CHAPTER TWELVE

SUNOD-SUNOD na umatake ang mga soul suckers kay Lori. Patindi nang patindi ang pag-init ng anulum commode sa ring finger niya. Ibig sabihin, papalakas ang pwersa ng mga kalaban. At totoo nga. Dahil sa bawat maitumba niyang soul sucker, dobleng dami ang dumadagdag. Tiniis niya ang init. Maski pa pakiramdam niya ay mapuputol na ang kanyang daliri.

“Lori!”

Napabaling si Lori sa sumigaw na si Alma. May inihagis itong punyal sa kanya na mabilis naman niyang nasalo. Iyong sugod sa kanya ng isang soul sucker ay itinarak niya sa dibdib ang punyal. Mabilis na naging abo ang soul sucker.

“Pumasok ka na sa loob, Alma!” sigaw niya habang sinasalubong ang mga lumulusob na soul suckers.

Pumupuno sa tahimik na gabi ang singasing ng mga gutom na bampira. Nagwawala habang papasugod sa kanya. Marami nga ang mga ito, pero mahihina. Mukhang nasa malapit lang ang pinamumugaran ng mga soul sucker. Kailangang mahanap niya iyon at maipaalam sa mga Monfort.

“Lori, sa likod mo!”

Isang soul sucker ang umatake sa likuran ni Lori. Hindi niya iyon napansin dahil abala siya sa dalawang kapambuno. Tinadyakan siya sa likuran ng soul sucker at sumalya kasama ng dalawang sumusugod sa kanya. Sa lakas ng pagkakatadyak, pakiramdam niya ay nalasog ang kanyang mga buto.

Nagngangalit ang mga pangil niyang kusang lumabas nang mapansin ang nakakalokong pagngisi ng bampira. Sa isang kisap-mata, nasa harap na siya nito at itinarak ang punyal sa kaliwang dibdib. Dilat ang mga matang bumagsak ito sa lupa hanggang maging abo.

Sa pagbaling ni Lori, nakikipaglaban na rin si Alma sa mga bampira. Kung paano nito natutunan ang ganoong kasanayan, hindi na mahalaga. Ang importante, hindi mahina ang mortal katulad ng inaakala niya.

Nagsunod-sunod na uli ang umaatake sa kanila nang may mapansin siyang dumagdag sa mga nakikipaglaban sa mga soul sucker.

Si Theron!

Ano’ng ginagawa ng mortal na ito sa lugar na mapanganib?

Nang magtama ang kanilang mga mata, kinindatan lang siya ng tinamaan ng magaling habang sinasalag ang pag-atake ng mga kalaban. Ang tukmol na `to! Nakuha pang lumandi sa gitna ng labanan.

Napansin niyang kumikibot ang mga labi ni Theron at tuwing may lumalapit dito, sumasalya ang mga bampira. Ibig sabihin, spells ang sandata nito sa pakikipaglaban.

Humuhupa na ang init sa singsing niya. Nangangahulugan na papakaunti na ang mga kalaban. Ang huling soul sucker ay pabasta na lang isinalya ni Lori matapos pilipitin ang leeg noon gamit ang isang kamay. Saka patakbong nilapitan para sitahin ito.

“Huwag kang lumapit!” pasigaw na banta sa kanya ni Theron. Pero huli na. Sumalya na siya palayo sa binata.

Napakalakas ng pwersa na biglang tumulak sa kanya palayo kay Theron. Bago pa tumama ang katawan ni Lori sa malaking puno ay nakita niya si Alma sa likuran ni Theron. Papasugod ang dalagita at nakaangat ang punyal.

“Huwaaaagggg!”

Napakalakas ng tili ni Lori pero para bang hindi iyon narinig ni Alma. Dumeretso pa rin ang punyal nito kay Theron. Eksakto namang lumingon si Theron kaya sa halip na likod nito ang tinamaan ng patalim ni Alma ay braso ang nasaksak ng dalagita.

