“YOU’RE not helping, Helios!”
Puro sablay ang atake ni Helios sa soul sucker. Si Maidas, ang isa pa sa magkakapatid na Avergou. Galit na galit tuloy si Lori. Sabay-sabay na sumugod ang magkapatid na Avergou sa mansyon ng mga Monfort pero nauwi sila sa pagpapatayan sa isang abandonadong building na malayo sa karamihan ng mga tao. Hindi niya alam kung nasaan sina Ganaiah at Zeke pero may pakiramdam siyang anumang sandali ay susulpot na din doon ang mga iyon.
Pinagbibintangan kasi sila ng mga Avergou na siyang nagreport sa mga ito sa soul police kung ituring ng mga tulad nila. Hindi naman niya masisisi kung ganoon nga ang isipin ng mga kaaway. Pinoprotekatahan kasi ng soul reaper si Fleure. Mas lalong mahihirapang makuha ni Zeke si Fleure. Bukod doon, monitored na ang mga galaw ni Zeke at naging maingat na din ito sa basta paglapit kay Fleure.
Ikinatutuwa niya na din ang nangyari dahil protektado si Fleure sa mga soul sucker. Pero hindi din siya masayang halos gabi-gabi ay sinusugod sila ng mga soul suckers. It’s not that they can’t match with them. Kaya nilang tagpasin ang ulo ng mga mahihinang soul suckers na pakawala ng mga Avergou. Pero kasi, lalong nadadagdagan ang galit ng pamilya niya kay Fleure. Kahit daw kasi patay na ang mortal, binibigyan pa din sila ng sakit ng ulo.
Muling umatake si Maidas sa kanya kasabay ng matinding pag-iinit ng anulum commode sa daliri niya. Senyales na napakalakas ni Maidas ngayon. Kung gaano kasi katindi ang pagbabaga ng singsing, ganoon din katindi ang lakas ng kalaban na nasa malapit. Pakiramdam ni Helios, mapipigtas ang daliri niya sa tindi ng init ng anulum commode. Hindi tuloy siya kaagad nakaiwas sa pagdaklot ni Maidas sa leeg niya.
Pilit siyang pinapanganga ng soul sucker. Matindi ang pwersa na nagpapabuka sa kanyang bibig, napatiim-bagang si Helios. Katulad ng mga kalahi nito ay balak nitong kunin ang kaluluwa niya. Pero sa akala ba nito ay sasapat ang kakayahan nito ngayon? Maski ilang dekada pa itong magpalakas, hinding-hindi nito maaagaw ang kaluluwa niya.
Dinakma niya sa batok si Maidas at pabalyang inihampas ang katawan nito sa pinakamalapit na poste sa kanila. Agad nalasog ang poste at gumuho ang bahaging iyon. Naguhuan ng mga bloke ng pader na nalasog ang soul sucker. Pero mukhang hindi iyon iniinda ni Maidas. Parang wala lang na umahon ito sa gumuhong mga pader. Nakangisi pang muling umatake sa kanya.
Nahablot ni Helios ang braso nito at pinilipit pero naging napakabilis din ni Maidas. Isang malakas na upper cut ang pinakawalan nito. Sumalya siya sa ere pero agad ding nakabwelo at binalikan si Maidas. Lasog-lasog ang bawat bahagi ng building na madaanan nila pareho. Nakita niya ring sumalya malapit sa kanya si Lori. Agad itong nakatayo at bumwelo para sa muling pag-atake ni… Ganaiah. Nandito na si Ganaiah. Wala pa si Zeke. Gusto na niyang mag-alala. Kung wala si Zeke, posibleng si Fleure ang pinagkakaabalahan nito ngayon. Mas nagngalit ang pakiramdam ni Helios. Gusto na niyang matapos ito para mapuntahan si Fleure at masiguradong nasa maayos ang mortal!
“If I can only asked Theron to put some spells in here.”
Narinig niya ang iniisip ni Lori. Si Theron ay may kakayahang magpakawala ng malakas na spells laban sa mga dark elements na tulad nila. Pero kung gagawin iyon ni Theron, malamang na hindi lang ang mga soul suckers ang maaapektuhan. Maging sila dahil mga considered dark elements din ang mga astral vampires.
