CHAPTER EIGHTEEN

“SHE’S rejecting the energy I’m giving her.”

Malakas na buntong-hininga ang sagot ni Jultio sa sinabi ni Ailister. Hindi naman kumikilos si Lori sa pagkakahiga. Alam niyang nasa ibaba ang kanyang pamilya at nag-uusap. Pero bakit malinaw na naririnig niya ang mga ito? Bakit lumalakas ang pandinig niya samantalang hindi naman niya ginagamit ang anulum commode?

“Damn it! I’ll kill them all myself!” paangil na sambit ni Jultio. Kung kanino man ito nagagalit ay wala siyang ideya. Siguro sa mga soul sucker. “Kinuha na nila si Lori noon, hindi ako papayag na makuha nila uli ang isa pa sa mga anak ko!”

Isa pa sa mga anak ko...

That...

What was that supposed to mean? That she was not just Lori to them? That she was their another daughter?

Tears rolled over the pillow. Mahal siya ng mga Monfort hindi lang bilang si Lori kundi bilang bagong miyembro ng pamilya. At ang sama-sama pala niya dahil nagtayo siya ng malaking wall of resistance sa pagmamahal na pilit ipinararamdam ng mga ito sa kanya.

Because she, herself, was having a hard time to let go.

“Will you get a hold of yourself, Jultio? Lori was breaking herself down into confusion. Ang kailangan niya ay suporta natin para pigilan siya sa suicide na ginagawa niya ngayon. She is in love, and it was ruining her,” parang nahihirapan din ang loob na sabi ni Gertrude.

And now, she was causing trouble to her family. Nag-aalala na sa kanya ang mga ito. At ano na ngayon ang ginagawa niya? Hinahayaan lang niyang pahirapan ang loob ng kanyang pamilya? She had to gather herself together! And stopped messing around.

Nagbuntong-hininga si Lori at ipinikit ang mga mata para makapagpahinga. Kailangan niyang tulungan ang sarili na makaahon. Kung hindi niya gagawin iyon, mas pahihirapan niya ang buong pamilya.

Nagsisimula na siyang makatulog nang maramdamang may mabigat na nakadagan sa ibabaw niya. Ginusto ni Lori na makakilos, pinilit niyang kumilos pero kulang siya sa lakas para kumawala. Alam niyang nakatulog na siya pero gising ang diwa niya.

Someone was touching her.

Ramdam niya ang kamay ng kung sino na pumaloob sa night dress niya at humaplos sa kanyang hita. Pinilit niyang kumawag pero may malakas na pwersa na pumipigil sa kanya. Parang magkapatong na nakabaon ang mga kamay niya sa bandang ulunan ng kanyang kama habang patuloy ang pagdama ng kung sino sa katawan niya. Hands all over her body and it was frightening her. She wanted to shout aloud. Pero hindi niya mahanap ang kanyang boses. She could feel her head throwing back and fort habang pinipilit pumiglas.

“Magiging akin ka ngayong gabi.”

Ang nakakahindik na boses na narinig niya noong una at pangalawang gabi matapos niyang permanenteng ariin na kanya ang katawan niya, iyon na naman ang naririnig niya ngayon.

“No! Go away!”

Isang malakas na halakhak ang narinig ng isip ni Lori. Nakakapangilabot iyon sa kanyang pandinig. At hindi niya maipaliwanag ang pagbayo ng matinding takot. Hindi niya iyon naramdaman kaninang muntik na siyang mahigop ni Ganaiah. What kind of creature was trying to raped her?

Raped?

“Ginahasa ako ng pinagmulan mo! You are a fruit of a crime!”

“Gusto rin niyang ipaalam sa `yo na itinaboy ka niya palayo para hindi ka mahanap ng elemento. Dahil sigurado siyang ikaw naman ang wawasakin ng sarili mong pinagmulan.”

Ang mga naalalang sinabi ni Alma at ng kanyang ina ang nagpalinaw ng lahat. The creature on top of her was no other but her descent.

At unti-unti, nagkahugis ang kung anong nilalang na nakadagan sa kanya. Mapulang nilalang na may sungay at buntot ang nasa ibabaw niya at humahalakhak.

