CHAPTER 32-FINAL CHAPTER

SUMISINGHAP na bumangon si Princess Kaline. Isa siyang Orlithion Princess, o prinsesa ng Orlithia—bansa ng mga air shapers. Ang Orlithia ay isang bahagi ng Kimbura—ang mundo ng mga makakapangyarihang witch at wizards at mula sa middle world. Nahahati sa apat na bansa ang Kimbura na pinamumunuan ng mga royal blood witches and wizards. Apat na bansang nangangalaga sa kapangyarihan ng apat na elemento ng kalikasan. Ang bansang Wushimye sa north Kimbura na binubuo ng mga Wushimyan at nangangalaga sa Earth element. Ang Caligo country sa west Kimbura na binubuo ng mga Caligonians at nangangalaga sa kapangyarihan ng water element. Ang mga matatalinong Fotorians mula sa south Kimbura o bansang Fotora na nangangalaga naman sa malakas na fire element. At ang bansa nga ni Princess Kaline, ang Orlithio sa east Kimbura na binubuo ng mga Orlithian air shapers na tulad niya at nangangalaga sa air element. Si Princess Kaline din ang hinirang na soul priestess ng kanyang panahon.

Napalinga-linga siya. Bilang soul priestess, parati siyang may access sa soul ministry ng kahit anong mundo. At kahit anong oras ay ginugulo siya ng mga iyon. Sa kanyang pamamahinga, sa kanyang panaginip man o maging sa mga oras na mayroon siyang ginagawa.

“Guvuma con dafta…” (Damn those human…)

Naiinis niyang sambit at bumangon. Hinawi niya ang silk curtain at inilabas ang life size mirror. Saka ipinikit ng mariin ang mga mata. Sinimulan niya ding bigkasin ang chant.

“Dafta en kabiri orbis… aperio izi ge kugumba. Ostendo en orbis iz nyuma urupfu.”

(The after world of human… open up as I say. Reveal the world of after death.)

Agad na nagbago ang image na nasa salamin. Nagsimula iyong mag-swirl hanggang maipakita ang isang kaluluwa ng babae na naglalakad sa walang hanggang liwanag. Paulit-ulit ang kahilingang nasa isip nito.

“Gusto na kitang makasama ulit, Helios. Miss na miss na kita. Gusto na kitang mayakap. Mahawakan… gustong-gusto ko pero ang hirap-hirap. Ang layo-layo mo. Pero hindi ako mawawalan ng pag-asa. Gaano man katagal at gaano man kalayo ang lalakadin ko, gagawin ko. Basta ba sa dulo, nandoon ka at hinihintay ako…”

“Soul priestess, hear her prayers. The king of the kings and the God of the gods summon you to hear her prayers.” Sabi ng malaking boses. Na sigurado niyang ang highest minister of the human soul council.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Princess Kaline. Bilang air energy shaper na likas niyang kapangyarihan dahil galing siya sa Orlithia, idagdag pang siya ang soul priestess ng maraming dimensyon ng mundo, wala naman ngang ibang pinagkalooban ng tungkuling pagbigyan ang kahilingan ng may malalakas at matatatag na pananalig sa Itaas kundi siya.

Inilusot ni Princess Kaline ang kamay sa salamin ng tanawin. Saka binasa ang nilalaman ng puso ng babae.

“Her wish will soon be granted. She’ll be reunited with the one she loves.” Aniya sa salamin. “But the consequences is… only thirty percent of human that was reincarnated can have the face they had in their past life. She must be blessed if she can have her face again.” Napangiti si Princess Kaline. Maganda ang babae. Makinis. At kahit halata sa mukha ang napakadaming pinagdaanang lungkot at pasakit, hindi natabunan ang kagandahan nito. Sa halip ay nagliliwanag pa dahil napupuno at pinatatatag ito ng pag-asa at malakas na pananalig. “Iuxta en imitor!” (Close the display image.)

Nawala na ang eksena sa salamin at muling bumalik sa normal ang reflected image. Ibinaba niya ang silk curtain at muling bumalik sa kama.

“Buhe um tambamira.” (What a hindrance.) Humikab si Princess Kaline at muling bumalik sa pagtulog.

20 years later…

“WHY Wilma, Helios? After everything her sister did for us? Nagawa mo talaga ang bagay na iyon sa kanya?”

Minsan ay itinanong ni Lori sa kanya. Ang tinutukoy nito ay ang pagtatangka niya sa buhay ng mangkukulam. Si Wilma ay isa pa sa mga apo ni Astrid—ang astral vampire na tumutulong noon kay Lori. Isang ganap na witch na si Wilma habang ang kambal nito na si Alma ay hindi tuluyang niyakap ang kapangyarihan ng panggagaway. Nanatiling namumuhay ng tahimik sa gitna ng kagubatan si Alma. Until her twin sister came into the picture. Kabaligtaran ni Alma si Wilma. Gahaman ang huli at gusto lang makuha ang pamanang kapangyarihan kay Alma ng lola ng mga ito.

