CHAPTER TWENTY

PAGKASAMPANG-PAGKASAMPA pa lang ni Lori sa astral plane, nabulahaw na ang mga astral traveller. Kanya-kanyang pulasan sa iba’t ibang direksyon.

Nahagip ng matalas niyang paningin ang isang babae. Susunggaban na niya ito nang pumagitna ang isang lalaki.

“Ako na lang... `wag siya,” sabi nitong inihain ang sarili sa kanya.

Nagsimulang humupa ang pananalim ng mga mata ni Lori. Kapag ganitong may mga lovers sa astral plane, hindi niya maiwasang makaramdam ng kirot sa dibdib. Ilang buwan na ba ang dumaan? Ilang buwan na siyang naghihintay? Pero walang bumabalik.

“If he really loves you, he knew where to find you, sweety,” Puno ng pang-unawang sabi ni Gertrude sa kanya.

Nang gabing iyon niya natuklasan mula kay Gertrude na nahanap na ng mga ito kung saang time trail nakakulong si Selena.

Oo, hinanap ng mga Monfort ang kanyang ina para sa kanya. Dahil alam raw ng mga ito na kailangan niya ng closure bago tuluyang maging Monfort. Inalam din ng mga ito kung anong klaseng formula ang ininom niya. And they were happy to find out that she can be the real Lori. Of course they didn’t know what her plan was when she drank the formula.

Hindi na niya sinabi dahil inisip kasi niya na hindi naman na mahalaga kung malaman pa ng mga ito na magiging permanente na niyang katawan ang katawan ni Lori. Akala niya, wala namang magbabago. But it seemed na mahalaga para sa mga ito iyon.

They loved the nameless creature which was her. Dahil nga wala naman siyang pangalan kaya Lori ang parating binabanggit. Ikinalito niya ang bagay na iyon. But she found out that they knew who they loved. Monforts loved Lori and the nameless creature equally, but in different ways. Lori will always be Lori, and she will always be who she was. But they can be one. Being Lori can make her whole.

At pagkatapos ng transition, naging buo na siya. Pagkatapos din ng transition, nakalaya si Selena. And the demon hated them even more.

“Can I hug you just for the last time?”

Kumikislap sa luha ang mga mata ni Selena habang magkaharap sila sa loob ng time trail kung saan ito pinigil ng elementong tinawag nitong Dethrim.

At hindi basta incubus lang si Dethrim dahil isa itong hybrid evil spirits and incubus na kayang magpalit-anyo sa anumang gusto nito.

Bata pa lang si Selena ay sinusubaybayan na ito ni Dethrim. Nagpapanggap na isa sa mga batang kalaro pero si Selena lang ang nakakakita. Nang magdalaga, nagsimulang matakot ang mga magulang ni Selena dahil parati itong nagsusumbong na nananaginip na may dumadagan dito tuwing natutulog mag-isa sa silid at nahihirapang magising. Kaya inilayo ang dalaga sa ancestral house ng mga ito. Akala ng mga iyon ay tapos na ang lahat ng may kinalaman sa elemento pero hinintay lang pala itong makabalik sa lumang bahay para maisagawa ang matagal nang plano ni Dethrim. At dahil nanatiling birhen si Selena hanggang sa pagbabalik, hindi na nga nag-aksaya ng panahon si Dethrim.

Kailangan nitong makabuo ng bagong uri ng malakas na elemento at mula roon ay magpaparami ito. Si Selena ang napili ni Dethrim dahil bata pa lang ay nakita na nitong taglay ni Selena ang malakas na enerhiyang kakailanganin para sa new hybrid.

At hindi nga iyon nabigo. Habang nabubuo sa sinapupunan ni Selena ang binhi ni Dethrim ay ipinagtapat dito ang plano nitong pagpaparami.

