Chapter 13

Walang pagsidlan ang kaligayahang nadarama ni Margaret ng mga oras na iyon sa piling ni Haru. Ang taong lobong naglakbay mula sa kabilang mundo upang makasama lamang ang babaeng iniibig.

"Kung ito'y isang panaginip man ayoko ng magising. "

"Hindi ito isang panaginip lamang mahal ko.. totoo ako na nasa harapan mo ngayon."

Kasalukuyang nasa hardin ng bahay sina haru at Margaret. Magkatabi sa mahabang upuan,nakahilig si Margaret dito.. habang pinagmamasdan nila ang buwan sa langit.

"Paano nga pala nangyaring napunta ka dito sa mundo namin?" Tanong ni Margaret dito bahagya pa niyang iniangat ang ulo upang makita ang mukha nito.

"Ganito kasi yun ang lagalag na babaylan ang tumulong sakin upang makarating sa mundo niyo. Ilang buwan nako nandito ngunit ayaw man lang niya kong palapitin sayo. Ayon sa kanya kailangan ko pa ng masusing pag aaral para maging karapat dapat ako sa mundo niyo at sa iyo. Minsan nakita kita sa park nitong subdivision..gusto na talaga kitang lapitan noon ngunit ang matandang babaylan hinampas ako ng payong sa ulo sabay sabing hindi pa maaari." Waring pagsusumbong pa nito sa huling sinabi.

Natawa naman si Margaret sa huling tinuran nito sa kanya. Nauunawaan naman niya ang matandang babaylan. Utang nila pareho dito kung bakit sila magkasama ngayon ng binata.

"Alam mo bumagay sayo ang ayos mo,mukha ka talagang kagalang galang na guro. " Pinasadahan pa niya ito ng tingin ng may maalala." Paano ka nga pala naging teacher ng kambal?"

"Ay yun ba.. pansamantala lang naman. Si Mr. Cabiong kasi ay naaksidente,kaya ako muna ang pumalit sa kanya. Kagagawan din ng matandang babaylan kung bakit ako napasok na guro sa paaralan ng mga kapatid mo."

Napatango nalang si Margaret. Naisip niya ang dami palang maaring gawin ng matandang babaylan. Ito ang nagsisilbi nilang fairy godmother sa mundong ito. Napangiti nman ng lihim si Margaret sa kaisipang iyon.

Lumipas pa ang mga sandaling parang ayaw ng matapos ng dalawa ang mga oras na iyon na magkapiling.

"Baka naman langgamin na kayo niyan " biglang naghiwalay ang dalawa ng marinig ang boses ng matandang babaylan. Namumula naman si Margaret sa pagkakahuli sa kanilang magkayakap. Samantalang kalmado lang si haru.

"Gusto lang namin bawiin ang matagal na panahon na nagkahiwalay kami." Seryuso nitong saad habang sa dalaga nakatingin.

Tumikhim muna ang matandang babaylan bago muling nagsalita.

"Sabagay nga..tama ka kamahalan. Ngunit kailangan na natin umuwi dahil lumalalim na gabi. Kailangan narin magpahinga ni Margaret at ng pamilya niya"

Bahagya naman nalungkot ang dalawa sa sinabi ng matandang babaylan na kailangan nang umuwi ng mga ito. Pakiwari ba nila kulang pa ang ilang oras na magkasama sila para mapunan ang ilang taong hindi magkapiling.

"Huwag kayo mag alala magkikita pa naman kayo." Dagdag pa ng matandang babaylan.

"Kailangan na namin umuwi muna Margaret..pangako babalik ako bukas". Sabi ni haru kay Margaret. Ayaw pa sanang umalis ng binata ngunit tama ang matandang babaylan. Kailangan ng magpahinga ng mga ito.

Tumango lang si Margaret at ngumiti dito. Nasa loob na ng sasakyan ang matandang babaylan at makikita sa mukha ang pag kainip ngunit parang ang bigat ng mga paa ni haru na hindi niya ito maihakbang papasok ng sasakyan. Nakatitig lang ito kay Margaret,ang bigat sa pakiramdam niya na kahit sandali lang ay iiwan niya ito.

