NAALIPUNGATAN si Fleure nang maramdaman ang pagtama ng liwanag sa kanyang mukha. Galing iyon sa left window at direktang tumatama sa kanya ang liwanag.
Bigla siyang napabalikwas at pupungas-pungas na tumingin sa paligid. Nasa loob pa din siya ng kotse. Naka-uwi na ba siya sa siyudad at napagod mag-drive kaya nagdecide na matulog muna? O stranded pa din sa lintik na shortcut? Ah, no! Hindi iyon ang huling eksena sa alaala niya kundi ang pagbubuno ng dalawang lalaki.
Napasinghap ang dalaga nang mapansing iba ang nasa driver seat. And there, lying a sleeping man in front of the wheel. Si Helios!
What is he doing here? At ano ang nangyari nang nagdaang gabi? Ano nang nangyari kay Zeke? Paano nagtapos ang pagpapambuno ng dalawa?
Muli, gusto niyang mataranta nang maalala ang mga hindi kapani-paniwalang eksena. Imposibleng lumulutang ang dalawa sa ere habang naglalaban. Malamang na dala lang iyon ng pagkahilo niya nang tumama ang ulo sa front ng sasakyan. Tama. Imposible talagang tama ang huli niyang alaala.
Lumapit siya sa natutulog na lalaki. Ang putla-putla ng mukha nito. Pero hindi pa din maitatanggi na saksakan ito ng gwapo. Lalaking-lalaki ang contour ng mukha nito. Lalo na ang aroganteng panga na mas nakapagbibigay ng supladong aura. Napansin din niya ang mahahabang pilik-mata habang nakapikit. Manly din ang kurba ng makakapal na kilay. Has pointed nose and that whiskers na parang babagong tubo. Mas lalong lumalakas ang dating nito habang tinititigan niya. He looks as hard as a country man. Pero sa kabila ng whiskers, he looks clean. Mukha din itong mabango at masarap i-take advantage ang sitwasyon para singhutin ang lalaki. Kaya lang ay may pagkamaputla nga ang complexion. Kung hindi lang mapula ang mga labi nito ay iisipin niyang natutulog na bangkay ang katabi niya.
Nang muli siyang kumilos para haplusin ang lalaki ay saka naman pumasok na ng tuluyan ang liwanag mula sa labas. Tumama iyon sa mukha ng lalaki at laking gulat niya sa naging epekto ng araw sa pisngi nito. Naging mamula-mula iyon na habang tumatagal ay parang nagiging sunburn. Nasusunog at gumagawa ng sugat sa gwapong mukha ng lalaki. Mabilis ang reyalisasyon ni Fleure. Agad niyang sinanggahan ang mukha ng lalaki at pinrotektahan sa liwanag.
That was it! Kaya ba madalas itong balot na balot ang katawan dahil sensitive ang balat nito sa araw? And as a doctor, na nagbabalak kumuha ng specialties na may kinalaman sa balat, natural na ma-curious siya sa kondisyon ng lalaki. Anong klaseng sakit sa balat ang pwedeng maging ganoon ka-sensitive sa tama ng kakaunting liwanag ng araw?
At bakit parang hindi iyon nararamdaman ng natutulog na lalaki?
Agad hinanap ni Fleure ang emergency kit. Naghanap ng ointment o lotion na pwedeng mag-ease ng hapding dala ng pagsunog ng araw sa mukha ng lalaki. Nasa akto na siya ng pagpapahid ng lotion dito nang may pumigil sa kamay niya. The next thing she knew was she’s greeted by his handsome blue eyes. Abo’t-abot ang pagsinghap niya at pagpipigil ng paghinga habang pinakatitigan ang lalaki. Gwapo na ito habang natutulog pero to the nth power yata ang idinoble ng kagwapuhan nito ngayong mulat na mulat na anggreat assets nito. Ang mga mata nito!