Sa loob ng time trail nakilala ni Selena si Astryd. Habang papatakas ito mula kay Dethrim palabas ng portal ng time trail ay nakita niya ang astral na si Astryd na papalabas din. Dumalaw lang ito sa nakaraan na nasa time trail din na iyon. Dalagita pa si Astryd nang mga panahon na iyon pero taglay na ang malawak na kaalaman ng mga mangkukulam. Right then and there, she asked Astryd’s help. Sa mabilisang paraan ay nagawa nitong sabihin ang lahat ng tungkol sa sitwasyon nito at ng anak.

Pero hindi nakalabas si Selena ng time trail dahil natunugan agad ni Dethrim na nailuwal na niya ang anak nito. Iyon nga lang, naipagtabuyan na ni Selena ang anak ng elemento, palabas ng time trail at nagliwaliw na sa kasalukuyan bago pa man nakabalik sa time trail ang demonyo. Hindi iyon agad sinabi ni Selena kay Dethrim para may panahon pa ang anak na mas makalayo.

Nang mga panahon na mapunta siya sa pangangalaga ng mga Monfort, tuluyang naitago ang presensiya niya mula kay Dethrim. At nang magdesisyon siyang angkinin ang personalidad ni Lori, saka lang uli na-trace ang presensiya niya. Dahil habang nagaganap ang transition, humahalo rin sa hangin ang aura niya at nararamdaman iyon ni Dethrim.

“I-I’m sorry if I had to throw you hurtful words. `Yon lang ang naiisip kong paraan para umalis ka at lumayo. I...” Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Selena.

At pigil ni Lori ang damdamin para hindi bumagsak ang mga luha. Hindi pa man tapos ang sinasabi ni Selena ay nararamdaman na niya ang kasunod niyon. Gusto niyang itapon ang sarili palapit sa ina kahit sa huling sandali bago ito lamunin ng liwanag.

“I have a changed of heart the moment I saw you molding your own figure. From fetus to real baby, a faceless one... up to an adult size. Of course a faceless,s too. Wala ka pang sariling anyo noon pero alam ko sa puso ko na mahal kita dahil akin ka. Dahil anak kita...”

Selena starts to sob hard. She could feel the wild beating of her heart as she saw her mother’s pain and regret synchronized with happiness. Masyadong nakakalunod ang magkakaibang damdamin na alam niyang sabay-sabay na nararamdaman ng ina. At parang sasabog ang puso niya sa mga sandaling iyon kung hindi pa niya hahayaan ang sarili na makalapit sa ina.

“Akala ko, hindi ko na maririnig ang mga salitang iyan mula sa `yo... Mama.”

Lalong lumakas ang mga hikbi ni Selena at ibinuka ang mga braso para anyayahan siyang lumapit. Iglap at nakapaloob na siya sa maiinit nitong mga braso. Napakasarap pala ng ganoong pakiramdam, ang yumakap sa sariling pinagmulan. Para bang napakatagal niyang naligaw at ngayon lang nakauwi. At ayaw na niyang maligaw uli. Gusto niyang habang-panahon na lang siyang nasa kandungan ng ina.

Pakiramdam ni Lori, babaha ng luha dahil hindi sila matapos-tapos sa pag-iyak. Hanggang magsimulang suminag ang nakakasilaw na liwanag kay Selena, ayaw pa rin nilang pakawalan ang isa’t isa. Ngayon nga lang niya naramdaman ang ganoon kasarap na damdamin, bakit ang bilis namang matatapos? Ni hindi pa nga siya nakakapagpasasa sa piling ng ina, kukunin at ilalayo na naman ito sa kanya?

“It’s time, Selena... Come with me. We will make our love to happen once again...” pagtawag ng boses dito, mula sa kawalan.

“No!”

Humigpit ang yakap niya sa ina. Hindi niya ito papakawalan. Gusto pa niya itong makasama. Nang matagal. Hanggang meron pa siyang hininga.

“Come on, sweetheart.” Magaang tinapik ni Selena ang likod niya. “We both know it will happen, right? Ang mahalaga, nasa maayos ka na sa piling ng bago mong pamilya, with the new you.”

