CHAPTER 17

JUST this once. And I will let go.

Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Lori sa isip habang nakatitig sa natutulog na si Theron. Gusto niyang magalit sa lalaki. Gustong-gusto niya. Kaya lang bakit hindi niya kayang magalit dito? Bakit sa kabila ng mga nalaman niya kay Helios, mahal pa rin niya si Theron? Kahit ang sakit sakit na, mahal pa rin niya ito.

Heto nga siya, nakita lang ang mortal ay naubos na ang lahat ng sama ng loob. Ang gusto na lang niya ay yakapin ito. Ang maramdaman ito. Hindi na niya pinigilan ang sarili. Nilapitan niya si Theron. Umangat ang kamay niya sa natutulog at masuyong dinama ang makinis nitong mukha.

Naipikit ni Lori ang mga mata para pigilan ang mga luha pero wala pa rin iyong nagawa. Kumawala pa rin ang mga iyon at masaganang naglalandas sa mga pisngi niya.

“Mahal kita Theron. Mahal na mahal.” bulong niya sa natutulog. “Pero hindi ako papayag na gamitin mo. Hindi ko alam kung paanong dahil sa akin ay makakalaya sina Selena at Haji pero ayoko pa ding maging kasangkapan ninyo. I’m sorry.”

Sandali pa niyang pinagmasdan si Theron. Nag-aapoy sa katawan niya ang matinding pagnanasa sa lalaki. At alam niyang dahil iyon sa inborn habit na pamana ng kanyang pinagmulan. She had a great sexual need because of her descent was some kind of an element called an incubus.

Kung hindi lang siya maraming beses na nagpigil, baka nakapanghalay siya ng mga biktima. Sa mahabang panahon ay natutunan niyang kontrolin ang sarili. Halos nakalimutan na nga niya inborn habit na iyon.

Pero nang dumating si Theron nabuhay ang tagong bahagi sa kanyang katauhan. Pero hindi, hinding-hindi niya ibibigay ang sarili rito dahil lang sa tawag ng laman. At dahil lang may pakinabang ang pag-angkin nito sa kanya.

But then, the urge of kissing him was so great she couldn’t reined herself. Bumaba ang mukha ni Lori sa natutulog na si Theron saka magaang lumapat ang mga labi rito. Nagising yata si Theron dahil bahagya itong kumibo. Nang magmulat ito ng mga mata ay inilayo niya ang sarili.

“Lori?”

Nasa pisikal siyang katawan kaya nakikita siya ng binata. Pero bago pa siya makalayo ay humapit na ang mga kamay nito sa kanyang bewang saka siya hinila palapit.

Hindi magkaintindihan si Lori kung paanong pipiglas mula sa matitigas na braso ng mortal. Malakas siya kumpara dito. Pero pinapanghina siya ng nag-aalab na pangangailangan ng kanyang katawan, na biglang sumiklab dahil sa simpleng paglalapat ng kanilang mga labi.

“Let go, Theron!” angil niya rito.

Nakakalokong ngumisi naman ito. “Ang sabi ko, magkita tayo sa astral plane ngayong gabi. Pero dinalaw mo na ako rito sa bahay, well, mukhang hindi ka marunong sumunod sa instruction, mahal ko.”

Mahal ko...

Those words prick her with a bittersweet feelings. Ginagamit lang naman nito ang mga salita pero hindi naman iyon totoo sa loob nito. And hell, did he know that his love was her whole weakness?

Noon, akala niya hindi siya apektado ng ganoong salita. Pero hindi pala. Dahil sa tagong bahagi ng uri niya, naghahanap siya ng pagmamahal. Ng totoong pagmamahal...

“Let go, Theron!” piglas pa rin niya.

“Mood swings again, love?” anitong bumangon na pero hawak pa rin ang bewang niya.

Pilit nanulak si Lori.

“I promised you, I won’t let you go. Kahit ano pang gawin mong pagtutulak sa akin. And I really do fulfill my promise, darling.”