Besides, he heard Wilma’s thoughts that she’ll take away her life after taking her twin sister’s power. Pero sa pagpapakamatay nito ay hindi ito pupunta sa after life, kundi bubuhayin lang muli ang namatay na katawan para sa eternal life. And he thought, Wilma was a perfect soul to offer to Magi. Uunahan na niya si Wilma na mapatay habang wala pa dito ang pamanang kapangyarihan, para deretso sa death scythe ni Magi ang kaluluwa nito.

Napailing si Helios habang inaalala ang tanong ng kapatid na hindi naman niya sinagot. Wala siyang balak sagutin unless manggulo sa kanila si Wilma. Nakatakas ang walanghiyang witch, pero binalikan niya din at hindi tumigil hanggang hindi iyon napapatay. Kahit wala na din namang silbi kung napatay naman niya iyon.

Isang malungkot na buntong-hininga. Nagpatuloy siya sa pagpasok sa café nang…

“What the hell…?”

Asar na naiwasiwas ni Helios ang kamay na natapunan ng yogurt. Sumaglit lang siya sa café na madalas tambayan noon ni Fleure. Walang araw na pumalya siya sa pagdalaw sa mga lugar na madalas puntahan ng dalaga. At hanggang ngayon, dala pa din niya ang sakit ng pag-alis nito. Pero sa bawat araw na dumadaan, palagi siyang umaasa na isang araw, babalik si Fleure. Kung sa iba mang mukha at katauhan, alam niyang makikilala pa din niya ang dalaga.

“I’m sorry, Mister. Nagmamadali kasi ako.” Naramdaman ni Helios ang tissue na ipinangpupunas ng babae sa kanyang kamay. Kandaugaga ito sa pagpupunas nang may bigla siyang mapansin.

Hindi. Hindi napansin kundi naramdaman. Kumalabog kasing bigla ang dibdib niya. At nang mag-angat ng mukha ang babae ay tuluyang nagwala ang puso ni Helios. It’s not her face but the feeling she ignited in him. The wild beating of his heart. The joy that override his irritation. And the longing that keep rushing into his veins.

Biglang ngumiti ang babae… ang babaeng kamukha-kamukha ng kanyang si Fleure…

“Muy gwapito!” mahinang sabi nito na tila natuwa pagkakita sa kanya. Bumuka muli ang bibig na tila hindi alam kung magsasalita o ngingiti nalang. “I’m… Thory.” Nakangiting iniabot nito ang kamay sa kanya. Mabilis na tinanggap niya iyon. Kumunot ang noo ng babae habang siya ay hindi na malaman kung paano kakalmahin ang sarili. “Somehow, did we met, already?”

Hinila ni Helios ang kamay ng babae at hinapit ang baywang nito. Naguluhan siguro ang babae pero hindi niya nakita ang pagpalag lalo na nang itapat niya ang kamay nito sa dibdib niya.

“Woooh! Your heart was throbbing like crazy. Are you okay? Or your having a—”

“We’ve met, Thory. We did met before. Can you feel how my heart recognizes you?”

Napailing ang babae pero malapad ang ngiti. “How romantic! I like that.”

“Let’s date.” Walang kagatul-gatol na anyaya niya.

“Hmm… le’mme think about it… okay, yes!”

Natawa si Helios. “Ang bilis ha? Hindi halatang pinag-isipan mong mabuti.”

Tumawa din si Thory at napuno ng saya ang puso ni Helios. Alam niya, ilang beses mang mawala si Fleure, babalik at babalik ito sa kanya. Her heart will always find its home. At palagi, makikilala at makikilala niya ito. Always and forever.

EPILOGUE

“MAGI!”

Mabilis na tumalikod si Magi para tumakbo. Nakita siya ni Azriel at hindi iyon dapat. Wala siyang balak na magpakita sa bampira. Ang gusto lang naman talaga niyang gawin ay silipin ito kahit sa huling sandali. Kahit bago man lang siya makuha ng mga humahabol sa kanya. Katulad ni Fleure, ayaw niyang may pagsisihan na hindi ginawa na kaya naman niyang gawin na.