“Pero ngayon pa lang tayo magkakasama at iiwan mo na ako. Ngayon ko pa lang naramdaman ang pagmamahal ng tunay kong ina at mawawala na naman?” Puno ng paghihimutok si Lori. Bakit ba ang unfair ng buhay?

“Listen to me, Lori.” Magaan siyang pinakawalan ni Selena. Pinahid nito ang mga luha niya ng dalawang kamay. “Hindi mawawala ang pagmamahal ko sa `yo. Kahit hindi tayo magkasama, palagi mo lang alalahanin na mahal kita at mararamdaman mo `yon.” Isang mahinang tango lang ang nagawa niyang ibigay kay Selena. “Live, Lori... Live once again. And when the time comes and the man you love knocks in your heart again, patuluyin mo siya. Love him like it’s your first time. Forget the pain. Only good memories should be remembered and you’ll be happy...”

Nang tuluyang maglaho si Selena sa paningin niya, ang nakangiting magandang mukha na lang nito ang huling image na nakarehistro sa kanyang isip. And thinking that the smile was for her, naging magaan na ang loob niya. Mas magaan kesa sa inaaasahan niya. Para siyang sugatang nilalang na sa isang iglap ay mabilis na napagaling.

“Love your new family, Lori. Love your new life. Love yourself...”

“GO,” MALAMIG na sabi ni Lori sa kaharap.

Mukhang nagulat ito na marinig na pinatatakas niya ang mga ito. Pero sandali lang at hindi na nag-aksaya ng panahon ang mga ito. Mabilis na hinila ng lalaki palayo ang babae at kumaripas ng takbo.

Nagbuntong-hininga si Lori. Wala nang mga astral bodies, wala nang pagkain. Ang tahimik na ng astral plane na iyon. But then, she smiled to herself while looking at the sunset. Malapit nang gumabi sa tabing-dagat ang nasampahan niyang astral plane. Sa mga ganitong pagkakataon lang sila malayang makapanood ng sunset. But still, walang kasingganda ang totoong sunset. There was a time that she was allowed to watch it. Dahil hindi naman siya nasusunog at kumikinang lang ang balat.

But still, hindi niya pwedeng i-expose ang sarili sa mga tao. She became a real astral vampire plus the benefits of being an element, too. Okay rin pala maging crossbreed. She was already enjoying her life. Kung... Kung sana, nandito rin si Theron.

Pero wala nang Theron na bumalik. Inamin sa kanya ng mga kapatid na inamin na ni Helios ang lahat kay Theron. Ipinaliwanag ng pamilya niya na kailangan ng mga itong mapatunayang mahal siya ng mortal. They were just testing him. And if he really loved her, he won’t stop loving her. Babalik ito sa kanya. Na sa palagay niya, hindi na mangyayari pa. At ang sakit lang. Sobrang sakit na hindi niya matanggap. Bawat araw, umaasa siyang babalikan siya ni Theron. At sasabihin nitong mahal siya maski anong uri pa siyang nilalang.

Mapait na napangiti si Lori sa kawalan, saka sumalampak sa buhanginan. How could Theron loved someone like her? Ang pagiging bampirang nakikihati ng enerhiya siguro ay matatanggap nito, pero ang pagiging anak ng demonyo...

“Weak.” Natigilan si Lori. Napatuwid siya ng upo mula sa buhanginan. Ramdam niya ang pagwawala ng kanyang puso pagkadinig sa pamilyar na boses. Pero nandoon ang takot niyang lumingon dahil baka pinaglalaruan lang siya ng pandinig. Baka sa sobrang kagustuhan niyang makita at makasama si Theron kaya niya ito naririnig.

Nagawa na niyang hubarin ang anulum commode. Naghahalo kasi ang kakayahan niya bilang astral vampire at ang kapangyarihan niyon at nahihirapan siyang kontrolin. Isa pa, hindi na naman niya kailangan ang kapangyarihan ng singsing na iyon.