“What are you trying to do?” paasik na sita nito sa kanya.
At nang mapansin na unti-unti nang kumakalat ang liwanag sa paligid, agad nitong itinalukbong ang hood sa mukha. Dinukot din nitoang mask sa bulsa ng hoody jacket at isinuot. Not even caring kung natamaan ang sugat sa pisngi. Hindi man lang ba ito nasaktan sa nangyaring pagkasunog sa mukha nito? And what made her eyes grew bigger ay nang makita na mabilis na nahihilom ang sugat sa pisngi ng lalaki.
What the hell is it, really?
Ilang beses kumurap si Fleure para siguraduhin kung panaginip lang ba ang nakikita niya. Pero bigo siya. This is reality!
“Stop looking at me like that. Normal lang ito. Sensitive ang balat ko.” Sabi nitong parang napansin ang pagkatulala niya.
“At papaano mo ipapaliwanag ang pagse-self-heal ng sugat?”
Sandaling tumahimik ang lalaki. Sinimulan na nitong buhayin ang makina ng sasakyan at nagmaneho.
“Hey! What are you? Bakit ganyan ang kondisyon ng balat mo?”
Sandali siya nitong tiningnan sa rare view mirror pero muli nang ibinalik ang mga mata sa daan.
“Human bodies had their own way of self-healing basta hindi nai-infect. At kung hindi naman seryoso ang sugat. Alam mo iyan dahil doktor ka.” Malamig na sabi nito.
Oo, alam niya iyon at tama ito. Pero ang principles na iyon ay para lang sa mga maliliit na sugat na hindi malalalim at nalapatan din ng first aid. O kahit nalinis man lang. Pero ang mukha nitong nasunog ng kakaunting araw, ni hindi pa niya nalagyan ng antiseptic man lang. Pagkatapos ay kitang-kita niya kung paano nag-work in ang pages-self heal.
Hindi niya maintindihan kung bakit sa kabila ng katotohanang istranghero pa din sa kanya ang lalaki kahit ilang beses na silang nagkatagpo, hindi niya maramdaman ang panganib mula rito. Yes, there’s this dark and eerie aura from him whenever he was around. Katulad ng kay Zeke kapag nasa malapit iyon. Surely dahil wary siya sa mga istranghero. But then, bakit kaiba kay Zeke, hindi niya maramdaman ang danger. Naroon nga at kay dali sa kanya na pinapasok ito sa bahay niya.
Maybe because there were times that he used to protect her from Zeke. Pero bakit?
At bakit ba may Zeke na sumusulpot kapag nasa lugar at sitwasyon siya na walang tutulong sakaling may gawin iyong masama sa kanya? Also, why the hell Helios would always be there to save her from that stranger? Ganitong pareho lang namang estranghero ang dalawa sa kanya.
“Pero hindi simpleng sugat ang ginawa ng araw sa mukha mo.” Nagawa niyang sabihin. “At bakit ganoon ang epekto ng araw sa balat mo? That was rare. Hindi pa ako nakakita ng ganyang kondisyon. Ikaw lang ba sa pamilya mo ang may ganyang kondisyon o buong pamilya mo? You should consult—”
“Damn it!” Pagalit na sita nito at inapakan ang break.
Nasa national high way na sila nang mapatingin siya sa labas ng car window.
“Would you mind your own business?” asik nito sa kanya.
Parang gustong sumuko ng pasensiya ni Fleure. Nagmamalasakit lang naman siya sa kondisyon nito, ito pa ang galit.
“Mind my own business? Huh! Hindi ba dapat na sa sarili mo ‘yan sinasabi? Ikaw itong bigla-bigla nalang sumusulpot sa harapan ko? To think na nasa Baguio ako at taga QC ka.” Bigla siyang natigilan. “Come to think of it. Anong ginagawa mo dito sa Baguio? Are you stalking me again?”
