CHAPTER 3

AKALA ni Fleure, makakalimutan na niya ang mga nangyari nang nagdaang gabi matapos makapagpahinga at matulog. Baka naman kasi stress lang at sobrang drown siya sa sariling kalungkutan kaya kung anu-ano nang naiisip niya. To the point na naiisip niyang totoong nangyayari ang lahat. Pero bakit ganoon? Kahit ngayong umaga na nagising siya, alam at ramdam niya sa sarili na totoong nangyari nga ang nakita at naranasan niya.

“What kind of human could it be?” Naihilot ni Fleure ang mga daliri sa sariling sintido.

Imposibleng basta tao lang ang nakita niya kagabi? Tsaka, kung experimental human being iyon na nakawala sa kung saang laboratory, katulad ng nag-leak na information from South American countries, then bakit nasa Pilipinas?

“Eeer! Bakit ko pa ba pinoproblema iyon? Hindi naman mukhang wild thing ang nakita ko kagabi. In fact he is…”

Natigilan si Fleure nang muling sumagi sa isip niya kung gaano kagwapo ang lalaking may kakaibang kakayahan. He was utterly handsome. At nakakatunaw makatitig ang asul na mga matang iyon ng lalaki. Para bang sa sandaling magkahulihan sila ng mga mata, gusto niyang manlambot sa intense na titig nito. Gusto niyang magpayakap sa matitigas at malalakas na mga braso nito.

What the heck?!

Malakas na ipinilig ni Fleure ang sariling ulo. Gosh! What a lunatic she could be? Epekto na siguro iyon ng palaging mag-isang nagce-celebrate at ang laging karamay ay alcohol.

Pinilit dalhin ni Fleure ang sarili sa ibaba para silipin kung dumating na ang kanilang mga stay-out maid. Yes, stay-out ang mga iyon. Bukod sa taga malapit lang ang bahay na tinitirhan ng mga kinukuhang taga-linis, wala namang pagsisilbihan ang mga ito ng twenty-four hours sa bahay. Ang kanyang ina, hindi niya alam kung anong oras umuwi o kung umuuwi pa ba? O kung umuwi nga, malamang na mamaya ay aalis na naman iyon kapag nagising. Hindi naman iyon tumitigil sa bahay.

Twice a week siyang nagpapa-general cleaning sa kanilang mansyon para ma-maintain ang quality ng ibang mamahaling gamit na inipundar ng kanyang ama. By that time, hindi pa din naman sobrang madumi ang bahay pero hindi kakayanin ng isang tao lang kaya mga tatlo hanggang apat. At sa pangunguna iyon ng katiwala na si Manang Karina. Ito na din ang pinapakuha niya ng makakatulong nito sa pag-aasikaso ng mga dapat ayusin at linisin, yamang napakalaki ng tiwala nila sa ginang. Nag-aaasikaso na ito sa mansyon, maliit na bata palang siya. Ito ang nagluluto ng pagkain. Ang iba pang bagay ay ito na ang nagmamando sa mga kasambahay na kinuha nito. Basta pagdating ng alas-sinko ng hapon, umaalis na ang mga iyon, habang si Manang Karina ay hanggang alas-sais. Nag-iiwan nalang ng lutong hapunan kung sakaling may bilin siya na sa bahay maghahapunan. Which is madalas na hindi. Sobrang lungkot kumain mag-isa. Hindi niya alam kung kailan siya masasanay na ganoon. O kung dadating pa ba ang araw na masasanay siyang mag-isa.

Pagkababa sa landing mula sa malaking hagdanan, ang Mommy niya kaagad ang una niyang nakita. Tulog na tulog ito sa couch doon sa living room. Ni hindi na yata kinayang dalhin ang sarili paakyat sa sariling silid. Napailing si Fleure at naihilot ang mga daliri sa sariling sintido. Malamang na madaling araw na ito nakauwi at galing na naman sa pakikipag-party sa mga amiga nitong mga walang kwenta. Hanggang kailan ba magkakaganito ang kanyang ina? Hanggang kailan nito gagawin ang pagrerebeldeng iyon ganitong patay na ang kanyang ama? Patay na ang pinagrerebeldehan nito. Sino pa ang posibleng dahilan ng ipinagkakaganito nito?

