Chapter 12

Sa wakas natapos na din ang digmaan na daang taon ding inabot. Ang mga lobong dating naninirahan sa mga pusod ng kagubatan at kabundukan ay muling bumalik sa kanilang orihinal na tirahan at tahimik ng namumuhay. Nakipagkasundo sila sa bagong hari ng Arectia na hindi na muling maghahasik ng lagim sa kapatagan at sa mga mamamayan nito.

Ang mga tao naman ay muli na ring nagbalik sa kani-kanilang tahanan at namuhay ng mapayapa. Wala na silang katatakutang halimaw na gumagala at namiminsala ng buhay.

Sa pakikipag-ugnayan ni Margaret sa pamamagitan ng orasyon sa tagapangalaga ng Arectia. Hiniling niya dito na putulin niya ang sumpang ginawad nito sa dating hari na ang sanggol na magmumula sa lahi nila ay magiging taong lobo. Putulin na rin sa mga lobo ang pagiging halimaw tuwing kabilugan ng buwan. Kung saan naghahasik ng takot sa mga tao. Tinupad ng tagapangalaga ang lahat ng kanyang hiniling.

Pinapanuod ni Margaret ang pagbagsak ng tubig mula sa taas ng bundok papunta sa mabatong ibaba ng talon. Naalala niyang dito siya niligtas ni Haru at dito din niya natuklasan na ito ang puting lobong nagligtas sa kanya sa kagubatan noon. Nang una siyang mapunta sa mundong ito. Matagal tagal narin ng huli niynang makita ang binata.Sinabi ng mag-asawang Tibo at Isyang na maaring abala lamang ito sa ngayon dahil ito na ang bagong hari ng Arectia. Ngunit hindi kumbinsido si Margaret. Naisip niya na baka nakalimutan na siya nito ng tuluyan. Baka makabalik na siya sa kanilang mundo na hindi man lang sila nagkakausap na dalawa.

Mula sa likod may yumakap sa kanya. Napapitlag siya at akmang tatanggalin ang kamay na parang bakal na nakayakap sa kanya nang matigilan ng mapagsino ito.

" Sana ako ang laman ng isip mo sa mga sandaling ito. Dahil walang oras at sandali na hindi kita naiisip."

"Kamahalan...". Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Margaret.. napakainit ng pagkakayakap nito sa kanya para siyang nananaginip sa mga katagang sinabi nito.

Kumawala siya sa pagkakayakap dito. Gusto niyang makatiyak na hindi lang panaginip ito. Humarap siya dito tumambad sa kanya ang napakagwapong mukha nito. Bumagay dito ang kasuotan nito na para na talaga siyang hari sa kanyang paningin.Lalo siyang naging alangan dito ngayon lalo na ito na ang hari ng Arectia ngayon.

"Mas gusto kong tinatawag mo lang ako sa aking pangalan. Kahit ako na ang bagong hari ng Arectia. Ako pa rin ito ang Haru na kilala mo."May ngiti sa labing turan nito habang nakatitig sa mukha mo.

" Naku kakahiya na kamahalan,hindi na tama na Haru lang ang itawag ko sa inyo baka hindi magustuhan ng makakarinig."

"Kung ganoon inuutusan kita sa pangalan mo lang ako tawagin."

Napatingin naman si Margaret sa mga mata nito. Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti nito maging ang mga mata ibang kislap ang makikita dito. Napangiti narin si Margaret at tumango bilang pag sang ayon.

"Anu nga pala ang ginagawa mo dito ?" Muling tinuon ng dalaga ang paningin sa tubig na bumabagsak sa batuhan.

"Gusto kitang makita at nangako ako na may sasabihin sa pagbabalik ko. "Seryusong sagot ng kamahalan.

