CHAPTER 25

NAGISING si Dara sa nag-iingay na alarm ng cellphone sa side table niya. Mabuti-buti na ang pakiramdam niya. Hindi katulad nang huling beses na imulat niya ang mga mata at damhin ang panghihina ng katawan.

Sandaling natigilan si Fleure. Nanlalaki ang mga mata na napalingon sa paligid habang patuloy pa din sa pag-iingay ang kanyang cellphone. Nasa condo niya siya. Paano siya nakauwi kung ang huling natatandaan niya ay para siyang nasa gitna ng kaguluhan ng mga nilalang na hindi niya alam kung ano. Pilit na binalikan niya ang huling alaala. Ang lalaking iyon. Iyon ang huli niyang nakita at…

Napasinghap si Fleure nang maalala kung anu-anong mga kabaliwan ang pinagsasabi niya sa lalaki. Kung bakit niya sinabi ang mga sinabi ay hindi niya alam. Siguro dahil sa estado din niya ng mga sandaling iyon. Nandoon kasi ang pakiramdam na kung hindi niya pa sasabihin ng mga sandaling iyon ang mga nagpapagulong damdaming hatid ng lalaki ay hindi na siya magkakaroon pa ng ibang pagkakataon. Para kasi itong bagyo na dumadaan at umaalis nalang bigla.

At teka. Paano siyang nakauwi? Kung ang lalaki ang naghatid sa kanya, paano nalaman noon ang tinutuluyan niya? ‘Wag sabihing stalker ito?

Naipilig ni Fleure ang ulo at siya namang paglakas ng alarm ng cellphone. Inabot niya iyon at pinatay ang alarm. Napakunot-noo pa siya nang makita ang alarm. Iyon ang oras ng pagpunta niya sa bar para kitain si Larix. Teka, panaginip lang ba ang inaakala niyang huling nangyari? Kasi sa pagkakatanda niya, galing siyang bar at papauwi. Bakit ang alarm ay papunta palang siya ngayon? At bakit nasa kama siya? ‘Di ba dapat kasama siya ng boss na si Fonsi?

Chineck niya ang date at napasinghap. Kahapon sila nanggaling ni Fonsi sa sementeryo. Nangyari ang nangyari kagabi at kaninang madaling araw. Ibigsabihin na maghapon siyang natulog?

Parang nagtayuan ang mga balahibo niya sa katawan. Totoo ang mga naaalala niyang nangyari kagabi. Paano kung maulit iyon ngayon? At sino ba kasi ang mga nilalang na iyon.

Ano pa bang kinatatakot mo, Dara. Patay ka na ‘di ba? Hindi na big deal kung mamatay ka ulit. Mas big deal kung hindi mo matapos ang mission mo. Kasi, kapag nangyari iyon, hindi mo na makukuha ang kung ano mang reward mo kay Magi.

And speaking of Magi. Nasaan ba ang soul reaper? Ni wala man lang ba itong kaalam-alam sa mga nangyayari sa kanya? Mariing napapikit si Dara. Tama, hindi siya dapat matakot. Wala na siyang dapat katakutan dahil patay na naman talaga siya. Nandito lang siya para sa isang misyon. Ang kailangan niya lang ay mag-ingat pero hindi ibigsabihin ay hindi siya kikilos dahil may mga naka-schedule pa siyang dapat gawin.

Dumeretso siya sa banyo at nagshower ng mabilisan saka nagbihis ng kanyang pang night out. Kailangan pa niyang kitain si Larix. Matapos asikasuhin ang sarili ay lumabas siya ng bedroom. Para lang magulantang sa makikita sa maliit na sala. Napasinghap si Dara at natampal pa ang dibdib na biglaan ang malakas na pagkabog pagkakita sa lalaking prenteng-prente ang pagkakaupo sa couch. Naka-spread pa ang mahahabang braso nito sa ibabaw ng back rest. Feel at home na feel at home.