Humalik si Margaret sa pisngi ng binata na ikinagulat nito at napangiti pagktapos.

"Pumasok kana ng sasakyan..baka mamaya mahampas kana naman ng payong." Bulong ni Margaret dito, natawa naman ito. Napilitan nang magpaalam nito. Sinundan nman ng tingin ni Margaret ang papalayong sasakyan ng mga ito. Nang mawala sa paningin saka lang siya pumasok sa loob ng bahay. Nadatnan niya ang kanyang mga magulang na nakaupo sa sofa,alam niyang hinihintay siya ng mga itong makapasok.

"Ngayon ko lang nakita ang mga mata mo na ganyang kaningning." May ngiti sa labing turan ng kanyang ama sa kanya.

"Kailan kapa dad naging makata huh" sagot naman ni Margaret na kinatawa nito ng malakas maging ng kanyang mommy.

"Sa totoo lang iha ngayon lang ako nakakita ng dalawang nagmamahalan ng ganyan kalalim.. walang katulad."

"Tama ang daddy mo iha,nakikita sa mga kilos niyo at mga titig sa iyo ni haru kung gaano kalalim ang pagmamahal niya sa iyo.. imagine naglakbay pa siya sa mundo natin para lang makasama ka.. oh la la.. parang movie lang talaga. " Sabi naman ng kanyang ina.

Napapangiti na lang siya sa mga sinasabi ng magulang.

"Kung hihingin niya ang kamay mo, malamang kahit tumutol pa kami ng mommy mo eh..wala kaming magagawa.. kaya ngayon palang binasbasan na namin ang inyong magiging kasal."

"Dad kasal agad.. ngayon palang kami ulit nagkita.."natatawang sagot ni Margaret sa sinabi ng ama.

"Saan ba papunta yan iha.. saka ng pahiwatig na ang kanyang lola kanina." Sabi naman ng kanyang ina.

Lihim namang kinilig ang dalaga sa kaalamang sa kasal mapupunta ang kanilang relasyon.. maraming magandang kaisipan ang pumapasok sa kanyang utak. Nagkatinginan naman ang mag asawa sa nakikitang kaligayahan ng panganay na anak..wari ba'y naglakbay na ito kung saan man habang kausap nila.

Nang gabing iyon hindi makatulog si margaret.. tinitingnan niya ang picture nilang dalawa ni haru.. habang nasa hardin kanina naisipan niyang kumuha ng picture nilang dalawa gamit ang cellphone niya.

Habang si haru ang dalaga rin ang laman ng isip.. gustong gusto na niyang mag umaga para mapuntahan na niya sa kanila ito..may ilang oras palang sila naghihiwalay ngunit sabik na ulit siyang makita at makasama ito..

Kinuha niya ang kanyang cellphone na nasa side table. Nag Message siya dito..

Excited naman si Margaret ng tumunog ang message ringtone niya.. ramdam niyang si haru ang nag text sa kanya at hindi nga siya nagkamali. Halos tumalon ang puso niya ng mabasa ang messages nito sa kanya.

"HINDI NAKO MAKAGPAGHINTAY NG BUKAS. MISS NA AGAD KITA. IKAW LANG SA PUSO KO. GOODNIGHT."

Dinala niya sa dibdib ang cellphone.Nasasabik narin siyang makita itong muli..kung maari lang sa isang kisap mata ay umaga na agad.

Tumayo si Margaret sa kama at sumilip sa bintana.. tinanaw niya ang buwan sa langit.. ganito ang ginagawa niya sa tuwing naiisip niya si haru noon at ang Arectia.

Mailap naman ang antok kay haru..kaya naisipan niyang bumangon at lumabas sa veranda ng kwarto niya.. tumingala sa buwan.. at pinagmasdan ito,ganito ang ginagawa niya tuwing naaalala si margaret ng nasa Arectia pa siya. Iniisip niya lagi na sana parehas nilang pinagmamasdan ang buwan tuwing naiisip ang bawat isa.