“Huwag, Alma! Hindi siya kalaban.”

Nagpilit tumayo si Lori habang sinasalat ang likod na tumama sa malaking puno.

“Don’t go near me, Lori. At least five minutes. Limang minuto pa ang itatagal ng bisa ng protection spell na ginamit ko.” Humihingal na sabi ni Theron sa kanya habang nakaangat ang kamay nito sa paraang pinipigilan siyang lumapit. “Mga isang dipa na layo and you are safe.”

That explains the great force that sail her away.

Napangiti siya nang mapait. Para maprotektahan ni Theron ang sarili sa panganib, kailangan naman niyang lumayo rito.

“That really hurts, Theron,” mapakla niyang sabi habang inaabot ang kaliwang balikat na kumikirot din.

“I-I’m sorry, sweetheart...” Umakto itong lalapit pero pinigilan ang sarili. Hindi na tuloy nito malaman kung paano siya aabutin na hindi siya masasaktan.

And that was impossible. Really. Kahit naman noong una pa lang niya itong nakita. Pwede niya itong panoorin pero hindi pwedeng lapitan.

“Teka, magkakilala kayo?”

Sabay silang napabaling ni Theron sa nalilitong si Alma.

“PAANO mo nalaman ang eksaktong destinasyon ko?”

Gustong mainis ni Lori kay Theron sa ginawa nitong basta na lang pagsulpot sa laban niya. It was not that she hated him coming near her. She liked the idea though. But coming near her meant danger to both of them. Isa sa kanila ang pwedeng mapahamak. Si Theron sa kamay ng mga nilalang ng dilim kung hindi ito gagamit ng protection spell. At siya kung piliin nitong gumamit ng proteksyon. Hindi sila pwedeng magkalapit na walang napapahamak na alinman sa kanilang dalawa.

“Well, Helios had this kind of ability na ipakita sa akin ang lugar na dapat kong puntahan. He entered in my dream and show me where and how to get here.”

Napapangiwi si Theron habang umaayos ng upo sa silyang kahoy sa loob ng kubo. Kumikirot siguro ang nasugatang braso at kahit nag-aalala siya para dito ay pinigilan niya ang sariling ipahalata iyon sa mortal.

Nagawa nang paampatin ni Alma ang pagdurugo ng nasugatang braso. Abot-abot ang paghingi ng tawad ng dalagita. Inakala kasi nitong kalaban ang lalaki kaya inunahan nang atakehin. Karaniwang reaksyon ng mga taong walang pinagkakatiwalaan.

“Si Helios?” Hindi makapaniwalang tanong ni Lori. “And to think na pinagkatiwalaan ko siyang ililihim niya ang lakad kong ito?”

“`Wag kang magalit sa kapatid mo. He was just concerned and worried about you.”

“And then he sends you here? That’s how he shows his concern?” sarkastikong sabi niya.

“Dahil ako ang nagpilit.”

Gusto niyang itanong kung bakit. Pero may umaalingawngaw na takot sa loob ng kanyang dibdib. Kaya na ba niyang tanggapin ang magiging sagot nito? Kung sa pamilya Monfort nga, hindi pa niya kayang tanggapin na nag-aalala at mahal siya ng mga iyon.

Ang malakas na pagtawa ni Theron ang biglang pumutol sa mga iniisip ni Lori, sa mga alalahanin niya.

“Funny. Pero ngayon ko lang na-realize kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito,” tumatawang sabi nito habang hawak ang brasong nabendahan na ni Alma.

Please… don’t say a thing. I don’t want to hear it. I am not yet ready to hear it now…

“Mahal kita, Lori. I realized I can risk my life just to be with you…”

And she heard the scare of her life!

Paano niya tatanggapin ang pagmamahal na sinasabi ni Theron kung siya, hindi niya alam kung paano mahalin ang sarili? Kung sinong sarili ang mamahalin niya?

