Chapter 29

NASA malaking bulwagan sila ngayon kaharap ang mag-asawa na magulang ng halimaw na pumapatay sa bayan ng San Martin.

Nakasuot ang mga ito ng formal na damit na parang sinauna pang siglo ang pagkakayari.Ang mata ng mga ito ay mataman na nakatingin sa kanila. Bahagya na nilang sinulyapan ang anak na muling nagpalit ng anyo bilang tao.

Ang lalaking sumalubong sa kanila ay iginiya ito paakyat ng grand staircase ng malaking bahay. Nasundan nalang ng tingin ni Dondon ang dalawang palayo. Napakuyom nalang ng kamao dahil naiisip niyang maaring maghasik na naman ito ng lagim kung hahayaan nalang.

Isang tikhim ang nagbalik ng tingin ng lalaki sa mag-asawang Scott na nakatingin din sa kanya.

"Huwag kang mag-alala hijo,hindi na muli makakapamuksa ang aming anak,"turan ni Mr. Scott na wari'y nabasa ang laman ng kanyang isipan.

Nakipagsukatan ng titig si Dondon dito. Sa huli umiwas ng tingin ang matandang pilantropo ng bayan nila.

Isang mahinang tikhim ang ginawa ng asawa nitong babae upang mapukaw ang atensyon nila.

"Mabuti pang maupo muna tayo," anito saka tumingin sa katulong na nasa isang sulok at naghihintay ng utos," Remie,maari mo ba kaming dalhan ng kape?"

"Opo señora." Agad itong tumalikod upang sundin ang utos ng amo.

"Mawalang galang na po sa inyo,pero hindi kami nagpunta dito para uminom ng kape," wika ni Dondon sa mga ito.

"Alam namin,"tugon naman ng babae,"nandito kayo para alamin ang buong pagkatao ng anak namin si Ravin."

"Kung gusto niyo malaman ang lahat,handa kaming isiwalat ang aming totoong pagkatao. Alam namin na tamang tao kayo para ipaalam ang aming matagal ng tinatagong lihim," sabi naman ng lalaking asawa.

"Handa kaming makinig. Huwag ninyong isipin na kaaway kami." Sa kauna-unahang pagkakataon nagsalita ang matandang babaylan.

Tumango-tango naman ang mag-asawa sa kanyang tinuran.

Magkakaharap sila sa mahabang lamesa na pang-labindalawang katao ang maaring umupo.

Pagkatapos maidulog ang maiinum ng isang katulong, umalis narin agad ito. Hinintay ng dalawa na magsalita ang sino man sa mag-asawa.

"Alam namin na hindi ka basta pangkaraniwan tao lamang," tukoy nito sa matandang babaylan.

"Kaya kami naparito para malaman ang katotohanan sa likod ng pagiging halimaw ng anak niyo. Bakit tila wala man lang kayong ginawa para pigilan siya sa mga pagpatay?"

Nabalisa naman ang mag-asawa sa mga tinuran ng matandang babaylan.

"Patawad sa inyo. Alam namin malaki ang naging kasalanan ng anak namin sa mga taga rito. Ngunit hindi rin namin alam kung paano siya pipigilan tuwing nauuhaw siya sa dugo ng tao." Si Mrs. Scott ang sumagot.

"Pakiusap, tulungan mo ang aming anak." nakatungo na sabi ng asawang lalaki.

Napatingin naman si Dondon sa kasama. Walang bakas ng kahit anong ekspresyon ang mukha nito. Muli niyang ibinalik ang tingin sa mag-asawa. Nakita niya sa mga mata ng mga By ito ang paghihirap ng kalooban.

"Anong tulong ang kailangan n'yo?" tanong ng babaylan.

"Gusto namin maging normal na tao ang aming anak," turan ni Mrs. Scott.

May ilang sandali na namayani ang katahimikan,ang tanging maririnig ay ang tasa ng kape na dinala ng babaylan sa kanyang bibig. Marahan itong humigop,bago ibinalik sa lamesa.