“Bakit nga hindi mo na tawagin ang asawa mo at nang mabugaw na palayo ang mga lamok na ito?” Asar na tanong niya. Inip na inip na siya sa labanang iyon.
Nagalit yata ang magkapatid na Ganaiah at Maidas sa narinig kaya mas naging mabilis ang pagsugod ng dalawa.
“At ano? Pareho tayong matutusta sa enerhiyang pakakawalan niya?” Muli ay ang sagot ng isip ni Lori.
Hindi pa nakakapag-isip si Helios dahil pokus pa siya sa pakikipagpambuno kay Maidas nang magsisulputan naman ang iba pang soul suckers. Mga low breed lang naman, still, sagabal pa din ang mga iyon sa pakikipag-one-on-one fight niya kay Maidas. Isa pa ay mag-uumaga na. Ang mga soul suckers, kayang lumabas sa liwanag ng araw in limited time. Habang silang mga astral vampires, masusunog naman sa liwanag. Oo, at may anulum commode siya, still, humihina ang katawan niya kapag nasa ilalim ng liwanag ng araw. Iyon ang disadvantage na bigay ng singsing. Hindi siya nasusunog at kumikinang lang ang balat kapag suot ang anulum commode, iyon naman ang advantage.
Still, malaki pa ding problema ang liwanag ng araw. Kaya siguradong mas titindi ang kagustuhan ng soul sucker na makuha ang kaluluwa nila. Wala na silang choice kundi ang hingin ang tulong ng spell ni Theron.
“Need help?”
Siyang pagdating nina Lathan at Ailister. Napalingon siya kay Ailister na tila mas ginanahan nang makitang dumadami lalo ang mga low breed soul suckers. Nagsimulang sumugod ang dalawa ni Lathan.
“Anong ginagawa niyo dito? Sino ang nagroronda ngayon sa mga designated place ninyo?” Nagpakawala ng isang sipa si Helios nang maramdamang may sumusugod sa left side niya. Isang suntok naman sa kanan. Habang buong lakas na sinalag niya ang atake ni Maidas.
“Kayang kaya na ‘yon nina Azriel at Axyl. Sina Mama at Papa ang bahala sa mga matatandang Avergou.” Narinig niyang sagot ni Lathan. Bahagya na niyang narinig na worried ang boses nito. Siguradong inaalala nito ang sitwasyon ng asawang si Scylla. Malamang kasi na sa paghihiganti ng mga Avergou, pati ang mortal na si Scylla ay malamang na manganib din.
“Lathan! Nasabihan mo ba si Theron na lagyan ng protecting spell ang bahay nina Scylla?” Bigla niyang naalalang itanong. Hindi na niya narinig ang sagot ng kapatid nang makitang susugod na naman si Maidas.
Nang muli itong umatake, hinablot niya ang ulo nito at pinilipit pero nagsisampahan ang mga soul suckers sa balikat at likuran niya. Mas nahirapan siyang magpokus. Tig isa ang mga kamay niya sa mga umaatakeng soul suckers. Ang isa pa ay pinipigilan ang kanyang ulo na makagalaw. Ilang beses man niyang naisalya ang mga ito, mabilis ding nakakabalik.
“Good job, my underlings!” Natutuwang sambit ni Maidas habang papalapit sa kanya.
Pinilit ni Helios na makakawala sa mahihinang kampon ni Maidas. Pero habang pinipigilan siya ng mga iyon at hindi siya makagalaw, mas nararamdaman niya ang init at hapdi na dala ng anulum commode. Mas naaabsorb niya ang pahirap na disadvantage ng singsing. Pakiramdam niya, dumadaloy ang hapdi at init noon sa buo niyang sistema at mas lalo siyang napaparalisa. Gusto niyang makakawala. Gustong-gusto niya. Gusto niyang haklitin ang leeg ni Maidas at pilipitin iyon hanggang mapigtas. Gusto niyang gawin dito ang ginawa niya sa kapatid nitong si Lach Avergou. Nang maubos na ang mga kalaban nila at matahimik na din sila sa ibabaw ng daigdig.
