NAPAHINTO sa paglalakad si Dara, or should she call herself Fleure…nang mapansing may naghihintay sa kanya sa parking area. Malapad ang ngiti ng gwapong nilalang. Gusto niyang tumbasan iyon ng matamis ding ngiti. Pero nagbago ang isip niya. Pasugod niya itong nilapitan saka binigyan ng malakas na suntok sa dibdib.
“Aw!” reklamo nito at pinigilan ang kamay niyang nanununtok.
“Aw, aw ka pa. Aso ka ba?” irap niya.
“What had I’ve done to deserve a sort of greeting just like this?”
“Nagtatanong ka pa?” sikmat niya rito. “Don’t you see? You almost gave me a heart attack! Pinaalmusal mo lang naman ako ng matinding pag-aalala, pinag-lunch at dinner ng restlessness!”
Kung may ilang sandali na naghalili sa pag-iigkasan ang mga kilay nito. Nang biglang magbago ang expression ng gwapong mukha. Parang may naalala at na-gets din ang sinasabi niya.
“Oh… that. I’m sorry. I thought you’re used with something not ordinary. Alam kong nakita mo na ako sa astral form ko no’ng inaatake ka ni Zeke. At parang hindi ka naman natakot o nag-alala o nagtaka. Plus, the fact na nakita mo ang labanan ng mga lahi naming sa abandoned building. Hindi ordinaryo ang labanan na iyon. ” Pabalewalang sabi nito.
Tama naman ito. Hindi niya alam kung paanong hindi na siya nagtaka. Siguro dahil hindi na nga siya ordinaryong tao lamang. Actually, hindi na siya kabilang sa mundo ng mga buhay kaya may possibility talaga na makita niya ang mga bagay na hindi nakikita ng ordinaryong mga mata.
“Dahil hindi na ako nabigyan ng pagkakataon na matakot o magtaka!” gigil pa din siya. Akala ba nito ay madadaan siya sa chika para makaligtas na ito sa ginawang pagtalon sa bintana kaninang umaga? “And come to think of it.” Humarap siya rito na naka-cross arms. Marahang ikiniling ang ulo sa paraang sinisilip at pinag-aaralang mabuti ang mga reaksyon ng lalaki.
Damn!
Gwapo talaga ang tinamaan ng lintik! But anyway…
“Astral ka kaya ka nakakalutang ng ganoon? Traveler ka? I have heard that astral travelling thing when I was studying psychology.”
Naipilig niya ang sariling ulo. May flash kasi ng memory na naka-uniform siya at nakaupo sa armchair habang nakikinig sa professor. Oh, wait! Bakit biglang nagpasilip ang alaala na iyon? Hindi ba at kinuha na ni Magi ang alaala niya?
“So, you remembered your past self?” narinig niyang tanong ni Helios.
Nahaplos ni Fleure ang sariling sintido. Pumipitik kasi iyon habang may mga sumasalit na flashes of memories. At makirot ang bawat pagpitik.
“I don’t exactly understand what is happening to me.” Mahinang sambit niya. Naipikit ng dalaga ang mga mata. Nalilito siya sa mga sumasalit na alaala. At halos wala siyang maintindihan. Muli niyang ipinilig ang sariling ulo nang sa palagay niya ay nawawala na ang kirot. “Ugh… what are those? Sa akin bang alaala ang mga iyon?” Parang wala sa sariling mahinang naitanong ni Fleure.
“Come on, stop going back to the past. Tapos na iyon. Ang mahalaga ay ‘yong ngayon.” Nang tingalain niya si Helios ay agad ang pagkapunit ng matamis na ngiti sa mga labi nito.
Dahil sa ngiting iyon, parang gusto nalang niyang kalimutan ang mundo.
“So, ano nga ulit ang pinag-uusapan natin?”
“We’re talking about me...” Anito. “I’m sorry. I’d been careless last night. Pero dahil nagtatanong ka na. At hindi ko magawang magsinungaling sa ‘yo lalo at alam kong malabo nang maulit ang nangyari noon, so yes. I’m going to tell you the truth. I’m an astral vampire.”