"Masarap ang kape."

Ginaya narin ni Dondon ang ginawa nito. Natitiyak niyang walang anuman na inilagay sa kanilang inumin.

"Bago ang lahat nais kung sabihin niyo sa akin kung saan lahi kayo nagmula. Nabanggit ng anak niyo kanina na may lahing itim na lobo siya," anang matanda.

Huminga muna ng malalim si Mr. Scott bago nagsalita, " galing kami sa mundo ng Arectia."

Kahit nababatid na ng babaylan ito hindi parin naiwasan na mabigla siya sa narinig.

"K-kung ganoon galing din kayo sa mundo ng Arectia."

"Oo,pero sa panahon pa ng Haring Hagat. Ang haring nagpasimuno ng digmaan ng mga tao at mga lobo. Sa kagustuhan namin huwag maipit sa digmaan nagaganap sa pagitan ng dalawang panig. Tumakas kami at dito kami napadpad sa mundo ng mga tao." .

" Ngunit ng mga panahon na iyon, mahigpit na pinagbabawal ang pag-iibigan ng tao at lobo. Inakala namin sa paglisan namin sa mundong iyon hindi na kami aabutin ng sumpa ng tagapangalaga. Ngunit nagkamali kami."

"Inakala ko pa naman na kami ang kauna-unahang nakarating sa mundong ito. Magkaganoon man,tatapatin ko na kayo na wala akong magagawa para matigil ang sumpa sa inyong anak."

Labis na nanlumo ang mag-asawa sa narinig. Parang nauupos na mga kandila at bagsak ang mga balikat ng mga ito. Nakaramdam naman ng awa para dito si Dondon.

"Pero may isang paraan pa para matigil na ang pagpaslang ng inyong anak.Alam kung alam niyo ang ibig kong sabihin. Dapat noon niyo pa ginawa ang bagay na iyon."

Napatiim bagang si Mr.Scott sa sinabi ng babaylan. Nangilid naman sa luha ang mga mata ng babae.

Naiwan ang babaylan at Dondon sa kanilang pwesto habang ang mag-asawang Scott ay nagpaalam sandali na pupuntahan ang anak na si Ravin.

"Magagawa kaya nila iyon sa kaisa-isa nilang anak?" basag ng lalaki sa katahimikan.

"Hindi ko masasagot ang katanungan mo, pero ito lang ang naiisip kong solusyon."

"Kung hindi nila nagawa noon ngayon pa kaya." May dudang saad ni Dondon.

"May isa pa kong naiisip ngunit hindi ko alam kung maaari nga. At isa pa kakailanganin natin ang tulong ni Zari."

Napatitig ang lalaki sa babaylan, nagtatanong ang mga mata niya dito dahil sa huling tinuran nito.

Napalingon sila ng makarinig ng mga yabag na papalapit. Sabay silang napalingon kay Mrs. Scott.

"Mrs. Scott,meron sana akong imumungkahi para sa anak niyo."

"Pasensya na mahal na babaylan, ngunit kung anuman po iyon ay hindi namin matatanggap. H-hindi namin kayang m-mawala ang kaisa-isang anak namin."

"May isang paraan pa para hindi malagay sa alanganin ang buhay ng anak niyo."

Napamata naman sa kanya ang babae,nagkaroon ng ana-ag ng pag-asa ang mga mata nito.

Habang daan, pinag-iisipan na ng babaylan kung paano kakausapin si Zari.

Kabababa lang nila ng kotse nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang babae. Pinagsalikop nito ang mga braso sa dibdib habang hinihintay ang kanilang paglapit.

" Bakit ngayon lang kayo? Nasaan ang kamahalan?"

" Hindi namin alam,dalawa lang kaming umalis." si Dondon ang sumagot.

"Zari,maari ba tayong mag-usap?"

Napatitig ang babae sa babaylan. Nang hindi ito sumagot nagpatuloy siya sa nais sabihin.