Dapat ay makaramdam siya ng creepiness sa idea na pwedeng ini-stalk talaga siya ng lalaki. Pero hindi iyon ang damdaming sumalakay sa kanyang pagkatao. Knowing that Helios was just there beside her, she felt secure and safe. Dahil alam niyang may taong palaging susulpot para protektahan siya.
Damn! Ano bang iniisip niya?
“You’re so ungrateful.” Parang dismayadong sabi nito. Nakaramdam din siya ng pagkakonsensiya pagkatapos. “Anyway. Bayad na ako sa pagtulong mo sa aking matutunang gumamit ng smartphone. So, quits na tayo. Wala na akong utang na loob sayo. Kaya mo na din sigurong mag-drive mag-isa pabalik sa siyudad. Nasa national highway ka na.”
Napatanga nalang si Fleure at hindi na nasundan ang mga sumunod na nangyari. Bigla nalang bumaba ng sasakyan si Helios at iniwan siya doon. Saka ito mabilis na pumasok sa magubat na bahagi ng lupain at tuluyang nawala sa mga paningin niya. Kung saan ito nagpunta, wala siyang ideya. Wala din siyang maisip na dahilan kung bakit ito pumasok sa magubat na bahaging iyon na sa pagkakaalam niya, isang public property based sa signage.
Sandaling napakurap-kurap pa si Fleure at pilit ibinabalik ang sarili sa kasalukuyan. Anuman ang pinagkakaabalahan ni Helios at ang dahilan kung bakit ito nandoon, alam niyang hindi lang basta coincidence. Sobra na para ituring pang nagkataon lang ang lahat. May dahilan kung bakit ito palaging sumusulpot. Hindi lang para magbayad ng utang na loob katulad ng sinasabi nito. Bigla din niyang naalala ang sinabi ni Zeke.
“What do you had that a great Helios Monfort was so drawn into you?”
It creeps down her soul. Tama. Ano nga bang meron siya at palaging nasa paligid si Helios? Ano ang kailangan nito sa kanya? At bakit… bakit ganoon ang balat nito?
She was getting more and more curious about him. Maybe it was about time for her to do her own research about Helios Monfort.
NAGULAT pa si Fleure nang sa paglabas niya ng SVMC, nakita niya si Helios na nasa tapat ng kotse niya. Nakapagtataka lang na hindi nakatalukbong ang hood nito sa ulo. Kunsabagay ay madilim naman na. Wala na ang araw na pinagtataguan ng maselan na balat nito.
Pero teka, anong ginagawa nito doon? ‘Di ba, the last time na magkasama sila, it was three days ago, ay pinagsungitan pa siya nito. She remembered he sounds like he wouldn’t want to see her again. Ano at nasa harapan na naman niya ito?
“Hi!”
Hi? Kailan pa siya natutong bumati? At bakit parang nag-iba ang boses? Parang mas lumalim. Parang mas nakakapangilabot.
Binura niya ang mga tanong sa isip. Nag-focus siya sa dapat ay reaction niya. ‘Di ba at naiinis siya sa lalaki? Makaktikim ito ng malasa-lasang katarayan mula sa kanya.
“So? What is it this time?”
Kumunot ang noo nito na parang nagtataka.
“Ano naman ang pabor na hihilingin mo ngayon? Anong gadget naman ang dala mo at hindi mo alam kung paano gamitin?” pairap pang sabi niya.
Gusto niyang iparamdam sa lalaki na naiinis siya. Parang lumalapit lang naman ito kapag may kailangan. Kailangang pabor o kailangang bayadan na utang na loob.
Hah! What would she expects? Alangang lumapit ito dahil gusto siyang makita.Pero sa pagtataka ni Fleure, ngumiti ito sa kanya.
Sheeet! Mas gwapo pala ito kapag nakangiti.
“Wala akong dalang kahit ano. Aayain lang sana kitang magkape.”
