Lori ang mga salita. Para bang hindi niya mahanap ang sariling boses.

Napansin niya ang biglang pagtiim-bagang ni Theron. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang kinabahan at parang nahuhulaan na niyang hindi niya gusto ang susunod nitong sasabihin.

“She died in an incredible way.” Nagkibit-balikat nito. Na parang hindi malaking bagay ang sinabi. Naupo rin ito sa gilid ng kama sa tabi niya.

“Paanong hindi kapani-paniwala?!” nalilitong tanong ni Lori. Napalakas pa ang boses niya nang hindi namamalayan.

Dumoble ang lakas at bilis ng pintig ng kanyang puso. Naroon ang pakiramdam na may kaugnayan ang babae sa litrato sa biological mother niya.

Napaigtad naman si Theron sa kanyang tabi. Hindi yata nito inaasahan ang biglaan niyang pagtataas ng boses.

“Kinuwento lang sa akin ni Lolo ang mga nangyari. Noon, hindi ako naniniwala. Hanggang matutunan kong pasukin ang kabilang dimensyon at makakilala ako ng mga katulad mo.”

“Would you please, stop beating around the bush and answer me?” she snapped at him.

Nagsalubong ang mga kilay ni Theron. “Bakit ba ganyan ka ka-eager malaman?” Puno ng kalituhan ang mukha nito.

“Just please, tell me!” frustrated na sabi niya. Gusto niyang huminto sa paghinga habang hinihintay ang sasabihin ni Theron.

“Fine...” pagsuko naman nito at nagbuntong-hininga.

Habang nagkukuwento si Theron na may kahalong daw at raw na ibig sabihin ay narinig lang nito ang kuwento, hindi maiwasan ni Lori na manlaki ang mga mata, manggilalas at sa bandang huli ay manlumo.

Nasusuklam siya. Hindi lang sa kanyang pinagmulan kundi mismo sa kanyang sarili. Naiintindihan na niya ngayon ang lahat. Sigurado at kumpirmado na niya ang lahat. Napagtagni-tagni niya ang mga pangyayari at hindi siya pwedeng magkamali.

Kaya pala ganoon na lang ang galit ni Selena sa kanya. Dahil siya ang buhay na patunay kung bakit nasira ang buhay at pangarap nito. Siya ang bunga ng lahat ng kademonyuhan ng elementong lumapastangan dito. At hindi lang buhay at hinaharap ni Selena ang nasira kundi maski ang kay Haji, ang lolo ni Theron.

Ngayon niya gustong itanong kung tama ba na inilabas siya sa mukha ng daigdig. Tama ba na nabuo at nabuhay siya kung ang kapalit ay ang pagkakalayo at paghihirap ng dalawang taong nagmamahalan?

“Lumapit ang iyong ina sa aking lola para tulungan kang magkaroon ng sarili mong pagkakakilanlan. Dahil alam niya na dadating ang araw na hahanapin mo ang iyong sarili.”

Bigla niyang naalala ang sinabi ni Alma. Ang biglaang pagsulpot ni Astryd sa buhay niya. Ang pagtulong ng mangkukulam sa kanya at maging ni Alma. Ano ba ang ibig sabihin ng lahat ng iyon? Siya ang dahilan ng pagkasira ng buhay ni Selena kaya bakit ginawa pa rin nitong ilagay siya sa maayos hanggang sa huli?

Hindi niya maintindihan.

“Dahil kay Lolo kaya ko natutunang hanapin ang daan papasok sa kabilang dimensyon, sa daigdig ninyo. Noon, ayokong maniwala. Baka kasi, dala na lang ng katandaan ang mga sinasabi at hinihiling niya. Pero magmula nang mamatay siya, hindi na ako natahimik. Gabi-gabi niya akong dinadalaw at kinakausap sa panaginip. Gusto niyang ituloy ko ang paghahanap sa fiancée niya.”

Pigil ang hininga na napatitig siya kay Theron. Lalo siyang nalito ngayon.