" Kailangan ko ang tulong mo para maibalik ang halimaw sa Arectia. Para hindi na siya makapaminsala sa bayan na'to."

"Ano? Bakit ako?" inismiran sila nito.

"Pakiusap Zari, tulong muna lang sa mga taga rito. Tulungan mong makarating sa Arectia ang halimaw at pamilya niya." Nagsusumamong saad naman ni Dondon.

"Wala akong pakialam kahit maubos pa ang mga tao sa bayan na'to! "

Napatiimbagang naman ang lalaki sa kanyang tinuran.

"Kaya ka hindi magustuhan ni Haru,kahit maganda ka."

Pinandilatan siya ng babae, " anong sinabi mo?"

"Kaya hindi ka magawang mahalin ni Haru dahil sa sama ng ugali mo! Ang layo talaga ng ugali mo kay Margaret."

"Huwag mo akong ikokompara sa babaeng iyon! Isa akong maharlika at siya naman ay isang mababang uri ng mga nilalang na nabubuhay sa mundong ito."

Lalong nagdilim ang mukha ng lalaki ng marinig ang huling sinabi niya. Bago pa humaba ang kanilang pagtatalo namagitan na ang babaylan.

"Tama na iyan. Ako na ang nakikiusap sa'yo Zari."

"Huwag kayong makiusap sa'kin. Alam kong kating-kati na kayong mawala ako sa mundong ito. Wala kayong tulong na makukuha sa akin." Saka sila binirahan ng alis ng babae.

Naiwan naman na nagkatinginan nalang ang dalawa. Pareho sila ng nasa isip kung sino ang maaaring makapag kumbinsi sa babae.

Kinabukasan pinuntahan na sa kanyang silid ng babaylan si Haru. Nagulat naman ang binata sa biglang pagpasok nito ng wala man lang abiso.

"Paano kung nagbibihis ako? Hindi ka man lang kumatok." Reklamo niya dito.

"Mukha kasing wala kapang balak lumabas ng silid mo kaya naman pinuntahan na kita dito. Hindi ko na aalamin pa kung saan ka nagpunta kagabi."

Bigla naman umiwas ng tingin ang binata.

"Ano ba kasi ang kailangan niyo?"

Matagal muna siyang tinitigan nito bago nagsalita.

"Kailangan mong kumbinsihin si Zari,kung nais mong masolusyunan ang problema natin sa halimaw."

"Anong ibig niyong sabihin?"

"Nalaman na namin kagabi ang pagkakakilanlan ng halimaw. Nakaharap narin namin ang kanyang mga magulang. Katulad natin sa Arectia din sila galing. Mas nauna nga lang sila sa mundong ito. Kailangan natin maibalik sila sa Arectia para maputol na ang sumpa sa halimaw."

"K-kung ganoon si Zari lang ang makapagpapabalik sa halimaw."

"Oo. Hindi ko siya makumbinsi. Baka kaya mo siyang kumbinsihin."

Natigilan ang binata sa sinabi nito.

"Alam ko ang naglalaro sa iyong isipan. Ngunit alam naman natin ikaw lang ang maaring kumausap sa babaeng iyon. Babaan mo na ang pride,huwag mo munang isipin si Margaret sa pagkakataong ito. Mas mahalaga na nakahanap na tayo ng solusyon para wakasan na ang pagpaslang ng halimaw."

Ilang beses napalunok ang binata,hindi makaapuhap ng tamang sasabihin. Pero kailangan din niyang gumawa ng paraan.

"Sige, kakausapin ko siya."

Lumiwanag naman ang mukha ng babaylan sa naging sagot niya.

Tatlong katok ang ginawa niya bago siya pinagbuksan ni Zari. Kita sa mukha nito ang gulat ng mapagbuksan siya ng pinto.

"Isa itong karangalan kamahalan, pasok po kayo." Gumilid ito para makapasok ang binata.

Abot tenga naman ang ngiti ni Zari. Halos magtatalon ang puso niya sa tuwa.

