"May nakita ka ba?" Tanong ni Margaret sa binata ng ito ay nagbalik sa loob.
"Wala akong nakita maaring pusa lang ang iyong nakita lang iyon."
Matagal munang tinitigan ng dalaga ang binata. Maaring tama ito sa isip ni Margaret marahil dala narin ng nagdaang panaginip niya.
"Baka nga." Sang ayon na lang niya. Pero iba ang pakiramdam ng dalaga.
"Ang mabuti pa pagkatapos ng agahan punta tayo ng bayan." Masiglang sabi ni Haru sa kanya. Marahil nais din nito mawala na sa isip niya ang anumang nakita.
Napangiti naman siya. At pilit inalis sa isipan ang nakita at ang panaginip.
"Sige,gusto ko rin makabili ng pwedeng pasalubong."
Gaya ng napag usapan,pagkatapos makapag almusal ng dalawa,lumakad na sila. Pagdating sa bayan napakaraming tao,dahil narin sa tinayong tiangge.
Hindi naman magkamayaw si Margaret kung saan tindahan tutungo dahil narin sa maraming mga binebenta kung ano anung items at mga pagkain.
May isang oras din sila nag ikot ikot, marami narin silang napamili. Hindi malaman ni Haru kung anong bitbit ang gagawin niya sa mga supot.
"Mabuti pa kaya ilalagay ko na ito sa kotse." Tukoy nito sa mga bitbit.
"Sasamahan na kita."
"Huwag na, hintayin mo nalang ako dito,nasa malapit lang naman ang parking dito." Kinuha din nito ang ilan sa bitbit niya. Nasundan na lang niya ito ng tingin,natatawa pa siya ng lihim dahil halatang nahirapan din sa mga dala dala.
Napabaling naman ang tingin niya sa isang tindahan na ang paninda ay ibat ibang masasarap na pagkain. Bigla tuloy siyang nagutom..nilingon niya muna si Haru na tanaw sa kinatatayuan niya.
Nilapitan niya ang tindahan at namili ng pagkain. Hindi pamilyar sa kanya ang mga pagkain na nasa harap pero mukhang masarap lahat.
"Dayo kalang ba dito?" Tanong ng may edad ng tindera sa kanya.
"Opo lola.. sa bahay na malapit po sa dagat kami naglalagi ngayon ng kasama ko." Nakangiting sagot niya.
Bigla naman sumeryuso ang mukha nito, maging ang ibang mga taong nakarinig sa sinabi niya ay napabaling ang tingin sa kanya. Ang iba pa nga ay nagbubulungan pa.
Bahagya naman siyang naasiwa,parang may mali siyang nasabi.
"Bakit po?" Hindi niya maiwasang magtanong sa matandang kaharap niya..
Nagpalinga linga muna ang matanda sa paligid bago siya sinagot.
"Makakabuti kung lilisanin niyo na ng kasama mo ang bahay na iyon. Masyadong mapanganib ang gubat na kalapit ng bahay na iyon." Titig na titig ito sa kanya, waring sinusukat kung naniniwala siya sa sinasabi nito.
Bago pa siya makahuma sa sinabi ng matanda,isang lalaki naman ang lumapit.
"May isang halimaw na gumagala sa gubat na iyon,katunayan nga nyan may biktima na naman kagabi,mag amang inabot na ng gabi at naisipan magpalipas ng gabi sa isang kubong malapit sa bukana ng gubat."
Napabaling ang kanyang tingin dito. Naalala na naman bigla ang nakita niya sa kusina.
"Masyadong malapit ang bahay na iyon sa gubat na pinaniniwalaang pugad ng halimaw." Dagdag pa ng matandang tindera.
"Baka naman po gawa lang ng mabangis na hayop di kaya? " . Tanong niya, pinaglipat lipat pa ang tingin sa dalawa.
"Nung una ganun din ang inakala ng lahat maging ng pulis na nag iimbestiga sa mga naunang kaso ng pagpatay . Ngunit may isang saksi na nagpatunay na halimaw ang pumapatay sa lugar namin." Ang lalaki ang sumagot sa kanyang tanong.
