Chapter 16

Binalingan sila nito at iginiya na sumunod sila sa kanya. Hindi kalayuan sa tindahan nito may pinasok silang maliit na eskinita at sa dulo ay isang maliit na bahay ang kanilang pinasok.

Minuwestra nitong maupo sila sa isang mahabang upuang kahoy na marahil ay nag sisilbing pinaka sofa,hindi maiwasan igala ng dalaga ang paningin sa loob ng bahay,isang bilog na lamesa at dalawang upuang gawa sa kahoy ang nagsisilbing kainan at ilang gamit sa kusina ang makikita dito. pinaupo muna nila ito sa pang isahang upuan bago sila sumunod maupo.

"Anu bang gusto niyong malaman?" Panimulang tanong nito sa kanila at pinaglipat lipat pa nito ang tingin sa kanilang dalawa.

"Tungkol po sa halimaw na gumagala,may nabiktima na naman pala ito kagabi."Saad ni Margaret

Napayuko naman ang matandang babae sa kanilang harapan." Hindi talaga titigil ang halimaw sa pagpaslang."

"Alam niyo po kung saan nagmula ang halimaw na iyon? Bakit wala man lang ginagawa ang mga alagad ng batas dito? " Tanong pa ng dalaga,kahit na ang huling sinabi ay kulang sa kumbiksiyon kung makakagawa nga ba ng paraan ang kapulisan para mapatay ang halimaw,disin sana hindi na nila inabot ang halimaw dito.

Matagal bago sumagot muli ang matandang babae,mataman muna silang tiningnan nito." Maraming sumubok na hulihin ang halimaw na iyon, ngunit lahat sila nangabigo,at lahat ng nagtankang masupil ito mga hindi na nakabalik ng buhay. Sumubok din ang mga katutubo na naninirahan sa paanan ng bundok,mga mahuhusay na mangangaso,sinubukan nilang masilo ang halimaw sa lahat ng patibong ngunit nabigo silang lahat."

Huminto muna ito at huminga ng malalim bago muling nagpatuloy. "Tingin ng nakararami at maging ako man,may kinalaman ang pagpula ng buwan na parang dugo mag iisang taon ng nakalilipas sa paglitaw ng halimaw dito sa bayan namin. Simula kasi noon sunud sunod nang patayan ang naganap,nung una inakala lang ng marami na gawa ng mabangis na hayop dahil sa paraan ng pagpatay sa mga biktima,wakwak ang tiyan,nawawalang laman loob at tinuyo ang dugo sa mga katawan ng mga ito. Ngunit isang himala marahil ang naganap upang meron isang nakasaksi ang makaligtas at makapagsalaysay kung anu ang itsura ng halimaw."

"Sinu pong Saksi lola?" Sabik na tanong ni Margaret.

"Ang aking apong si Nimfa."

Sumagi sa isip ni Margaret ang mukha ng dalagita kanina na pinagbantay muna ng tindahan.

"Tanging ang apo ko lang ang nakaligtas ng paslangin ng halimaw na iyon ang mga magulang at tatlo niyang nakababatang kapatid.."pagpapatuloy pa nito habang sa kawalan nakatingin na para bang inaalala ang mapait na pangyayaring nagdaan. "Ang bahay nila ay malapit sa bukana ng gubat,ginabi na siya ng uwi noon dahil sa pagtulong sa akin,kahit anong pigil ko sa kanya na sa bahay na matulog ay pilit pa rin siyang umuwi. Bago siya umalis ay napansin kong aligaga siya. Ayon sa aking apo,malayo pa siya sa kanilang bahay ay narinig na niya ang sigawan sa loob ng kanilang bahay..kaya nag madali siyang makauwi at tumambad sa kanya ang duguang pamilya.. magkakatabi ang kanyang magulang at mga kapatid habang niluluray ang mga katawan ng mga ito ng halimaw. Napasigaw siya kaya siya naman ang binalingan ng halimaw."

"Paano po siyang nakatakas?" Tanong ng dalaga, nanlalalaki ang kanyang mga mata at hindi maiwasan panginigan ng katawan.