Napakurap-kurap si Dara/Fleure. Dapat ay nagugulat siya. Pero bakit ganoon? It feels as if she’d heard it before.
‘I’m an astral vampire, Fleure…’
Muli na namang pumitik ang sintido niya. Patindi ng patindi ang pagpitik noon. Padami din ng padami ang flashes of memories. Naghahalo-halo ang lahat sa isip niya hanggang hindi niya makayanan ang tindi ng kirot at mga alaalang sabay-sabay na pumapasok sa isip niya. Napasigaw ng malakas si Dara/Fleure habang hawak ng mahigpit ang sariling ulo.
“Hey! What’s going on…” Naririnig pa niya ang boses ni Helios pero natatabunan na ang pandinig niya ng kirot na nararamdaman. Hanggang hindi niya kinaya, bumigay ang mga tuhod niya.
“Fleure!” That horrified voice and those strong big arms that catch her… those were the last thing she understands before she totally passed out.
SA MULING pagmulat ng mga mata ni Dara/Fleure, nag-aalalang mukha ni Helios ang bumungad sa kanya. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Nandoon siya sa unit niya.
“Hey… are you okay, already?” Bakas pa din sa boses ni Helios na gusto nitong mataranta.
Nang tumango siya ay nagpakawala naman ito ng malakas na hininga. Na para bang mahabang panahon nitong pinigilan ang sarili na huminga.
“Damn!” sambit nito. “Alam mo ba kung anong ginagawa mo sa ‘kin?”
Napamaang si Dara/Fleure sa lalaki. Halata na sa perpektong mukha nito ang salitang pag-aalala at relief.
“Papatayin mo ako sa pag-aalala sa ‘yo, Fleure! Ilang minuto ka nang walang malay. Hindi ko alam kung saan kita dadalhin. Hindi naman kita pwedeng ilapit sa doktor at alam kong…” Nagpakawala na naman ito ng malalim na buntong-hininga.
Bumangon siya. Gustong mapangiti ni Dara/Fleure. Bakit ang sarap sa pandinig na ganoon nalang ang pag-aalala nito sa kanya? Hinayaan na niya itong tawagin siya sa pangalang Fleure dahil mas naniniwala siya na ito ang nagsasabi ng totoo. Na siya si Fleure at hindi si Dara katulad ng tawag sa kanya ni Magi.
“What?” Yamot na singhal nito. Kunot pa ang noo.
“Huh?”
“Bakit ka ngumingiti diyan? What’s so funny? Do you think this is funny? Ang mawalan ka ng malay sa harapan ko?”
Tumayo ito. Galit na nga. Ilang beses na nagpabalik-balik sa harapan niya na nakatiim-bagang. Pagkuway naupo ulit sa gilid ng kama sa harapan niya.
“You…” Nabitin ang sasabihin saka tiim-bagang na tinitigan siya. Clueless naman siyang nakipagtitigan kay Helios. Hindi niya kasi maintindihan ang sinasabi at iniaarte nito. “Sabihin mo sa akin kung ano ang mga rules. Ang mga dapat at hindi ko dapat gawin.” Nagpasilip na naman sa mukha ni Helios ang restlessness. Pati ang takot, nakikita na din niya sa gwapong mukha nito.
“Ha? Teka, anong rule?”
“Rules. ‘Yong mga hindi mo dapat gawin para hindi ka mawalang parang bula. Baka mamaya may ginawa o nasabi na pala ako na hindi mo dapat malaman or else, kukunin ng reaper ang kaluluwa mo at ibabalik ka sa—”
Tuluyan nang natawa si Dara/Fleure. So, that’s the reason of his being out of character. Hindi man niya kilala si Helios pero sa ilang pagkakataon na nagkakasama sila, alam niyang ito ang tipo na walang pakialam sa kahit ano basta magawa ang gusto. Masungit din at parang walang pakiramdam. Rude at suplado ito, oo. Pero baka iyon na ang normal ng lalaki. Medyo intimidating pero iyon nga ang isa sa tila naging charm nito na nakaakit sa kanya. But hey! Bakit masyado itong cautious ngayon? Iniisip ba nito na kaya siya nawalan ng malay ay binawi na ng reaper ang kaluluwa niya?