Hindi niya tuloy alam kung tama bang hiniling niya ang bagay na iyon kay Theron. Dahil heto siya ngayon, nadadarang sa matitiim at pursigidong mga mata ng mortal. Dama niyang hindi ito matitinag. At kung hindi niya hahawakan nang mahigpit ang sarili, baka kung saan sila mauwi. Heto nga at nakikisabay pa ang nag-aalab niyang pangangailangan.

Just this once, Lori... Just this once and you better let go.

Mabilis na kinabig niya si Theron sa batok at siniil ng marubdob at nag-aalab na halik. Ibinigay na niya sa halik na iyon ang lahat-lahat. Ang pag-ibig niya rito. Ang intensity ng nag-aalab na pangangailangan niya sa mortal. At ang sakit na dulot ng katotohanang nalaman niya. Lahat-lahat iyon... ipinadama na niya sa salit-salit na marahas at masuyong halik na ibinigay niya sa mortal. Kaya hindi na rin nakapagtataka na maglandas ang mga luha niya.

Tila natigilan naman si Theron dahil bahagyang lumuwag sa pagkakahapit sa bewang niya ang mga kamay nito.

Sinamantala iyon ni Lori. Mabilis ang kilos na tumalon siya palabas ng panel window ng silid kung saan din siya dumaan kanina.

Yes, she can interlope inside his house even without invitation. Because she is not a pure-blooded vampire. She is a half-succubus half-dreamscape. Pero anuman ang katauhan niya. Hindi na iyon magiging mahalaga ngayon. At wala na ring halaga na nagkaroon siya ng identity dahil wala naman na siyang pag-aalayan ng sarili.

She will going back to live the way she live when Theron was out of the story. She was a living dead.

Marahas na pinalis ni Lori ang mga luha habang mabilis na naglalakad pabalik sa kung saan siya nakapuwesto. May nahagip ang mga mata niya at dama niyang isang soul sucker iyon dahil sa nag-iinit na singsing. Mabilis na kumambiyo siya papunta sa kung saan nararamdaman ang soul sucker at hinanap iyon.

Wala na siyang pakialam kung halos maputol na ang daliri niya sa papainit nang papainit na singsing sa kanyang daliri. Halos hindi na niya gustong maramdaman iyon. Ano pa ba ang mas sasakit sa kaalamang gusto lang siya ng lalaking mahal niya dahil may pakinabang siya rito?

Wala na.

Iyon na ang pinakamasakit. At ang hapdi ng nagbabagang anulum commode ay walang sinabi sa hapdi sa loob ng kanyang dibdib.

“Ganaiah...”

Ah... Ang sumunod sa panganay na anak ng mga Avergou. Pumapangalawa ito kay Lach. Bukod sa patriarka ng mga Avergou, sina Lach at Ganaiah ang pinakamalakas dahil ang mga ito ang mga first born. They were twin.

At patay na si Lach. Napatay ni Helios para iligtas si Scylla. Now, she knew Ganaiah’s strength was doubled by her anger. Dama niya iyon dahil patindi nang patindi ang init na hatid ng anulum commode.

“Oh... Look whose here?” mapakla ang ngiting sambit ni Ganaiah nang magkaharap sila. Tumalim ang mapupulang pares na mga mata nito. Nakakasindak ang biglaang pagbangis ng mukha nito. Pero wala na siyang pakialam sa lahat ng iyon. Wala na siyang pakialam sa lahat. “Sawa ka na ba sa buhay mo at inihahain mo ang sarili mo sa `kin?”

Ginantihan ni Lori ng mapait na ngiti si Ganaiah. Biglaan din ang pagbangis ng kanyang mga mata habang tinatantiya ang magiging galaw ng kalaban. Wala naman siyang pakialam kung mapatay siya nito ngayon. Pero hindi niya isusuko ang buhay ng walang kalaban-laban. If she will die now, she will die fighting for the family who cared for her for a long time. Ipinagpasalamat niyang maski hiram ang identity ay inalagaan pa rin siya ng mga Monfort. And fighting one of the forceful enemies was the only thing she can do good for them.