Napapitlag pa siya nang may kamay na umakbay sa kanya.
"Mukhang nagutom ang mahal ko ah. May nabili kana ba?" nakangiting mukha ni Haru ang nasilayan niya.
Hindi agad siya nakapagsalita, nakita pa niyang umalis na ang lalaking lumapit sa kanila kanina.
"Hindi pa eh.. ang dami kasing pagpipilian." Sagot niya na tumingin sa matandang tindera.
"Ganun ba," binaling ng binata ang tingin sa mga panindang pagkain saka tumingin sa matandang tindera.
"Manang yung pong pinakamasarap niong pagkaing tinda".
"Lahat naman yan,pero ito talaga ang binabalik balikan ng mga suki ko." Tinuro ang isang bilog na parang maliit na siopao.
"Sige po bigyan nio kami niyan ng apat at saka ito pa po." Mayroon pang tinuro ang binata na agad naman binalot ng tindera.
Nakamasid lang si Margaret sa binata., para kasi siyang natuod na sa pagkakatayo. Bumaling ito sa kanya.
"Gusto mo ba ng maiinum? ". Tanung nito sa kanya.
Tumango naman siya at agad itong nagtungo sa bilihan ng sari saring maiinum..sinusundan niya ito ng tingin ng muli siyang kausapin ng tindera
"Huwag mo sana ipag walang bahala ang babala ko sayo iha. Umalis na kayo ng kasama mo sa bahay na iyon."
Napabaling naman siya dito. Hindi makaapuhap ng sasabihin hanggat makabalik si Haru.
Bago sila umalis nagpasalamat sila sa tindera.
Habang nasa sasakyan pauwi ng bahay na kanilang tinutuluyan, tahimik lang si Margaret. Hindi maalis ang mga sinabi ng tindera maging ng lalaking lumapit sa kanila.
Bahagya pa siyang nagulat nang abutin ni Haru ang kanyang kamay.
Natatawa itong napalingon sa kanya.
"Nagiging magugulatin ka ata.. may sinabi ba sa iyo ang tindera kanina?" Marahan nitong tanung sa kanya.
Bumuntong hininga muna siya bago kinuwento dito ang mga sinabi ng tindera at nung lalaki kanina.
Napapakunot naman ang noo nito sa mga sinabi niya.
"Hindi kaba naniniwala?" Tanung ng dalaga dito.
Bahagya siya nitong sinulyapan bago binalik ang tingin sa unahan ng kotse.
"Hindi naman sa ganun..kaya lang hindi pa natin napapatunayan totoo nga. Saka ilang beses nakong nagpapabalik balik dito noon pero wala naman akong napansin na kakaiba sa bahay at paligid nito lalo na sa kalapit na gubat." Mahabang paliwanag ng binata.
"Pero... " Hindi maituloy ni Margaret ang gustong sabihin ng pisilin nito ang kanyang kamay na kanina pa nito hawak.
"Ayukong masira ang bakasyon natin dahil lang sa mga sinabi ng mga taong iyon. At isa pa kung totoo mang may halimaw na gumagala dito,hindi ko mapapayagang makanti man lang niya ang dulo ng buhok mo.".seryuso nitong saad sa kanya.
Napanatag naman ang kalooban ni Margaret sa sinabi ng binata,alam niyang poprotektahan siya nito sa anumang panganib.
Nang makarating sa bahay..nilapag lang nila ang mga pinamili at agad din siyang niyaya ni Haru na lumabas ng bahay. Nagtataka namang sumunod siya dito,sa likod sila nagdaan nito.
Hawak nito ang kanyang kamay habang tinutugpa nila ang daan sa magubat na parte.
"Saan ba tayo pupunta? Papunta ba ito sa gubat? " Tanung niya.
"Ou,gusto ko lang ipakita sayo ang loob ng kagubatan."
Tahimik na lang siyang sumunod dito.. habang palinga linga sa paligid. May ilang minuto rin sila nag lakad hanggang sa huminto sila sa parte na naglalakihang mga puno.
