CHAPTER 9

“THIS is just a dream. Mamaya, magigising na ako na nasa ibabaw ng kama ko at maaaalala ko kung paano ako nakauwi pagkatapos ng busy sched ko ngayong araw. Right? Hindi kita nakita ngayon. Hindi mo ako niyayang mag-coffee at nang hindi ako sumagot ay dinala mo ako sa rooftop. Right? Hindi ito nangyayari. Kailangan kong gisingin ang sarili ko.” Halos pahurumentadong sabi ni Fleure.

She sounds like crazy. Pero nakakabaliw talaga ang ilang sandali na nagdaan. Parang sa ilang minutong dumaan, napakadami na nang nangyari…

Nang akma ulit niyang sasampalin ang pisngi ay inunahan na siyang pigilan ni Helios. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa isa niyang palapulsuhan. Matiim din ang titig at madilim pa din ang mukha, senyales na hindi nito nagugustuhan ang nakikita.

“You’re right. Hindi kita niyayang magkape. Not because I don’t like it to be with you but because I am not drinking coffee…” Sabi nitong parang gustong magpaunawa. Malamig pa din ang boses pero hindi na kasing lalim ng kanina. Tamang swabe lang at masarap pakinggan.

How can he do that? Paanong nagagawa nitong ibahin ang timbre ng boses ng walang kaeffort-effort? Isa ba iyon sa mga talent nito?

Ah, no. Hindi dahil doon.

“Right. At hindi din kita kinakausap ngayon. Kailangan ko nang magising.”

“Ganyan ka ba ka-excited na tumakbo palayo sa akin?” Natigilan si Fleure. Para kasing may kalakip na sama ng loo bang boses nito habang sinasabi iyon. “Ganyang hindi mo pa nga nalalaman ang sekreto ko. Paano kung malaman mo na? Baka lumipad ka na ng takbo palayo at siguraduhing hindi na ako makikita pa.”

Umawang ang bibig ni Fleure pero walang salitang lumalabas. Marami siyang gustong itanong pero hindi niya alam kung saan sisimulan. Nang bitiwan ni Helios ang palapulsuhan niya, pakiramdam niya ay pinakawalan na din siya nito at hinayaang makalayo. Why, she felt abandoned when he was not holding her anymore.

Humarap si Helios sa railings ng rooftop at tumitig sa busy scene sa ibaba. Dahil gabi na, mahaba na din ang traffic. Uwian na kasi, crowded na naman ang kalsada.

“That guy who was asking you to have a coffee with him was Zeke.”

Sandaling katahimikan ang naging sagot ni Fleure sa sinabi ni Helios. Ilang beses na ini-digest at ini-process ng isip niya ang narinig. Hindi naman siguro siya nabingi. Malinaw ang narinig niya ‘di ba? Kung malinaw ang tainga niya, then ang mata niya ang nagka-deperensiya sa kanya kanina?

“Pinaglololoko mo ba ako?” Galit niyang singhal kay Helios. May sapak yata ang isang ito eh. Siya pa talaga ang pagti-trip-an.

“Hoy! Ikaw na lalaki ka. Hindi porke isang beses kitang pinatuloy sa bahay ko, at tinulungan sa smartphone mo,ibigsabihin ay close na tayo. Na pwede mo na akong pag-trip-an at biktimahin sa mga trip mo sa buhay.” Galit na singhal niya kay Helios. Napapikit siya ng mariin at baka mababawasan noon ang pagkapika niya.Nang magmulat ay pinaandaran niya ulit ito ng pagbubunganga. “Alam mo, busy kasi ako eh. Madaming mas importanteng bagay akong dapat unahin kaysa—”

“Mas importante pa ba iyan sa kaligtasan mo?” pagputol nito sa pagmamaldita niya.

Natigilan na naman ang dalaga. Anong sinasabi nito.

“That Zeke is a soul sucker. He wants your soul to get even to me.” Seryoso at nagbababala ang boses ni Helios. Napaka-intense din nang pagkakasabi na parang nanulay sa kanyang mga senses ang impact ng impormasyon na iyon.

Hindi na naman niya alam kung paano mag-re-react habang nagpatuloy ito sa pagsasalita at pagpapaliwanag patungkol sa katauhan nito. At habang nagpapaliwanag si Helios, nahahati naman siya kung maniniwala ba sa mga sinasabi nito o pagtatawanan ang tinahi-tahi nitong kwento.

Astral vampire? Soul sucker? What is that? A piece of fiction? Darn it!

“What the hell are you trying to plant in my brain, huh? Ganoon ba kabobo ang tingin mo sa akin?” galit na singhal niya kay Helios. Ano bang akala nito sa kanya? Isang teenager na nahuhumaling sa pagbabasa ng mga fiction stories.