Pero hindi siya makakawala. Mas nag-igting ang galit ni Helios nang muling maramdaman ang matinding pwersa na nagpapabuka sa bibig niya. Isang dipa ang layo ni Maidas sa kanya pero damang-dama niya ang napakalakas na pwersang pinapakawalan nito. Sumasabay pa ang pahirap na singsing.
Hayup ka!
Gustong-gusto niyang isigaw ang hapdi at init na dumadaloy sa mga ugat niya pero pinigilan niya ang sarili. Hindi pwedeng magbukas ang bibig niya or else, katapusan na niya. At sa mga kamay pa ni Maidas Avergou, hinding-hindi niya iyon papayagan. Halos madurog na ang pang-ibabang labi niya sa diin ng pagkakakagat niya pero patuloy siya sa paglaban sa matinding enerhiyang pinapakawalan ni Maidas.
“Kaunting sandali nalang at magagawa ko na ang matamis kong ganti sa inyo, mga Monfort!” Nakakalokong humalakhak si Maidas, pagkuway mahigpit na ikinuyom ang kamao, senyales na mas tumitindi ang pinakawalan nitong enerhiya.
“Look who’s here, Monfort. May sorpresa akong dala para sa ‘yo.”
Napunta sa ibang lugar ang atensyon ni Maidas at unti-unting nawala ang malakas na pwersa. At ganoon nalang ang pagkagimbal niya. Mula sa liwanag ng buwan, kitang-kita niya ang eksena na hindi niya gustong makita sa mga oras na ito. Pigil ni Zeke sa likuran ni Fleure ang parehong braso ng babae habang mariing pisil-pisil ang mga pisngi nito. Kita niya ang takot sa mukha ni Fleure pero nakapagtatakang nang makita siya nito ay unti-unting napapawi ang takot. Napapalitan ng kinang.
What the heck?!
“Bago mo higupin ang isang ‘yan, Maidas, hayaan mo muna akong pagpakitaan siya ng isang magandang show.” Sabi ni Zeke na nilingon ang mga nasa paligid.
Abala ang lahat sa pakikipaglaban at ni hindi nawalan ng pokus maski pa nga dumating si Zeke na bitbit si Fleure. Naramdaman niyang binitiwan siya ni Maidas pero wala doon ang atensyon niya. Nakatutok nang lahat sa babaeng bihag ni Zeke. Kung kanina ay walang takot at hindi matitibag ang dibdib niya kahit pa nga alam niyang wala na siyang kawala sa gagawin ni Maidas, ngayong pinakawalan na siya ng huli, mas na naramdaman niya ang matinding kaba at takot. Parang magigiba ang dibdib niya sa tension. Hindi pa man ay alam na niya ang plano ni Zeke. Balak nitong higupin ang kaluluwa ni Fleure sa mismong harapan niya.
Hindi! Hindi siya makakapayag!
Pumalag siya sa mga mahihinang soul sucker pero mas dumami ang nagpipigil sa kanya ngayon.
“Hawakan niyo ‘yang mabuti.” Utos ni Maidas sa mga alagad nito. “Ipwesto niyo sa mas maganda ang view na makikita niya ang palabas ni Zeke.”
Sumunod nga ang mga alagad nito. Pero habang hinihila siya ng mga iyon ay panay naman ang palag niya.
Fleure…
Halos mabasag ang kanyang mga ngipin sa paggigitgitan nang makitang ngumingisi ng nakakaloko si Zeke.
“Panoodin mo kung paano ko lalamunin ang kaluluwa ng babaeng ito, Monfort!” Saka humalakhak na parang nababaliw na.
“Hindi ba’t gusto mo siya? Bakit kukunin mo ang kaluluwa niya kung gusto mo siya.” Sa kawalan ng maisip na delaying tactics ay sabi niya. He need to buy time while thinking on how he could save them both. At maski ang mga kapatid na masigasig na nakikipaglaban sa hindi nauubos na mga kaaway.