Napatingin naman muli dito ang dalaga. Nakatingin din pala ito sa kanya. Kinuha nito ang kanyang kamay saka dinala sa mga labi upang bigyan ng halik. May kung ano namang kuryente ang dumaloy sa buong katawan ni Margaret sa ginawi nito

"Gusto kong hingin ang puso mo at maging aking reyna." Banayad na pagkakasabi nito habang titig na titig sa kanyang mga mata.

Umiwas ng tingin ang dalaga dito. Hindi parin makapaniwala na isang tulad nito ay magkakagusto sa isang katulad niya.

"Hindi ba parehas ang ating nararamdaman..akala ko'y____". May lungkot na nahihimigan si Margaret dito.

"Mahal kita kaya lang mula tayo sa magkaibang mundo!" Natutop nalang ni Margaret ang sariling bibig sa biglang naibulalas niya sa harap nito.

Napangiti naman ang kamahalan.

"Pero hindi naging hadlang ang pagiging magkaibang mundo natin para ibigin kita. Gagawin ko lahat para hindi ka mawala sakin."

Hindi naman makapaniwala si Margaret sa kaseryusuhang makikita sa mukha at sinseridad sa mga mata nito. Hindi na siya nakatutol ng bigyan siya nito ng mabilis na halik sa labi.

Sa di kalayuan may isang pares ng mata ang kanina pa sa kanila nagmamasid. Tumalikod ito saka nagtungo kay Ginoong Markis.

"Hindi ko maaaring pilitin ang kamahalan na ako ang kanyang gustuhin. Kung sa una palang ang puso niya ay nabihag na ng itinakda."

"Hindi sila maaaring mag ibigan Zari. Hindi maaring ibigin ng kamahalan ang itinakda!" Matigas na tugon nito sa babae.

Ngunit yumuko lamang si Zari. Laylay ang balikat tanda ng pagsuko.

"Iniibig ko man ang kamahalan ngunit wala akong magagawa pa. Huwag mo ng hadlangan ang kanilang pag-iibigan. Patawad."Yumukod ito sa kaharap saka tuluyan ng lumisan.

Naiwan naman ang ginoo na labis nababalisa sa pwedeng mangyari. Kung nanggaling lang sa mundo nila si Margaret hindi niya tututulan ang pag-iibigan ng dalawa. Ayaw niya parehong masaktan ang dalawa na itinuturing na niyang mga anak. Napabuntong hininga at parang nauupos na kandilang napaupo na lamang ang ginoo.

Labis naman ang kagalakan ng mag- asawa at maging nina Maru, Eschaves Rio, at sardox ng malaman ang tungkol sa kamahalan at margaret. Namumula naman sa hiya ang dalaga. Nagulat pa siya ng biglang lumapit si Zari at binati sila. Nakita naman niyang totoo ang pagbati nito sa kanila kaya ngintian niya ito saka nagpasalamat.

Nasa balkonahe ng bahay ng mag- asawa ang magkasintahan. Ayaw bumalik ng kamahalan sa palasyo kung hindi rin lang siya kasama.

"Hihilingin ko sa tagapangalaga na pabalikin ako saming mundo para makapag paalam ako ng maayos sa pamilya ko. At maibigay ko narin yung mga gintong binigay mo sakin."

Napagdesisyunan ni Margaret na piliin ang binata at manatili sa mundo nila. Ngunit gusto muna niyang makausap sa huling sandali ang kanyang magulang. Alam niyang mauunawaan siya ng mga ito sa magiging desisyon niya. Ginagap naman nito ang kanyang kamay.

Ilang araw ng parang nasa ulap lagi si Margaret. Ngayon lang niya naranasan ang ganoong kaligayahan. Lingid sa magkasinthan panandalian lamang ang kaligayahan na kanilang natatamasa.

Dumating ang sandaling muling nakipag-ugnayan ang dalaga sa tagapangalaga. Hiniling niya dito ang pansamantalang pagbabalik sa kanilang mundo. Upang makapag paalam sa pamilya at muling magbabalik sa mundong ito upang makapiling na ang kamahalan ng panghabang buhay.