“Sa wakas, nakikita mo na ako ngayon, mahal kong anak...”

Isang nakakapangilabot na demonyo ang nakadagan sa kanya at pumipigil sa katawan niya para kumilos. Kumakawag sa may hita niya ang buntot nito at mayamaya ay dumampi paitaas sa kanyang maliit na panloob.

Nanlaki ang mga mata ni Lori sa sindak. Hindi lang sa anyo nito kundi sa nahuhulaang gagawin nito sa kanya.

“No! Get off me!”

Nagpilit siyang kumawag pero napakalakas nito.

“Nasaan ang ina ko? Saan mo siya ikinulong?!”

Ngumisi nang mahalay ang demonyo. “Good question...” At pinaraanan nito ng dila ang leeg niya sa pagkahindik niya. “Dahil pinagtataguan mo ako, hindi ko siya pinalaya. Makakatawid na sana siya, pero natuklasan kong pinatakas ka niya pagkaluwal na pagkaluwal niya sa `yo. Kaya `ayun, hinila ko uli siya pabalik.”

Bumaba ang likod ng palad nito sa pisngi niya at hinaplos iyon. Pinilit niyang iiwas ang mukha. “Napakaganda mo. Katulad ni Selena. Kaya nga hindi ko pagsasawaan ang kanyang katawan. Nakakulong siya ngayon sa time trail kung kailan ko siya unang inangkin para hindi lumipas ang kanyang ganda. At tuwing lilikha ako ng bagong lahi mula sa kanya, parating walang buhay ang iniluluwal niya. Siguro dahil mahina na ang kanyang katawan.”

“Palayain mo na siya kung gano’n!”

Bigla ang buhos ng pag-aalala kay Lori. Kung ganoon, mahabang panahon nang nagdurusa ang kanyang ina sa mga kamay ng demonyong ito? Habang siya, maalwang namumuhay sa pangangalaga ng mga Monfort. Baon niya ang sama ng loob sa sariling ina na hindi naman pala niya dapat na nararamdaman.

“Hindi!” Tumalim na naman ang mga mata ng demonyo. “Hindi ko siya pakakawalan hangga’t hindi ka nagiging akin! Hindi ko na kaya ang paulit-ulit na pagkabigo sa pagtatanim ng binhi ko sa kanya at sa huli ay nasasayang lang.” Muli, kumislap ang mga mata nito sa matinding pagnanasa habang pinagmamasdan siya. “Magiging akin ka muna bago ko siya palayain.”

Isang nakakapangilabot na halakhak na naman ang pinakawalan nito. Pilit nagpipiglas si Lori para makawala. Ngayon niya mas kailangang lumaban para mabawi ang ina. May alam ang mga Monfort sa time trail. Baka mahanap ng mga ito kung saan nakatago ang kanyang ina.

“Pakawalan mo ako! Demonyo ka!” Halos maputol ang litid niya sa pagsigaw pero alam naman niyang walang makakarinig sa kanya dahil tulog siya.

“Sige, gawin nating mas madali para sa `yo ang pagpaparami,” sabi nitong marahang inihaplos ang mainit na likod ng palad nito sa mukha niya.

Agad na ibinaling niya muli ang mukha para makaiwas ng mapansing bumababa ang mukha nito sa kanya. Nakalakilabot ang napakapangit na mukha nito na parang gusto na lang niyang himatayin sa takot.

“Look at me, love...”

Sa pagkamangha ni Lori, parang narinig niya ang boses ni Theron. Sa pagbaling niya ay kamukha na ni Theron ang nasa ibabaw niya. Pero nararamdaman pa rin niya ang buntot na humahaplos sa hita niya, pababa at pataas at pilit pumapasok sa kanyang panloob.

“Hindi ikaw si Theron! Demonyo ka!” patiling singhal niya sa incubus.