Alright. She also likes reading fiction stories before. It entertains her. She loves it. Pero kahit ganoon na naadik din siya sa pagbabasa, alam pa din niya kung paano ihihiwalay ang reyalidad sa fiction. And what he was telling her were plain fictions!

“I know it was hard to believe, but it was all true. Kung hindi ka lang pinupuntirya ng soul sucker, I’ll never reveal myself to you. Not a chance.” Matigas pero parang natitibag na ng frustration na sambit ng lalaki… ng astral vampire daw pala.

At hirap na hirap si Fleure na paniwalaan si Helios. How come? Because she was a person who believes in science. Lahat ng bagay sa mundo, may scientific explanation. Kahit ang pagiging sensitive sa araw ng balat ni Helios, alam niyang mahahanapan ng sagot kung ilalapit ito sa mga taong may malalim na pagkakaintindi sa agham. Mas mahirap kasing paniwalaan na bampira ito samantalang ni hindi niya ito nakitang uminom ng dugo ng tao. At siya, kahit ilang beses na itong napag-isa kasama siya, bakit hindi man lang ito sumipsip ng dugo mula sa kanya.

Ah, sinabi nga pala nitong sa panaginip ng tao ito kumakain. And that sounds a lot crazier. Food for the astral vampires was their blood energy and the way to eat it was through their dreams? Does it make sense? Of course not! Prayers could be a food for the souls. Religiously, she believes that. Pero ang panaginip ay imposible namang maging pagkain ng kahit na sinong nilalang. Dreams were made by their subconsciousness. Lalo na kung matindi mag-isip ang isang tao. Hindi katulad ng sinasabi ni Helios na napapasok ng mga ito ang panaginip nila.

Pero paano niya ipapaliwanag ang ilang beses niyang nakita na mabilis na pagkilos nito at ni Zeke? Ang matataas na pagtalon ng mga ito lalo na kung matindi ang labanan? Ang unang beses na parang inilipad siya ni Helios habang papauwi sa bahay niya? At katotohanan na kahit nasaaan yata siya, basta’t nanganib o nakaamoy ng panganib, palaging sumusulpot si Helios. At ngayon, in a second ay nasa rooftop agad sila samantalang kanina lang ay nasa parking space pa sila ng SVMC.

Paano niya bibigyan ng justifications ang lahat ng iyon?

“Pero… bakit? Paano?” Napapatulalang naitanong niya. Gustong sumakit ng ulo ng dalaga. Hindi niya na alam kung alin ba ang mas tamang itanong. Bakit siya ang puntirya ng sinasabi nitong soul sucker na si Zeke? At paanong posibleng nangyayari ang lahat ng ito? This is pulling her sanity out from her.

“Maybe the Avergou notice that I was always all over you. At ganoon ang gawain ng pamilya Avergou. Ang kunin ang mga nilalang na pinahahalagahan at pinoprotektahan naming. To get even, I guess. They were still not over with our clan’s old battle. Hindi yata matanggap na natalo sila kaya gumaganti.”

“Wait…” Hindi na na-process ng isip niya ang huling mga sinabi ni Helios. Mas tumining sa isip niya ang isang bahagi ng sinabi nito. “Pinahahalagahan at pinoprotektahan? You mean me?”

“Who else? Sino ba ang pinupuntirya ni Zeke ngayon?” asik na naman nito sa kanya na inilayo ang tingin.

Napakurap-kurap na naman si Fleure. Bakit ganoon? Bakit may magulong damdamin sa loob ng dibdib niya dahil lang sa ideya na iyon? At bakit gusto niya ang idea na pinoprotektahan siya ni Helios. Well, what she meant was, he was still a stranger. Madami na ang nangyari. Pakiramdamn nga niya, matagal na niya itong nakakasama kahit hindi naman. At kahit madami-dami na din ang pagkakataon na nagkakasama sila, sinadya man o hindi, nandoon pa din ang katotohanan na estranghero pa rin ito. She didn’t know anything about him aside from his name, that he lives in Brookside and that he was ignorant when it comes to modern gadgets. That was it. Hindi niya magamit na basehan iyon para alisin ito sa kategorya ng pagiging estranhero.

“Pero… bakit ako? Paano… I mean, we didn’t know each other.” Nalilitong tanong niya na wala naman siyang napalang sagot.

Mahabang katahimikan na si Helios din ang bumasag nang tila hindi na ito makatiis.