Siya?

‘I wish I had never had you. Sinira mo ang buhay ko. Sinira niyo ang buhay ko!’

‘Kung hindi dahil sa ‘yo, hindi sana ako maoobligang pakasalan ang ama mo!’

Naalala niyang minsan ay nadulas at sinabi iyon sa kanya ng kanyang ina nang umuwi itong lasing at sinita niya. Hindi na kasi siya nakapagpigil noon. Matanda na ito para gawin pa ang pagwawala.

And there, she heard the most painful words she could ever hear in her entire life. Her mother was swearing at her, as if she was never pleased to have her.

Ang lagay pala, ito pa ang napikot ng kanyang ama? Ano ba ang kagusto-gusto rito at ganoon nalang ang pagtitiis ng kanyang Daddy sa kanyang Mommy?

At ito pa ang galit sa kanila? Hindi ba, siya nga ang dapat na nagagalit dito? Napakawalang kwenta nitong ina! Napakadaming unwanted pregnancy na nangyayari sa mundo pero sa sandaling ilabas ng ina ang anak niya, nandoon kaagad ang masarap na yakap na ibinibigay sa anak. Bakit ang kanyang Mommy ay hindi. Para siyang may nakakahawang sakit na pinandidirihan. O kaya ay para siyang isang mortal na kaaway kung ituring.

Pero sa kabila noon, hindi niya magawang itakwil ang sariling ina. Dahil alam niyang kahit bali-baligtarin ang mundo, hindi mababago ang katotohanan na ito ang nagluwal sa kanya. Dapat ba niyang ipagpasalamat na itinuloy nitong ipinagbuntis siya?

Ah… hindi niya alam. She considered her life was not a gift but a curse. And she had no choice but to live as it is. May duda din siya na siguro, noon ay binalak siyang ipalaglag ng ina. Kung hindi ay bakit ganito ang trato sa kanya? Kulang nalang ay hilingin nitong mamatay nalang siya.

Nilayasan ni Fleure ang inang natutulog. Everytime she would saw her, the pain stings inside her heart. Akala niya, manhid na siya sa sakit na dala nito sa kanya. Sa pambabalewala nito. Sa hindi nito pag-fulfill sa obligasyon sa kanya bilang anak. Sa hindi niya maintindihang galit nito. Akala niya, hindi na niya mararamdaman ang sakit sa tila paulit-ulit nitong mga masasakit na salita. Pero hindi eh. Palaging mahapdi ang alaalang iyon. At parang sugat na binubudburan ng asin sa tuwing makikita niya ang ina.

Why did Fleure still stays with her? Isa lang ang dahilan. Ang kanyang ama. Ang dying wish nito. Kahit na nga ang kapalit noon, parang araw-araw siyang sinusugatan ng kahilingang iyon.

Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakwalan ni Fleure. “Manang Karina…?” tawag niya sa househelp nila na agad namang lumabas mula sa kitchen.

Sabi na nga ba at nandito na ang househelp. Maaga kasi itong pumupunta sa bahay para maabutan siya at maipagluto ng almusal.

“Ano ‘yon ineng?” Magalang na tanong nito.

“Pahingi pong kape.” Sabi niyang dumeretso sa counter top sa loob ng kitchen.

Mabilis na sumunod naman nga si Manang Karina sa hinihingi niya. Ilang sandali lang at may umuusok nang kape sa harapan niya. Parang nagising ang inaantok na himaymay ni Fleure pagkaamoy sa matapang na aroma ng kape. Brewed. Sa umaga ay inihahanda na ni Manang Karina ang brewer nila para sakaling humingi siya ng kape ay hindi na matatagalan pa. Napangiti siya sa isiping iyon. Manang Karina had been more like a mother to her. Ito ang nag-aasikaso sa kanya at sa kanyang Daddy noong nabubuhay pa ang huli. Kung wala ito, hindi na yata niya mararamdaman ang pag-aasikaso ng isang ina. Maswerte siyang sa loob ng madaming taon na pagsisilbi nito sa pamilya nila ay hindi minsan man naka-isip mag-resign. Kahit na nga tumatanda na din.