Pero ngayon, mukhang kailangan na niya. Pumapalya yata ang super senses niya dahil nararamdaman at naririnig niya si Theron.

“That’s not the proper way to live like an astral vampire. Bakit mo pinatakas ang mga pagkain mo?”

Theron...

No! Hindi siya lilingon. Natatakot siyang lumingon. Baka wala naman doon si Theron.

“Come on, Lori. Hindi mo talaga ako papansinin?”

May sumalampak sa kanyang tabi. Gusto niyang suntukin ang dibdib para mapatahimik iyon sa pagwawala. Gusto niyang bumaling, pero para siyang na-freeze sa pagkakaupo.

At siguro naramdaman ni Theron na hindi niya ito kayang tingnan kaya inabot nito ang kanyang mukha at ito na ang nagpaling sa kanya paharap dito.

Sinalubong si Lori ng makalaglag-puso sa kagwapuhang mukha ni Theron. And when he smiled at her, she was lost in the third world.

Nagsimulang mamuo ang mga luha sa mga mata niya na ikinataranta ng mortal.

“Hey... hey! Why?”

Masuyo nitong hinaplos ang kanyang pisngi at hinalikan siya sa noo.

“B-bakit kasi ang tagal mo?” pahikbing tanong niya. Tuluyang tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Wala siyang paglagyan ng kaligayahan ngayong nasa harap na uli niya ang mortal. Ang kaalaman na nagbalik ito ay isa lang ang ibig sabihin.

Bahagyang natawa si Theron, mayamaya ay pinunasan ang kanyang mga luha.

“I’m sorry, love...”

Tinuyo ng maliliit nitong halik ang mga luha niya.

“Kinailangan ko muna kasing makasiguro.”

“Makasiguro?” Napalitan ng pagtataka ang kaligayahan ni Lori. Mayamaya ay humalili/ pumalit ang pait. “You mean, you are not sure if you really love me?”

“No! Not that!” mabilis na tanggi ni Theron. “Walang kahit sino ang may karapatang kumuwestiyon sa pagmamahal ko sa `yo. Not the demons from the underworld or the gods and goddesses from different world. Alam ng nasa Itaas kung gaano kita kamahal. At kung alam mo lang kung gaano kahirap na hindi kita malapitan habang binubuo mo ang sarili mo.”

“But you could have come,” masama ang loob na sagot niya.

“You can start guessing how much I wanted to.”

“Sinungaling!” Hindi niya napigilang singhalan si Theron.

“I’m not!” tarantang sagot nito na inabot ang mga balikat niya. “Gustong-gusto ko nang maging bahagi ng buhay mo.”

“Then what took you so long?” she snapped.

“Nero.”

“Nero who?”

“Kaibigan ko siya at kinailangan ko ang tulong niya.”

“Tulong? Para saan?” Naguguluhan si Lori.

“We researched how to marry a vampire.”

Sandaling napatanga si Lori kay Theron. Napakurap-kurap pa siya at mabagal na dinigest sa utak ang narinig. Baka kasi may mali. Baka nakaringgan lang niya ang sinabi nito. But it was clear as day that he said those words. Ang tampo niya ay biglang napalitan ng walang kapantay na ligaya.

Hindi rin niya napigilan ang sarili na matawa.

“Come on, `wag mo akong pagtawanan. Gusto ko lang na sa pagbabalik ko, at kapag sinabi kong mahal kita, maipakita ko sa `yo na totoo `yon. Valid and binding, katulad ng kasal ng mga tao sa simbahan namin. Gusto ko lang mapatunayan na mahal kita dahil ikaw ay ikaw. Si Lori ka man o `yong babaeng walang mukha.”

Inabot ni Theron ang isang kamay niya at dinala sa tapat ng dibdib nito. “While I am feeling this wild beating of my heart, I knew who I love. Hindi maliligaw ang puso ko dahil alam niya kung sino ang minamahal nito.”

