CHAPTER 4

MATAPOS pakawalan ang kanyang pagkain ay hinila na iyon ng silver cord nito pabalik sa katawan. Pinalis ni Helios ang bibig at saka inihanda na din ang sarili sa pagbabalik sa kanyang katawan. Ilang astral traveller din ang biniktima niya sa astral plane para makakuha ng sapat na enerhiya. Sa pagkakaalala niya, hindi pa ganoon kalakas si Zeke nang huli nilang pagkikita. Pero wala siyang pakialam kung nadagdagan man ang lakas at kakayahan ng soul sucker na iyon. He still has no match in him. Ang gusto talaga niyang makaharap ay ang kambal na sina Lach Avergou at Ganaiah Avergou, mga panganay ng first generation ng angkan ng mga Avergou, pangalawa sa bunsong anak si Zeke. Siguro, kung mapapatay niya ang dalawa, hihina na ang angkan. Ang kambal lang naman ang pinakamalalakas sa mga ito. Maliban sa mga patriarka ng angkan na well, nalagasan na din ng isa matapos ang clan-versus-clan fight, may ilang daang taon na din ang nakakaraan. Iyon ay dahil hindi na din nila natiis ang walang pakundangang paghigop ng mga Avergou sa kaluluwa ng mga tao, ganoong kararating lang ng mga ito sa bansa.

Kung hindi sila kikilos, mauubusan sila ng source of food. Hindi pa naman ganoon ka-overpopulated ang Pilipinas no’ng mga panahong ‘yon. At kahit over populated na ngayon, hindi pa din magawang tumigil ng mga Monfort sa pagliligtas sa mga tao. Hindi naman sa buong bansa kundi sa lugar na malapit sa pinagkukutaan ng pamilya niya. Ang hindi nga nila maintindihan, malawak naman ang Pilipinas pero bakit kung saan sila pumupwesto para kumain, doon din sumasalakay ang mga Avergou. Parang nananadya. Katulad nang nagdaang gabi. Nasa Rizal siya nakapwesto at iniiwasan na nga niya ang babaeng hindi niya mabasa ang iniisip, pero hayun, parang nang-aasar ang pagkakataon. Nandoon din ang babae, lasing na naman. And this time, si Zeke naman ang nagbalak na mambiktima sa babae.

Astral body siya no’ng mga sandaling iyon kaya mga pagbulong at pagbababala lang ang kaya niyang gawin. Pero nang makita niyang walang balak ang babae na sundin siya, mabilis na bumalik si Helios sa katawan niya at binalikan sina Zeke at ang babae. Kaunti nalang at muntik na siyang mahuli ng dating. Nasa part na ang mga ito na hihigupin ni Zeke ang kaluluwa ng babae. At ganoon nalang ang pagkataranta niya. Halos isugal niya ang buhay mailayo lang ang babae sa soul sucker. Dahil siya ang kamuntik mahigop ni Zeke. Hindi kasi sapat ang enerhiya niya para lumaban ng mga sandaling iyon. Idagdag pang may nakaharap siyang spell wizard sa astral plane na pinanggalingan. Ang mga spell wizards na mga astral travellers ang pinakamahirap kalaban. Kapag nagamitan sila ng mga latin na dasal ng mga ito, nanghihina sila ng sobra.

“O? Bakit bumangon ka na? May liwanag pa.”

Tumaas ang kilay ni Helios nang makita si Lori sa sala ng kanilang mansyon. Ang nabubulok na mansyon na pinamumugaran ng kanyang pamilya. Umiinom ng pulang likido si Lori na sa pagkakaalala niya ay tinatawag na red wine ng mga mortal. Lori is different among them. Kaya nitong kainin ang anumang gustuhin nito. Kaya din nitong maging ibang nilalang. Sometimes, he envied her gift. Pero alam niyang sa kabila ng mga kakaibang kakayahan nito, nagtatago ang hindi kayang ipaliwanag na kakulangan sa buhay.

How about you? Bakit wala ka sa mga astral planes para kumain. Mamaya ay maggagabi na. Pupwesto ka na din, baka maubusan ka na ng lakas—”

“I’m good. At tsaka, busog pa naman ako.” She cutted him off. Saka ito sumimsim sa iniinom.

Napailing si Helios. If he hadn’t known better... Malamang na nang-possess na naman ito ng mga mahihinang mortal para lang makalabas sa kanilang lungga kapag ganitong may liwanag pa.Yes, Lori can possess someone else body.Hindi kasi sila pwedeng mabilad sa araw. Nasusunog ang mga balat nila. Pwede rin namang lumabas kung balot na balot ang mga katawan nila. At iyon ang gagawin niya ngayon.

