“LAYUAN mo si Lori, Theron. Iyon ang pinakamabuti mong gagawin para sa kanya.”
Maski nanghihina pa ang katawan ni Theron, bumangon siya mula sa kama. Nahila siya ng kanyang silver cord pabalik sa katawan nang halos masaid na ang kanyang enerhiya. Kababalik pa lang niya nang sa pagdating ng magkakapatid na Monfort na sina Helios, Lathan at Ailister. Sina Azriel at Axyl ang malamang ay nakakalat sa dilim para gumawa ng mga tungkulin ng lahat.
“Ano’ng sinasabi n’yo? Mas ngayon ko siya dapat na bantayan dahil anumang oras, babalikan siya ng demonyo!” paangil na sikmat ni Theron kay Helios.
Matapos ang lahat ng ginawa niya, ito pa ang mapapala niya? Napakawalang-utang-na-loob ng mga bampirang ito! At nasaan ba ang mga ito noong nasa panganib ang kapatid?
“Babantayan? Eh, bantay-salakay ka! No, hindi namin ipagkakatiwala si Lori sa `yo,” balik sikmat sa kanya ni Ailister.
Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng isang ito.
“Alam namin kung bakit niyayaya mo siyang magpakasal at maging iyo. Tigilan mo na ang kapatid namin dahil hindi kami papayag sa gusto mo.”
Tiningnan ni Theron nang masama si Lathan. Nagniningas na asul ang mga mata nito. Tanda na nagagalit.
Fine.
Alam naman niyang dahil iyon sa ilang beses niyang hinadlangan ito at si Scylla. Malamang ay gumaganti ang bampira kaya pinahihirapan siya.
“No. Hindi kami ang uri na gumaganti,” mabilis na sambit ni Helios na mukhang sagot sa iniisip ni Theron. “Napagkatuwaan ka lang ni Lori noon pero hindi talaga pagganti ang dahilan ng paglapit niya sa `yo. Siguro dahil natatakam lang siya nang husto sa blood energy mo.”
“O pwede ring gusto na niya ako noon pa man.” Puno ng kumpiyansa ang ngiting ibinigay niya sa magkakapatid na bampira.
“At ginagamit mo `yon laban sa kanya! Isa kang tuso!” bigla ay parang gusto siyang sugurin ni Ailister. Ano ba’ng ginawa niya at galit na galit ito sa kanya?
“Hindi ko ginagamit iyon laban sa kanya. I was just claiming my rights to take her love for me and to give my love for her as well. Mahal namin ang isa’t isa! Hindi n’yo ba `yon nakikita?” Bumaling si Theron kay Lathan sa pag-asang maiintindihan siya nito. After all, nagmamahal din ito ng hindi nito kauri.
“Don’t give us that bullshit! Alam naming ginagamit mo lang siya para sa sarili mong kapakinabangan!”
Napatayo nang bigla si Theron. Hindi na niya kayang palagpasin pa ang pagbibintang at pagkwestiyon ng mga ito sa damdamin niya.
“I love her! At hindi ko kailangang magpaliwanag sa inyo. Si Lori at ako lang ang magkakaintindihan pagdating sa bagay na `yan.”
Susunggaban na sana siya ni Ailister pero pigilan ito ni Helios.
“Tama na. Nagsasabi nga siya ng totoo.”
Natigilan naman si Ailister.
“Akala ko ba sabi mo...”
“`Yon din ang intindi ko noong una.” Mababa na ang tono ni Helios.
“Damn you! You are a mind reader Helios! Paano kang nagkamali?!” Ngayon, kay Helios na nagagalit si Ailister. Habang si Lathan naman ay napabaling rin dito.
Hindi niya maintindihan ang mga bampira. Ano bang sinasabi ng mga ito?
“But still, you can’t be with Lori, Theron,” muli ay baling ni Helios sa kanya.
“Pero bakit?”
“Hindi mo pwedeng mahalin ang kapatid namin dahil matagal na siyang patay.”
Parang nanlalaki ang ulo ni Theron sa narinig. Namali lang ba siya ng dinig o pinaglololoko siya ng mga ito?
“Ano’ng sinasabi mo? `Ayun nga, o? Iniligtas ko pa siya.”
“Hindi siya si Lori. Ang nilalang na nasa katawan ng kapatid namin ay anak ni Selena at ng elemento.”
Nagtitikwasan ang mga kilay ni Theron habang pilit dina-digest ng isip ang mga sinabi ng bampira. Hindi niya gustong marinig pero parang kidlat na bumalik sa isip niya ang sinabi ng demonyo.
“Watch me how I own my daughter... Just how I own Selena.”
At si Lolo Haji.
“Make Lori the real Lori...”
“Hindi... Imposible...” halos walang boses na nasambit ni Theron habang paulit-ulit na naririnig ang sinabi ng kanyang lolo at ng demonyo.
Anak nito si Lori... Si Lori ay...
“Yes, Lori is the daughter of a demon,” pagtutuloy ni Helios sa kanyang iniisip.
“No! That can’t be...”
Ayaw tanggapin ng isip ni Theron ang mga narinig. Hindi niya kayang tanggapin iyon. Dahil ang babaeng minamahal niya ay isang bunga ng nilalang na kinasusuklaman niya nang husto at ni Lolo Haji. Si Lori ang buhay na patunay ng lahat ng paghihirap ng mahal niyang lolo. At itinanim niya sa isip noon na ang lahat ng may kinalaman sa nangyari kay Selena ay dudurugin niya gamit ang mga spells at chants na pinag-aralan niya.