Wala naman siyang napunang kakaiba sa paligid maliban sa panaka nakang malamig na ihip ng hangin na dumadampi sa kanyang balat.
"Gusto ko lang mapanatag ang loob mo" sabi ng binata na nakatitig sa kanya.
"Panatag ang loob ko pag lagi kang nasa tabi ko." Sagot niya dito.
"Gusto mo bang ikutin itong ibang parte ng gubat.?" Tanung nito.
"Ou.. parang sa Arectia lang ang gubat na ito." Ngpalinga linga pa siya sa paligid.
May ilang minuto rin sila nagpalakad lakad hnggang mapadako sila sa isang bangin kung san tanaw ang buong dagat at ang bahay na kanilang tinutuluyan.
Biglang bumilis ang kabog sa dibdib ni margaret ng matanaw ang bahay at ng tumungo siya sa ibabang bahagi ng bangin.. may naalalang isang eksena.
Kung san siya tumatakbo at mapunta sa bahaging ito. Wala na siyang matatakbuhan, nasukol na siya ng isang nilalang na humahabol sa kanya.
Ang panaginip niya!
Hindi siya maaring magkamali.. ang gubat at ang kinatatayuan nila ngayon ang nasa panaginip niya.
Kung ganun ang panaginip na hinahabol ako ng halimaw ay magkakatotoo! Dito sa lugar na ito mismo ang eksena sa panaginip ko.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig,nakaramdam naman siya ng panlalamig ng buong katawan.
Nangangatal ang kanyang buong katawan at mababakas sa kanyang mukha ang labis na sindak.
Nag aalala naman na lumapit sa kanya ang binata.
"Ok kalang ba? Ang lamig ng kamay mo? " Tanung nito habang hawak ang nanginginig niyang kamay.
Ilang beses munang lumunok si margaret at inalis ang bara sa lalamunan.
"Ang panaginip ko.. sigurado akong ito yun!" parang wala sa sariling nasambit niya.
Naguguluhan naman si Haru sa sinasabi niya." Anung panaginip mahal?"
Ilang sandali munang tinitigan niya ang binata bago kinuwento ang panaginip.
Pagkabigla naman ang nakabadya sa mukha ni Haru pagkatapos marinig ang kwento niya. Agad na siyang niyakad nitong pauwi sa bahay.
Hindi nalang din niya sinabi sa dalaga na nag iba ang kanyang pakiramdam,ang simoy ng hangin ay biglang nag iba para bang nagbibigay ito ng kakaibng kilabot sa kanya.
"Inumin mo muna ito.." abot ni Haru ng inumin kay Margaret habang nakaupo sa sofa.
"Salamat".
Umupo sa tabi niya ang binata. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?' mababakas hindi lang sa tono nito maging sa mukha ang pag aalala sa kanya.
"Ou .." humilig siya sa balikat nito.
"Gusto mo bang umuwi nalang tayo?" Nanantiyang tanung nito sa kanya.
"Tapusin nalang natin ang napag usapang natin araw ng pagtigil dito,ewan ko ba parang may nag uutos sakin na manatili pa ng ilang araw."
Napabuntong hininga naman ng malalim ang binata.
"Ikaw lang kasi ang inaalala ko.. pero kung iyan ang gusto mong mangyari.. syempre ang mahal ko ang masusunod. Hindi naman kita pababayaan".
"Alam ko kaya panatag ang loob ko kahit pa sabihin pa nilang may gumagalang halimaw sa gubat. Nabigla lang talaga ko kanina na yung laman ng panaginip ko at ang gubat na pinuntahan natin ay iisa."
Naguguluhan parin siya sa kanyang panaginip. Hindi rin niya maiwasang mag alala. Naisip niya ang babaylan, maaring masagot nito ang kanilang mga katanungan.