Kaya nitong gayahin ang mukha at boses ng kahit na sino. Pero hindi ang aura niyon. Malas nito dahil bukod sa kaya niyang maramdaman, kaya rin niyang makita ang aura ng kaharap kung magpo-focus siya. Kasing-itim ng gabi ang aura nito di-tulad ng kay Theron na kulay-puti at may pakpak na kasimbusilak ng aura ng lalaki.

At bukod doon, nakakakilabot pa rin ang presensiya ng demonyong nasa ibabaw niya.

Isang halakhak na naman ang pinakawalan ng halimaw, saka pinaraanan ng dila ang leeg niya paibaba sa kanyang dibdib.

Takot na takot si Lori at patuloy sa pagtili. Pero parang wala namang nakakarinig sa kanya. Walang nakakaalam na magagahasa siya sa mga sandaling iyon.

“Lumayo ka sa akin, demonyo ka!”

“Just like you...” puno ng sarkasmo na sabi nito. “I am you and you are me. You are my seed. We are one.”

“No! There’s no way I will be like you. Lalabanan ko ang anumang asal na ipinamana mo sa akin. I will never be like you!”

“Habang hindi pa tuluyang nagaganap ang transition, mananatili kang katulad ko.”

Natigilan siya sa narinig. Ano’ng sinasabi nito?

“Damn, Selena! Naisahan niya ako nang lapitan si Astryd para tulungan kang magkaroon ng sarili mong karakter. Pero mabuti na rin `yon dahil mas naging madali sa akin na mahanap ka. Ah! Napakahabang panahon kong naghanap sa `yo. Iyon pala, kahalo ka lang ng mga astral vampire! Pero habang hindi pa natatapos ang transition at hindi ka pa tuluyang nagiging ganap na tulad nila, aangkinin kita. Mababawi pa kita.”

Transition? Hindi pa tapos ang transition? Akala niya natapos na iyon nang kumonekta ang silver cord niya sa katawan ni Lori. Iyon ba ang dahilan kung bakit lumalakas ang pandinig niya kanina? Dahil nagaganap pa lang ang transition?

“Akin ka lang! I made you just for my own good. Lilikha ako ng mas malalakas na incubus at succubus na magagawang makasampa sa mga astral planes. We will rule our world and the mortal world and the third world if ever there’s one like that. Magiging atin ang lahat na nandito sa daigdig!” At humalakhak na naman ito nang pagkalakas-lakas. Nagtatayuan ang mga balahibo niya sa takot. Gagawin siya nitong palahian ng mga new bred demons!

“You are sick! Get off me!”

Nagpipiglas si Lori pero sa halip, sinimulan lang nitong punitin ang pantulog niya at damhin ang nanginginig sa takot na katawan niya.

“Theron...”

Napahikbi na siya nang mawalan na siya ng pag-asa na makakawala sa demonyo. Halos wala na siyang suot at pinagpapasasaan ng dila at mga labi nito ang katawan niya.

The demon made her. And maybe, surrendering to him was her fate. After all, makakalaya naman ang kanyang ina sa mga kuko nito kapag nakuha na ang kailangan sa kanya. Siguro nga, wala na siyang magagawa kundi hayaang mangyari ang dapat na mangyari. Para makalaya na ang kanyang ina. Para makatawid na ito at ang lolo ni Theron. At para matapos na ang misyon ni Theron.

She stopped fighting while crying her heart out.

“I love you, Theron. So much...” Sa huling sandali, paulit-ulit niyang sinasambit ang mga salita na para bang maririnig iyon ng mortal.

“Just how I love you, Lori.”

Napasinghap si Lori nang marinig ang pamilyar na buo at may init na boses kasabay ang pagkaalis ng demonyo sa kanyang ibabaw.

Ang sumunod na nakita niya ay nagpapambuno ang dalawang Theron sa loob ng silid. Nasa astral form ang isa habang ang isa ay mukhang totoo na mukhang hindi.

And she knew who was who. Nararamdaman niya kung sino ang totoong Theron.

“Wake up, Lori... Wake up now!” narinig niyang sigaw ni Theron.

Pinilit niyang magising pero may pwersang humihila at pumipigil sa consciousness niya para huwag magising.

“Damn! Wake up now!” sigaw pa rin nito.