“Nah! Wala namang rules eh.”
Lumipad ang mga mata niya sa kanyang life candle. Saka malungkot na ngumiti. Malapit nang maubos ang kandila, ni wala pang improvement sa mga ginagawa niya. Tapos heto siya ngayon, nagtatampisaw sa ligaya kasama ng lalaking ni hindi niya alam kung anong kaugnayan sa kanya. Ang tanging alam lang niya, may malaki itong role sa nakaraang buhay niya. Kilala siya nito. At nararamdaman niyang kilala niya ito. Nagtitiwala siyang mabuti ito sa kanya noon kahit pa nga, reading between his lines, may malaki siyang naging kasalanan sa lalaki. Hindi niya maintindihan kung bakit parang biglang naglaho nalang ang galit nito sa kanya na una niyang nakita no’ng unang beses na magkaharap sila. Kung ano man ang dahilan, ayaw na niyang alamin. Sabi nga nito, ang mahalaga ay ang ngayon. Mabuti at katiwa-tiwala ang lalaki. Alam niya, dahil nararamdaman niya. Kung wala man ito sa alaala niya, nakikilala naman ito ng puso at damdamin niya.
“Sigurado ka? Tuso ang mga soul reapers. Makakalamang siya sa ‘yo pero ikaw, hindi mo siya maiisahan.”
“I know.” Malungkot na ngumiti siya rito.
“Anong kapalit ng pagbabalik mo dito?”
Natahimik si Dara/Fleure. Matagal. At walang ibang ginawa kundi makipagtitigan lang kay Helios. Nang hindi na niya matagalan ang tila pilit siyang binabasa na titig ng lalaki, siya na ang naglipat ng tingin.
“Hindi ko alam kung pwede kong i-disclose. Baka mapadali ang oras ko dito. Hindi mo naman gugustuhin iyon, ‘di ba?”
Tumitig muli si Helios sa kanya. Nalilito ang ekspresyon ng mga mata. Pagkuway nagbuntong-hininga na naman. Para bang binabalot ito ng frustration habang nag-uusap sila.
“Of course.” Tahimik na anito. Pagkuway hinapit siya sa kanyang baywang at hinila palapit. A moment after, she realized she was between his arms, wrapped with it and being hugged so tightly. “I have missed you so very much, Fleure. You can’t imagine what my life is in those two agonizing years you’re not here with me. At ayoko nang mawala ka ulit. Kung pwede lang, kakausapin ko ang soul reaper mo at makikipag-deal din para hindi ka na niya kunin.”
Pabigla siyang kumawala kay Helios. Hindi niya alam pero bigla siyang sinalakay ng takot. Masarap sa pandinig at pakiramdam ang mga nauna nitong sinabi pero hindi ang huli. Nagdala lang iyon ng matinding pag-aalala.
“Hindi mo magugustuhan ang hihilingin niya.”
Paano kung ang witch soul ang hingin ni Magi kay Helios? Para ma-fulfill na ang misyon ng soul reaper. Oo, maaaring may mga malalakas na kakayahan si Helios, pero hindi iyon assurance na magagawa nitong makuha ang witch soul na kailangan ni Magi. And besides, hindi niya gugustuhing makapatay si Helios para lang magkasama na sila. Problema naman niya ito, dapat siya lang ang lumutas.
“What do you mean?” nalilitong tanong ni Helios.
Inabot ng isang kamay ni Fleure ang pisngi ng lalaki saka marahang hinaplos. Pinilit niyang ngumiti para pawiin ang tila pag-aalala na namang dumudungaw sa gwapong mukha nito. Ayaw niya itong idamay sa misyon niya. Ayaw niyang dagdagan pa ang naging kasalanan niya rito noon, kung anuman iyon.
“Wala.” Nakangiting sambit niya. Inabot nito ang kamay niyang nakahawak sa pisngi nito at mahigpit na hinawakan. Ibinaba sa pagitan nila.
“Gusto kitang tulungan, Fleure. Gustong-gusto ko. Pero hindi ko alam kung paano.”