"Agad siyang tumakbo at sumakay sa kanyang bisikleta na lagi niyang gamit. Habang tumatakas sa halimaw sumisigaw siya ng tulong..buti nalang nakarating siya sa mga bahayan at dun siya nakahinge ng tulong."

Nawiwindang parin ang isipan ni Margaret sa mga narinig. Magkakahalong damdamin ang nabuo sa kanyang puso lalo na sa apo nitong nasaksihan ang pagkamatay ng kanyang pamilya.

"Ako ang papaslang sa halimaw".

"Ano?!" Magkapanabay pang nasambit ng dalawang babae sa tinuran ng binata. Mas lalo tuloy siyang nawindang sa sinabi nito.

Nanlalalaki naman ang tingin dito ng matandang babae,nasa mga mata ang hindi paniniwala sa kanyang sinabi.

Nang makabawi sa gulat dahil sa sinabi ng binata,agad niyang sinita ito." Anu ka ba? Narinig mo naman ang sinabi ni lola.. walang makapatay sa halimaw na iyon. Tapos sasabihin mong ikaw ang papatay!".

Bahagya naman natawa ang binata sa reaksyon niya. Lalo lang nainis ang dalaga na nagagawa pa nitong tumawa sa ganung sitwasyon.

"Hindi biro ito..ang dami ng naging biktima ng halimaw na iyon___".

"Tama ka sa sinabi mo mahal," putol ng binata sa mga sasabihin pa ni Margaret." Marami na siyang nabiktimang mga inosenteng tao kaya tama lang matapos na ginagawa niyang pamiminsala sa mga taga rito. Ako ang tatapos sa halimaw na iyon".

Mababanaag sa mukha nito ang kaseryusuhan sa binitiwang salita. Hindi padin maalis sa dalaga ang takot para dito.

"Haru... Baka mapahamak ka dahil sa Halimaw na iyon". Ngayon palang para na siyang maiiyak sa pag aalala.

Ginagap nito ang dalawa niyang kamay at pinagsalikop ito gamit ang kamay at dinala sa labi,banayad niya itong hinagkan pagkatapos.

"Hindi ako mapapahamak pangako iyan. Alam kong nag aalala ka sa mga taga rito,nais mo silang tulungan. Ganyan kabuti ang iyong puso,saka baka iyon din ang mensahe ng iyong panaginip. Marahil kaya nandito tayo ngayon dahil mayroon tayong misyon na dapat gawin." Seryusong sabi nito.

Isang tikhim ang nagpalingon sa dalawang magkasintahan. Muntik na nilang makalimutan na may kasama nga pala silang ibang tao.

Mulagat ang mga mata ng matandang babae sa pagkakatingin sa kanila.

"Nakalimutan niyo na atang nandito lang ako" napapailing nitong sabi sa kanila.

"Pasensiya na po kayo lola" hinging paumanhin ni Margaret dito.

"Ok lang.. totoo ba iho ang sinasabi mong ikaw ang papaslang sa halimaw?" Nasa tono padin nito ang hindi paniniwala sa kanya.

"Gagawin ko po. Para matigil na ang halimaw na iyon sa pagpaslang sa mga tao sa bayan na ito. Hindi ko maatim na basta nalang kaming aalis nang wala man lang kaming ginagawang anupaman." Sagot ng binata dito.

"Hindi ba yan kahambugan lang iho iyang mga pinagsasabi mo?"Napaismid pa ito at nagdududang tiningnan siya nito.

Napangiwi naman si Haru sa tinuran ng matanda. Bakit ba ganito itong matanda nato,ako na nga ang nagmamagandang loob na paslangin ang halimaw eh. Ganun pa ang kanyang ituturan sakin.

"Nais ko lamang pong tumulong,at saka po baka may dahilan kung bakit kami narito ngayon." Anang binata.

Puno naman ng pagtataka ang tingin na ipinukol sa kanila nito.

Kinuwento ni Margaret at napapanaginipan Kahit hindi siya sigurado kung maniniwala ito. Seryuso naman nakinig sa kanya ang matandang babae.