Umigkas nang malakas ang kamao ng demonyo papunta sa mukha ni Theron na mabilis nitong nailagan. Ito naman ang tumira pero nailagan din iyon ng demonyo. Sa isang sandali, sakmal na nito ang leeg ni Theron. Napasigaw nang malakas si Lori, sa takot at pag-aalala sa pwedeng danasin ni Theron sa kamay ng demonyo niyang ama.

“Alam mong hindi siya magigising dahil hawak ko nang mahigpit ang diwa niya.” Nakakaloko ibinuka nito ang isang kamay at mula roon ay nakikita ni Lori ang pulang enerhiya na nakakonekta sa mismong ulo niya. Iyon ang dahilan kung bakit hindi siya magising.

“Poor mortal... Hindi mo magamit ang spell mo sa akin dahil alam mong anumang sandali, mapapahamak rin ang anak ko.”

“A-anak mo?” Sa nahihirapang tinig ay nababakas ni Lori ang gulat at pagtataka ni Theron. Bumaling pa sa kanya ang lalaki na tila nagtatanong. Wala siyang magawa kundi ang salubungin ang titig nito.

“D-demonyo ka ng-ngang t-talaga! P-pati anak mo...” Nagpilit kumawala sa pagkakasakal ng incubus si Theron.

“L-Lori... Call t-them t-to w-wake you up...”

Sandali siyang nalito. Gusto niyang magising. Gustong-gusto niya. Dahil kapag nagising, maitataboy na rin ang incubus sa ayaw man nito o sa gusto.

“C-Contact y-your f-family in your m-mind...”

“Theron, gumamit ka na ng spell!” sindak at tarantang sigaw niya dahil nakikita niyang nawawalan na ito ng lakas sa pagpiglas mula sa demonyo niyang ama.

“Please, Theron! `Wag mo na akong intindihin.” Gusto na niyang maiyak sa pagkataranta. Hindi malaman kung lalabas mula sa katawan para sugurin ang demonyo o magpipilit magising.

“Theron!” sigaw niyang piniling lumabas sa katawan at hilahin ang demonyo palayo kay Theron.

Nagawa niyang maisalya ang incubus pero mabilis din itong nakabalik sa kanila. Hindi pa niya nalalapitan ang nanghihinang si Theron ay nahablot na siya ng incubus at naibalik sa kama. Saka ito muling dumagan sa kanya.

“Watch me mortal,” nakangising sabi ng demonyo. Pigil siya nito sa ilalim nito habang patuloy sa pagdama sa kahubdan niya. “Watch me how I own my daughter... Just how I own Selena.”

At walang awang nilasap nito ang kanyang katawan. Umiiyak na si Lori habang nagpipilit magpumiglas. Kung sapat lang sana ang enerhiya niya, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Hindi nito masaktan si Theron at hindi siya nito magagawan ng ganoong kahalayan dahil makakalaban siya. Pero wala na siyang lakas. Inaksaya niya ang enerhiya sa bigong pagkakamatay sa kamay ni Ganaiah.

“Mama... Papa... Helios... O kung sinuman sa inyo ang makakarinig sa akin. Gisingin n’yo ako. Gusto ko nang magising sa bangungot na ito. Gusto ko nang bumalik sa inyo. Sa inyo na pamilya ko.”

Sana ay may makarinig sa kanya. Sana ay may gumising sa kanya bago siya tuluyang mababoy ng sariling ama.

“E-exorcizamus t-te... o-omnis i-mmundus spiritus...”

Natigil ang demonyo sa pananamantala sa katawan ni Lori. Nararamdaman din niya ang kakaibang init na pumapasok sa loob ng silid.

“O-Omnis s-satanica p-potestas, omnis i-incursion infernalis a-adversarii...” Nanghihinang nakayupyop si Theron sa isang bahagi ng silid pero ang mga binibigkas nitong spell ay nakapagpapayanig, hindi lang sa demonyo kundi pati sa kanya. Papainit nang papainit ang pwersa at papalakas nang papalakas na parang humahagupit sa laman niya.