Natatakot siyang tanggapin ang pagmamahal ng mga nasa paligid. Dahil baka madismaya lang siya sa huli, na iba pala sa inaasahan niyang pinag-uukulan ng mga ito ng pagmamahal at concern.

“Matulog ka na. Bukas na tayo bumalik sa siyudad.”

Tinalikuran ni Lori si Theron at lumabas ng kubo. Kailangan niya ng kahit kaunting sandali para mabuo ang sarili.

Not now, Theron. Please, at least not this time.

“IMPOSIBLE ang sinasabi mo, Theron. Hindi pwedeng mag-possess ang mga astral vampires,” puno ng pagtataka at pagkalitong giit ni Nero.

Nakabalik na sa siyudad sina Lori at Theron. Hindi sumama sa kanila si Alma pero sinabing nandoon lang ito kung kailangan ito ni Lori. Nalilito at nagtataka man siya kung bakit kinailangan ni Lori na puntahan ang apo ng mangkukulam, hindi na niya nagawang magtanong dahil mukhang walang balak si Lori na sagutin ang mga tanong niya. Nauna pa nga itong bumalik sa siyudad kesa kanya. Tutal naman daw, may sasakyan siya. Isa pa, nakapunta raw siya roon nang mag-isa kaya umuwi rin siyang mag-isa.

That ungrateful bitch of a vampire!

“Pero totoo. Si Lori… madalas niyang gamitin ang katawan ni Marjayrie nitong nakaraan. And I confirmed it myself no’ng humingi siya ng tulong para kausapin ko ang may-ari ng katawan na hinihiram niya.”

Nanahimik si Nero, mukhang pinag-iisipang mabuti kung paano nangyari ang sinasabi niya. Kung hindi siya mismo ang nakakita at nakaalam, hindi rin siya maniniwala. Possessing was beyond astral vampire's power. Kaya nga manghang-mangha rin siya.

“Then, she is not a pure-blooded astral vampire,” mayamaya’y anunsiyo ni Nero.

“What?” Talagang nalito siya. Ano’ng ibig sabihin ni Nero?

“Walang astral na makakapang-agaw ng ibang katawan dahil lahat sila, may silver cord na nakadirekta sa katawan nila. Kaya imposibleng makapag-possess sila ng katawan. Pwera kung wala talaga siyang katauhan.”

Lalong nalito si Theron sa sinasabi ni Nero. Paanong walang katauhan? Kapatid nga si Lori nina Lathan. Nakita at nakilala na niya ang pamilya nito at tinulungan pa. Ngayon nga, nasa custody niya ang pamilya Monfort.

“I don’t understand...” Wala sa sariling sambit ni Theron.

“Even I...” Nagbuntong-hininga si Nero. “I wanna meet her.”

Biglang napabaling ang binata sa kaibigan.

“Bakit?”

“Gusto ko lang malaman kung anong uri siya.”

“Sinabi ko na sa `yong astral vampire siya. Nakakasakay siya sa mga astral planes,” impatient na sagot ni Theron. Siguro dala ng pagkalito at pag-aalala. Kung bakit siya nag-aalala, hindi rin niya maintindihan. Siguro dahil ilang araw na niyang hindi nakakaharap si Lori. Wala ito sa katawan ni Marjayrie, sigurado siya roon. Kung may ilang beses siyang sumubaybay sa babae at hindi iyon lumalabas ng bahay. Kung bakit, still, wala siyang alam. Siguro mas mabuting bisitahin niya ito sa ancestral house ng pamilya niya.

“Kakaiba siya. May kakayahan siya na kakaiba. Sabi mo nga, hindi rin siya nasusunog sa sinag ng araw. Kumikinang lang ang balat niya. And that makes me think.”

“Fine,” sumusukong sagot ni Theron. “Hahanapin ko muna siya?”

“Hahanapin?” salubong ang mga kilay na tanong ni Nero. “What do you mean?”

