CHAPTER 28

FLEURE just couldn’t hold it anymore. Nararamdaman niyang unti-unti nang bumubuka ang bibig niya. Nararamdaman niya ding tila hinihila ang kanyang kaluluwa palabas sa kanyang katawang lupa. What more she could do now? Walang lakas ang katawan niya bukod pa sa isa lang naman siyang ordinaryong nilalang. Walang kahit anong kakayahan para protektahan ang sarili. Maski alaala ay wala siya. Ni hindi niya alam kung paano magus-survive sa kinasusuungang panganib.

“Get off her!”

Nahinto ang paghigop ni Zeke at nabitiwan siya. Para ding binuhusan ng sandamakmak na pag-asa si Fleure nang marinig ang tila pamilyar na tinig. Hindi si Helios kundi boses ng isang babae. Parang papel na bumagsak si Fleure sa malamig na concrete floor. Habang sa mismong kinaroroonan niya, napapanood niya ang pakikipagpambuno ng isang babae sa soul sucker. Pamilyar ang pigura nito. At sa paminsan-minsang pagsilip niya sa mukha nito habang nakikipaglaban, nakilala niya ang babae. Ito ‘yong astral body na kasama ni Helios noon sa parking area sa ibaba ng tower building. Ito ‘yong babaeng pilit inaaya si Helios na umalis na habang inaatake naman siya ni Zeke.

Ano at ito naman ang tumutulong sa kanya ngayon?

Hindi man niya maintindihan ay nagpapasalamat na din siya. Maski paano ay may pagkakataon pa din siyang manatili sa ibabaw ng mundo ng mga buhay. May oras pa siya para makasama si Helios at makapagpaalam. At sa mga sandaling ito na pakiramdam niya, bilang na ang mga sandali niya, saka siya nakapagdesisyon. Hindi niya sasayagangin maski isang segundo ng buhay niya. Lahat ng iyon, ibibigay niya kay Helios. Lahat ng gusto niyang gawin at iparamdam sa bampira, gagawin na niya. Para kung mapunta ulit siya sa ganitong sitwasyon at hindi na makaligtas, wala siyang pagsisisihan.

“Hindi ba’t sinabi ko sayong huwag na huwag mo akong pagnanakawan?”

Sumalya si Zeke sa railings, ilang dipa mula sa kanya. Kasunod noon ay mabagal na naglakad palapit rito si Magi.

Si Magi… ni hindi niya napansin na nandito na din si Magi.

“Go girl! Bigyan mo nga ng leksyon ang isang ‘yan.” Narinig naman niya ang boses ng babaeng kanina ay unang tumulong sa kanya.

“Hindi nalang leksyon ang ibibigay ko sa kanya, Lori.” Napunit ang isang malagim na ngiti sa mga labi ni Magi. “I should punish him now. Tutal punong-puno na ako sa isang ito.”

“What the—”

Bago pa nakatayo si Zeke ay nasunggaban na ito ni Magi. Sa isang kamay ng huli ay lumitaw ang scythe nito. She didn’t buy time anymore. Agad na inikawit ni Magi ang scythe sa leeg ng soul sucker. Inihawi din nito ang talim sa katawan ni Zeke. Nanlaki naman ang mga mata ni Fleure nang makitang sa dulo ng talim ng scythe ni Magi, nandoon ang hindi mabilang na kaluluwa. Tila mga usok na naka-form as human silhouette. Puti at itim. Pero mas madami ang kulay puti. Ano ang ibigsabihin noon?

“Damn this bastard!” galit na sambit ni Magi at pinakawalan ang katawan ni Zeke. Agad iyong naagnas at naging alikabok na nilipad ng hangin.

May kinuhang kung ano si Magi sa loob ng cloak nito. Kulay itim na card. O baka tsapa iyon.

“Darn! Mas malaki ang nabawas kaysa nadagdag.” Dismayadong sambit ni Magi.

Wala siyang maintindihan. Nilapitan naman siya ng soul reaper. Nakatayo ito sa tabi niya at iiling-iling. Siya naman ay tila noon lang muling naramdaman ang katawan. Bugbog iyon sa sakit at pahirap. Sa isang bahagi ay nakikita niya si Lori. Nanonood lang sa kanila.