And she was ready now...

“Baka ikaw ang sawa na sa buhay mo, Ganaiah.”

Kitang-kita niya ang dobleng pagtalim ng mga mata nito. Mukhang hindi nagustuhan ang sinabi niya. Sa isang sandali, nakasugod ito sa kanya at sinakmal ng isang kamay ang leeg niya. Kumilos naman ang mga binti ni Lori at binigyan ng malakas na tadyak sa sikmura ang soul sucker. Sumalya ito sa himpapawid at tumama ang katawan sa isang bahagi ng lumang building na kinandoonan nila. Wasak ang bahaging iyon ng building. Pero mabilis nakabalik sa posisyon si Ganaiah. Nakakalokong ini-stretch pa ang katawan. Ni hindi nabawasan ang lakas nito sa ginawa niya. Dama niya iyon dahil matindi pa rin ang init ng anulum commode sa kanyang daliri.

“Iyon lang ba ang kaya mo, Monfort? Para lang akong pinitik, eh. Weak!”

Nayamot siya sa pang-iinsulto ng soul sucker. Hindi nag-iisip na sinugod niya ito pero bago pa siya makarating kay Ganaiah ay narinig niya ang tinig ni Azriel sa kanyang isip.

“That’s suicide. Leave her to us!”

Pero hindi niya pinakinggan ang kapatid. Dumeretso siya sa pagsugod para lang ilang beses na isalya ni Ganaiah. Halos manlupaypay ang katawan ni Lori nang sakmalin uli ng soul sucker ang leeg niya at iharap dito.

“You dig your own grave, Lori Monfort.” marahas na bulong nito sa kanya. “Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng pamilya mo para buhayin ka, pero sisiguruhin ko ngayon na hinding-hindi na makakabalik ang kaluluwa mo sa katawang iyan. Lalamunin kita ng buong-buo!”

Sa pagbuka ng bibig nito ay may malakas na pwersang pilit ding nagpapabuka sa kanyang bibig. Ginamit ni Lori ang lahat ng natitirang enerhiya para labanan ang malakas na pwersa para hindi nito mapabuka ang kanyang bibig. She will fight her with all her might. Hindi niya ibibigay ang kaligayahang makuha nito ang kaluluwa niya sa madaling paraan lang.

“Open your mouth, sweety...”

Pero hindi siya ganoon kalakas para labanan pa ang malakas na pwersa. Idagdag pang naglalabasan sa lahat ng parte ng katawan niya ang mainit na usok. Iyon ang epekto ng nagbabagang singsing. Dumadaloy ang init noon sa buo niyang sistema at sinusunog siya.

“What the fuck are these?” nagtatakang tanong ni Ganaiah nang makitang naglalabas ng usok ang katawan ni Lori.

Hindi siya makasagot dahil alam niyang sa pagbuka ng bibig niya ay sasamantalahin nito ang pagkakataon. Pero kahit pala hindi siya magsalita ay mananalo pa rin ang pwersa nito.

Nanlalaki ang mga mata ni Lori nang unti-unti nang umaawang ang bibig niya. Hindi na niya kayang labanan ang malakas na pwersang meron si Ganaiah.

“Leave her alone!”

Sa isang iglap ay nawala ang nakasakmal na kamay ni Ganaiah sa leeg niya kasabay ng pagkawala ng malakas na pwersa.

Walang lakas na bumagsak si Lori sa lupa habang nararamdaman pa rin ang nag-aalab na anulum commode sa kanyang daliri.

Mapait na napangiti sa sarili si Lori habang walang lakas na nakatitig sa kanang kamay. Partikular sa ring finger kung nasaan ang anulum commode.

Buhay pa siya. Alam niya. Dahil nakakaramdam pa siya.

She can still feel the flaming heat of the ring. And the hard prick in her heart.