"Maraming talagang kababalaghang nangyayari sa mundong ito na hindi maipaliwanag ng mga ordinaryong mga tao. Maaring tama ka na may koneksiyon ang iyong panaginip sa halimaw,maari ding Ang pahiwatig ng iyong panaginip ay isang babala upang maiwasan ang isang pangyayari na maglalagay sa inyo sa peligro."

Natigilan naman bigla ang magkasinatahan sa mga sinabi nito. Parehas silang naisip na baka nga tama ito,isang babala sa kanila ang panaginip ng dalaga. Mali bang nagtungo kami dito? Laman Ng isipan ng dalaga ng mga sandaling iyon.

"Maari pong tama kayo sa mga sinabi niyo..ngunit sangkot na po kami ngayon. Hindi kami aalis basta nalang ngayong alam namin na nasa paligid lang ang halimaw." Anang dalaga.

Napabuntong hininga na lamang ang matandang babae sa sinabi ng dalaga dito. Ewan ba niya unang kita palang niya sa dalawang ito lalo na kay Margaret..alam niyang may dalang pagbabago ang mga ito sa bayan nila. Maari ding tama ang mga ito,may dahilan ang pagkakapunta nila sa bayan nila.

"Tingnan nalang natin ang mangyayari." Nasabi nalang nito sa kanila,at isang ngiti na hindi umabot sa mga mata ang binigay nito sa kanila.

Hindi agad umuwi ang magkasintahan,ng ikot ikot muna sila sa bayan.

"Naalala ko yung sinabi ni lola Consuelo tungkol sa buwan na naging kulay dugo ang kulay." Turan ni Margaret habang nakasandal sa kotse habang si Haru ay nakapamulsa na nakatingin sa kanya.

"Iniisip ko din iyon..baka alam ng babaylan ang kasagutan sating mga tanong. Pag uwi mamaya tatawagan ko siya." Sagot naman nito sa kanya.

Hindi nagtagal nilulan na nila ang kotse at umalis sa lugar na iyon.

Isang anino naman ang nakakubli sa madilim na parte ang sa kanila ay kanina pa nagmamasid ang nasundan na lamang ng tingin ang papalayo nilang sasakyan. Habang tinutugpa ang daang pauwi,laman ng isip ni Haru kung sino ang lihim na nagmamasid sa kanila.

Pagkarating sa bahay agad na kinontak ni Haru ang babaylan na tumatayong lola niya sa mundong ito.

"Ano?! Bakit ngayon mo lang sinabi?!" Halos mabingi ang binata sa lakas ng boses ng kausap niya sa cellphone, bahagya pa niya itong inilayo sa tenga.

"Kanina lang po namin nakompirma na may halimaw ngang gumagala sa bayang ito. Nakakapagtaka lang na mag iisang taon na pala simula ng lumabas ang halimaw na iyon, bakit noong panahon na napunta tayo dito wala tayong nababalitaan." Ang mga mata niya ay nakatuon kay Margaret habang tahimik lang nakamasid sa kanya.

"Dahil hindi naman tayo nakikisalamuha sa mga tao diyan. Malay ba naman natin kung may halimaw na pala dyan." Sagot naman ng nasa kabilang linya na hindi man lang hininaan ang volume ng boses, napapailing nalang tuloy ang binata.

Ilang sandali muna niyang pinakinggan ang pagsasalita ng nasa kabilang linya bago siya nagpaalam.

Naghihintay naman ang dalaga na sabihin niya ang kanilang napag usapan.

Napabuntong hininga muna ang binata at mataman siyang tinitigan.

"Wala din siyang masabi."

Bahagya naman napangiwi si margaret..ang haba nga naman ng pag uusap tapos yun lang ang sasabihin nito sa kanya.

"Akala ko pa naman masasagot na ang ating mga tanong." Hindi maiwasan madismaya ng dalaga. Napatingin siya sa labas ng bintana, Ilang oras nalang mag gagabi na naman,hindi niya maiwasan mangamba sa kaligtasan ng mga tao sa lugar na ito.

