“Huwag mong parusahan ang sarili mo sa mga bagay na hindi mo naman nako-control. Live a normal life like I want you to. Don’t be so hard on yourself. Do anything that would make you happy.”
“It is not that easy.” Lalo na’t ang makakapagpasaya sa kanya ay kung masasagot niya ang misteryo sa pagkatao niya.
“Do it for me, Aricka. Please?”
I HAVE a bad feeling about this. This date would be a big, big disaster!
Paulit-ulit na sinasabi iyon ni Aricka sa isip lalo na nang makaharap si Richard. Nasa kalapit na mesa sina Rico at Faith na gustong-gusto na magsolo.
“, I would be one of the best lawyers of this country,” puno ng pagmamalaki na sabi ni Richard. “I think it is cool. Girls would surely drool over me.”
“Good for you,” matabang niyang sabi. Isang malaking himala sa kanya na aabot pa pala ng college si Richard. Elementary pa lang ay sakit na ito ng ulo at walang utak. Galing lang ito sa maimpluwensiyang pamilya kaya hindi ma-kick out. Hanggang college pala ay napagapang pa rin ang salapi ng pamilya nito. But she wondered how far his family’s money would take him.
“I never thought that you would become an Accountant someday.”
“Ano naman ang inaakala mong kababagsakan ko?”
“A magician? A witch maybe.” Nagkibit-balikat ito at humalakhak nang nakaka-insulto. “Pwede rin na albularyo o fortune teller.”
Ipinagpatuloy lang niya ang pagkain. “Okay lang na maging magician or albularyo. As long as you don’t cheat. Kaysa naman pumasok ka nga sa isang sikat na university pero hustler ka naman sa pangongopya sa katabi, pandodoktor ng mga test papers at pamba-bribe sa mga professors para lang pumasa.”
Namutla ito at mabilis na lumagok ng tubig. Napahiya ito dahil gawain nito ang mga iyon mula kinder sila. And she knew that a snake like him would never change. “You are always this serious?”
Pilit siyang tumawa. “Nope. It was only a joke.”
“You are beautiful when you laugh,” anito at biglang nagseryoso ng anyo. Pailalim din ang tingin nito sa kanya habang sumusubo ng steak.
“That one doesn’t sound like a compliment.” His tone sounded acerbic.
“You want a compliment?” He laughed spitefully. “You don’t need it. I know that all men would agree that you are beautiful. So what is the secret of your beauty?” Pumalakpak ito. “I know your secret. Bigay ng demonyo ang ganda mo. Of course you are the devil’s daughter.”
Tumaas ang kilay niya. “Excuse me?”
His smile became cunning. “You heard me. Your father is a devil and your mother is a devil’s disciple. At hindi iyan ang totoong anyo mo! Nagbabalatkayo ka lang sa kagandahang iyan. Tiyak ko na may sungay ka at buntot. O kaya tinutubuan ka ng pangil kapag bilog ang buwan. Masama ka!”
“Nababaliw ka na ba?” Gosh! Lunatic na yata ito. Akala naman niya ay bahagya na itong nagtino. Pero lumala yata ito.
Naglabas ito ng isang bote at isinaboy sa kanya ang pulbos na laman niyon. “Tumahimik ka! Umalis ka, demonyo. Sa pamamagitan ng pulbos na ito ay babalik ka sa tunay mong anyo! Demonyo!”
Tumigil ito sa pagsaboy sa kanya nang maubos ang laman ng bote. “What have you got against me? Wala naman akong ginagawang masama sa iyo.”
“Kayo ng nanay mo ang nagpapalaganap ng kasamaan sa mundo. Kaya dapat lang sa inyo na mawala sa mundo.”
Tumayo siya at pinagpag ang mukha at damit. “You are insane!”
Tingin nga niya ay ito ang sinapian ng masamang espiritu nang mga oras na iyon. Matalim kasi ang tingin nito habang bumubulong ng salitang hindi niya maintindihan. Nagulat siya nang itaas nito ang kamay na may hawak na kutsilyo at akmang itatarak sa kanya. “Mamamatay ka! Kampon ng demonyo!”
“Kuya Richard, anong ginagawa mo?” wika ni Rico at mabilis na pinigilan ang mga kamay nito. Maging ang mga security guards ay dumalo para pigilan ito. “Huwag mong saktan si Aricka.”
“Dapat siyang mawala, Rico! Dahil kampon siya ng demonyo.”
Natutop ni Faith ang bibig. “Oh, my! Anong nangyayari dito?”
Dinampot niya ang kopita ng red wine at isinaboy sa mukha ng nagwawalang si Richard. “Para matauhan ka. At para sabihin ko sa iyo, hamak na mas mabuting tao ang mommy ko kaysa sa iyo!”
Padabog niyang ibinaba ang kopita saka nagmamadaling lumabas ng restaurant. Wala siyang pakialam sa paghabol sa kanya ni Faith. Ang gusto lang niya ay makalayo sa lugar na iyon. Wala sa sarili siyang nagtatakbo sa kalsada. Umiwas sa mga tao. Pakiramdam kasi niya ay katulad din ni Richard ang mga ito.
Pinilit niyang maging matatag pero hindi niya maiwasang mapaiyak. Bata pa lang siya ay may inferiority complex na siya dahil sa mga taong tulad ni Richard. Hindi siya mahilig makisalamuha sa iba at iilan lang ang kaibigan niya. Many treated her and her mother as lunatics. Kahit pala malaki na siya ay nasasaktan pa rin siya.
Hindi siya nagsisisi na si Mimosa ang kinilala niyang ina at nagpalaki sa kanya. She was the best mother in the world for her. Pinalaki siya nito nang maayos at may takot sa Diyos. Galit siya sa mga taong makikitid ang utak. Mapanghusga kahit na hindi naman alam ang totoo.
Natigilan siya sa malakas na busina ng sasakyan at pag-angil ng gulong. Hindi niya napansin na red na ang stoplight at umaandar na ang mga sasakyan. Nakatulala lang siya sa habang nakatitig sa nakatigil na sasakyan. Ni hindi niya magawang gumalaw sa sobrang shock nang lapitan siya ng driver nito.
“Miss, are you okay?” tanong ng lalaking driver at hinawakan siya sa magkabilang balikat.
“Kraven?” usal niya nang makilala ang boses nito. Nakadama siya ng relief nang makitang si Kraven nga iyon. Bigla niya itong niyakap. “Kraven!”
“Aricka, anong nangyari sa iyo?”