Ngunit nagulat ang dalaga sa dumadagundong na galit na sinalubong sa kanya ng taga pangalaga. Nakakapanginig ng laman ang galit na nagmumula dito.

" HINDI MAAARI ANG IYONG HINIHILING!! MAHIGPIT NA PINAGBABAWAL ANG PAG IIBIGAN NG TAGA ARECTIA AT TAGA IBANG MUNDO!!"

"Pero bakit?"naguguluhang tanung niya.

"WALANG SAYSAY ANG PAG IIBIGAN NIYO! SA AYAW AT SA GUSTO NIYO MULI KANG MAGBABALIK SA MUNDONG IYONG PINANGGALINGAN! TAPOS NA ANG IYONG TUNGKULIN BINIBINING TINAKDA.. SA MULING KABILUGAN NG BUWAN IKAW AY MAGBABALIK SA INYONG MUNDO!! "

Napaupo nalang si Margaret sa lupa. Hindi niya mapigilang lumuha.

Nakamasid naman sa di kalayuan si Ginoong Markis. Labis siyang nalulungkot sa nagyayari pero ito ang kanilang tadhana. Kailanman hindi maaring mamuhay dito ang tinakda.

Sinabi ni Margaret sa kamahalan ang naging tugon ng tagapangalaga sa kanyang hinihiling. Agad siyang niyakap nito at parang ayaw ng bitawan sa higpit ng yakap nito sa kanya. Maging siya man ayaw ng dumating ang sandaling kinatatakutan nilang paghhiwalay. Nalungkot naman ang mga tinuring na niyang mga kaibigan sa mundong ito ng malaman ang naging tugon ng tagapangalaga.

Lahat sila nag-iisip ng paraan para maresolba ang problema. Lahat nagsabi handa silang maging alay kapalit ng pananatili ni Margaret sa mundong ito.

"Hindi yan tatanggapin ng taga pangalaga."Sa kauna-unahang pagkakataon nagsalita si Ginoong Markis na tahimik lang sa isang tabi habang nagmamasid sa kanila. Lahat naman ng mga mata natuon sa ginoo.

"Binalaan na kita kamahalan noon ngunit hindi ka nakinig. Habang buhay na pagdurusa lang ang inyong dadanasin sa pag-iibigan niyo." May pait sa tono ng boses nito.

"Hindi parin ako nagsisising inibig ko si Margaret kahit batid namin darating ang panahon na magbabalik na siya sa kanyang mundo." Nakangitng tugon naman ng kamahalan sa kanyang guro. Batid niyang nasasaktan din ito sa mangyayari sa kanila.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ng ginoo bago muling nagtanung.

"Anong plano niyo sa nalalabing araw ng pananatili ni Margaret dito?"

Nagkatinginan naman ang magkasintahan sa tanung ng ginoo.

Walang araw na hindi magkasama ang dalawa sa pamamasyal.Halos nalibot na ng dalaga ang kalupaan ng Arectia maging ang palasyo kahit hindi niya matitirhan kailanma. Inilibot siya dito ng kamahalan at pinangako sa kanya tanging siya lamang ang reyna nito habang siya ay nabubuhay. Nangako naman siya na kahit makabalik man siya sa sariling mundo ito lamang ang lalaking mamahalin habang siya ay nabubuhay.

Dumating na nga ang sandaling paglisan ni Margaret SA DAIGDIG NG MGA TAONG LOBO.

Nasa gitna sila ng kagubatan kung saan unang nagtagpo ang mga landas nila ng kamahalan. Nakatayo sa di kalayuan ang mag-asawang Tibo at Isyang,kabilang sina ginoong Markis, Zari, Sardox, Rio, Maru, at Eschaves. Ang mga itinuturing niyang mga kaibigan sa mundong ito.