Napaluha na naman si Lori habang nginingitian ang mortal. Dama niya ang katotohanan ng mga salita ni Theron. Idagdag pang nararamdaman niya ang napakabilis na pintig ng puso nito na parang sinasabing kailanman ay hindi iyon mapapagod tumibok para sa kanya. At nakikilala niyon kung sino ang minamahal nito.

“At... may na-research naman ba kayo?” Sa nag-uumapaw na ligaya ay wala nang iba pang masabi si Lori.

Bumuntong-hininga ito. Doon pa lang ay nahulaan na niya ang sagot.

“Hindi naman kasi kami nagpapakasal. Wala kaming batas kaya magulo ang mundo namin,” sabi niyang inabot ang mukha nito para payapain.

“Then, paano ako makakasigurong sa akin lang ang pag-ibig mo? Kahit anong oras pala, pwede mo akong iwan kapag ginusto mo.”

“Eh, `di ba, magpapakasal nga tayo?”

Malapad na ngumiti siya nang sumimangot si Theron.

“Batas namin `yon. Kayang-kaya mong sumuway.”

“A vampire never broke a promise, Theron.” Nagseryoso na si Lori nang hulihin niya ang mga mata nito. “Mula no’ng una kitang makita sa astral plane, alam ko na noon na ang damdaming ginising mo sa akin ay pag-ibig. Nahirapan lang akong aminin sa sarili ko dahil, hindi pa buo ang katauhan ko.” Nagbuntong-hininga si Lori, mayamaya’y masuyong nginitian si Theron, saka tumingin sa buong paligid.

“Umalis na tayo dito sa astral plane,” yaya niya bigla kay Theron.

“Ha? Eh, ang ganda ng view dito. Mas gusto kong marinig ang confession mo sa harap ng papalubog na araw,” pilyong ngumiti ito sa kanya. “Para romantic.”

Inirapan niya si Theron. “Ano’ng gusto mo? `Yong romantic o `yong valid and binding?”

Napamulagat si Theron. Natawa naman si Lori.

“May paraan para maging valid and binding?” Mabilis pa sa alas-kwatro na tumayo si Theron. “Tara na! Gusto ko nang maging valid and binding ang promise of love natin.”

Natatawang tumayo si Lori. Sandali pa at magkahawak-kamay silang bumaba sa rooftop ng isang residential building na umabot sa halos apatnapung palapag. Mula roon, parang abot na abot nila ang napakalaki at napakaliwanag na buwan.

“Wow! It’s a super moon! Ngayon nga pala `yan ulit magpapakita after sixty-eight years.” Namamanghang napatitig si Theron sa malawak at madilim na kalangitan. Pero mula roon, kumikinang at agaw atensyon ang super moon. Mula rin sa kinaroroonan nila, napakaraming nagkalat na mga tao saan mang sulok ng bansa para panoorin ang napakagandang buwan.

“Alam mo ba na marami sa aming mga tao ang naniniwalang kapag bumigkas ka ng spell of love sa ilalim ng buwan kasama ang mahal mo, hindi na kayo maghihiwalay?” Kumikinang sa kaligayahan ang mga mata ni Theron nang humarap sa kanya.

“Pero hindi spell ang bibigkasin ko sa harap mo, Theron. Sa ilalim ng napakagandang buwan na ito...” Unti-unting nawala ang ngiti ni Theron at nagsalubong ang mga kilay habang nakamasid sa kanya.

“What do you mean?”

She smiled at him sweetly, saka ito nilapitan. Inabot niya ng dalawang kamay ang gwapong mukha ni Theron. “I want my promise to be valid and binding. At saksi ang buwan sa lahat ng pangako ko sa `yo.” Ngumiti ng pagkalapad si Theron. “Right at this moment, nangangako ako na mamahalin kita hanggang sa huling hininga ko. And maybe, if I will be living my next life, vampire or not, I will still love the same man. It will always be you, Theron. You will always be the man I love and will love.”