Umawang ang bibig niya para sitahin ito pero naitikom niya ulit nang makitang umahon sa couch ang lalaki. Sa isang kisapmata ay nasa harapan na niya ito. Matiim ang titig sa kanya. Parang nagagalit na hindi niya maintindihan. Bakit ba? Ano bang ginawa niya? ‘Di ba dapat siya ang magalit? At paano ito nakapasok sa loob ng unit niya?

Pero kung nandito ang lalaki, tama ang hinala niya na ito ang nag-uwi sa kanya.

“And where do you think you were going?”

Sunod-sunod ang ginawang paglunok ni Dara nang makitang nagkikiskisan ang mga ngipin ng lalaki. Dahil ba sa galit? Kanino at bakit?

MABABASAG ang mga ngipin ni Helios sa paggigitgitan. May hinala na si Helios kung saan pupunta si Fleure lalo na at ganito kaigsi ang suot. His blood energy wanted to burn.

Nitong nakaraan ay sinusubaybayan niya pa din ang dalaga kahit nandoon ang babala ni Lori na hindi dapat. Kaya hayun, mas lalo lang siyang nakakaramdam ng galit sa ginagawa niyang pagsunod-sunod. The Fleure he was seeing now, was way different with the Fleure he knew. Dati pang nakakabaliw ang ganda nito. Pero mas gusto niyang mawala sa sarili ngayong naka-expose ang kagandahang iyon. Napakaigsi ng mga isinusuot ni Fleure kapag magba-bar hopping. At palagi nitong kasama ang vocalist ng kung anong banda. Sa kakasubaybay niya sa dalaga, alam na niya ang routine nito. Nagtatrabaho ito sa araw. Na sa palagay niya, hindi naman talaga trabaho kundi pakikipaglapit lang sa boss nito. Paanong hindi niya maiisip kung palagi nalang lumalabas ang dalawa? Sabay na kumakain. Nagtatawanan at nagkukwentuhan.

At kapag gabi naman, ibang lalaki na ang kasama nito. Ang lead vocalist nga. Ayaw niyang isiping pinagsasabay nito ang dalawang lalaki pero iyon ang nakikita niya. Lalo lang tumitindi ang galit niya. Nasaan na ang Fleure na kilala niya noon? ‘Yong babaeng simpleng bagay lang ang nagpapaligaya?

“How dare you, Fleure? How dare you give those smiles on them?!”

Sa kanya lang dapat ang mga ngiting iyon. Siya ang dapat na kasama nitong tumawa. Siya ang dapat na kahawak-kamay nito. Hindi ang mga lalaking iyon! But wait… upon checking himself, may karapatan ba talaga siyang magngitngit at maramdaman ang mga nararamdaman? Wala naman hindi ba? Ano lang ba siya kay Fleure? Ano ba sila? Walang kahit ano sa pagitan nila. Ni hindi nga niya alam kung dapat ba niyang i-consider na magkaibigan sila.

Tama. Wala nga silang kahit anong relasyon na masasabi, pero walang makakapigil sa kanya na subaybayan at protektahan ang babaeng hindi yata nag-iisip. Gagawin nito ang gusto kahit ano pa ang kahantungan noon. See? Kagagaling lang nito sa mapanganib na sitwasyon, nagbabalak na namang lumabas? Hindi ba nito kayang pigilan ang sarili na makipagkita sa mga lalaki nito at unahing isipin ang kaligtasan?

Naitikom ni Helios ang mga kamao na para bang sa ganoong paraan ay mapanghahawakan niya ang sarili. Why, the feeling was strong. It makes him angry knowing that she’ll meet another man again.

He missed her. Badly. So badly that he can’t kill the envious feeling he had inside. Inggit na inggit siya sa dalawang mortal na nakakasama nito. Nahahawakan ng mga ito ang dalaga. Nakakasama. Nakakausap. Siya ay hindi. Palagi lang niya itong pinapanood mula sa malayo. At ang hirap-hirap ng ganoon. Sobrang hirap. Nagagalit siya sa sarili dahil, bakit ba kailangan niyang maramdaman ang mga iyon?