“It just happened.” Sabi nitong parang nahirapan pang bigkasin ang mga salita. Mukhang maski ito ay nalilito din. “Curious lang ako sayo noon kasi, hindi kita mai-compell. Hindi ko marinig ang iniisip mo.”

So, the vampire can also read minds?

Right. May nabasa nga siyang ganoon. And never in her wildest dream that she would expect to hear it’s all true. Siguro ay kailangan niya ulit bumisita kay Doc. Denise pagkatapos ng gabing ito. Fiction or not, kailangan niya ng kausap.

“I thought you were that special. Sa dinami-dami ng taong nakita at nakasalamuha ko, ikaw lang ang hindi ko marinig o mabasa ang iniisip. Ikaw lang ang hindi ko mai-compell. Akala ko, isa ka sa mga magiging kaaway namin. Kaya sinubaybayan kita. At kahit nandoon ang ideya na pwedeng kaaway ka dahil sa abilidad mo, hindi ko pa din mapigilan ang sarili ko na gumawa ng paraan para iligtas ka kapag nagbabanta ang mga soul sucker na higupin ang kaluluwa mo.”

Sa maigsing sandali ay naipaliwanag nito kung paano kumakain ang mga soul suckers. At gusto na naman niyang magulantang habang mabilis ding pumapasok sa alaala ang ilang beses na pagtatangka ni Zeke na halikan siya. Akala lang niya na hahalikan siya, ‘yon pala ay hihigupin na ang kaluluwa niya. Iyon ba ang dahilan kung bakit sa tuwing mangyayari iyon, parang nahihigop ang lakas niya? Totoo nga ba ang lahat ng sinasabi ni Helios? Paanong naging totoo? It was just fiction! It must be fiction!

Pero kung fiction iyon, paano niya ipapaliwanag ang mga naranasan sa tuwing makakasama ang dalawang lalaki?

“But then, thanks to your human gadgets, I found out that there was nothing special in you. Human minds were fragile and easily been heard and played by dark entities. But yours was strong that is why I can’t hear it, nor alter it.”

Strong? Really?

Then, bakit gusto na niyang ma-confused ngayon? Gusto na niyang paniwalaan na nabubuwag na ang mahiwagang pader na naghihiwalay sa kanyang reyalidad at imahinasyon.

“Dapat hindi nalang kita nilapitan. Dapat hindi nalang kita sinubaybayan. Hindi ka dapat nalalagay sa kapahamakan ngayon sa kamay ng mga soul suckers kung hindi ko ginawa ang mga ginawa ko. Now, you were in danger.” Bakas sa boses ni Helios ang matinding pagsisisi.

At hindi niya alam kung alin sa dalawa ang mas matindi ang impact sa kanya. ‘Yong tuwa na naging daan para makilala siya ni Helios ay ang pagiging matatag daw ng mind health niya? O‘yongdismaya sa katotohanan na naoobliga na si Helios na protektahan siya dahil ito ang naging dahilan kung bakit napapahamak siya?

“And I think I must stay way from you. Mas malayo ako, mas protektado ka. Sakaling malaman ng mga soul suckers na hindi na ako interesado sayo at wala ka naman talagang halaga sa akin, siguradong lulubayan ka na din ni Zeke.”

Parang sinakal ang puso ni Fleure nang marinig ang isa pang masakit na katotohanan. Na wala siyang halaga kay Helios. Na interesado lang ito sa kanya dahil sa curiousity nito. Bakit pa ba siya masasaktan? Palagi namang ganoon. Wala naman talaga siyang halaga kahit kanino. Ang Daddy niya lang ang nagpapahalaga sa kanya. Sarili nga niyang ina, walang pakialam sa kanya. She even said that she regretted having her as her daughter. What was new in it? Wala naman ‘di ba? Dapat sanay na siyang nakakarinig ng ganoon. Dapat hindi na siya nasasaktan. Besides, sino lang ba si Helios? He was just someone…

Someone who used to appears whenever she felt danger. He was someone who appeared just to protect her. He was someone she wanted to be with. Kung sa anong dahilan, hindi niya alam. Oo, at hindi naman sila madalas na nagkakasama. But whenever she thought about him, she felt that she was not alone. That no matter what happened, she was protected. Because Helios will be there in instant whenever she needs him. Hindi niya din alam kung saan nanggagaling ang kaisipang iyon pero iyon ang nararamdaman at naiisip niya sa tuwing maaalala si Helios. Ang estrangherong si Helios. Stranger and strange he is pero wala ang panganib na dapat ay nararamdaman niya mula sa isang may madilim na aurang katulad nito.

“This must be our last meet up.”

