“Gagawin ko lang iyon kapag inamin mo nang in love ka sa akin.” Tinapakan niya ang paa nito. “Aray! Bakit mo kina-cariño brutal mo na naman ako?”
“Para magising ka sa pag-aambisyon mo.”
“Pero kung makikipag-date ka, sino ang pipiliin mo? Ako o si Richard?”
“Siyempre ikaw.”
Lumapad ang ngiti sa labi nito. “May gusto ka nga sa akin.”
“You are hopeless!” But she couldn’t bear to step on his foot again. Kung makikipag-date nga naman siya, mas mabuti nang dito kaysa sa katulad ni Richard.
“If you need a date, just tell me. You won’t regret it.”
“THEY are here,” pabulong na sabi ni Aricka nang makitang nakaparada ang di kilalang kotse sa harap ng bahay niya. Alam niyang si Rico ang may-ari niyon. Natatakot siyang bumaba sa kotse ni Kraven dahil baka nandoon si Richard.
Kraven grasped her hand. “Ako ang bahala sa iyo. Hinding-hindi makakalapit sa iyo ang Richard na iyon. He will pay for what he did.”
She inhaled deeply. “I can handle him. He can’t harm me in my own house.” Walang mangyayari kung magpapatalo siya sa takot. At ayaw na rin niyang madamay pa si Kraven sa gulo.
“God! He tried to kill you in public…”
“Well, that’s…”
“Sasamahan kita,” giit ni Kraven. “He can’t hurt you anymore. I will protect you and Tita.”
Tinapik niya ang balikat nito. “Okay, Superman! You win!” Mas kampante pa rin siya kung kasama niya si Kraven. She felt like nobody would harm her.
Sinalubong agad siya ni Faith pagpasok nila ni Kraven ng gate. “Aricka, I am glad you are safe.” Niyakap siya nito nang mahigpit. “Are you okay? Kanina ka pa namin hinahanap pero hindi ka namin makita. Hindi mo rin sinasagot ang tawag namin sa iyo. Saan ka ba nagpunta?”
“I told you that she’s okay,” kalmadong sabi ni Mimosa.
“I found her.” Inilibot ni Kraven ang paningin. Nang hindi makita ang pakay ay tumutok ang mga mata nito kay Rico. “Where is your vicious cousin?”
“I am sorry, Sir,” nakayukong hingi ng paumanhin ni Rico. “Alam ko na walang kapatawaran ang ginawa ng pinsan ko.”
“Nasaan siya? Wala ba siyang lakas ng loob na humarap kay Aricka para siya mismo ang mag-apologize?” galit na tanong ni Kraven.
“Sinundo na siya ng parents niya kanina para ilayo dito sa Manila. Ang totoo, nahihiya sila sa ginawa ni Kuya Richard.”
“Dapat lang! But that is not enough!”
“Kuya, they are going to lock him up somewhere,” sabi ni Faith.
“Bakit? May problema ba si Richard?” nag-aalala niyang tanong.
“Kakaiba ang naging mga kabarkada ni Kuya Richard noong high school siya. It was like a cult. Lahat ng mga taong nakikilala niya noon, sinasabihan niyang kampon ng demonyo. Busy noon ang mga magulang niya kaya hindi siya nasubaybayan,” kwento ni Rico. “Akala namin okay na siya ngayon. He went back to school and continue with his studies. Nagkaroon pa nga siya ng girlfriend. Pero na-trigger ulit ang kakaiba niyang behavior nang mag-break sila.”
“No wonder she left him,” Kraven said in an acidic tone.
“Kraven!” saway niya dito.
“Don’t tell me you pity him? He tried to kill you.”
“At least I am not the one insane. And my mother told me to forgive people who did me wrong,” aniya at nginitian si Mimosa na nakamasid sa kanila. Dapatna kaawaan ang mga katulad ni Richard.Nginitian nya si Rico.“I hope na gumaling siya.”
“At huwag na huwag na siyang lalapit kay Aricka,” nanggigigil na babala ni Kraven. “Papatulan ko siya. I don’t care if he is mentally deranged or not.”
“Yes, Sir!” sagot agad ni Rico.
Niyakap ulit siya ni Faith. “Sorry, Aricka. Hindi na iyon mauulit.”
“Yes. Hindi mo na siya isasama sa date mo,” dugtong ni Kraven. “Dahil ako na ang magiging chaperone mo mula ngayon.”
NAGSUSUKLAY ng buhok si Aricka at naghahanda sa pagtulog nang mag-ring ang cellphone niya. Nagulat pa siya nang makitang number ni Kraven ang naka-register. “Hello, Kraven! Ikaw na naman?” Ilang beses na itong tumawag kanina. Laging tsine-check kung okay na siya.
“Bakit hindi ka pa rin natutulog? It is already late.”
“Paano ako matutulog? Tawag ka nang tawag.”
“Ganoon ba? Sorry, ha. I am just worried about you.”
“I told you I am okay now.”
“Dream about me. Don’t think about Richard anymore.”
She rolled her eyes. “You are teasing me again! Akala ko ba hindi mo na ako masyadong iinisin, hmmm?”
“Gusto ko lang matiyak na hindi ka babangungutin. At least maganda ang magiging panaginip mo kapag ako ang huli mong nakausap. And I can’t sleep well once I assure myself that you are okay.”
She suddenly went quiet. Hindi siya sanay nang may lalaking nag-aalala sa kanya. And Kraven made her feel very special. He touched her heart.