Humigop siya ng kape. Nagpatuloy naman sa ginagawa nito si Manang Karina.

“Anong oras nakauwi ang Mommy mo? Mukhang puyat na puyat ah?” Narinig niyang tanong ng ginang.

Napabuntong-hininga si Fleure. “As usual Manang, naki-party na naman iyan, hindi ko alam kung anong oras siya nakauwi. Nag-party din kasi akong mag-isa.”

Lumingon sa kanya si Manang Karina at saka siya binigyan ng masuyong ngiti. “Congrats nga pala sa pagkapasa mo.”

Ginantihan niya iyon ng ngiti. “Salamat po.”

“Ano nang plano mo pagkatapos nito? ‘Di ba at nakapasa ka na? Doktor ka na.”

“Hindi pa po.”

Siyempre ay may mga iba pang dapat pagdaanan. Residency na ang kasunod nito, which was three years bago siya makapag-take ulit ng specialization exam. At sa San Victorio Medical Center siya natanggap para sa residency niya. Actually ay pwede na siyang magsimula kung kailan niya gustuhin lalo pa at may tight bind ang kanyang ama sa Director ng SVMC. And yes, she was still living behind the shadow of her father. Wala siyang regrets doon. Kahit sa ganoong paraan man lang ay makasama pa din niya ang ama.

Ahh. She really missed her father. So badly missed him. Siguro, kung nabubuhay ito, ang kanyang ama ang unang-unang magiging proud sa kaalamang pang apat siya sa top ten siya ng mga medical board passers.Ito din ang magga-guide sa kanya sa kung ano ang next step. Her seniors advice her to take a little time for vacation pero para saan pa ang bakasyon kung wala din naman siyang makakasama?

“I really hope that Dad was here now. Alam ko sana kung ano ang mas dapat na unang gawin pagkatapos nito.”

Nanakit na naman ang lalamunan ni Fleure pagkaalala sa ama. Hanggang ngayon, hirap pa din siyang tanggapin na wala na ito. Na kahit kailan, hindi na niya makakasama pa ang ginoo.

Agad ay nasa tabi niya si Manang Karina at tinapik siya sa likod. “Siguradong masayang-masaya ang Daddy mo sa pagkapasa mo. Hindi lang basta nakapasa. Top notcher pa.” Pagpapatibay nito ng loob sa kanya.

There. Mga salita ng ginang ang kadalasan nagpu-push pa sa kanya to move through. Mga paalala nito na dapat siyang magpatuloy dahil iyon ang gusto ng Daddy niya.

“I hope so…” Isang malungkot na buntong-hininga.

Magaang tinapik siya nito sa balikat. As if telling her to cheer up. At isang masuyong ngiti ang ibinigay nito sa kanya nang tingalain niya. Nasa ganoong eksena sila ni Manang Karina nang bumungad sa kusina ang Mommy ni Fleure.

“Ang sakit ng ulo ko. Pahinging kape, Karina.” Sabi nitong dere-deretso sa high stool.

Nakasapo ang isang kamay sa sintido habang todo-pikit ng mariin. Ni wala itong pakialam kung nandoon lang siya sa tabi nito.

Huh! What would she expects. Para silang invisible sa isa’t-isa. Ni hindi sila nagbabatian na mag-ina. Sawang-sawa na din siyang mag-reach out dito kaya pinatigas nalang niya ang loob. Kung ayaw siya nitong kibuin, hindi niya din ito kikibuin. Nagpaalam siya kay Manang Karina na mag-aayos na para sa pag-alis. Ibinilin niya dito ang bahay pero hindi ang ina. Surely ay wala din namang pakialam ang iresponsableng ina.

And now, where to? Saan nga ba siya pupunta ngayong araw?

Medyo naiinis siya. Wala siyang plano para sa araw na ito. At hindi siya sanay na ganoon. Araw-araw ay busy siya. Pero ngayon, wala siyang pagkaka-busy-han.