“Susumbong kita kina Mom at Dad.” Narinig niyang sabi ulit ni Lori.

Nang lingunin niya ang kapatid, nakakaloko na ang ngiting ibinigay nito sa kanya. Iniangat pa ang wine glass sa ere na parang inaasar siyang nakikipag-toss.

“If you were trying to threaten me, then try a little harder, young woman.” Natatawa siyang muling naglakad palayo.

Paano kaya naisip ng bunso nila na masisindak siya nito? Siya ang pinakamalakas sa kanilang magkakapatid bukod pa sa siya ang panganay. Ang pinagsamang kakayahan at kapangyarihan ng mga magulang nila ay buong-buo na namana niya. Habang ang ibang kapatid ay na-inherit lang ang siguro, one-half ng kakayahan ng sa ina nila o sa ama nila.

Naghanap siya ng maisusuot sa kwarto ni Azriel, ang isa pa niyang nakababatang kapatid. Sa pagkakaalam niya, sa pamilya, sina Azriel at Ailister ang mga madadalas tumakas at lumabas. Sabik na sabik na makakita ng scenario kapag mataas ang araw. Madalas niyang mahuli ang mga ito. Hindi niya lang sinisita dahil harmless naman ang ginagawa. He knew they know how to protect themselves. Kung patungkol naman kay Lori, hindi niya din ito masita dahil alam niyang iyon nalang ang pumapatay sa boredom ng kapatid. She wanted to explore the world na hindi nasusunog ang balat. At ang makigamit ng katawan ng mga mortal ang paraan nito.

And now, how about him? Bakit nga ba gusto niyang magliwaliw sa labas kahit medyo mataas pa ang araw?

Well, he was really curious with the woman he can’t hear what’s inside her mind. Ito lang ang bukod tangi sa lahat ng nakaharap niya ang hindi niya mabasa o marinig ang iniisip. Bukod doon ay hindi niya ma-compell. At medyo nakakapag-alala na nakikilala siya nito. Kailangan niyang alamin kung anong klaseng nilalang ang babaeng iyon. Anong malay niya kung hindi naman talaga iyon ordinaryong mortal. Bukod pa nga sa napakabango ng amoy ng napakalakas na enerhiya ng dugo nito.

Paano pala kung kaya ganoon nalang ang bango ng dugo nito ay dahil allied power ito ng mga dark entity at maging banta pa sa paraan ng pamumuhay nila? Malaking problema na nga nila ang mga soul suckersay may dadagdag pa. Mabuti nang agapan. Hindi na muna niya ipinaalam sa mga magulang. Saka na kapag sigurado na siya sa mga hinala.

“WHAT the hell is this? Paano ba ito gumagana?”

Isang mahinang palatak ang narinig ni Fleure. Nasa loob siya ng cafeteria na katapat lang ng SVMC. Doon sa bahaging hindi masyadong pinupwestuhan ng mga costumer. Medyo madilim na corner. May inire-review siyang medical findings na kanina pa niya inaaral at na-obsess na siyang aralin kaya kahit sa merienda time ay dala-dala niya sa labas.

“Those humans! Bakit ba mahilig silang gumawa ng mga walang kwentang bagay?” narinig na naman niya ang boses na nagrereklamo patungkol sa kung ano.

Nang lingunin niya ang pinaggagalingan ng mahinang reklamo, nakita niya ang lalaking nakatalukbong ang hood ng jacket at nakatungo sa isang parang bagong bili na smartphone. Nakakalat pa sa mesa nito ang packaging at accessories ng gadget. Ilang beses nitong ini-istima ang cellphone. Pinaikot-ikot. Itinagilid. Kinalog-kalog na parang may hinahanap o ini-expect na malalaglag doon.

“Damn this fucking thing!”

At walang pasabing ibinagsak sa mesa ang kawawang smartphone. Pasimpleng nagsuot ng mask sa bandang bibig. Basta na din ito lumayas na hindi pinagkaabalahang bitbitin ang mga gamit nito. Napakunot-noo si Fleure. Balot na balot ang lalaki na parang lamig na lamig. Oo, malamig naman nga sa cafeteria, pero ang OA naman ng pagkakabalot ng lalaki sa sarili? Naka-handgloves pa. Anong akala nito? Nasa Korea ito at winter or autumn season? Halos hindi din makita ang mukha nito. At tuluyan niyang hindi nakita nang tumalikod at lumayas na iyon.

