“SO my brother will resign. You know that once he resigns, I am kicking you out as well. Kung sasama ka sa kapatid ko, he has nothing to offer you. I still have control of his shares. At saan siya kumukuha ng lakas ng loob para mag-resign?”
Sumisigid ang sakit ng ulo ni Lexie habang kausap sa cellphone si Amadeus. Pagdating sa resthouse sa Tagaytay ay pinagpahinga na siya ni Aiden sa guestroom. Hindi na niya ito kailangang bantayan habang nasa resthouse dahil alam niyang mas payapa ang kalooban ng binata sa lugar na iyon. It was the only place he could call his own. Away from the gigantic kingdom of Amadeus. Away from Brava International Hotel.
Pero siya naman ang iipitin ni Amadeus pagdating kay Aiden. Naputol ang pag-idlip niya dahil na rin sa tawag nito. And when she thought he was not affected, she could sense panic in his town. Such a control freak. Wala sa plano nito na mawala si Aiden sa poder nito.
Isinuklay ni Lexie ang daliri sa buhok. “Sir, nagpapahinga po si Sir Aiden ngayon. I adviced him to rest. Kaya wala po akong idea kung ano ang plano niya. Matalino po ang kapatid ninyo. Siguro naman po hindi niya basta-basta iiwan ang Brava International. After all, it is still his company.”
“You don’t know my brother. He can be quite impulsive. Madalas niyang inuuna ang emosyon niya. Of course, he had it easy. Hindi nila naranasan na mag-ina kung paano maghirap kahit nang bumabagsak na ang Brava International.
“He cares deeply for it. Sir, masyado ninyong dina-downplay ang napagdaanan namin sa Balabac. Nakita ko kung paanong muntik nang mamatay si Sir Aiden sa Kalunuan. How he had to defend me. Hindi pa ba sapat iyon para patunayan ang loyalty niya sa inyo bilang kapatid niya? Kung ayaw talaga ninyong mawala siya sa kompanya, siguro kailangan ninyong isuko na lang ang plano ninyo sa Kalunuan.”
“No!” tutol agad ng binata.
Huminga siya ng malalim. “Maraming ibang isla na ibinebenta sa Balabac. You are a visionary, Sir. I am sure we can find an alternative island. ‘Yung hindi tayo masyadong magkakaproblema sa mga katutubo. They are good people but it would be wise not to antagonize them. Hayaan natin sila sa tahimik nilang buhay.”
Mahabang sandali na di nagsalita si Amadeus. Kung ipipilit pa rin nito ang gusto nito, he would be in deep trouble. “Sige. Tell my brother to come up with possible list of islands that we can buy in that area. Siguro naman magiging masaya na ang kapatid ko sa idea na iyan.”
Nakahinga ng maluwag si Lexie. Akala niya ay makikipag-argumento pa ang lalaki sa kanya. He was indeed a wise man. Naramdaman siguro nito na tututol ang tanggapan nila kung ipipilit nito ang pagbili sa Kalunuan.
“I am sure your brother will be glad about this development. Thank you, Sir,” aniya sa malumanay na boses. Kagigising pa lang niya pero parang pagod na pagod na siya sa pakikipagpambuno sa isang wrestler.
“Next month na ang balik ko sa Pilipinas. I am expecting that you will keep my brother in line. Don’t make him quit. Make him forget that silly flower farm of his.”
“Yes, Sir,” she said in a weak voice.
“Lexie, you should keep in mind who can help you with your dreams. I am Amadeus dela Merced. Kung ako ang kakampihan mo, you can start choosing an international university for your masteral. My brother can’t give you much. Why? Kung anuman ang meron siya, kakaunti lang iyon. Kung anuman ang meron siya, he still owes me. My father practically left us with nothing. Ako ang nagpakahirap para ibangon ang Brava Hotel at pinaunlad ito. Ngayon pa lang nagkakapakpak si Aiden. Huwag siyang magmadaling lumipad sa araw. His wings will melt. And I know you are an intelligent woman. Choose wisely.”
“All I know is that I am working for Brava International. I serve the company, Sir.” Gustong maggiyagis ng ngipin ni Lexie. Her head knew it was the right answer but her heart was saying something else. She would move heaven and Earth just to be with Aiden. Kahit di niya alam kung tamang ito ang maramdaman niya.
Pasado alas na nang lumabas ng kuwarto si Lexie. Nasalubong pa niya si Amadeus na naka-dark blue polo shirt at cream pants. Naka-brush up pa ang buhok nito at bagong ligo. “Did you sleep well?” tanong nito. “Gutom ka na ba?”
“Yes. May lakad ka ba?”
“Yes. Magdi-dinner tayo,” sabi nito at inakay siya papunta sa garden.
Nahigit ni Lexie ang hininga nang makita ang nakalatag nakatayong makeshift tent sa hardin. May iba’t ibang kulay ng ilaw na nakasabit. Nakalatag ang carpet sa ibabaw ng damo at may mesa na may pagkain sa ibabaw. Pumapailanlang ang pinagsama-samang musika mula sa gitara, violin at percussion.
“Wow! It is like a gypsy’s lair,” usal ni Lexie at lumapit sa tent. “Anong okasyon?”
“We are alive and we must celebrate.” Ipinagsalin siya nito ng red wine sa kopita. “Masyado tayong maraming pinagdaanan nitong nakakaraang araw. Hindi tayo nagkaroon ng proper celebration. To new beginnings.”
“To new beginnings,” sang-ayon ng dalaga. Nag-iba bigla ang mood ni Aiden. Malaking sorpresa din para sa kanya ang espesal na dinner na ipinahanda nito. “Nagkausap na ba kayo ni Sir Amadeus? Nasabi na ba niya sa iyo na mag-submit ka daw ng ibang isla na pwedeng I-consider na tayuan ng resort sa Balabac? Isn’t that a good news?”
Aiden didn’t look impressed. “Tch! Takot din pala siya na harapin ang mga Mogbog. Akala ko naman matapang na matapang siya.” At tinungga nito ang alak.
“Hindi ka ba masaya na nakinig sa wakas sa iyo ang kapatid mo?”
“It doesn’t matter, Lexie. Nothing could pacify me anymore. Noong nasa isla ako, na-realize ko na tama ka. Maigsi lang ang panahon natin sa mundo. Paano kung di ko magawa ang mga importanteng bagay sa buhay ko dahil mas pinipili ko na pasayahin ang ibang tao kaysa sa sarili ko? Paano kung hindi ko maabot ang mga pangarap ko dahil nililimitahan ko lang ang sarili ko? I want a new direction in my life and I want you to take that road with me.”
Nagulat ang dalaga nang bigla itong lumuhod sa harapan niya at inilabas ang princess cut na sapphire ring na may diamante sa paligid. “Marry me, Lexie.”