“S-Si Helios…” nahihirapang sambit niya. “N-Nasaan s-siya?” pagpipilit niyang magtanong.

Walang emosyon ang mukha ni Lori habang nakatitig sa kanya. “Why do you think I would tell you?”

Nanghihinang ngiti ang isinagot ni Fleure. “The way I think why you helped me when I felt you despised me. A lot.” Suminghap si Fleure. Nahihirapan na siyang huminga. Naghahalo-halo na ang sakit ng katawan at ang halos nawawala na niyang enerhiya.

“Come on. She didn’t have her memory, Lori. So, why can’t you just let it go, girl?” awat ni Magi. Binalingan siya. “Hindi kita dapat tulungan, Dara. Dahil pinagtatrayduran mo ako. Pero hindi kita matiis.” Napasinghap si Fleure at kinabahan sa narinig. Itinapat nito ang kamay sa kanya at sa isang sandali ay gumaan ang pakiramdam ni Fleure. Bumalik ang lakas niya at agad gumaling ang masasakit sa katawan.

Tiningala niya si Magi at umakmang magpapasalamat nang kumumpas ang kamay nito sa paraang pinahihinto siya.

“You don’t have to. We’ll talk.”

Kay Lori naman siya bumaling habang tumatayo na. Tumikwas lang ang isang gilid ng mga labi ni Lori. Pagkuway tumalikod na at nagtangkang umalis.

“Sandali… nasaan siya?” Lumingon si Lori. “Si Helios? Nasaan siya?”

Tinitigan siyang mabuti ni Lori. “Kung gusto mong malaman, alamin mo.” Saka ito walang pasabing tumalon mula sa rooftop.

Hahabulin pa sana niya si Lori nang maramdamang pinipigilan siya ni Magi sa braso.

“Palagay mo, patatakasin kita?” The grim smile of the soul reaper just ripped her red lips. “Don’t you think you owe me a lot of explanation?”

Bago pa bumuka ang bibig ni Fleure ay naramdaman nalang niyang nagbago na ang ambience ng kinaroroonan nila. Sa isang pitik ay nasa loob na siya ng unit na tinutuluyan. Sa isang bahagi, unang nahagip ng mga mata niya ang life candle na paubos na. Doon din dumeretso ang mga mata ni Magi. Lumapit doon ang soul reaper.

“You better start explaining now.”

Nag-iwas siya ng tingin. “Akala ko alam mo ang lahat. Kaya nga matagal kang hindi nagpapakita sa akin. Dahil hindi mo ako kailangang tanungin. Alam mo kung ano ang nangyayari.”

“The nerve of you to tell me that?” Dumagundong ang boses ni Magi sa buong silid. Kung natakot siya ay halos hindi na niya iyon binigyan ng pansin. Gusto na niyang tapusin ang pag-uusap nila nang mahanap na niya si Helios.

“And the nerve of you to try stealing your memory.” She hissed.

Napamaang na binalingan niya ito. Hindi niya alam ang sinasabi nito.

“Huwag mong itanggi. You have said I know everything. And really, I did know everything. Kaya nga alam ko ding pinipilit mong kunin pabalik ang alaala mo.”

Sandaling nag-isip si Fleure. Ano bang sinasabi ni Magi? Pero bigla niya ding naalala ang ilang pagkakataon na may mga eksenang nagpapasilip sa isip niya. Iyon na ba ‘yon? Pero wala naman siyang ginawa para makuha ang mga alaalang sinasabi nito. Ni hindi niya alam kung paano babawiin ang alaala niya sa soul reaper.

Inilahad ni Magi ang palad. Sa isang iglap ay lumitaw sa ibabaw ng palad nito ang isang maliit na crystal ball na may kulay berdeng enerhiya sa loob.

“Sinusubukan mong kunin ito dahil ano? Sinira mo na ang kasunduan natin? Do you think I will just let you go?”