“Tigilan mo `yan, mortal!” Umungol sa hapdi ang demonyo habang isinisigaw ang sakit na nararamdaman dahil sa malakas na kapangyarihang likha ng spell.

Pinigilan ni Lori ang mapadaing dahil baka marinig siya ni Theron at hindi na nito ituloy ang chant. Iyon lang ang makakapagligtas sa kanila mula sa demonyo niyang ama. Bahala na kung paano siyang maaapektuhan niyon. Ang mahalaga, hindi magtagumpay ang demonyo sa balak sa kanya.

“Omnis legio, omnis congregatio et secta diabolica, in nomine et virtute.”

Unti-unting nagawang tumayo ni Theron at naglakad palapit sa kanila. Nababalutan ito ng napakalakas na puting enerhiya at sa bawat paghakbang ay tila hinahagupit sila ng napakalakas na pwersa.

“Domini Nistri Jusu Christi!” Sa paglakas ng boses ni Theron ay siya ring pagsalya nila ng demonyo.

Eksaktong bumukas ang silid pero hindi nakapasok ang mga Monfort dahil isinalya rin ang mga ito ng malakas na pwersa.

“Ano’ng nangyayari?”

“Lori! Lori, dito!” narinig ni Lori na sigaw ni Jultio. Mariing nakakapit ito sa hamba ng nakabukas na pinto. At maski isinasalya ito palayo ng malakas na pwersa mula kay Theron ay pilit nitong iniaabot ang kamay sa kanya.

“Dito, anak... Pilitin mong makagapang.”

Nilingon niya ang katawang nasa kama na puno na rin ng latay ang katawan. Paano niya iyon isasama? Ni hindi siya makaalis sa kinaroroonan na para bang mahigpit siyang pinigil ng malakas na pwersa habang tila hinahagupit ng malalakas na latay.

“Dito... Dito, anak. Mas mahalaga ang astral mo kesa katawan.” Narinig niyang sigaw ni Gertrude na nakakapit na rin sa hamba at pilit din siyang inaabot. Mukhang nabasa ng mga ito ang iniisip niya nang lingunin niya ang katawan.

Sige sa paglakas ang pwersa ng spell ni Theron habang tinatapos nito ang chant. Pinilit ni Lori ang sarili na makalabas ng silid bago pa matapos ang spell. Dahil kapag natapos nito iyon, siguradong katapusan na rin niya.

Pero biglang huminto ang lahat. Huminto sa paglakas ang pwersang nakabalot kay Theron at unti-unting nawawala ang bisa. Nang lingunin niya si Theron, sumasalampak na uli ito sa sahig. Wala na rin ang demonyo. Napalayas na ang incubus.

Sa halip na lumabas ng silid, pinili niyang gumapang palapit kay Theron. Bahagya na lang ang maputing liwanag na nakabalot dito kaya kinakaya na niya ang mahihinang latay na epekto niyon sa kanya. Unti-unti na rin naman iyong nawawala. Siguro dahil hindi nito natapos ang chant kaya mas mabilis ang pagkawala ng bisa.

Nakangiting ibinuka ni Theron ang mga braso bilang pagsalubong sa kanya. Sa paningin niya, hinang-hina ito pero nang ngumiti ang mortal, nabawasan ang takot at pag-aalala niya para dito. Mabilis na pumaloob siya sa mga bisig ng mortal at pahikbing humilig at yumakap dito.

“I’m sorry... I have to do that. Hindi ko kayang makitang binababoy ka. At sa mismong harap ko,” sa nagtatagis na mga bagang ay sabi ni Theron.

Dinig niya ang pagkikiskisan ng mga ngipin nito. Humigpit ang yakap ng mga braso ng mortal sa kanya at ganoon din siya sa binata. Hindi niya alam kung ano ang dapat na sabihin. Sa mga sandaling iyon, wala siyang ibang gusto kundi ang yakapin lang ito at masigurong maayos na ang mortal. Na wala na ito sa panganib.

“Go back to your body, Lori. Mag-uusap tayo.” Narinig niya ang boses ni Helios na siyang nagsalita.

“Kakausapin rin namin ang mortal.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.