“Well, gusto ko naman talaga siya. Kaya nga sa harapan mo, kukunin ko siya. Para mas maging matamis ang tagumpay ko.”\
Nagtiim-bagang si Helios.
Think Helios, think! You work, stupid brain!
Galit niyang singhal sa sarili. Bakit kung kailan kailangan niya ng brilliant idea ay saka nawawala ang mga iyon?!
“Anong gagawin mo sa akin!?” Narinig niya ang hintakot at kinakabahang boses ni Fleure. Kitang-kita niya ang panginginig ng katawan nito. At akala ba niya ay may soul reaper na nagbabantay rito? Bakit pinayagan ng soul reaper na makuha na naman ni Zeke ang dalaga?!
“Don’t worry, sweet. I’ll do it fast.”
At nagsimulang mag-intrude ang enerhiya ni Zeke sa nakaawang na mga labi ni Fleure. Patuloy iyon sa pagsalakay sa katawan ng mortal hanggang tuluyan nitong mapanganga ang babae. Mas lalong nag-igting ang damdamin ni Helios nang makita niyang nagsisimula nang lumabas ang putting enerhiya sa katawan ni Fleure. Iyon na ang kaluluwa ng dalaga. Sinisimulan nang higupin ni Zeke.
“Huwag!!!”
Tuluyang nagwala si Helios at sumiklab ang galit. Sa isang sandali ay nawalan siya ng pakialam sa pasakit na bigay ng singsing at walang ibang laman ang isip kundi ang makakawala sa mga pumipigil sa kanya para masugod si Zeke. Nagsisalyahan ang mga soul suckers sa kung saan-saang bahagi ng lugar pero napapalitan iyon ng mas madami pang soul suckers din an pumipigil sa kanya. Isa-isang tinatagpas ni Helios ang ulo ng mga sumusugod sa kanya habang papasugod sa pwesto nina Zeke at Fleure. Wala siyang sinisino at wala ding ibang laman ang isip niya kundi ang mailayo si Fleure kay Zeke. Hindi na siya papaya na muli, sa harapan niya ay mamamatay ang mortal.
Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang lakas niya ngayon at mas lalong wala siyang ideya na may ganoon katindi pala siyang lakas. O baka ang galit na niya ang nagfu-fuel sa matinding enerhiya na inilalabas ng katawan niya. Maski nang humarang si Maidas sa dadaanan niya at nakipag-one on one combat sa kanya, isang malakas na suntok sa sikmura at sa mukha kasunod ang isang upper cut ang ibinigay niya rito. Sinalo iyon ni Axyl ng isa ding tadyak sa likuran. Hindi niya napansin na nandoon na din pala ang pinsan. Sa pagtango ni Axyl, alam niyang sinasabi nitong ito na ang bahala kay Maidas.
Sa isang sandali ay nasa tabi na siya nina Zeke at Fleure at mabilis na naagaw niya ang dalaga sa soul sucker. Parang lantang gulay na nalugmok sa sahig si Fleure. Ganoon nalang ang takot niya nang makitang walang malay ang dalaga.
“Hindi… hindi, gumising ka Fleure!” Gusto niyang mawalan nalang ng ulirat habang niyuyugyog ang babae at hindi ito magkamalay. “Fleure, please, gumising ka!”
Nahuli na ba siya? Nahigop bang tuluyan ni Zeke ang kaluluwa nito.
“Fleure naman, please! Huwag mong gawin sa ‘kin ito!”
“Isa kang hangal!” Kasunod ng boses ang malakas na pagtama ng isang paa sa kanyang mukha.
Tumilapon siya sa isang bahagi ng lugar. Gumuho ang mahina nang pundasyon pero naging mabilis ang kilos ni Helios. Agad siyang nakaiwas sa mag batong papaguho sa kanya.
“Hayup ka!”