This is her day to feel stressfree. Her day to unwind. Pero wala siyang maisip na puntahan. Ang mga kaibigan niyang pare-parehong nakapasa din sa Medical Board Exam, mga nagsilipad papunta sa kani-kanilang vacation destinations. Inaaya naman siya ng mga ito na maki-join. But they’re with their families. Again, magiging bitter na naman siya at lalamunin ng sakit at galit kapag nakita kung gaano kasasaya ang mga ito na may pamilya.

Hindi naman sa ayaw niyang makitang maayos ang pamilya ng mga kaibigan. It’s just that it pained her more seeing them happy while she was still grieving with her father’s death. Hindi na yata dadating na makakalimutan niya ang sakit ng pagkawala ng ama. Magse-selfpity lang siya kung sasama sa mga ito. She preferred to be alone.

Para ano? Umiyak lang din at ipagluksa ang pag-iisa?

Isang malalim na buntong-hininga. Hinila niya ang bath towel at dumeretso sa shower.

“THIS is life! Whoooah!”

Nasa isang mataas na bahagi ng Rizal si Fleure. Sa isang abandonadong bahagi ng kalupaan ng Rizal. Hindi daanan ng mga sasakyan pero masarap ang ihip ng hangin. Lalo na kung gabi. Mula din doon, kitang-kita niya ang kabahayan sa buong lugar. Magandang tingnan kapag gabi dahil sa makukulay na ilaw ng mga kabahayan at establishments. Mag-isa siyang umiinom ng alak na nasa lata habang nakaupo sa nakasaradong back compartment ng Vios. Isa sa mga sasakyang pag-aari ng kanyang Daddy at matagal na ding hindi nagagamit. Nasa talyer pa din kasi ang kotse niya. Nangako naman ang mekaniko na maaayos ‘yon hanggang bukas. Bago siya bumyahe papunta doon, namili muna siya ng lata-latang alak. ‘Yong pulang kabayo.

Hawak ang lata ng inumin na napangalahati na ay hinarap niya iyon at parang timang na kinausap. Pang ilang lata na ba niya iyon?“Ikaw lang ang nag-iisang cold na hindi ko pagsasawaang mahalin. Ang karamay ko sa buhay! Cheers, buddy!” Saka iniangat sa ere ang lata.

At humalakhak siya na parang nababaliw na. Lasing na siyang talaga. Kung anu-ano nang pinagsasasabi niya.

Just this once. Ibibigay niya ang buong araw at gabi na ito para sa sarili, sa paglalasing at paglalabas ng lahat ng himutok sa mundo. Pagkatapos ng araw na ito, balik na siya sa tunay na buhay. Babalik na siya sa buhay na gusto ng ama para sa kanya. She needs a break. Wala naman sigurong masama kung ngayon niya ike-claim ang “break” na kailangan niya, ‘di ba?

Isang buntong-hininga at tumutok ang mapupungay nang mga mata ni Fleure sa magandang scenery sa kanyang harapan.

“Ang saya-saya mag-isa. Sobra! Hindi ko naman kailangan ng kasama. Aanhin ko ba sila?” Napabuntong-hininga ulit siya saka tinungga ang natitira pang laman ng lata. Inihagis niya iyon sa kung saan nang makarinig ng isang singhap ng tila nasaktan.

Napalinga-linga siya sa paligid. Wala namang ibang naka-park doon kundi ang sasakyan niya. Oo at minsang nag-unwind siyang mag-isa doon, may sasakyan din siyang nakita na nakapark sa gilid ng kalsada. May nag-e-emo din na lalaki doon pero hindi naman siya nag-abalang magtanong o makipag-usap. Dahil kaya naman siya nagpupunta doon ay para maghanap ng katahimikan.

Totoong matahimik na nga sa malaking bahay nila. Pero ang bawat sulok ng bahay na iyon, nagpapaalala sa masasayang nakaraan nila ng ama. Masasayang alaala na nagiging masakit na tuwing maiisip niya. Kaya nga lumalayo siya. Tumatakas. At naghahanap ng kapayapaan.

“Is this yours?”