Her eyes gone misty. She felt like crying. Ang makita ang pagsuyo at pag-aalala sa mga mata ni Helios, ang marinig ang magagandang salitang iyon, sobra-sobrang nagpapaapaw sa damdamin niya. To think na alam niyang may kasalanan siya sa lalaki at heto ito, handa pa ding tulungan siya. Gusto pa ding makasama siya. Hindi na nakakagulat na maski hindi niya ito maalala, alam niyang minahal at mahal pa rin niya ito magpahanggang ngayon.
“I’ll be fine. I promise.” She assured him. Iyon lang ang magagawa at maibibigay niya rito sa ngayon, ang alisin ang pag-aalala nito. Wala na kasi siyang maisip na paraan para pantayan ang pagiging mabuti nito sa kanya.
Siguro, ang pinakamabuting gawin ay gamitin niya ang natitirang oras sa mundo para makasama si Helios. She knew deep inside her heart that she longed to be with him again. So much… that it kills her every single moment she thinks of him yet she can’t be with him.
Ano bang malay niya kung iyon naman pala talaga ang dahilan kung bakit siya nakipag-deal kay Magi? Tutal, nakikita niyang hindi na niya mafu-fulfill ang misyon dahil dalawang linggo nalang ang natitira sa kanya. It’s better kung gawin na niya ngayon ang gusto niya talagang gawin.
And come to think of it. Matagal-tagal na ding hindi nagpapakita si Magi sa kanya. Ano kaya ang pinagkakaabalahan nito at hindi siya binubuliglig na madaliin ang misyon niya sa lupa?
Whatever and wherever she is, okay na din iyon. Atleast, she still had time to be with Helios. Oo na. Uunahin na niya ang paglandi kaysa matapos ang misyon. Isinusuko na niya ang laban. Tutal, sa simula pa naman, alam na niyang imposibleng matapos niya iyon. She can’t do what Magi wanted her to do.
“MUKHANG inindiyan ka yata ng ka-meet up mo, Fleure?”
Bigla ang pagbaling ni Fleure sa nagsalita. Nasa rooftop siya ng tower building na tinitirhan. May usapan sila ni Helios na magkikita ngayon dahil magta-travel daw sila. Dadalhin daw siya nito sa lugar na gustong-gusto niya noong nabubuhay pa siya. He even promised her that they’ll do those things they used to do when she was still alive. Hindi niya lang masabi na dalawang linggo nalang ang natitira sa kanya. She couldn’t afford to ruin his happiness and excitement.
Pero kanina pa siya sa rooftop at ni anino ni Helios, hindi nagpapakita sa kanya. Instead, it’s the soul sucker. At mapanganib ang kaharap. Alam niya at naranasan niya, first hand, ang panganib na dala nito. Muntik mahigop ng soul sucker ang kaluluwa niya at binabalaan na siya ni Helios na palaging mag-ingat sa mga soul suckers, lalo na kapag wala ito sa tabi niya. Kung pwede nga lang ay hindi na siya iiwan ni Helios dahil naniniwala ang bampira na hindi pa tapos si Zeke sa panggugulo sa kanila.
By the looks of him and the dark aurae feels, alam niyang may hindi na naman magandang mangyayari. Mababa na ang temperature sa rooftop. Pero mas pinababa iyon ng presensiya ni Zeke. At what the hell was he doing here?
“I’m sorry to tell you, hindi na siya makakarating. Right now, ang mga alagad ko na ang ka-date—”
“What the hell did you do to him?!” Agad ang pagbalot ng magkahalong takot at galit kay Fleure. Sa mga salita palang ni Zeke, alam at nararamdaman na niyang may ginawa ito kay Helios.
Ngumisi ang walanghiya. Umakma siyang susugudin ang soul sucker pero sa isang sandali ay nakalapit ito sa kanya at naisalya siya.
“Isn’t its funny? Ang mga protector mo, parehong missing in action.”
Kumikislap sa nagbabagang pula ang mga mata ni Zeke habang papalapit sa kanya. Hindi naman siya makakilos. Napuruhan ang binti at balakang niya nang tumama sa isang matigas na bagay sa dulong bahagi ng rooftop. Pasalamat nalang siya na hindi iyon nawasak. Oh well, wala naman siguro sa kakayahan niya ang makawasak ng concrete wall and railings.