Sa isang iglap, nawala ang crystal at lumitaw sa mismong harapan niya si Magi. Bago pa niya mahulaan ang gagawin nito at ubod lakas na siyang nasampal ni Magi. Napatulala nalang siya rito. Pakiramdam niya, parang mababali ang leeg niya sa lakas ng pagkakasampal ni Magi sa kanya. Oo at pinagaling nito ang pananakit ng katawan niya, ang pagkabali ng mga buto niya at ang mga sugat na bunga ng ginawang pagpapahirap sa kanya ni Zeke. Pero iyon ay para lang pala muli siyang pasakitan..

“Walang kahit sino ang pwedeng mandaya sa akin, Fleure. Lalong hindi ang isang mortal na katulad mo. Ginawa lang kita. Ibinalik lang kita rito para sa kasunduan natin. Pagkatapos ay dadayain mo ako?”

Isa pang sampal ang ibinigay nito sa kanya. Napasalya siya sa ibabaw ng kama. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. O ano ang sasabihin.

“Tutal naman ay wala ka na ding ginagawa para matapos ang misyon mo, babalik na tayo sa kung saan tayo huminto.”

Lumitaw sa kamay nito ang death scythe at umakmang hahatawin siya nang bigla siyang tumili.

“No! Please…” sigaw niyang hinarang ang hilt ng scythe. “Please… ‘wag muna. Alam kong galit na galit ka. Pero sana naman, ibigay mo na sa akin ang natitirang oras ko.” Nilingon niya ang life candle na papaubos na. “Binigyan mo na din lang naman ako ng oras dito, lubusin mo na. Pagkatapos noon, saka ko haharapin ang galit mo. Gawin mo na ang gusto mong gawin sa akin basta hayaan mo lang akong makita si Helios… for the last time.”

Mapait ang naging ngiti sa mga labi ni Magi. “And you’ll have your closure? Makukuha mo ang gusto mo? At paano naman ako?”

Sandaling natigilan siya. Ang sinasabi nito ay nangangahulugang si Helios o ang may kinalaman sa bampira ang dahilan ng pakikipag-deal niya kay Magi. Ibigsabihin din noon na siya nga si Fleure! Pero wala na doon ang atensyon niya. Aminin man nito o hindi, maniniwala pa din siya kay Helios. Mas importante nalang sa kanya ngayon ay ang problema niya sa nagagalit na soul reaper.

“Please… be fair naman, Magi. Sinubukan ko naman eh. Kahit nga alam kong panggigipit na ang ginagawa mo sa akin.”

Nagdikit ng mariin ang mga labi nito. May iniharap na black card si Magi sa kanya. May mga nakasulat doon na numero sa pulang tinta. O baka dugo iyon. Hindi niya masabi.

“Seventy-nine. Pang seventy-nine ka na sa mga na-collect ko. Pero dahil sa pagtulong ko sayong mailigtas ka sa soul theif na ‘yon, sa halip na madagdagan ang collection ko, nabawasan pa. Why? Because that soul theif just stole most of the good human souls. Dahil kinuha ko sa kanya ang mga ninakaw niyang kaluluwa para tuluyan na siyang manghina at mamatay. At dahil ang assignment ko ay mga evil human souls, right minus wrong ang naging labanan. From seventy-nine, I have sixty-five in my collections. Sa halip na matapos na ako sa trabaho ko, nadagdagan pa. And now, you were saying I should let you go? Hindi ka na nga nakatulong, binigyan mo pa ako ng problema! Now, you were saying I should be fair? Napaka-unfair ko pa ba? I’m giving both of us a favour pero sino ba ang naunang sumira sa kasunduan? Inuna mo pa ‘yang puso mo kaysa kapakanan natin pareho!”

Napatungo si Fleure. Hindi siya makatingin kay Magi. Tama naman kasi ito. Naging makasarili siya. Dinaya niya ito. Ano nga ba ang dapat na maging kapalit ng pandaraya niya?