"Anong kailangan niyo kamahalan,sabihin niyo lang at gagawin ko."

"Gusto kong tulungan mo kami na makabalik ng Arectia ang halimaw." Walang ligoy na saad ng binata.

Nabura naman bigla ang ngiti ni Zari. Lihim nagpupuyos ang kalooban. Parang gusto niyang magwala na naman. Yumuko siya para maitago dito ang poot na nararamdaman. Naikuyom nalang niya ng mahigpit ang mga kamao.

"Magagawa mo ba?" untag nito sa kanya.

Muling tumingin sa mukhan niya ang babae at pilit tinatago ang totoong damdamin. Mapait ito ngumiti sa binata.

"Kung hindi pa dahil d'yan hindi mo ko magagawang kausapin at lapitan."

"Ginagawa ko ito para sa taong bayan."

"Eh ikaw kamahalan,anong kayang mong gawin para sa akin?" Naghahamon na tiningnan niya ito sa mga mata. Umiwas naman ito ng tingin.

"Patawad kamahalan,ngunit wala akong magagawa para sa bagay na iyan."

"Zari… kahit utusan pa kita na gawin mo?"

"Patayin niyo nalang ako kamahalan."

Walang nagawa ang binata kundi ang lumabas ng silid nito.

"Ano?!" halos lumuwa ang mga mata ng babaylan ng sabihin niya ang naging resulta ng pag-uusap nila ng babae.

Nasa sala silang lahat maliban kay Zari. Magkatabi sila ni Margaret. Habang nasa pang-isahang upuan ang babaylan,sina Dondon at Selene ay nakaupo sa mataas na stool.

"Wala naman pala siyang kwenta! Hindi man lang siya magmalasakit sa mga tao dito." Naibulalas naman ni Selene.

"Halata naman na ang sama ng ugali ng babaeng iyon. Sayang lang ang ganda niya," turan naman ni Dondon na napapailing pa.

Tahimik naman si Margaret at ayaw magkomento sa usapan. Naramdaman naman niya ang pagpisil ng kamay ni Haru sa kanyang palad. Nang tingnan niya ito nasa babaylan ang mga mata nito.

"Nauubusan na tayo ng panahon. Kung hindi niya tayo tutulungan,isang paraan nalang ang naiisip ko. Ang paslangin ng tuluyan ang halimaw."

Walang nakapagsalita isa man sa kanila sa sinabi ng babaylan.

"Kausapin mo siyang muli Haru."

Lahat ng mga matang naroon ay napatingin kay Margaret.

"Kinausap ko na siya."

"Kausapin mo ulit siya na gagawin natin kung anong gusto niya kapalit ng tulong na ibibigay niya."

"Pero Margaret, alam naman natin na malaki ang pagkakagusto niya sa fiancee mo. Paano kung hilingin niyang kapalit ay si Haru," sabat ni Selene.

"Tama si Selene. Hindi malabong iyon nga ang hilingin niya." Sang-ayon naman ni Dondon.

"Kung iyon ang hihilingin niyang kapalit ng tulong na maibibigay niya,kahit anuman ang mangyari hindi ko siya mapagbibigyan." Matigas naman na saad ni Haru. Dapat matuwa si Margaret sa sinabi, ngunit hindi niya magawa dahil batid niyang sa pagmamatigas ni Zari may buhay na masasakripisyo.

"Huwag tayong mawalan ng pag-asa, sigurado may paraan pang maiisip ang babaylan." Halatang gusto lang pagaanin ni Haru ang sitwasyon.

"Wala ka bang mahika na maaring magamit para mapagbago mo ang isipan ni Zari?" biglang naitanong ni Dondon sa babaylan.

"Hindi na iyon sakop ng aking kakayanan. Hindi ko na magamit ang iba ko pang kapangyarihan sa kanya. Parang bang may baloteng bumabalot sa kanya."

Natapos ang kanilang pag-uusap na walang solusyon na naisip ang bawat isa.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.