Gigil na singhal niya nang makitang binabalikan ni Zeke ang walang malay na si Fleure. Ibigsabihin lang noon na hindi nito tuluyang nakuha ang kaluluwa ni Fleure. Pero dahil din sa nangyaring paghigop nito, hindi man naging succesful, magkakaroon ng koneksyon si Zeke kay Fleure. Posibleng mapasunod nito ang mortal o mabasa ang iniisip nito katulad nang nangyari noon. Mas manganganib ngayon ang dalaga dahil magiging madali nalang kumonekta ang isip ni Zeke sa mortal lalo at ilang bahagi ng kaluluwa ni Fleure ang malamang na nakuha na ni Zeke.
Pasugod na nakipambuno si Helios kay Zeke. Walang tigil siya sa pagpapalasap ng sipa at tadyak sa soul sucker. Para lang itong papel na sinasalo niya ng suntok at ibinabalibag ng tadyak. Nang makitang para na itong lantang gulay ay saka niya nilapitan ang nagkakamalay nang mortal.\
“Fleure? Fleure, are you okay?” Para siyang bibitayin ang pakiramdam habang naghihintay na sumagot ang dalaga.
Pero sa pagtataka niya ay ngumiti pa ito. Umangat ang isang kamay at humaplos sa kanyang mukha. Ramdam niya ang masarap na init na nanggagaling sa palad ng dalaga. Ahhh, how he missed that feeling…
He was such a dumb one. He can’t help but being happy and thankful while seeing that beautiful smile… the smile that always put him into danger. Bakit ba naman kasi ganoon ang takbo ng isip at damdamin niya? Sa pagbabalik ni Fleure, alam niyang bumalik ang problema at panganib sa buhay at sa pamilya niya. Pero masaya pa din siya.
“Who are you? Bakit parang kilala kita pero parang hindi naman?” Sa kabila ng tila naguguluhang ekspresyon nito ay ang pagkinang naman ng mga mata ng dalaga. “I wanted to touch you like this.” Patuloy na sabi nito at patuloy din sa paghaplos sa mukha niya.
“You can touch me all you want. But just please tell me first if you were okay.”
“Nanghihina ang pakiramdam ko.” Halos pabulong na sagot nito.
Naramdaman niya ang unti-unting paghulas ng kamay nito sa mukha niya. Agad niyang sinalo ang kamay na iyon bago pa tuluyang malaglag.
“Stay awake, please. May kailangan pa akong tapusin. Nasa labanan ang mga kapatid ko.”
“I can’t. Gusto ko nang matulog. Gusto kong magpahinga.” Pahina ng pahina ang boses.
“Fleure!”
“I’m not Fleure...” Bulong nito. Pumipikit na ang mga mata. “Pero kung ang pagiging si Fleure lang ang paraan para tingnan mo ako ng ganyan kasarap, then gusto kong magpanggap na si Fleure kahit sandali lang. I wanted to close my eyes when the last person I saw was you… that I know you are holding me. Welcome to my life, whoever you are…”
“Damn it!”
Tuluyang nawalan ng malay si Fleure. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kung hindi niya ilalayo doon ang mortal, mas mapapahamak pa ito. Pero hindi niya din pwedeng iwan ang mag kapatid.
“Go ahead! Kami na ang bahala dito.”
Nang lingunin niya ang nasa tabi ay si Theron ang nakita niya. Dumating na ang back up. Pero hindi siya sigurado kong tulong o pinsala ang magiging epekto noon sa mga kapatid niya. Ang kapangyarihan ng spells ni Theron, pumupuksa din sa mga tulad nila dahil mga dark element sila.
“Sige na, Helios. Hindi ko ipapahamak ang pamilya mo. Pamilya ko din kayo.” Anito na parang nahuhulaan ang iniisip niya.
May tiwala siya sa mortal maski pa nga ilang beses na silang naipahamak ng mga spells nito. Alam niyang hindi nito pababayaan ang mga kapatid niya. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at binuhat si Fleure.
“I’ll take you home, Fleure.” Bulong niya. “And I’ll never leave your side, again.”
Tanga na kung tanga pero nagpapasalamat siyang bumalik si Fleure. Nagdesisyon na din siyang susulitin niya ang bawat sandali na makasama ang babaeng minamahal. Kahit gaano kaigsing oras, pagkakasyahin niya ang sarili.