Teka, ano na naman bang kailangan ni Zeke sa kanya? Hindi ba takaga siya tatananan ng isang ito? Ano at nandito na naman ang walanghiya? At sa tindi ng kilabot na ipinaparamdam nito sa kanya, alam niyang mas tumindi o baka dumoble ang lakas ni Zeke. Para bang sa tuwing magkakaharap sila ni Zeke, palakas ito ng palakas. Padami din ba ng padami ang nakukuha nitong mga kaluluwa? Nasaan ba si Magi? Ang soul reaper lang ang alam niyang makakatapat sa lakas nito.
“Hindi ko talaga sila maintindihan. Patay ka naman na.” Inabot nito ang kanyang baba at itiningala para magkasalubong ang mga mata nila. Pakiramdam ni Fleure, para siyang pinapaso ng nagbabagang mga mata nito. “Bakit ba masyado kang mahalaga sa soul reaper at sa astral vampire? Ganitong nalaman kong wala naman palang espesyal sayo. Bakit masyado silang obsess na protektahan ka? O talagang may kakayahan ka naman pero hindi lang ma-censored ng mga alagad ko?”
Kahit hirap at napapangiwi, pinilit ni Fleure na bigyan ng nakakalokong ngiti ang soul sucker. Pang-asar lang. She had to buy time while thinking her next move.
“Just like how you do, Zeke.” Aniya at inaabangan ang magiging reaksyon nito. “Bakit masyado kang obsess na makuha ang kaluluwa ko ganitong alam mo namang walang espesyal sa akin?”
Nagtiim-bagang ang soul sucker. Tila mas tumindi ang galit dahil sa sinabi niya. Dumiin ang kamay nito sa baba niya. Umangata ng mga daliri sa panga niya na para bang gustong basagin ang mga buto niya sa mukha. Pero ni katiting na pag-ingit ay hindi siya nagpakawala. Ininda niya ang sakit, para lang hindi maibigay ang kasiyahan sa soul sucker na makitang nasasaktan siya sa ginagawa nito.
“Because for me, you are a tool for my revenge. Isinusumpa kong hindi ako mamamatay na hindi naipaghihiganti ang pamilya ko sa mga Monfort.”
Wala siyang maintindihan sa pinagsasabi nito. But she decided to appear happy seeing him so frustrated and angry. She smiled mockingly at him.
“I thought you like me?” Sa halip ay sabi niya. Hindi niya alam kung saan ba niya napulot ang mga salita. Gusto niya lang talagang iligaw ang isip ni Zeke.
At mukhang nagtagumpay siya. Sandali kasing nakiraan ang paghupa ng galit nito. Sandaling-sandali lang dahil muling naging kasindak-sindak ang galit na mukha ni Zeke.
“I did.” Dumiin muli ang mga daliri ni Zeke sa pisngi niya. “Pero dahil nakikita kong kahit ilang beses kang mabuhay at mamatay, ang Helios Monfort pa din na iyon ang mamahalin mo. You’ll never like me. Not a chance.”
“Right.” Paigik na sagot niya.
Lalong ikinagalit iyon ng soul sucker kaya isinalya siya sa kabilang bahagi ng rooftop. Pakiramdam ni Fleure ay nagkalasog-lasog ang mga buto niya. Ni hindi nna niya magawang ikilos maski ang mga daliri niya. Lumapit muli si Zeke sa kanya at binitbit siya sa leeg. At katulad ng babala ni Helios, nahulaan na ni Fleure ang gustong gawin ni Zeke kaya itinikom niya ng mahigpit ang mga labi. Matapos nitong gawing lantang gulay ang katawan niya ay kukunin naman ang kaluluwa niya.
Ang natitirang pag-asa niya ay si Magi pero wala din maski ang soul reaper. At sobra naman na yatang asahan pa niyang tutulungan siya nito ganitong hindi naman niya ginagawa ang trabaho niya.
And Helios… what about him? Ano bang nangyari sa bampira? Anong ginawa ng walanghiyang Zeke na ito sa Helios niya?