Dapat magkasama na sina Haji at Selena dahil pareho na silang patay. Sinabi ni Alma na nakatawid na ang kaluluwa ng kanyang ina. Bago siya tumawid sa kabilang buhay ay nakipag-ugnayan ito kay Astryd. Ano ngayon itong sinasabi ni Theron? May anim na dekada na siya sa pangangalaga ng mga Monfort, ibig sabihin, halos anim na dekada na ring nakatawid ang kanyang ina dahil noong ilabas siya nito sa daigdig ay nakalaya na rin ang kanyang ina mula sa elemento.

Kaya bakit hindi nagkita ang dalawa sa kabilang buhay?

Hindi kaya...

Hindi kaya hindi pa talaga nakakatawid si Selena?

“No! Imposible ang sinasabi mo!” Napatayong bigla si Lori mula sa kama at naglakad palapit sa bintana. May sumasakal sa kanyang dibdib na para bang pinipigilan siyang huminga.

Kung ganoon, nagtatago siya mula sa kanyang pinagmulan habang ang kanyang ina ay posibleng nakatali pa rin sa galamay ng elemento.

No! Hindi pwede!

Parang nadoble ang bigat sa loob ng kanyang dibdib sa naisip. Gustong kumawala ng sari-saring emosyong nasa loob niya. Sa sobrang bigat ng damdaming dala ni Lori, parang ayaw na lang niyang huminga. Ayaw niyang kumilos. Ni ayaw niyang mag-isip.

“I am not making stories here, Lori. Teka, bakit ba bigla kang naging interesado sa kuwento nina Lolo?”

Hindi ma-digest ng utak ni Lori ang tanong ni Theron at hindi ma-process ang sagot. It was as if her world stopped and everything around her, frozed.

Napakaraming tanong sa utak niya. Saan niya hahanapin ang ina? Saan siya magsisimula? Paano niya gagawin ang lahat... nang mag-isa?

Ni hindi nga niya alam kung paano siyang nakalayo sa ina nang mga sandaling iluwal siya nito at ipagtabuyan. Basta ang alam lang niya, tumakbo siya palayo sa galit na galit na babae na halos ipagtulakan siya papunta sa kung saan.

Tumatak sa isip niya ang galit na galit na mukha nito at hindi na nakalimutan pa.

“I-I know. Pero... Hindi ko alam ang gagawin ko.” Miserableng naihilamos ni Lori ang kamay sa sariling mukha.

Gusto niyang sumigaw, kung bakit at para saan, hindi niya alam. Basta gusto niyang ilabas ang halo-halong damdamin niya sa mga sandaling iyon.

She can’t be a real astral vampire dahil ang hina-hina niya! Hindi katulad ng mga Monfort. Ang lahat ng alalahanin, gusto niyang idaan sa pagsigaw o sa pag-iyak. Ni hindi siya makaisip ng tamang solusyon sa bagong hinaharap na problema niya ngayon.

Naramdaman ni Lori ang biglang pagtayo ni Theron at ang paglalakad palapit sa kanya.

“Huwag kang lumapit,” pahikbing pigil niya rito.

Hindi napigil ni Lori ang sarili. She was weak, indeed. Paano niya pipigilan ang mga luhang kusang nabubuo? Kung saan galing ang mga iyon, siguro dahil meron siyang damdamin.

At dahil sa hikbing iyon, mas naging mabilis ang paglapit ni Theron sa kanya.

“Are you crying? What’s wrong?”

Naramdaman niya ang mainit na kamay nitong humawak sa kanyang mga balikat.

Kahit minsan ay hindi niya naramdaman ang kagustuhang magpakulong sa bisig ng kahit na sino. But while Theron was near her, parang wala siyang ibang gustong gawin kundi ang magpayakap dito. Kailan pa niya naramdaman ang pangangailangan ng comfort zone? Dati naman, tinatanggap lang niya ang lahat ng dumating sa kanyang buhay, bilang si Lori.

What’s with you, Theron? Why I melt and felt weak whenever you’re beside me? I don’t want to be weak!

Sobra-sobra ang pagpipigil niya sa sariling harapin ito at ipaalam ang pangangailangan niya. Dahil alam niyang sa sandaling malaman nito, hindi magdadalawang-isip si Theron na yakapin siya. At sigurado rin siyang sa sandaling mangyari iyon, tuluyang guguho ang pader na itinayo niya para protektahan ang sarili mula sa lahat ng emosyon ng mga nakapaligid sa kanya.