Pero paano niyang dudurugin si Lori? Maski ang makitang saktan ito ng iba ay hindi niya kaya, iyon pa kayang siya mismo ang gumawa niyon? Paano ang pangako niya sa kay Lolo Haji?
“There’s no way we will let you hurt her.”
Biglang naalerto sina Lathan at Ailister sa sinabi ni Helios.
Deretsong tinitigan niya si Helios.
“Do you really believe na makakaya kong saktan ang babaeng mahal ko?”
Isang walang siglang ngiti ang ibinigay ni Helios sa kanya.
“That’s the last thing you will do. Pero alam ko ring tumutupad ka sa pangako. Hindi ba at nangako ka sa Lolo Haji mo na kapag dumating ang panahong makaharap mo ang nilalang na may kinalaman sa pagkasira ni Selena ay papatayin mo? And Lori is also connected to that. A fruit that Selena really hates. Ibig sabihin, nagagalit ka rin kay Lori.”
Why would he hate Lori? Kasalanan ba nito na ipinanganak mula sa binhi ng demonyo?
But she was still a demon. Malaking bahagi ng pagkatao nito ay mula sa pinagmulan nito. Paano niya tatanggapin ang katotohanan na iyon? Paano siyang magmamahal ng isang... Isang...
Argh! God! He didn’t know what to think. Parang napupuno ang utak niya ng napakaraming isipin. Kailangan niyang mahanap si Selena para malinawan na ang lahat. At hindi ba iyon naman talaga ang matagal na niyang ginagawa? Pero hanggang ngayon, hindi niya makita ang hinahanap. Sa halip, iba ang natagpuan niya.
At paano si Lori? Hindi ito titigilan ng demonyo. At bakit nga ba ito gustong halayin ng demonyo?
“Kami na ang bahala kay Lori. Kami na ang poprotekta sa kanya laban sa kanyang ama.”
“Akala ko ba, patay na si Lori? Paanong...”
“We gave her our sister’s identity,” sagot ni Lathan. “From the very beginning, she is Lori. Siya lang si Lori mula sa pagkalikha sa kanya at maging hanggang sa huling hininga niya. She will always be an astral vampire just like us. Kapag natapos ang transition ng pagkaka-convert niya, tapos na rin ang problema namin sa incubus.”
“Pero bakit n’yo sinasabi na ginagamit ko lang si Lori?”
Napakarami niyang hindi maintindihan at pilit nilalawakan ang pag-iisip para maunawaan ang mga bampira. Gusto niyang maintindihan ang mga ito.
“So, he really didn’t have any idea from the very beginning, Helios?” hindi makapaniwalang tanong ni Ailister na nahaplos ang sariling batok. Guilt was all over his face.
“My bad,” pag-amin ni Helios.
“Damn you, big brother! We hated the guy when all he just did was—”
“Theron loves her, damn you, Helios!”
“Shut up, you two!” galit na singhal ni Helios sa mga kapatid na panay ang paninisi rito. Nagtatagisan ang mga bagang ng dalawa na lumayo sa kapatid. Lumapit ang mga ito sa panel window kung saan dumaan kanina. Mukhang gusto na lang umalis.
Hindi niya alam kung matutuwa sa mga ito dahil sa wakas ay pinaniwalaan na siya. O malilito pa rin dahil mukhang may ibamg paniniwala. At kung anuman iyon, gusto niyang malaman.
“Ang paraan lang para makawala si Selena sa elemento ay ang maputol na ang nag-iisang may buhay na ugnayan ni Selena at ng elemento. At si Lori `yon. Kung may iba nang magmamay-ari kay Lori, o kung may aangkin sa kanya sa unang pagkakataon, mawawalan na ng karapatan ang elemento sa kanya. And at the same time, it will cut the hold of the demon from Selena. She will be free, sa ayaw at sa gusto ng elemento. Pero dahil tuso ang elemento, gagawin niya ang lahat para makuha si Lori. But don’t worry about that. Dahil may isa pang paraan. Ang dahilan kung bakit lumapit si Selena at hiniling na tulungan ni Astryd ang anak niya ay may double purpose. To gave her daughter a new life and to free her from the demon as well. And we will take care of that. Kapag natapos na ang transition, Lori will be one of us. Magiging amin na siya, and it will cut Lori’s connection to her descent though the ability and the habits will reside. Selena as well will be free. Hindi mo na kailangang sundin ang utos ng lolo mo na angkinin ang kapatid namin. There’s always an alternative to everything.”
Pabagsak na napaupo uli sa kama si Theron. Parang tuluyan siyang naubusan ng lakas matapos ang mahabang paliwanag ni Helios. Iyon pala ang dahilan ng lahat ng sinabi ni Lolo Haji. He was used and being manipulated. Akala pa naman niya, dahil naniniwala ang lolo niya na mahal niya si Lori kaya sige ito sa pag-udyok sa kanya.
Pero aaminin ni Theron na nang alukin niya ng kasal si Lori, ni hindi pumasok sa isip niya ang sinabi ni Lolo Haji. It was by impulse and what his heart commanded him to do. He wanted Lori. He love her... so much. Na ayaw niyang mawala ito sa kanya kaya gusto niyang matali na sa kanya si Lori.
He knew that when vampires gave their promise, they stood with it, no matter what. So, he wanted Lori to promise a lifetime with him.
Kaya lang, magagawa pa ba nilang magpalitan ng pangako kung ang lahat ay hindi tumutugma sa gusto at inaasahan nila?
Lori was a fruit of their decades enemy. He should hate her as well.
“You better do. Hate her and it will help you to stop yourself from messing with us.”
Nasa bintana na rin si Helios. At nang lingunin niya ito ay eksaktong nakasampa na ito roon at tumalon palayo.
“But how can I hate the one I love?”