"Hindi ko kayo makakalimutan". Naiiyak niyang sabi. Isa isa niyang tinapunan ng tingin ang mga ito at sa harap niya ang mukha ng lalaking pinakamamahal. Mababanaag sa mukha nito ang iba't-ibang emosyon. Hinawakan ng kamahalan ang kanyang kamay at halos ayaw ng bitawan. Tiningnan niya ang kamay niyang hawak nito.

"Pangako balang araw muli tayong magkikita. Kung kinakailangan tawirin ko ang mundo niyo gagawin ko."masidhng sabi ng kamahalan sa dalaga.

Tumango ang dalaga.." paalam na "

Naramdaman ni Margaret ang init na nagmumula sa buwan alam niyang dumating na ang sandali ng paglisan niya. Isang pulang liwanag muli ang bumalot sa dalaga bago ito naglaho.

Nakabalik na nga sa mundo nila ang dalaga. Nakatayo siya sa kanilang bakuran at hilam ang mga mata sa luha. Nakatingin siya sa bilog na buwan sa kalangitan.

Bigla naman bumukas ang pinto at iniluwa nito ang kanyang magulang.

"Iha saan ka nanggaling? Akala namin kung napaano kana?" Anang mommy niya agad siyang yumakap sa mga ito.

Naguguluhan namang ang mag asawa.

Ayon sa kanyang mga magulang halos isang linggo siyang nawawala. Samantalang halos isang taon siyang namalagi sa Arectia. Nabasa nila ang iniwan niyang sulat magka ganoon man nagreport parin sila sa pulis.

"Ano bang misyon ang tinutukoy mong dapat mong tapusin?" Naguguluhang tanong ng kanyang daddy.

Magkakaharap silang buong pamilya sa sala ng kanilang bahay. Lahat ng mata sa kanya nakatuon.

"May mahalagang bagay lang po akong inayos ang mahalaga po ay nandito na ulit ako. Pasensiya na kung pinag-alala ko kayo.''

Para matigil na ang pag uusisa ng kanyang pamilya inilabas niya sa kanyang bag pack ang mga gintong binigay sa kanya ni Haru. Labis naman namangha ang kanyang pamilya.

Three years later.. nakabili ng bahay sa isang exclusive subdivision ang parents ni Margaret at magagarang sasakyan at nakapag patayo ng ilang negosyo. Nakatapos narin siya ng pag aaral. Itinulong din nila ang iba sa mga mahihirap na tao gamit ang gintong binigay ni Haru ng nasa Arectia pa siya. Di naglaon pinag tapat din niya sa mga magulang ang naging karanasan. At ang tungkol sa kanila ng binata. Pag naalala niya si Haru at iba pa hindi maiwasan hindi makaramdam ng lungkot.

"Miss ko na kayo guys!"bulong ng isip ng dalaga habang nakaupo sa isang parke sa loob din ng subdivision na iyon. Walang araw na hindi niya iniisip si Haru.

"Siguro namimiss mo na ang Arectia".

Nagulat naman ang dalaga sa biglang nagsalita sa tabi niya. Parang pamilyar sa kanya ang boses nito. Paglingon niya ang matandang babae nga este ang babaylan. Namangha naman siya sa ayos nito dahil sa magarang damit at may hawak na isang maliit na mabalahibong aso.

"Lola ikaw nga! Wow ang ganda nman po ng ayos niyo ngayon!"Bulalas ni Margaret.

Napangiti naman ang kaharap.

"Ayuko na kasi magtinda ng balot. Ito naman ang trip ko ngayon maging mayaman. Ito nga pala ang alaga kong si magician. Isa siyang salamangkero ng Arectia noon. Bilang parusa ginawa ko siyang aso sa mundo niyo."

"Ganoon po ba.. dito na po ba talaga kayo sa mundo namin nakatira?"

"Parang ganun na nga.. " sagot nito. Naguluhan naman dito si Margaret, may gusto sana siyang itanong ngunit naunahan na agad siya nito..

