“Siguro naman hindi mo ako pinapangarap ng gising kaya muntik ka nang masagasaan. That’s dangerous, Aricka. It is not worth your life.” Idinala siya ni Kraven sa pinakamalapit na restaurant. Ilang sandali na ang lumipas ngunit may matindi pa rin siyang shock.
Matabang siyang ngumiti. “I am sorry. Pero hindi ikaw ang iniisip ko.”
“I am just trying to make you smile. May nangyari bang hindi maganda sa date mo? Nagpaalam sa akin si Faith na isasama ka niya. Where is she?”
Hinawakan niya ang tasa ng mainit na tsaa sa dalawang kamay at hindi maiwasang ma-depress nang maalala na naman si Richard. “I guess she is okay.” Hindi naman pababayaan ni Rico si Faith. “Napilitan akong iwan siya. My date is a first-rate jerk and a certified madcap.”
“He made you cry.” Dumilim ang mukha nito. Nakita kasi nito kung paano siya umiyak kanina. “He took advantage of you?”
“No,” tanggi agad niya.
“But he hurt you.”
“Classmate ko si Richard mula kinder. He had this harebrained idea that I am a devil’s daughter. Pinalagpas ko iyon. We were still kids then after all. Kaninang nagkita kami, akala ko nagbago na siya. But he called me names again. Idinamay pa niya si Mommy. Kampon daw kami ng kasamaan.”
“God! How could he say that to you?”
Humigpit ang hawak niya sa handle ng bag niya. “Okay lang kung pagsalitaan niya ako ng kung anu-ano. But I won’t allow my mother to be subjected to that kind of slander. She doesn’t deserve it!”
“That bastard!” nagtatagis ang bagang na sabi ni Kraven. “He has no right to say that. Wala siyang karapatan na husgahan kayo.”
“And worse, he tried to kill me in full public view.”
“What?” Bigla itong tumayo. “He did that?”
“He grabbed a steak knife and tried to stab me. Mabuti na lang napigilan siya ni Rico at ng mga security guards. O baka sa ospital na ako pulutin.” Hindi niya makakalimutan ang nakakakilabot na tingin sa mga mata ni Richard nang tangka siya nitong saksakan. She didn’t deserve that kind of treatment.
“That was a deliberate attempt in your life. Dapat sa mga tulad niya, ikulong! Pumunta tayo sa presinto. Mag-report tayo. Hindi ako papayag na palagpasin ito.” He looked murderous. At kapag may sinabi si Kraven ay gagawin nito.
Hinawakan niya ito sa braso. “It doesn’t matter. Pinili ko na lang umalis doon dahil ayoko ng gulo. I’m sorry. Dahil magulo ang utak ko kaya naiwan ko si Faith. Tapos muntik ka pang makasagasa dahil sa akin.”
Huminahon ito at umupo ulit. Ginagap nito ang kamay niya. As if he was consoling her. “People could be harsh and judgmental most of the time. Lalo na sa mga bagay na hindi nila naiintindihan. They are not worth your time or your tears.”
“That’s why I don’t date,” pag-amin niya dito. “Kadalasan naman hindi nila ako sineseryoso. They thought I am a nuisance once they find out who I am. Kaya mas gusto ko na lang mag-isa kaysa makasalamuha sa ibang tao. Ilang beses na rin kasi nila akong sinaktan.”
Hindi niya alam kung bakit ipinagtatapat niya dito ang mga bagay na ultimong sa sarili niyang ina ay hindi niya masabi. Maybe because Kraven was suddenly nice to her. Parang hindi ito ang Kraven na kilala niyang mapang-inis at mapambuska. She was suddenly comfortable with him. And she had never been that comfortable with any man before.
“Nonsense. Bakit kailangan mong isipin ang mga tao na walang inisip kundi kung ano ang tama at normal para sa kanila. They only live in their own world. It is their problem if they are narrow-minded. Think about yourself.”
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawa siya nitong pangitiin. Malayong-malayo ito sa ibang tao na nakilala niya. Kaya nitong pagaanin ang loob niya at buksan ang isip niya. Matured na kasi ito pagdating sa pakikiharap sa ibang tao. This was the real Kraven. Hindi iyong Kraven na malakas mang-inis. And she was actually starting to like his other side.
“You are so nice, Kraven.”
Nagulat ito. “How did I become nice? Madalas nga kitang inisin, hindi ba? I suddenly felt rotten because of that Richard. I am no different from him.”
“Yes, you annoy me most of the time. Pero nanunukso ka lang naman, hindi ba? But you never hurt me. That makes you nice.” At alam niya na ang huling bagay na maari nitong gawin sa kanya ay saktan siya.
“Whew!” Bigla nitong ininom ang malamig na mango juice. “You made me sound like a good guy. Na-guilty ako sa panunukso ko sa iyo. Nakakakonsensiya.”
She laughed a little when she saw him blush. “Well, well, looks like you are not used to receiving compliments. You blushed!”
“I blushed?” Tumalim ang mata nito. “I didn’t!”
“Aside from blushing, it is refreshing to know that you also have a conscience. Ibig sabihin niyan, hindi mo na ako masyadong iinisin.”