“Ano bang pakialam mo? At bakit—”

“Kikitain mo na naman ba ang mga lalaki mo?” Pagalit na sita niya rito at hindi na pinatapo sa tangkang sasabihin ng babae.

Nakita niya ang pagdaan ng talim at galit sa mga mata nito. Hindi nito nagustuhan ang sinabi niya pero wala siyang pakialam. Sasabihin niya ang gustong sabihin at walang makakapigil sa kanya. Lalo at ginagalit siya ng mga sagot ni Fleure.

“So? Wala kang pakialam kung sino ang kitain ko. Sino ka ba sa akala mo para sitahin ako?”

Halos sumabog ang mga ugat ni Helios sa may leeg nang marinig ang sagot ng dalaga. Nag-apoy sa galit ang asul na mga mata niya. Naghahamon na inilapit niya ang mukha rito. Para namang umurong ang dila nito at kinakabahang humakbang patalikod. Hinablot niya ang braso nito.

“What were you thinking, huh?!” Galit na singhal niya rito. Halos bumaon ang mga daliri niya sa diin ng pagkakahawak niya sa mga braso ng dalaga. “Bumalik ka lang ba sa mundong ito para magwala?”

Nakita niyang nakiraan ang sakit at insulto sa mga mata nito, Pero saglit lang iyon. Muling bumalik ang pagkataranta at pagtataka.

“You… who are you?”

Natigilan siya. Hindi nga pala siya nakikilala ng babae. Pero dahil din sa kaisipang iyon, muling bumalik ang galit niya kay Fleure. Bakit ganoon lang kadali nitong kalimutan ang patungkol sa kanya? Ipinagpalit ba nito ang alaala para lang makabalik sa mortal world?

At nang titigan niya ito, hagudin ng tingin ang kabuuan ng dalaga, sumalit naman ang kakaibang init na agad dumaloy sa katawan niya. Init na hindi niya pa naramdaman sa iba maliban sa pagkakataong hawak niya ito. Init na tila nangangailangan. Nananabik.

At lalong lumalagablab ang init na iyon nang makitang kalahati na ng dibdib ni Fleure ang nakalabas sa may kalalimang cleavage ng suot nitong fitted black mini dress. He had never felt the tenderness that he was feeling right now.

“That’s what you really wanted, huh? Seducing and luring men so they’ll give you the pleasure you had been craving for so long?”

Sa isang sandali ay naibalik niya ito sa silid nito. Itinulak niya ito sa kama at agad na napaupo ang nalilito nang babae. “W-What?”

“Don’t worry, Fleure. I can give what those men can give you. Kaya din kitang pabaliwin sa ligaya katulad ng ibinibigay ng mga lalaking iyon sa ‘yo!” Nagngangalit na sigaw niya rito saka ito sinaluhan sa kama.

“Hindi ako si Fleure! Dara! I’m Dara!”

“You are Fleure. Nakalimutan mo lang pero ikaw si Fleure. Hindi ako pwedeng magkamali dahil kilalang-kilala kita.”

Sinugod ng mga labi niya ang maiinit na mga labi ni Fleure bago pa man ito muling makapagsalita. At sa sandaling maglapat ang mga iyon, wala siyang naramdaman maski katiting na pagtutol mula sa babae. Mas lalong tumindi ang galit niya. Kung nagpumiglas ito, ititigil niya ang kanyang kabaliwan maski gaano iyon kahirap. Pero hindi. Kabaligtaran pa ang nangyari.

So, this is the new Fleure. Seductive. Alluring. Passionate. And was so giving. Hindi niya alam kung matutuwa na o lalong magsisiklab ang galit. Kung ganito ito sa lahat ng lalaking nakakasama nito, dapat pa ba siyang matuwa?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.