Muling napasinghap si Fleure nang makarinig nang malamig na tinig. Sa sobrang lamig, nagiging kakila-kilabot na iyon sa kanyang pandinig. There’s this feeling that she wanted to runaway from him. Run as fast as she could. Pero hindi niya magawa dahil ngumiti na ang lalaki.

“I’m Zeke.” Sabi nitong inilahad ang kamay sa kanyang harapan.

Alanganing tinanggap iyon ni Fleure. “I’m sorry. Natamaan ba kita nang itapon ko iyan?”

‘Damn! Don’t look straight on his eyes! Silly woman, you’ll be in danger!’

Parang may narinig na boses si Fleure. Kinilabutan din siyang bigla dahil parang may malamig na hanging dumampi sa kanyang kanang tainga at pisngi. Oo at malamig ang bahaging iyon ng lugar pero iyong sa particular side lang siya makaramdam na parang may malamig na hangin at may marinig pa siyang bumubulong, that was really unusual and… creepy!

But hey! Who is this man beside her, anyway? And why can’t she order herself to get away from him? Para siyang ipinako sa kinatatayuan at kahit anong utos sa sarili na pumasok sa loob ng kanyang sasakyan ay hindi niya magawa.

What the heck?!

O baka dahil sa napadami na ang alak na nainom niya? Kakaalis nga lang ng hang-over niya nang nagdaang gabi ay heto na naman at nag-inom siya. But then, she knew she was in her right mind so what the heck was she hearing and feeling?

“Yes. Medyo masakit nga eh.” Sabi nang lalaking hinimas pa ang kaliwang bahagi ng ulo. Parang hindi naman ito nasaktan kasi nakangiti pa.

Sa hindi niya maintindihang dahilan, pinilit niya ang sarili na huwag masalubong ang mga mata ng estranghero. Maski pa nga parang sinasadya at pinipilit nitong magkaroon sila ng eye contact. Binawi na din niya ang kamay mula rito. At bakit ganoon? Sobrang lamig ng kamay nito. Sobrang putla din ng mukha. Katulad nang…

‘Fuck! Get inside your car!’

Hayun na naman ang boses at ang malamig na hangin sa kanyang pisngi at tainga. This time ay sa kaliwa naman. Pero parang pamilyar ang tinig. Parang narinig na niya iyon. Katulad ba ito ng hallucinations niya nang nagdaang gabi? Nauulit na naman ba? Mukhang kailangan na niyang kumonsulta sa isang psychologist o psychiatrist kaya. Baka nasobrahan na siya sa paglamon ng stress kaya kung anu-ano ang naririnig niya at nararamdaman.

“I’m sorry. Hindi ko alam na may tao. Akala ko mag-isa lang ako.” Nagawa nalang niyang sabihin.

“And it was better.” Sabi nitong muling hinuhuli ang mga mata niya. “It was better you are alone. It was easier.”

Hindi malaman ni Fleure kung saan nanggagaling ang kakaibang kilabot at panlalamig na nararamdaman niya. She should feel hot dahil sa dami ng nainom na alak.

“What do you mean?” Ibinaling niya ang mukha sa ibang direksyon habang nagtatanong. She had this feeling that she should follow the voice.

“I mean, mas madaling lapitan ang isang tao kung nag-iisa.”

‘Fuck! Such a stubborn crazy woman!’

Iyon lang at nawala na ang malamig na hanging dumadampi sa kanyang pisngi. Nawala na din ang pakiramdam na parang may katabi siya maliban sa kaharap.

Nang bumaling siya sa lalaking nagpakilalang Zeke, hindi niya napigilan ang mapatingin sa mga mata nito. And she didn’t knew what happened next. Hindi na niya maialis ang tingin sa lalaki. It seems his handsomeness had made some enchantments in her. Hindi na kasi niya gustong alisin ang mga mata rito. Gusto nalang niya itong titigan. Panay din ang lapit ng mukha nito sa kanya pero wala siyang ginagawa para lumayo. Para siyang nahipnotismo sa kagwapuhan ng lalaki. At habang papalapit ang mga labi nito sa kanya, saka naman niya ginustong makalayo. Pero hindi na niya magawa. Pinilit niyang utusan ang sarili na kumilos. Itulak ang lalaki sa nalalapit at nagbabanta nitong panghahalik sa kanya.