Napaiyak na si Fleure. Nawawalan na siya ng pag-asa na lalambot pa si Magi sa kanya. Naiintindihan niya ang galit nito. Hindi naman ito nagkulang sa paggabay at pagtulong sa kanya. Kung tutuusin, wala itong pagkukulang habang ginagawa niya ang misyon. Siya itong may pagkukulang. Hindi niya kasi ini-pursue ang misyon. Dahil in the first place, hindi naman niya talaga kayang gawin. Sumugal lang siya dahil iniisip niyang baka may maiisip pa siyang ibang paraan para makuha ang kaluluwa ng dalawang Illuminati. Pero wala. Wala naman na talaga. Masyado din kasing lame ‘yong plano na paibigin sina Fonsi at Larix. Do Magi thinks the two human would gave up their life for love?

Maybe if it’s real love. Pero hindi magiging totoo ang pag-ibig na iyon kung magsisimula at mabubuo lamang sa pang-aakit. Love isn’t just because of temptation and seduction. It’s not always about worldly need. At hindi iyon maiintindihan ni Magi. Because… did she ever fell inlove?

“Fine. Do whatever you want. May mga dapat pa din naman akong asikasuhin.”

Napamulagat si Fleure sa narinig. Bago pa siya makapagsalita ay nawala nang parang bula si Magi. Hindi niya alam kung anong nangyari sa soul reaper at bigla nalang nagbago ang isip nito. Kita at ramdam niyang nagagalit si Magi sa kanya. Pero ano ang naging dahilan at biglang nagbago ang isip nito?

Nah! Whatever it is, dapat nalang siyang magpasalamat. Wala din siyang dapat na sayanging oras. Kailangan niyang mahanap si Helios. Hindi yata niya alam ang gagawin kapag may nangyaring hindi maganda dito.

PAPALABAS si Fleure ng unit niya nang maramdamang may kaluskos sa veranda. Sandali lang at bumukas ang pintuan.

“Hey…”

She heard him, the soothing manly voice of him… the one that can calm her restlessness. Yet, the one who havocked her whole senses. Iyong lingon niya, tinakbo na din niya ang kinaroroonan ni Helios. Sinugod niya ito ng yakap saka napahagulhol sa dibdib nito.

“Hey…” Muli ay sambit nito saka gumanti ng mahigpit na yakap.

“Paalis na ako para hanapin ka.” Napapahikbing sambit niya.

“Hanapin? Saan? Bakit?” Marahan siyang pinakawalan ni Helios saka inilayo ng kaunti para harapin siya. He gently wiped away those tears.

“I was so worried. Hindi ko alam ang nangyari sa ‘yo. Sabi no’ng babaeng kasa-kasama mo noon na ang pangalan ay Lori, kung gusto ko daw malaman kung anong nangyari sa ‘yo, alamin kong mag-isa. She gave me the scare of my life! Bakit ba wala ka man lang cellphone? Nasa computer generation na tayo at ganito pa din ang communication natin? Maghihintay lang ako kung kailan ka dadating. Ni hindi ko ma-tract kung nasaan ka?”

Sa pagkagulat niya’y tumawang bigla si Helios. Nayamot siya rito kaya hinampas niya ang dibdib ng lalaki. Nakikita na ngang kulang nalang na matumba siya sa pinaghalong pag-aalala at takot, heto at nakukuha pang pagtawanan siya. Inabot nito ang kamay niya at hinagkan ang likod ng palad.

“The last time I had my phone was twenty years ago.” Nakangiting sambit nito na hindi iniiwan ng tingin ang mga mata niya. “Guess what? Ikaw ang nagturo sa akin kung paano gamitin iyon.” Nagulat siyang naituro ang sarili. Nakangiting tumango ito. “At ikaw din ang dahilan kung bakit mayroon ako no’n. For the reason that I know you’ll monitor where I am. Alam kong iniopen mo ang tracker ng phone ko. I didn’t complain. That means, you were interested in what I am doing.” Sandali itong nanahimik. Nakiraan ang pait at hinanakit sa mukha nito pero agad ding nawala. Hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling ang mga damdaming iyon. “No’ng mawala ka, hindi ko na din hinanap kung nasaan ang phone ko. And besides…” Huminto na naman ito at tinitigan siyang mabuti. Nagbuntong-hininga si Helios. “Nevermind.”

Gusto pa niyang magtanong. May gusto siyang itanong pero hindi niya alam kung ano. At kung dapat pa bang ungkatin ang mga nakaraan na. Hindi ba’t sinabi nitong tapos na iyon?