Nang gabing iyon naglatag ng mahihigaan si Margaret sa sala, dun nila naisip matulog. Ngunit parehas silang hindi makatulog kaya nagkwentuhan nalang muna sila. Maghahating gabi na nang antukin silang pareho,magkatabi silang nahiga sa nilatag ng dalaga,ang sarap sa pakiramdam na katabi mo ang lalaking pinakamamahal. Magkayakap habang parehong may mga ngiti sa labi ng bawat isa.
Malalim na ang gabi ng isang nakakakilabot na alulong ang pumunit sa katahimikan ng gabi.Ang ilang residente na nakarinig nito labis ang takot na naramdaman,mga nagdadasal na sana lumipas ang gabing ito na walang mabibiktima ang halimaw.
Ang halimaw ay umaaligid sa nag iisang bahay na malapit sa dagat. Nakakaamoy ito ng laman ng tao, lalo siyang naglalaway at nakaramdam ng pananabik na malamnan muli ang kanyang tiyan ng sariwang dugo at laman ng tao .Ngunit kahit saan siya umikot walang madaanan papasok maliban pa sa sementado ang pagkakayari ng buong bahay.
Ilang sandali pa lumisan ang halimaw na bigong makapasok sa bahay. Ngunit hindi sumuko ito hanggat hindi naiibsan ang gutom na nararamdaman.
Kinabukasan pagkatapos makapag agahan niyakad ni Margaret ang binata na pumunta muli sila sa bayan.
"Gusto mo bang mamili ulit tayo?" Tanung nito sa kanya.
Umiling naman siya." Gusto ko lang makausap yung matandang babae na binilhan natin ng pagkain."
Nagtataka naman ang tingin na binigay nito sa kanya ngunit hindi na lamang nagkomento.
"Ok sige.. maghanda kana para makapunta na tayo."
Habang nasa daan at sakay ng kotse.. hindi pa sila nakakalayo sa bahay ng may makita silang mga nagkukumpulang mga tao sa tabing daan. Meron ding mobile patrol at ambulansiya na nakaantabay. Agad hininto ng binata ang kotse sa tabi.. at sabay silang bumaba. Ayaw sana nila makiusyuso ngunit mas nangibabaw ang kuryusidad na malaman ang nangyari?
Isang babae ang napagtanungan ni Haru," ale anu pong nangyari?"
"May biktima na naman ang halimaw kagabi,isang lasing na pauwi na sana." Sagot nito sa kanila na pailing iling pa.
Parehas silang nabigla sa narinig.. at nagkatinginan pa. Bakas sa mukha ni Margaret ang takot,hindi naman kababakasan ng anu pa mang emosyon ang mukha ni Haru.
Tinataboy na ng mga pulis ang mga nakikiusyusong mga tao,umalis narin sila ng binata. Habang tumatakbo ang kotse wala silang imikan nito,panaka naka ay sinusulyapan ito ng dalaga,magkasalubong ang mga kilay,at nakikita rin niya ang pagtatagis ng bagang nito, wari'y nagagalit ito kung saan o kung kaninu man.
Nakarating din sila ng bayan,matapos maipark ang kotse sabay na silang umibis nito at agad na hinanap ang puwesto ng matandang babae nun. Agad naman nila itong nakita.. pansin nila hindi ganun karami ang tao hindi katulad ng nagdaang araw na galing sila dito.
"Magandang araw po,natatandaan niyo pa po kami?" Bungad ni Margaret dito, habang ang binata ay tahimik lang sa kanyang tabi.
Bigla naman umaliwas ang mukha ng tindera ng makilala agad siya." Ou naman,kayo ang dayo na nakatira sa nag iisang bahay malapit sa dagat,nandito ba kayo upang bumili ulit ng aking paninda?"
Tumingin muna si Margaret kay Haru bago muling ibinalik ang tingin sa tindera . "May kailangan lang po sana kaming malaman".
Sumeryuso naman ito. Nabatid nitong mahalaga ang kanilang sadya. Agad itong tumindig sa kinauupuan at isang kabataang babae ang tinawag nito.
"Ikaw muna ang magbantay dito apo,may panauhin lang akong kakausapin."
"Sige po lola Consuelo". Sagot naman ng apo nito na sumulyap pa sa kanilang dalawa.