Nasa gitna ng kagubatan si Margaret waring may hinahanap na kung ano o sino? Sa kanyang paglingon sa madilim na parte ng gubat. May namataan siyang dalawang pares ng mga mata na nagliliyab dahil pula ang mga kulay nito. Kahit nakaramdam ng takot sa kung anung nilalang ang sa kanya nakatingin. Hindi niya magawang bawiin ang pagkakatitig dito.

May ilang sandali din nakipagtagisan sa kanya ng titigan ang nilalang na may pulang mga mata bago ito humakbang palapit sa kanya. Ang liwanag na nanggagaling sa buwan na tumanglaw sa nilalang na papalapit ngayon sa kanya,ang naging dahilan para tuluyan niyang makita ang kabuuan nito.

Nanlaki ang kanyang mga mata,nanginig ang buong mga kalamnan. Inuutusan siya ng kanyang isip na umatras at tumakbo ng mabilis. Ngunit ultimo paghinga niya ay halos pigilan niya ng mga sandaling iyon.

Ilang hakbang na lang ang layo nito sa kanya nang huminto ito sa paglapit sa kanya. Nagngangalit ang mga ngipin nito habang nakatunghay sa kanya. Ang mga matang nagbabaga sa pagkakatitig sa kanya na lalo pang naningkit.

Ang mga pangil nitong nakalabas at sumisingasing na awra ang lalong nagpangatog sa kanya. Ilang beses siyang lumunok bago nagbilang sa isip. Kailangan niyang makatakas sa nilalang na nasa harap niya.

Halos pangapusan na si Margaret ng hininga ngunit hndi man lang bumagal ang kanyang pagtakbo. Ang nasa isip niya lang ang makatakas sa halimaw na gusto siyang lapain. Alam niyang malapit na siyang abutan nito kahit hindi siya lumilingon. Naririnig niya ang mga yabag nito at ang nakakapangilabot na singasing.

Napahinto siya ng bangin na ang kanyang tinutugpa. Napatunghay siya sa ibabang bahagi ng bangin. Napasinghap siya ng makitang puro batuhan ang ibabang bahagi nito

Napalingon siya sa kanyang pinanggalingan nang marinig ang sumisingasing na halimaw. Humarap siya dito at muling nilingon ang bangin sa kanyang likuran.

Impit siyang napasigaw nang akma siyang dadambahin ng halimaw.

"Margaret.. gising! " Yugyog ng kanyang mommy habang ginigising siya.

Napabalikwas naman ng bangon si Margaret. Nagulat pa siya nang makita ang kanyang mommy na nakatungo sa kanya. Habang mababanaag sa mukha nito ang pag aalala.

"Palapit palang ako sa iyong silid nang narinig ko ang mga pag ungol mo." Anito sa kanya. "Anu bang napanaginipan mo anak?"

"May humahabol daw sa akin na halimaw sa gubat."sagot niya ng nakatingin sa ina, pakiramdam niya para talagang totoo.

" Panaginip lang iyon huwag mo nang pakaisipin. Nakalimutan mo atang magdasal kagabi eh."

Hindi na lang niya sinagot ang kanyang mommy.

"Anong oras na po ba mommy?" Uminat pa siya at bumangon na sa higaan.

"Mag-aala siyete na iha. Kaya pala ako pumanhik dito dahil hinihintay ka ni Haru sa ibaba."

Bigla naman nagliwanag ang mukha ng dalaga ng marinig ang sinabi ng kanyang mommy. Akma na sana siyang lalabas ng pintuan ng kanyang silid nang mabilis siyang harangin nito

"Hep..hep.. lalabas ka ng ganyan na hindi man lang nakakapag suklay o nakakapag mumog?" Pinandilatan pa siya nito ng mata.