Sa isang iglap, nasa harapan na niya si Azriel at hinaharangan siya. Dati-rati naman, hindi siya nito magawang habulin. Pero dahil unti-unti nang nawawala sa kanya ang kakayahan at kapangyarihan ng isang soul reaper, maski ang mabilis na pagkilos ay nawawala na din. Maging ang death scythe ay nakuha na sa kanya ng isa sa mga soul council member. Nandoon ang mas malakas na kapangyarihan. Ngayon, pakiramdam niya, isa siyang wanted na nilalang na walang ibang malalapitan, mahihingian ng tulong at mapagtataguan. Gusto niyang tumakbo sa mga bisig ni Azriel. Gusto niyang magpayakap sa mga braso nito. Gusto niyang sumiksik sa dibdib nito at iiyak ang lahat ng hinanakit. Gusto niyang isumbong rito ang pagiging unfair ng nasa Itaas sa kanya…

Inabot siya ni Azriel at marahang ibinaba ang hood niya paalis sa kanyang ulo. Pinakatitigan siya nito. Gusto niyang haplusin ang gwapong mukha ni Azriel. Kahit sandali lang. Kahit ngayon lang. Kahit ito na ang huli.

“What happened?” Puno ng pag-aalala ang boses ni Azriel. Maging ang asul na mga mata nitong direktang nakatitig sa kanya.

“Wala…”

Pinigilan ni Magi ang nagtatangkang pagkabasag ng boses. Hindi niya pwedeng ipaalam kay Azriel. Ayaw niyang madamay pa ito sa gulong pinasok niya. Lalo na at sa loob ng napakahabang panahon, si Azriel na yata ang pinakamabuting nilalang na nakilala niya. Ito ang nagpakilala sa kanya ng liwanag maski pa nga nabubuhay naman ito sa dilim.

“Every single moment I’m with you, it shines… like I saw the light I’d always wanted to find.”

Iyon ang gustong-gusto niyang sabihin kay Azriel. At totoo ang lahat ng iyon. Magmula nang makilala niya ang bampira, palagi nalang niyang nakikita ang maliwanag na hinaharap. Ang susunod na buhay na kasama ito. Pero bakit ganoon? Sa tuwing handa na siyang tanggapin sa sariling mahal niya si Azriel, palaging may hadlang. Bakit ang damot-damot ng mundo sa kanya? Bakit parang buong buhay niya, pinaparusahan siya sa kasalanang hindi niya naman alam kung ano?

“Magi…”

Nagsimulang mag-init ang mga mata ni Magi pero pinigilan niya ang sariling kumurap. Hindi pwedeng malaglag ang mga luha. Hindi din pwedeng malaman ni Azriel ang sitwasyon niya ngayon. Kaya, ginawa niya ang lahat para ngumiti rito at ipakitang maayos ang lahat.

“Na-miss lang kita. May duty ako, kailangan ko nang umalis.”

Nang magtangkang umalis si Magi ay mabilis naman ang mga kamay ni Azriel na napigilan siya sa braso. Tumitig ito sa mga mata niya. Matagal. At kitang-kita niya kung paanong naghahalo-halo ang sari-saring emosyon sa gwapong mukha ng bampira. Mula sa pagtataka, pagkalito hanggang mauwi na sa takot at pag-aalala.

“You’re leaving me, aren’t you?”

Hindi nagawang magsalita ni Magi. Hindi niya kayang itanggi pero lalong hindi niya kayang aminin. Alam niyang gagawa ng paraan si Azriel para hindi niya ito iwan.

“Azriel…”

“Don’t leave me, Magi. Don’t you dare surrender just yet!” Umigting ang kamay nitong nakahawak sa kanyang braso. Nagtatagisan ang mga bagang pero kitang-kita niya sa mga mata nito ang pakikiusap. “Ginagawa ni Helios ang lahat para matapos na ang misyon mo. At ako, kami… tinutulungan ka naming magawa na ang misyon mo para makalaya sa parusa mo. Matatapos din ito. At hindi ang pagsuko ang sagot sa lahat ng—”

Kumawala si Magi sa braso ni Azriel. “Hindi mo kasi naiintindihan. Patong-patong na ang kasalanan ko. Wanted na ako sa buong soul society. Matapos ko man o hindi ang trabaho ko, wala na ring silbi. Mapaparusahan pa din ako.”

Ginawa ni Magi ang lahat para hindi malaglag ang mga luha pero nabigo pa din siya. Mapait na ngumiti ang soul reaper sa bampira.

“Wala na akong ibang choice kundi ang magtago. Sumilip lang naman talaga ako para kahit sandali—”

“If that’s the case, then I’ll help you still. Itatago kita.”

Magi rendered speechless as she looked straight into his eyes. Kitang-kita niya ang determinasyon sa asul nitong mga mata. Ang determinasyong tulungan at suportahan siya sa kanyang desisyon at laban.

Pero tama ba? Tama bang dumagdag pa siya sa mga obligasyon nakapatong sa mga balikat ni Azriel? Tama bang ang dating malayang nilalang, isasangkot pa niya sa panganib na nakatahi na sa kanyang pagtatago at pagtakbo?

Why did the One up above would always give her the hardest life world could have?

Why?

Why her?

Siya lang ba ang masama at siya lang ang pinahihirapan?

Kung totoo nga, edi paninindigan na niya.

WAKAS

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.