Doon na napaangat ang kilay niya. Anong trip ng isang ito ngayon? At teka, tama ba ‘yong nakikita niya? Kumislap ang mapupulang mga mata nito? ‘Yong eyeballs nito, sa pagkakaalala niya, kulay blue iyon. Bakit ngayon, red na? Ah. That was it. He must be using contact lenses.
‘Buti naman at alam pala nitong gamitin ang contact lense. Pero ang cellphone ay hindi. Kunsabagay, mas complicated gamitin ang cellphone kaysa contact lenses. Malay ba niya kung hanggang saan lang ang quality ng education sa pinaggalingan nito?
Sasagot nalang sana siya nang may maramdamang naglalakad sa kanyang likuran. Sa paglingon niya, nandoon si Helios. Papalapit sa kanya. Napasinghap si Fleure at muling humarap sa kanina lang ay pwesto ng lalaki. Wala na doon ang kausap niya. Ilang ulit siyang kumurap at nagtatakang ipinilig ang sariling ulo. Wala sa harapan niya si Helios. Nasa likudan niya ito at naglalakad palapit sa kanya.
Madilim ang mukha at parang nag-aapoy sa galit ang blue eyes nito.
Blue?
What the fuck is happening?!
Pinaglalaruan ba siya ng kanyang imagination? Hindi siya pwedeng magkamali. Kausap niya lang si Helios kanina at pula ang mga mata nito. Tapos ngayon, nasa likuran na niya ito. Asul at nagagalit ang mga matang nakatitig sa kanya. Ano bang nangyayari sa kanya. Nagiging schizophrenic na ba siya?
Oh, no!
Naitutop ni Fleure ang isang kamay sa sariling sintido. Gustong sumakit ng ulo niya sa pag-iisip ng mga bagay-bagay. Gusto niyang bigyang ng justification ang mga nakikita at naririnig. Nang maramdaman niyang hinihila siya ni Helios sa braso.
“Come with me.” Utos nito. Na para bang sinasabi na wala siyang ibang choice kundi sumama, either she likes it or not.
Sasagot palang siya at akmang isasalya ang kamay nitong nakahawak sa kanya, nang maramdamang tila sobrang bilis na inilipad siya ng hangin. The next thing she knew, nasa mataas na bahagi na sila ng building. Nagpalinga-linga siya at nang mapansing pamilyar ang scene sa ibaba, agad niyang na-realized na nasa tuktok sila ng SVMC building. Shock that she was, she couldn’t utter any word. How the fuck they get there in an instant?
Nasampal niya ang sariling mukha sa pag-asang nananaginip lang siya. Baka magising na siya. Gusto na niyang magising at ma-verify na panaginip lang ang lahat ng nararanasan. Pero nakailang sampal na siya sa sariling pisngi, mahapdi na iyon at lahat, hindi pa din siya nagigising.
“What the hell are you doing?” galit na pigil ni Helios sa kanyang pisngi.
Nangilabot siya sa nakikitang galit sa mukha ng lalaki. Hindi nakasuot ang hood nito at dahil maliwanag ang buwan, kitang-kita niya kung gaano kagwapo at gaano kagalit si Helios. At ang matatalim na titig nito, parang walang tigil sa pag-intrude sa mga nerves niya na halos magbuhol-buhol na ang kanyang paghinga dahil sa magkakahalong pagtataka at pagkataranta. Idagdag pang nakakalito ang bawat eksena. Nakakalitong ito pa ang galit sa kanya habang kanina ay inaaya lang siya nitong magkape.
Pero teka, ano nga ba ang ikinagagalit ni Helios sa kanya? Hindi ba siya ang dapat na nagagalit dito? Kung anu-anong ipinararanas nito sa kanya na halos hindi na niya ma-identify kung ano ang totoo at kung ano ang imagination. Everything seems like fantasy. Katulad nalang ng iglap na pagte-teleport nila sa rooftop ng SVMC building. What is this, really?