“Mas mabisa pa sa love spell ang pinakawalan mo ngayon, Lori,” biro ni Theron.

Pabiro siyang sumimangot. “You, humans, believe in superstitious beliefs. Hindi n’yo ba alam na mahina ang mga entity kapag full moon? Sino ang magga-grant sa mga hiling ninyo?”

Tumingin uli si Theron sa itaas.

“Our King up there. I always believe in Him. That He will always grant wishes of His believer.”

Natahimik na siya. Ano ang sasabihin niya? She didn’t even know their God.

Bumaling si Theron sa kanya na malapad pa rin ang ngiti. “Can you see? Our love is impossible but because He can do impossible things to happen, here we are. Lathan and Scylla’s love happened. This love happens once again.”

“But, Theron, I am—”

Inabot ni Theron ang kanyang baba at iniangat. She could see passion and desire glittering in his eyes and she knew it matched the stir in her loins, and the havoc in her stomach, and the wild beating of her heart. Damn but she was crazy in love with this mortal.

“Look, love. Demons or the fallen angels were once an angel. Walang hindi natanggap ang Diyos na gustong bumalik sa liwanag basta taos-puso. And as for you, isinilang ka lang sa lineage ng mga masasama but it doesn’t mean you will be bad in your entire life. Isang bagay na natutunan ko nang tanggapin kong mahal kita ay ang huwag tingnan ang pinagmulan mo kundi kung ano ka ngayon. Everybody entitled to live, Lori. It just happens that parasitism is your way of living. At least you didn’t slay your victims or your food. That’s still fair.”

Magaang hinagkan siya nito sa kanyang mga labi.

Txrf2fx“And for all I know, you had been living a hard and painful life, but you never hated life or anyone who made you. You questioned life but never cursed it. At isa lang ang ibig sabihin n’on: I am loving the right woman. Walang perpektong mabuti, Lori. At kahit hindi mabuti ang pinagmulan mo, mas malinis ka pa kesa ibang nilalang na mabuti ang pinagmulan.”

Wala na siyang masabi kay Theron. He was seeing the good in her when she can’t see it by herself.

“Theron, mahal mo kasi ako kaya nasasabi mo `yan. Baka pagsisihan mo sa hinaharap na ako ang pinili mong mahalin.”

“Silly.” Pinitik nito ang kanyang noo. “Hindi kita pinili. My heart beats for you. That’s the natural way people fall in love. Hindi kita pinili. I just fell in love. Madly and desperately na hindi ko magawang pakibagayan ang sarili ko kapag wala ka sa tabi ko. This feeling is bursting, Lori. This love is bursting...”

She ended his words of love with one torrid and carnal kiss she was always depriving herself. But she could’t held herself anymore. Theron was always bringing the best and the worst in her. And no matter what, she knew Theron will always love her.

And if she will going to repeat her life, she would gladly repeat her story with Theron. Masakit at masaya, it was all worth it.

If God really exist, then she will be forever grateful in giving her a chance to love His creature. This awesome man like Theron was all she needed.

“Thank you for coming, Theron.” She smiled while gazing up at him.

“With pleasure, my love.” He kissed her once again habang lumulutang ang mga astral body nila sa alapaap. “Your seduction really works for me. It strikes me first.”

“Well, a succubus like me can’t do anything with that.”

He matched her grin as they continue kissing.

WAKAS

EPILOGUE

PAGPASOK pa lang ni Helios sa loob ng night bar, nahagip na ng kanyang paningin ang hinahanap. Kasalo ito ng isang grupo na nagkakasiyahan sa tagong bahagi ng maingay at magulong bar.

Naglakad si Helios palapit sa grupo na kung hindi siya nagkakamali ay grupo ng mga Illuminati sa bansa. Nakatitig siya sa partikular na babae na hindi niya pwedeng ipagkamali sa iba. Ramdam na ramdam kasi niya ang pamilyar na pagwawala ng kanyang puso. Naaamoy niya ang nakakatakam na blood energy nito. Sa iisang babae lang niya iyon naramdaman... Kay Fleure. Ang mortal na minahal niya pero sa huli ay pinagtaksilan lang siya.