“Hey? Ano ba’ng problema? Ilang araw kang hindi nagpakita o nagparamdam sa akin mula nang manggaling tayo sa Zamboanga.” Bumuntong-hininga si Theron. “Kung nagi-guilty ka at iniisip mo ang nangyari sa akin, don’t worry too much. I’m perfectly fine now.” She could hear him chuckled maybe to lighten up her mood.

Pero hindi niya makuhang magsaya. Paano niya makukuhang matuwa kung alam niyang may isa pang buhay na nabago ang dapat na natural na takbo dahil sa existence niya?

Hindi sana magiging astral traveller si Theron at normal sana ang takbo ng buhay nito ngayon kung hindi ito ginugulo ng kahapon ni Lolo Haji. Hindi sana nito napasok at ngayon ay sinusundan ang mapahamak na daigdig at buhay niya. Hindi sana sila nagkakilala...

Naipilig ni Lori ang ulo. Hindi ba niya talaga gusto ang huling ideya? Bakit malaking bahagi niya ang gustong mag-disagree?

I’m happy I met you, Theron. But it’s not right that we became close... and be together. After all, we can’t be together.

Isang mabilisang desisyon ang ginawa niya. Sa ilang sandal, nawala ang mukha ni Lori sa kanya. She was pale and had no details in her face.

“Let go, Theron,” bulong ni Lori. Sapat lang para marinig ng katabi.

“Why?” Pero sa halip ay mas dumiin ang kamay nito sa balikat niya. Na para bang sinasabi nitong hindi siya nito pakakawalan. Pero mapapanindigan ba nito ang ipinahihiwatig sa kanya kung... malaman nito ang lahat?

“I said let go!”

Pabaklas na inalis niya ang kamay nito sa balikat niya, saka ito mabilis na hinarap. Nawalan ng kulay ang mukha ni Theron at nanlalaki ang mga mata habang nakatitig sa kanya. Kitang-kita niya ang sindak sa mukha nito habang halos matisod sa pag-urong palayo sa kanya. At hindi niya napigilan ang pagguhit ng sakit sa kanyang dibdib. Kaparehong sakit nang una siyang makita ng sariling ina.

“Y-you are f-faceless...”

O baka nga mas pa ang pinararanas ng mga reaksyon ni Theron ngayon. Ang pag-stammer at ang sindak nito, isa lang ang ibig sabihin niyon. At para dagdagan pa ang sakit para tuluyan na siyang maging manhid ay humakbang pa siya palapit kay Theron. Lalo itong humakbang palayo sa kanya na tuluyang dumurog sa puso ni Lori.

“Hindi ikaw si Lori!” asik nito sa kanya. Nawala ang takot at pumalit ang galit. “Nasaan si Lori?”

Patakbo itong lumabas ng silid habang nagsisisigaw, hinahanap si Lori. Tuluyan siyang nawalan ng lakas na sumalampak sa sahig. Muli niyang ibinalik ang mukha ni Lori kasabay ng pag-agos ng masaganang luha. Wala na siyang pakialam kung magagawa niyang pabahain ang silid ng mga luha niya. Ang gusto na lang niya ay ilabas ang sakit na nararamdaman. Si Lori ang mahal ni Theron at hindi siya. Katulad ng si Lori ang mahal ng mga Monfort at hindi ang gumagamit ng katawang iyon.

Now, where did she really belong? May magmamahal pa ba talaga sa kanya? Nang totoo. Bilang siya at hindi bilang ang identity na ginagamit niya.

“It was really not nice and easy to be me. Damn it! Ano ba’ng silbi ng existence ko?”

She maybe no one but a beast. Pero hindi ibig sabihin n’on ay manhid siya. Na hindi siya makakaramdam ng sakit kung ganitong kinatatakutan at kinasusuklaman siya ng nilalang na palagay niya ay... minamahal na rin niya.

Sa pinagsama-samang sama ng loob, pagkalito at sakit ng damdamin, binuksan niya ang panel window ng silid at basta na lang tumalon, palayo ng lugar na iyon. Papadilim na at hindi na rin naman niya ininda ang oras. Ang gusto lang niya ay makalayo sa lahat. Ang magtago habang nag-iisip-isip.

No one loves me. No one truly loves me.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.