Naramdaman naman niya ang paglapit ng binata sa kanya. "Alam kong nag aalala ka, ngunit wala tayong magagawa kung hindi maghintay muna sa mga mangyayari. Patawad kong wala akong magagawa sa ngayon, pero pinapangako ko na oras na mag krus ang landas namin ng halimaw na iyon hindi nako makakapayag na makapaminsala pa siya." Mababatid sa tono nito ang kawalang pag asa ng mga oras na iyon ngunit buo ang loob sa pinapangako nito.

Dinagdag na lamang sa isipan ni Haru ang ibang nasasaisip ng mga oras na iyon. Ayaw niyang lalo pang mag alala ang babaeng pinakamamahal.

"Hindi ko lang kasi maiwasan." Mahinang sambit niya.

Niyakap siya nito at hinagod ang likod,may kung anung ginhawa ang naramdaman ni Margaret sa ginawa ng binata. Panatag ang loob niya pag kasama ang binata. Pero may isang bahagi ng puso niya ang nakakaramdam ng lungkot,hindi niya mawari kung saan nanggaling ang ganung pakiramdam. Napahigpit tuloy ang yakap niya dito na parang ayaw na niya itong pakawalan pa.

May ilang sandali sila sa ganoong ayos nang kumawala ng yakap sa kanya ang binata. Nagtataka naman ang tingin ng dalaga dito.

"Nagugutom na kasi ako.. baka puwedeng magluto kana". Alanganin ngiti ang binigay nito sa kanya. Natampal naman niya ito sa braso na ikinatawa nito ng malakas.

"Ikaw talaga.." parang musika sa pandinig niya ang tawa nito.

Maya maya pa nagtungo na ang dalawa sa kusina upang maghanda ng hapunan.

Habang naghahanda ng para sa hapunan,hindi niya napansin ang pag ilap ng mga mata ni Haru. Iba ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon,lumalakas din ang kanyang pang amoy na akala niya ay tuluyan ng naglaho ng makapunta siya sa mundong ito.

Hindi naman napansin na ng dalaga ang biglang pagiiba ng kilos ng kasintahan dahil sa kaabalahan ng pagluluto.

Nang sa wakas makatapos, tahimik ng dumulog sa hapagkainan ang binata.

"Pasensya kana sa mga luto ko huh. Hindi yan kasing sarap ng mga luto ni mommy.. pero pwede narin." Natatawang sabi ng dalaga dito.

Ngumiti naman si Haru sa kanya. " Para sakin lahat masarap basta ikaw ang nagluto." Tiningnan niya isa isa ang mga niluto ng dalaga. Steam na isda na may rekado sa loob ng tiyan. At ginisang gulay na parang chopsuey. Hindi parin niya makabisa ang mga pagkain nila pero alam niyang masarap.

Tumaba naman ang puso ni Margaret sa narinig mula dito.

Agad na niyang nilagyan ng kanin at ulam ang plato ng binata nang mapatingin siya dito, nahuli niyang titig na titig ito sa kanya.

"Bakit? May dumi ba ko sa mukha.?".may pagtatakang tanung niya dito.

Ngumiti naman ito " para kasi tayong mag asawa na,ginagampanan mo ang tungkulin ng isang may bahay. Nasasabik nakong dumating yung araw na magiging akin kana ng tuluyan."

" Hindi paba ko sayo? Kita mo nga pinagkatiwala nako sayo ng parents ko." Tudyo niya dito.. Hindi maitago ng bawat isa ang kislap ng kanilang mga mata sa bawat sandaling magkasama.

Natawa naman ang binata sa kanyang panunudyo. Muy gwapo talaga lalo na pag nakatawa. Nasaisip nalang ng dalaga habang nakatingin dito. Isa nalang talaga ang kulang sa kanilang relasyon,aaminin niyang nasasabik na siya sa araw na iyon. Hay ako pa talaga ang naiinip.

Habang panaka nakang sulyapan,pinagpatuloy na nila ang hapunan.

Walang kamalay malay ang magkasintahan sa magaganap na trahedya sa mga susunod na araw.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.