Hindi pa tapos si Fleure sa pag-analize sa mga nararamdaman nang lumapit si Helios sa kanya. Hinapit siya sa kanyang baywang at pinakatitigan. Napatingala din siya rito at hindi malaman kung bakit ganoon na naman kabilis ang pintig ng laman sa loob ng kanyang dibdib. Their eyes met, locked and gazed upon each other. It seems like eternity but no one dared to cut the invisible ties that bind them together. For a moment she felt like Helios wanted her lips. And she wanted his. She wanted him to kiss her, feel her devour her. It was like an animalistic desire. Desire na hindi niya pa naramdaman kahit noong minsan siyang nagka-boyfriend. Maybe, because her perfect epitome of a man was her father. At ang naging boyfriend noong nasa med.school palang siya ay hindi pumuwesto sa kalahati ng katangian ng ama kaya madali ding natapos ang kanyang pakikipag-relasyon.

But this man. Helios. He was a total contrast of her father. He was always annoyed while her father was always happy. His sadness and pain was always covered by his shining smile. This man is arrogant and her father was polite. Helios would always do what he wanted even without permission, such a domineering man and her father was not. But despite all of it, she wanted Helios. There’s this feeling of intense need of him.

Lalo na ngayon na parang gusto niyang kabigin ang batok nito at tikman ang mapupulang labi na iyon. To hell with the thought that he was a vampire. And she knew the man had the same intense need of claiming her lips also. She could see it from his eyes. Her body was in flame while it was pressed firmly in his hard and cold body. And despite his coldness, it still brings shivers down her spine.

She waited for him to kiss her… she waited and waited. But minutes passed at walang nangyaring halikan. Instead, she felt she was transforted back to parking space. Tuliro pa din si Fleure maski hanggang maibaba siya ni Helios sa tabi ng kanyang sasakyan. Did she anticipates too much kaya ganito katindi ang panghihinayang niya na hindi naibigay sa kanya ang gusto?

“This must be goodbye. So, I must do it now.”

Wala pa din siyang salita hanggang sa maramdaman ang mga daliri nito sa kanyang baba. At bago pa siya makapag-react, her lips were greeted by his. Luscious and sensual…passionate and intense, she had tasted the most delicious kiss she could ever taste in her entire life. Akala niya ay katakam-takam lang tingnan ang mga labi ni Helios. Pero higit pala ang kaya no’ng ipatikim, ganitong nalalasap na niya mga labi ng lalaki. Naipikit pa niya ang mga mata para mas lalong maramdaman ang tamis ng mga labi ni Helios.

At bakit parang gusto niyang maguluhan sa damdamin? Bakit gusto niya ang mga labi ni Helios? Bakit gusto niya ang pakiramdam na hawak siya nito? Halos gusto niyang ipagdasal na sana, hindi matapos ang sandaling iyon.

Hindi na niya alam kung alin ang kabaliwan. Ang mga pinagsasabi nito kanina patungkol sa totoong uri nito? O ang pakiramdam na gusto niyang itali si Helios sa kanyang tabi at huwag nang pakawalan?

Why did he have that kind of effect in her? Dahil ba sa bampira nga ito? And vampires do always had that wild animalistic desire. It’s in their nature.

But…

That was fiction.

At mas lalo siyangnaguluhan nang maramdamang nag-iisa na siya. She opened her eyes and greeted by the silence and darkness inside the parking space. Gusto niya din tuloy pagdudahan ang sarili kung totoo nga bang nangyari ang lahat. Kung totoo nga ba ang mga narinig niya mula kay Helios. Or that must be a pigment of her imagination.

If it does then why….

Dinama ni Fleure ang mga labing mamasa-masa pa. Why it seems the mind-blowing kiss was real? It felt intensely real. If it was just a pigment of her imagination, then whythe acheandthestirs in her loins? Why every second she stands in the middle of the parking area felt so gloomy? She felt abandoned and she missed his touch. What the heck is that, really? Hindi imahinasyon ang nararamdaman niya.

“This must be goodbye. So, I must do it now.”

Those words, why it pains her chest? Oo, hindi naman sila close ni Helios. Ni hindi sila personal na magkakilala. But the security and safety that he gave her was enough for her to feel melancholic about the idea, him leaving her.

That would only mean na wala nang parang kabute na susulpot sa harapan niya kapag nanganganib siya.

Ah, sinabi nga pala nito na lulubayan siya ng kaaway kung mawawala na ito sa paligid niya. Mas magiging safe daw siya kung wala ito. That means, that feeling that Helios was always there was real.

But now…

“No…” halos pabulong na sabi niya sa sarili. Parang ayaw nalang niyang maging safe kung ang kapalit, hindi na magpapakita si Helios sa kanya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.