"Sorry mom excited na kasi akong makita si Haru."

"Ang aga ngang pumunta dito hindi na ata natulog." Napapailing pang sabi ng kanyang mommy.

"Sinabi po ba niya kung bakit ang aga niya?" Tanong ni Margaret habang sinusuklay ang mahabang kulot na buhok.

"Pinagpapaalam ka samin kung maaari ka daw ba niyang isama." Sagot ng kanyang ina.

"Sinabi po ba niya kung saan kami pupunta?"

"Sa San Martin daw." Sabay na silang lumabas ng kanyang ina sa kanyang silid.

Tuluyan nang nawala sa isipan ni Margaret ang masamang napanaginipan.

Habang pababa ng hagdanan natanawan niyang kausap ng kanyang daddy ang binata. Sa kanila nakaharap ang ama nang makita silang mag ina tumayo ito gayun din si Haru at lumingon sa kanya.

Nagtama naman ang kanilang mga mata. Ngumiti ito sa kanya gayun din siya.

"Hi ang aga mo ah." Bati ng dalaga ng makalapit siya sa mga ito.

Napakamot naman ito sa ulo bago sumagot.

" Pinagpaalam kasi kita sa parents mo kung okey lang na isama kita sa San Martin".

"Pumayag naman kami iha," sabat naman ng kanyang ama." May tiwala naman ako kay Haru na hindi ka niya pababayaan.".

"Ang mabuti pa sumabay kana sa amin mag breakfast Haru nang makalakad na kayo ni Margaret." Sabi naman ng kanyang ina.

Nauna nang nagtungo ang mag asawa sa kanilang kusina. Hinila naman niya si Haru dahil mukhang nahihiya pang sumabay sa kanila.

Habang nasa loob ng sasakyan hindi maiwasan mamangha ni Margaret sa binata. Ang bilis kasi nitong natutunan ang pagmamaneho ng sasakyan at ng iba pang bagay.

Lihim niya itong sinusulyapan. Ang dating Haru na nakilala niya sa Arectia noon ay nandito na sa kanilang mundo ngayon. Hindi parin siya talagang makapaniwala.

"May dumi ba ko sa mukha?" Sinulyapan siya nito sandali bago ibinalik ang tingin sa daan.

"Wala naman... naisip ko lang na ang bilis mong makagamayan ang pamumuhay dito. Ang bilis mong matutong mag drive ng kotse." Sagot niya dito.

Hindi siya sinagot nito bagkus kinuha ang kanyang kamay. Dinala sa labi saka marahang hinalikan ang likod ng palad niya. May kung ano namang init ang nanulay sa buong pagkatao niya sa ginawi ng binata.

"Lahat gagawin ko upang bumagay sa mundo mo Margaret. Handa ko pagdaanan ang lahat ng hirap makasama ka lang habambuhay." Madamdamin nitong tugon habang sa daan parin nakatuon ang tingin.

Ramdam ni Margaret ang sinseridad sa mga sinabi nito. Buong pagmamahal niya itong sinulyapan. May pagmamalaki sa kanyang puso na ito ang lalaking iniibig niya at iibigin kailanman.

Pana-naka silang nag uusap habang nasa biyahe. Mahigit apat na oras din ang naging biyahe nila bago narating ang boundary ng San martin. Nabasa pa niya ang isang arko na may nakasulat na Welcome to San Martin.

Nakatanaw sa labas ng bintana si Margaret. Una niyang napansin na mapuno ang magkabilang daan. May mangilan ngilan siyang nakikitang mga bahay ngunit magkakalayo ang mga pagitan ng bawat isa.

Nasa tatlumpung minuto rin ang itinakbo ng sasakyan nila mula sa boundary bago narating ang isang malaking bahay.

Agad siyang lumabas ng kotse.napa wow siya sa ganda at laki ng bahay. Pinaghalong Puti at asul ang pintura nito. Puro salamin ang malaking bintana at isang hagdan bato ang paakyat sa entrance ng bahay.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.