“Ilang araw na kaming hindi nagkakaharap magmula nang manggaling kami sa mangkukulam sa Zamboanga.”

“Teka, teka. Bakit kayo nanggaling sa mangkukulam?”

“Sinundan ko lang siya do’n. Hindi ko din alam kung ano ang agenda niya kay Alma.” Saglit niyang nilingon ang brasong may benda pa pero nakatago sa black long-sleeved polo.

“And that makes me think real hard. Kailangan ko talaga siyang makaharap.”

Buntong-hininga ang naging sagot ni Theron. Hindi niya gusto ang pakiramdam na may ibang taong gustong manghimasok sa pribadong buhay ni Lori. Pero gusto na rin niyang malinawan sa kung ano bang uri ng nilalang ang astral vampire, kung astral vampire nga ito.

NAPABANGON si Lori nang maramdaman ang pagbukas ng pinto sa silid na ginagamit niya. Pumasok doon ang kanyang ama.

“Ilang araw ka nang nagmumukmok, Lori. Ni hindi ka nagha-hunt. Ano ba’ng gusto mong mangyari sa sarili mo?” pagalit na sita nito sa kanya na may kahalong concern.

Bumaba siya ng kama at lumapit sa vanity table. Umabot ng hairbrush at humarap sa salamin. Mapait na napangiti siya. Walang repleksyon ang mga astral vampire, pero siya ay meron. Repleksyon ng babaeng walang mukha. Ramdam na ramdam tuloy niya ang kaibahan niya sa buong Monfort tuwing haharap sa salamin. Pero kahit may masakit na pumipitik sa loob ng dibdib niya, nagpatuloy siya sa pagsusuklay ng buhok na hindi niya alam kung kanya ba talaga o kay Lori.

“Magmula nang manggaling ka sa mangkukulam na `yon, nawalan ka na ng gana sa buhay mo.”

Buhay ko o buhay ng anak mo? Gusto sana niyang isumbat pero pinigilan niya ang sarili. Ni hindi nga niya alam kung siya ba talaga ang inaalala nito o ang katawan ng anak.

Bago tuluyang mag-expire ang katawan ni Lori matapos mahigop ng soul sucker ang astral body nito ay natagpuan siya ng mag-asawang Monfort na pagala-gala sa elemental world, at nakumbinsing mag-penetrate sa katawan ni Lori para hindi iyon tuluyang mawala. At para rin hindi naman siya maging liwaliw sa daigdig ng mga tulad nilang immortal.

Pero hindi siya nagkaroon ng koneksyon sa katawan na tulad ng sa mga ito. Wala siyang silver cord na konektado sa katawan ni Lori. At iyon ang isang malaking bagay na nagpapaalala sa kanya na hiram lang ang katauhang ginagamit niya. Na parating tumutusok sa puso niya.

Mahabang panahon niyang kinumbinsi ang sarili na hindi naman niya kailangan ng sariling identity dahil ibinigay naman sa kanya ng mga Monfort si Lori, buo ayon sa kanyang pangangailangan. Ibinigay rin ng mga ito ang pagmamahal sa kanya bilang kapamilya. Spoiled pa nga siya dahil siya ang pinakabata.

Pero kahit kalian, hindi siya nakontento. Parating may kulang. Parati siyang may hinahanap. Siguro, dahil hanggang ngayon, hindi pa niya lubos na niyayakap ang pagiging si Lori.

Naalala niya ang formula na ibinigay ni Alma. Kung gamitin na kaya niya iyon para maging kanya na nang permanente ang identity ni Lori? Pero ang tanong, handa na ba siya sa lahat ng complications?

At handa na ba siyang maging totoong si Lori?

“Walang kinalaman si Alma dito, Papa,” mariing giit niya.

“Kung ganoon nga, bumalik ka sa dating ikaw!” singhal nito sa kanya.