Remembering the old days, it pricked his heart, so deep. At para bang ang kahapon ay nangyayari lang ngayon. His heart was getting wild while stepping near the group. Habang papalapit ay mas nagiging malinaw ang anyo ng babae.

She was kind of different now. So wild, so hot, and alluringly sexy.

Pero katulad ng dati, taglay pa rin nito ang tough image. But the serene beauty was gone. She looked so wild and free while wiggling her perfectly curved body to the tune of the wild and fast music filling the whole place.

Sigurado siyang si Fleure ang babaeng sinusundan niya kanina pa. But looking at her now, gusto niyang mag-isip uli.

Parang magigiba ang dibdib ni Helois nang sa wakas ay magkaharap na sila ng babae. Itinuturo siya ng mga kasamahan dito, pansin iyon ni Helios.

Sandaling namilog ang mga mata ng babae nang mapansin siya, mayamaya ay sumalubong din sa kanya palapit.

“Hey! Have we met before?” malakas na tanong nito, siguro ay para pumaibabaw iyon sa ingay sa paligid.

Hinawakan niya ang babae at sa isang sandali ay nakalayo sila sa lugar na iyon. Sa tagong bahagi ng nagtataasang mga building sa siyudad ay nagawa niyang dalhin ang babae nang walang nakakapansin.

“Oh, my God! Is that real?” hindi makapaniwalang tanong ng babae. “Am I dreaming? O baka lasing na ako? Paano tayong nakarating dito nang ganoon kabilis?”

She couldn’t be faking the surprised and horror she had in her beautiful face. She was Fleure, he was sure of that! Hindi niya marinig ang iniisip nito at si Fleure lang ang nag-iisang mortal na hindi niya mabasa.

“Fleure...” he whispered, almost stopped from breathing.

Kumunot ang noo ng babae sa paraang nagtataka.

Hindi napigil ni Helios na abutin ang magandang mukha nito at magaan iyong haplusin.

And just like before, she felt so soft and so warm. She stirred the same feeling when he touched her like that.

Helios had lost his control and framed her face with his hands. Hinalikan niya ang dalaga sa marahas at malalim na paraan. His blood burned and pulse inside his veins. That was it!

She made his cold blood flamed like that! Nang tumugon ito sa halik, it was confirmed.

But how? How can this be happening? Matagal nang patay si Fleure, paanong ngayon ay kahalo ito ng mga mortal?

“H-how d-did you know me?” Pagtataka at kalituhan ang nakikita niya sa babae. At gusto na rin niyang malito.

“Buhay ka? Paanong nabuhay ka uli?”

Nahagip ng mga paningin ni Helios ang kanang pulsuhan ng babae. Mabilis na inabot niya iyon at ininspeksyon.

And just by then, he knew why.

“You are an Illu?!”

Namilog ang mga mata nito at manghang napatitig sa kanya.

“Paano mong... nalaman?” Bakas ang kaba at takot sa boses nito. “Bakit kilala mo ako? Sino ka ba? Anong klaseng nilalang ka? Bakit ang bilis mong kumilos?”

Hindi siya kilala ni Fleure? Hindi na siya nito kilala... Kung ganoon, nakalimutan na rin nito ang lahat ng atraso nito sa kanya? At ang lahat ng pinagsamahan nila? Ganoon lang ba siya talaga kadaling kalimutan?

Gusto niyang magalit! Gusto niyang magwala. Pero nang muling balingan ni Helios ang babae at matitigan ang napakaganda nitong mukha, gusto na lang din niyang makalimutan ang nakaraan at magsimula ng panibago.

Kaya lang, ano ang assurance na hindi na mauulit ang ginawa nitong pagtatraydor sa kanya?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.