"Hindi kana maaring makabalik pang muli ng Arectia. Tapos na ang iyong tungkulin doon patawad sa nangyari sa inyo ng kamahalan. Hindi talaga maaring kayo ay mag-ibigan sa mundong iyon. Sisirain niyo ang balanse ng dalawang mundo pag nagkataon. Magkagayon man huwag kang mawalan ng pag asa."nakangiti nitong sabi.

Napatitig naman dito si Margaret sa huling sinabi nito.

"Anu pong ibig niyong sabihin lola?"

"Malalaman mo rin."Makahulugang ngumiti ang matanda sa kanya. Maya- maya pa ay isang limousine ang huminto sa tapat nila.

"Ito na pala ang aking sundo.. paano iha aalis nako."akmang sasakay na ito ng sasakyan ng magsalita si Margaret.

"Magkikita pa po ba tayo lola?"

"Oo naman. Hangad ko ang iyong kaligayahan."Kumaway pa ito bago tuluyang sumakay sa sasakyang naghihintay. Nasundan na lamang ng tingin ni Margaret ang papalayong limousine.

Sa hapunan masayang nagkukwentuhan ang mag anak. Binibida ng kambal ang teacher nila sa history na binata pa daw.

''Alam mo ba te sobrang bait ng teacher naming iyon. Lagi ka nga namin kinukwento. Malay mo te siya na mging boyfriend mo." may panunuksong sabi ni Mac ang isa sa kambal.

"Pag aaral mo na ang atupagin niyo hindi yung pagpplaying cupid" ismid naman ni Margaret.

"Walang masama kung magboboyfriend kana iha."segunda naman ng daddy nila.

Kunwari hindi nalang niya narinig.Nang hindi siya kumibo may sinabi pa si Mac na nagpakabog ng husto sa dibdib niya.

"Alam niyo ba mahilig magkwento si sir tungkol sa mga taong lobo. Fictional lang naman pero kung magkwento siya parang totoong totoo. Minsan nga daw nanaginip siya na isa siyang taong lobo na umibig sa dalagang taga ibang mundo diba ang weird naman noon."

"Inimbitahan ko nga bukas na dito na mag lunch ang teacher nila para makilala naman namin ang binibida ng kambal. Saka curious kaming makilala siya ng daddy niyo."sa kanya nakatingin ang Mommy niya ng sabihin ito.

Kinabukasan tumulong si Margaret sa paghahanda ng lunch para sa darating na bisita ng kambal. Kanina pa siya hindi mapalagay. Isang busina ang nagpapitlag kay Margaret.

"Heto na siguro ang teacher nila." Lumabas ng kusina ang mommy niya para salubungin ang bisita. Para naman siyang pinako sa pagkakatayo.

Maya-maya pa narinig niya ang mga papalapit na yabag papunta sa kinaroroonan niya.

May kasamang matangkad na lalaki ang mommy niya na bahagyang natatakpan ng bouquet ng bulaklak ang mukha nito.

"Margaret ito nga pala ang teacher ng kambal..si Mr. Haru Malvar." pakilala ng ina.

Biglang bumilis naman ang tibok ni Margaret ng marinig ang pangalan na binanggit ng ina.

"Kumusta Margaret. Tinupad ko ang pangako kong handa kong tawirin ang mundo niyo para lang makasama kita."madamdaming nitong saad.

Napatutop naman sa bibig si margaret,may luhang gustong kumawala.

"Maiwan ko muna kayo. Alam kong marami kayong gustong pag-usapan". Sabi ng mommy ni Margaret saka tumalikod na.

Inilang hakbang naman ni Haru ang pagitan nila at niyakap ang pinakamamahal na dalaga.

Habang sa sala kausap ng mommy at daddy ni Margaret ang lola ni Haru. " ang cute naman po ng alaga niyong aso... Ano po ang pangalan niya?"

"Siya si magician..."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.