Pabiglang bumaling siya rito. “S-sino...?”

Pinipigilan niya ang mga luhang biglang nagbantang kumawala.

“S-sino nga ba ang dating ako?” halos pabulong na tanong niya.

Natigilan ang matandang Monfort. Para bang hindi inaasahan ang narinig sa kanya. Mukhang hindi napaghandaan iyon.

Nag-iinit ang sulok ng kanyang mga mata. Bumuntong-hininga ito.

“Hanggang ngayon ba, hindi mo pa rin kami tanggap?”

Guilt flooded inside her the moment she saw the pain in his eyes. Ilang beses ba niyang sasaktan ang mga ito? Gusto naman niyang tanggapin ang bagong buhay na iyon. Gustong-gusto niya. Pero hindi niya magawa dahil hindi pa siya makalaya mula sa alaala ng totoo niyang uri.

Patakbong itinapon niya ang sarili rito at yumakap. Hindi naman niya iyon sinasadya. Hindi niya gustong saktan ang damdamin ng mga kumupkop sa kanya. Pero hindi rin niya kasi maiwasang ma-confuse. Hindi niya maiwasang hanapin kung sino ba siyang talaga. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi pa niya magawang tanggapin ang bagong identity.

Pero maliwanag naman na kasi ang sinabi ni Alma. Wala talaga siyang identity. Lumabas siya sa dimensyon na iyon ng daigdig na walang identity.

She was no one.

Ano pa ba ang hinahanap niya?

“I am so sorry, Papa. Please just give me enough time to collect myself again. Nahihirapan akong pakitunguhan ang sarili ko.”

Magaan siyang tinapik sa likod ng ama. “Then let us help you.”

“No.” Agad siyang kumawala sa ama. “Let me deal it alone. Maaapektuhan ang mga desisyon ko kapag nandiyan kayo sa tabi ko.”

“What do you mean?”

Iling ang sagot ni Lori. Hindi pa niya gustong ipaalam sa mga Monfort ang mga sinabi ni Alma sa kanya. Hindi pa niya mapagdesisyonan kung aangkinin na niya ng buo ang pagiging si Loridee Anne Monfort.

Magsasalita pa sana ito nang may maramdamang nilalang na malapit sa bahay. Asar na napaungol ito.

“We should find a new place. Hindi ko gusto ang bigla na lang may nag-i-intrude sa privacy natin,” asar na sabi nito.

“Tinulungan niya tayo, Papa. Dapat nga magpasalamat pa tayo sa kanya.”

Bigla ang baling nito sa kanya. Hindi niya maintindihan kung ngingiti ito o ano.

“What?” nagtatakang tanong ni Lori sa ama.

“Since when did you find yourself defending someone else?”

She glared in his amusement.

“Come on. We let Lathan loved a mortal. I don’t see anything wrong when you—”

“Stop it, Papa,” she snapped. “Paano ako magmamahal kung hindi ko nga alam kung paano mahalin ang sarili ko?”

Pinagsisihan din niya na sinabi niya iyon. She just brought out her long overdue issue, once again.

“Sorry...” bigla ay kambiyo ni Lori. Her vampire of a father just wanted to tone down her mood. Pero hindi kasi ganoon ang epekto sa kanya. Lalo siyang nape-pressure.

“Nah! I understand. I’ll just leave the young man in your hands, sweety.”

Tumalikod na ito at sa isang iglap ay nawala na sa silid.

Pabuntong-hininga na lumabas siya para salubungin ang bagong dating. Pero hindi pa siya nakakarating sa hagdan nang mapansin ang isang kwartong bahagyang nakaawang ang pinto.

Hindi niya maintindihan kung ano ang nagtulak sa kanya para pasukin ang silid. Pero siguro, curious lang siya. Tatlong linggo na rin sila sa bahay na iyon pero hindi pa niya nalilibot ang kabuuan, maski ang bawat sekreto niyon.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.