Curious, nilapitan niya ang mga bagay na iniwan nito sa mesa. Mukhang bagong bili nga. Nandoon pa ang nilamukos na resibo. At sinong tanga ang basta nalang iiwan ang smartphone na nagkakahalaga ng almost fifty-thousand pesos?

Kinuha niyang lahat iyon at tinakbo ang exit door ng café. Eksakto namang kakalabas lang din ng lalaki ay nahablot niya ang braso nito. Nagulat yata ang lalaki at kay bilis ng reflexes, hinablot mula sa kanya ang brasong pigil-pigil niya. At hindi biro ang lakas nito dahil halos mapasalya siya.

“Hey, Mr. I was just trying to give your things back to you.” Aniya na nalilito. Bigla kasing iniyuko ng lalaki ang mukha na halos hindi din naman niya makita dahil sa hood at mask nito.

May naririnig din siyang bahagyang pagdaing mula rito. Palagay niya may lahing alien ang lalaki. Hindi normal sa isang Pinoy ang height nito. Ang tangkad na halos tingalain pa niya. Pero nagsasalita ng maayos na tagalog kaya siguro ay halfbreed.

“Iniwan mo nalang kasi basta. Hindi biro ang halaga nito, sayang naman. Kung hindi mo mapagana, pwede mong isoli sa binilhan mo.” Aniya at hinarap ang gadget na hawak.

Ilang beses niyang ini-press ang power button at agad namang nag-power on. Tumunog pa ang welcome tone, na sa pagtataka niya ay biglang napapitlig ang lalaki sa harapan niya. Mabilis ding nakabawi at hindi na niya nakitaan ng iba pang body reactions.

“O? Okay naman pala o? Hindi mo ba ito ini-check kanina bago ka umalis sa binilhan mo?”

Pinilit niyang silipin ang mukha ng lalaki, hindi niya talaga makita. Imposible din naman na kawatan ito. Nang pasimple niyang sipatin ang suot, agad niyang nakita ang mga signature labels ng mga suot nito. Magpamula sa hoody jacket, jeans at snickers nito, alam niyang mamahalin ang lahat ng iyon. He looks so expensive. At nakapagtatakang ang ganitong tila galing sa mayamang pamilya ay hindi marunong gumamit ng smartphone.

Seriously?

“Hi, Doc!” bati sa kanya ng isang nurse sa SVMC na papasok din ng cafeteria.

Nginitian niya iyon bilang sagot. Nang bigla nalang niyang maramdaman na hinablot nito sa kamay niya ang smartphone at ang kahon.

“Nagmamadali ako.”

‘Yon lang at lumayas na ang lalaki. Nagulantang siyang talaga lalo na nang walang lingon-likod na nilayasan siya ng lalaki.

“That rude of a brute!” Asar na sambit niya habang sinusundan ng tingin ang walanghiya. “Ni hindi man lang nagpasalamat. Tinulungan ko na nga siyang buhayin ang phone niya. Tss!”

Yamot na pumasok nalang siya sa loob ng cafeteria at bumalik sa pwesto niya. Pero napansin ni Fleure ang simcard na nasa ibabaw ng mesa ng lalaki kanina. Bukas na iyon. Wala na din ang microsim. Malamang na nailagay na sa phone niya. Kung marunong naman pala itong maglagay ng sim, bakit hindi ito marunong mag-power on?

Lalagpasan na sana niya ang mesa nang matitigan ang pinagkunan ng simcard at agad na na-memorize ang simcard number. Ganoon katalas ang utak niya lalo na pagdating sa numero, marinig o makita niya lang ang mga numero, hindi na iyon mawawala sa isip niya kahit ano pang gawin niya.

“Geezz! Anong pakialam ko sa bastos na lalaking iyon…?” Dumeretso siya sa kanyang mesa nang biglang matigilan.

Parang paulit-ulit sa pandinig niya ang timbre ng boses ng lalaki. Parang pamilyar sa kanya iyon. Narinig na niya iyon. Siguradong narinig na niya. At parang switch ng ilaw na agad kumalat sa utak niya ang liwanag.

“That was him!”

Mabilis na napatakbo ulit siya sa labas ng cafeteria. Pero wala na ang lalaki sa direksyon na nilalakaran nito kanina. Saan na nagpunta ang lalaki? Saan ito lumiko? Taga saan ba ito at bakit kahit saan yata siya magpunta, palagi niyang nakikita ang lalaki?

And the biggest question is… Sino ba ito?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.