“Anyway, saan mo pala ako balak hanapin ng ganitong oras?”

Napailing siya. Hindi niya din alam. Siguro sa mga lugar kung saan ito madalas magpakita sa kanya. Sa parking area ng building ni Fonsi.? Sa bar? Sa parking area sa ibaba? Hindi niya alam.

“Sumalakay si Zeke.” Actually, hindi ito tunog nagtatanong. Tumango siya.

“Napatay na siya ni Magi. At may palagay ako na magkakilala ‘yong Lori ay si Magi. Hindi ko maintindihan ang babaeng iyon. Nakikita kong nagagalit siya sa akin pero tinulungan pa din niya akong makaligtas kay Zeke.”

“I asked her.” Pabuntong-hiningang sagot ni Helios. “Ayaw niya talagang puntahan ka. Hindi ko naman maiwan ang mga kapatid ko dahil sumasalakay ang mga kalaban kaya si Lori muna ang pinapunta ko sa ‘yo. Alam ko kasing posibleng atakihin ka din ni Zeke habang busy ako sa pakikipaglaban sa mga kampon niya. Ewan ko pero nagbago yata ang isip ni Lori at sinunod ang utos ko.”

“Who’s Lori?” Maasim ang mukhang tanong niya. “And why she hates me? Nagseselos ba siya sa akin or something?”

I must be the one to feel that. Kaselos-selos kung hawakan ka niya at gusto pang ilayo sa akin.

Biglang tumawa si Helios. Inirapan niya ito. “Anong nakakatawa?”

“Ikaw.” Anitong pinigilan na ang sarili na humalakhak na naman. “Walang dapat ipagselos. Kapatid ko siya. Ikaw…” Tinitigan siya nito. Sobrang intense na sinabayan pa ng boyish grin. Gusto niyang matunaw sa ilalim ng mga titig ni Helios. “Ikaw… ang babaeng mahal ko.”

Heck! Pero tuluyan nang nag-collapse ang puso niya. Yumakap siya kay Helios sa kawalan ng maisip sabihin. Ang simple lang naman ng sinabi nito. Palagi niya iyong naririnig sa mga couple at kahit hindi couple. Pero nandoon ang mataas na timbang habang binabanggit ni Helios ang mga salita. Damang-dama niya ang katotohanan sa paraan pa lang ng pagbigkas nito. Dahil doon, kaya parang ginusto na din niyang kalimutan ang bigat na dala ng cold treatment sa kanya ni Lori. Pero hindi. Gusto niyang malaman kung bakit may animosity siyang nararamdaman mula kay Lori sa tuwing magkakaharap sila.

“Then, why did she hates me?”

Naramdaman niyang tila natigilan si Helios. Alam niya dahil tila nanigas ito sa pagkakatayo. Pero mabilis ding nakabawi at niyakap siya ng mahigpit. “It’s a long story. At ‘wag na nating pag-usapan. Besides, walang gagawing masama si Lori sa ‘yo. Ako ang bahala.”

Ito daw ang bahala. Nagtitiwala naman siya sa mga salita ng bampira. Pero hindi niya maialis sa pakiramdam ang manatiling disturbed. Hindi siya mapapakali knowing na may mga nilalang na nagagalit sa kanya.

“Halika sa labas.” Aya nito na halatang gusto nalang baguhin ang topic of discussion. Inakay nga siya nito sa veranda ng kanyang unit. Yumakap at humilig siya sa dibdib ni Helios. Sinundan niya din ang tinitingnan nito at gusto nalang niyang mapasinghap sa kagandahan ng gabi. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Fleure. Why would she ruin this moment? The stars were shining brightly unto them. Kung kanina ay napupuno siya ng pag-aalala na baka may masama na namang nangyari sa lalaki, ngayon… wala na siyang makapa kundi kaligayahan habang nakabalot ang mga braso nito sa kanya.

I wish this happiness would last forever, Helios. Pero alam ko namang imposible ang kahilingan kong ito. Ang kaligayahang mayroon ako sa piling mo, malapit nang mag-expire. Malapit na malapit na.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.