“There’s no chance you can do away with our sister again, Avergou!” Narinig niya ang malakas na singhal ni Azriel.

“She is not your sister, Azriel! She is an element!” Ganaiah hissed back.

“Sure she is,” marahas na amin ni Azriel and it doubled the prick in Lori’s heart. That was the sickening truth. “But we love her just like we love Lori. She is our own. And no way I will let anyone questioned our love for her. Not even you!”

At malakas na isinalya ni Azriel si Ganaiah sa isang bahagi ng building malapit sa kinaroronan niya. Hindi na makagalaw si Lori. Pero nararamdaman niya ang malakas na pagwawala ng kanyang puso. Her family loved her. Bakit ba nahihirapan siyang tanggapin iyon? Dahil ba maski siya ay hindi alam kung paano mahalin ang sarili? Paano niya magagawang tumanggap ng pagmamahal at magmamahal kung siya mismo, hindi minamahal ang sarili? Kinasusuklaman niya ang kanyang pinagmulan pero gusto niyang maging siya kung sino siya.

Ganito ba talaga kahirap maghanap ng sarili?

Naramdaman ni Lori ang isa pang presensiya na lumapit sa kanya. Ni hindi niya maigalaw ang katawan para sinuhin ang dumating. Narinig na lang niyang sumisigaw si Azriel habang nakikipambuno kay Ganaiah.

“Bring Lori home, Ailister!”

Home?

Where is home?

Isa pang luha ang nalaglag mula sa mata ni Lori. Where was her real home? Umuuwi siya sa mga Monfort, but was that her real home? Bakit kahit ang sagot ng isip niya ay oo dahil siya na si Lori, may iba pa ring hinahanap ang puso niya?

“Lori... oh, fuck!”

Kasabay nang pag-angat ng katawan niya mula sa lupa ay ang paglapat ng mga labi ni Ailister sa bibig niya. Sinasalinan siya nito ng enerhiya. Pero halos ayaw na iyong tanggapin ng kanyang katawan. O kung dumadaloy man ang enerhiya, hindi iyon sapat. She was totally wasted.

“Damn!”

Inilalayo na siya ng kapatid sa lugar pero parang hindi naman nababawasan ang hapdi na dulot ng anulum commode. O baka hindi ang singsing ang dahilan ng mahapding pakiramdam. Nandoon kasi sa bandang puso ang masakit na bahagi.

“Theron...” halos walang lakas na bulong ni Lori sa hangin.

“Damn that man! Forget him, Lori!” singhal sa kanya ng kapatid.

Pero wala na siyang lakas para makipagtalo.

“THERON...”

Napabalikwas si Theron. Parang narinig niya ang boses ni Lori na tinatawag siya. Nang iwan siya ng bampira kanina, nag-astral travel siya. Para lang muling bumalik sa katawan. Alam niyang may bumabagabag sa bampira. Kahit gustuhin niyang magtanong, mukhang wala siyang mapapala. Dahil ang mga titig nito sa kanya matapos siyang halikan ay nagsasabi ng determinasyon nitong manahimik.

At para saan ba ang mga luhang iyon?

Ang bigat ng dibdib niya nang makita ang walang kapantay na sakit sa mga mata ni Lori. Hindi niya alam kung ano ang pinagdadaanan nito. He was dead worried and curious at the same time. Gusto niyang magtanong. Pero ayaw rin niya itong piliting magbukas sa kanya. Dahil kung nagtitiwala ito sa kanya, kusa nitong bubuksan ang sarili.

At hindi ba mahal siya nito? Bakit parang mahirap ditto na ipagkatiwala sa kanya ang mga dinadalang alalahanin? O mahal nga ba siya nito?

Yes. Lori loved him. No doubt with that. Ramdam niya iyon sa mga halik nito.

Kaya lang...

Mabilis na nahiga uli si Theron para mag-astral travel. Weird, but he felt something was happening. Something frightening might happen to Lori. At ikinakatakot niyang baka nasa kapahamakan ang babaeng bampira.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.