Sino ba ito at ang lakas ng loob na pagtangkaan siyang halikan? At bakit hindi siya makakilos? Bakit hindi niya maikilos ang mga kamay para itulak ito o sampalin? Umangat ang kamay ng lalaki sa baba niya at itinaas iyon.

“Open your mouth.”

Dumadagundong ang kanyang dibdib sa matinding kaba. She felt danger from his gazed. Bigla ding nagbago ang kulay ng mga mata nito. From warm brown to fiery red. Naging mapanganib at matalim ang mapupulang mga mata nito na kahit sinong masalubong ng tingin ay kikilabutan. Gusto niyang sumigaw at magwala. Pero hindi niya magawa. At ang mas nakakahindik, ibinuka niya ang mga labi. As if doing what he told her to do so.

What in the world is this? Lasing na lasing na ba siya at hindi na kayang dalahin ang sarili? To the point na kahit gusto niyang makawala sa estranghero ay hindi magawang kumilos ng katawan niya?

Nagsimulang ilapit ng lalaki ang bibig nito sa kanya. Para namang hinihigop ang lakas ni Fleure. Parang hinihigop nito ang buo niyang lakas at maging ang kanyang kaluluwa. Nagwawala na siya sa kanyang kaloob-looban. Sa isip niya, gustong niyang magpumiglas pero bakit hindi niya mautusan ang katawan? Ano bang nangyayari sa kanya?

Nang inaakala ni Fleure na tuluyan na siyang mauubusan ng lakas at mawawalan nang ulirat ay saka naman tumigil ang parang walang katapusang pakikipaglaban ng hindi man literal ay parang physiological niyang bahagi. Dahil emotions at energy niya ang tila nakikipag-agawan sa kung sinong nilalang na ito.

Ah, that was absolutely crazy.

And what’s crazier is right before her eyes, nakita niyang hinaklit ng isa pang lalaki ang kaharap niyang si Zeke. Nagpambuno ang mga ito sa gitna ng kadiliman hanggang tuluyang lamunin nang dilim. Unti-unti ding nawala ang mararahas na mga kaluskos na senyales na may mga nagpapambuno sa kadiliman. Pahina ng pahina na tila palayo ng palayo ang pinaggagagalingan.

Ang mas nakakahindik pa, alam ni Fleure, mula sa tama ng liwanag ng buwan at lamppost na ang bagong dating ay walang iba kundi ang lalaking nakaharap niya nang nagdaang gabi.

Kinilabutan ang dalaga at parang nahulas ang lahat ng ispiritu ng alak na nakapaligo sa kanya, kanina lang. At kahit parang pagod na pagod ay nagmamadali siyang pumasok sa loob ng sasakyan. Kung paano nalang niyang naimaneho ang sasakyan para makalayo roon. Huminto lang siya sa pagmamaneho nang makarating sa maliwanag at maingay na parte ng kabayanan.

Nandidilat ang mga mata ni Fleure na luminga-linga sa paligid. Habol pa din niya ang hininga dahil sa matinding takot sa bagay na nakita, pero hindi kayang ipaliwanag ng kanyang talino. Who must be that guy? Or those guys? Sigurado siyang ang bagong dating ay ang lalaki kagabi na inakala niyang bunga ng hallucinations. Inisip pa nga niyang kalimutan nalang ang naranasan at nakita dahil may doubt siya na totoo ang mga iyon. But seeing him again, kahit pa lasing siya, alam niya sa sarili kung ano ang nakita. Bigla niya ding na-realize ang tunog at timbre ng boses na bumubulong sa kanya kanina. Could it be him? Pero paanong naririnig niya ang boses nito kahit hindi niya nakikita?

“God! What is happening to me? Nababaliw na ba ako? Bumigay na ba ang utak ko dahil sa stress? Oh, my God, no!” Naihilamos niya ang isang kamay sa mukha at saka niyakap ang sarili.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.