Lexie was overwhelmed. Kahit kailan ay di sumagi sa isip niya na doon mauuwi ang gabing iyon. Sinapo niya ang dibdib. Parang gusto na lang niyang himatayin. Nang nakaraang araw ay muntik nang mabingit sa kamatayan ang buhay nila. She gave herself to him. At kung kailan sinusubukan niyang bumalik sa normal na buhay dahil ayaw niyang maging awkward ang samahan nila ni Aiden sa opisina ay aalukin siya nito ngayon ng kasal.
But her heart was overflowing with joy. Aiden occupied a very special place in her heart. He was her first lover. At kung susundin niya ang standard ng moralistang lipunan, she must accept his proposal.
“Why?” naitanong ng dalaga.
“I think you are the perfect girl for me.”
“J-Just because we had sex?”
That was not good enough foundation for people to get married. Maliban na lang kung na-realize nito na mahal siya nito. She needed to hear the words though.
Kinintalan nito ng halik ang dulo ng ilong niya. “No. But that is a good point.”
Please tell me you are in love with me, Aiden. Tell me you love me. Hindi ka magdadalawang-salita sa akin.
Aiden was a man she could entrust her life and heart with. Alam niya na di siya nito sasaktan. He risked her life for her. Hindi siya nito iniwan. Kung hindi pa siya in love sa binata, she was halfway there.
“Pero alam ko na ikaw lang ang makakatulong sa akin para matuloy ang flower farm nang hindi kinakailangan ang tulong ni Kuya Amadeus.”
Naglaho ang saya sa puso ni Lexie. Flower farm? Anong kinalaman ng pag-ibig sa flower farm? “I... don’t know how that will work. Nahanap mo ba ang tatay ko? Mayaman na ba siya ngayon at bibigyan ka niya ng maraming pera kapag pinakasalan mo ako?”
“Where did you get that idea?”
“In telenovelas, movies and romance novels everywhere.”
He chuckled. “Cheeky. I am serious here.”
“Seryoso din ako. Anong kinalaman ng kasal para maipatayo mo nang tuluyan ang flower farm?”
Huminga ito nang malalim at ginagap ang kamay niya. “I have a trust fund. Makukuha ko lang ang pera doon kung thirty ako, which is three years from now, or if I will marry someone.”
Lexie heard her heart crash. Pakiramdam niya ay nagkapira-piraso iyon gaya ng pagkakapira-piraso ng lahat ng ilusyon niya sa pag-ibig ni Aiden sa kanya.
Itinuro niya ang sarili. “Bakit ako? Dahil convenient ako? Dahil ako ang available? Ganoon ba ako kaambisyosa sa palagay mo o sa palagay mo extension ito ng duties ko bilang assistant mo?”
“No!” anito at kinuha ang wine sa kamay niya. Gusto niyang habulin iyon dahil gusto niyang lunurin sa alak ang miserable niyang puso. That was the most amazing proposal ever. Great! “May tiwala ako sa iyo, Lexie. Magkasundo tayong dalawa. Kilala mo ako. Alam mo na kung ano ang gusto ko at ayaw ko. And marriage between us would be great. It doesn’t have to be a real marriage if you don’t want to.”
Pinalis niya ang kamay nito at tumayo. “You just want to get your inheritance and the flower farm.” Durog na durog na ang pag-asa niya. Ni katiting na pahiwatig ng pag-ibig ay wala siyang makapa mula dito.
Hinawakan nito ang balikat niya at kinintalan iyon ng halik. But knowing how powerful our chemistry is…”
“Really, Sir Aiden? You really love going for the jugular. To think that I thought your brother is the evil one.”
Nagdadabog siyang lumabas ng tent. Hindi na siya makahinga habang kasama si Aiden. Pareho lang pala ang magkapatid na dela Merced. Aiden was just the charming one while Amadeus never tried to disguise his monstrous side.
“Be reasonable. This is not just a simple wedding. We can be partners in business and partners for life. We can make this work, Lexie,” sabi ni Aiden at sinundan siya sa labas ng tent.
Naninikip ang dibdib niya at gusto na lang niyang maiyak. “Bakit ako ang pakakasalan mo samantalang maraming babae diyan ang naghahabol sa iyo? I’m sure they are willing to marry you to help you get your inheritance.”
“Oh, Lexie! Those women are bloodsuckers. Gusto nila ako dahil mayaman ako. O iniisip nilang sobrang yaman ko dahil kapatid ko si Amadeus dela Merced. Nagkakamali sila. My brother wants to conquer the world. While all I want is a flower farm and abide my mother’s wishes. Simple lang ang gusto ko at ayokong gawing komplikado iyon dahil lang sa pagpapakasal sa isang babaeng hindi nakakaintindi sa akin. At bukod sa Mama ko, ikaw lang ang babaeng nakakaintindi sa akin.”
Napapikit siya nang mariin upang iwaksi ang pagmamakaawa sa anyo nito. Tuwing nakikita niya ang malamlam nitong mga mata, nasisira ang matibay na resolbang binuo niya para sa sarili. Na hindi siya magpapakasal sa lalaking hindi niya mahal o kaya ay sa lalaking hindi siya kayang mahalin.
Napayuko siya. “I’m sorry. Nagkamali ka ng babaeng nilapitan.”
Iniangat nito ang mukha niya. “Akala ko ba nagkakaintindihan tayo. Akala ko magiging supportive ka sa mga plano ko.”
“Naiintindihan kita, Aiden. Believe me. Pero hindi ko gugustuhing ilagay ang sarili ko isang kasal na walang pagmamahal. Y-You don’t love me.”
Natawa ang lalaki. “Really? You believe in love? Akala ko wala ka nang ilusyon pagdating sa pag-ibig dahil sa nangyari sa magulang mo.”
“Sinasabi ko lang na hindi ako magpapakatanga pagdating sa pag-ibig. Alam ko na kapag na-in love ako, di ko na mapipigilan iyon. Wala rin sa plano ko na magpakasal pero kung magpapakasal ako, doon ako sa taong alam ko na mahal ako at mahal ko rin. Hindi mo ba hinihiling iyon para sa sarili mo, Aiden?”
“Gusto ko rin. But I am being practical right now.”
Tinaasan niya ito ng kilay. “So, if I will marry you and you fell in love with someone else, iiwan mo ako katulad ng ginawa ng nanay ko sa tatay ko? Katulad ng ginawa ng tatay ninyo ni Sir Amadeus sa nanay niya?”
Parang sinabugan ng bomba si Aiden. It was a low blow and she was not sorry for it. “Then let’s have a trial marriage, at least until everything is settled. Hanggang mai-secure ko na ang trust fund ko. Then let’s see how it goes.”
“Sir, alam ko na isinugal mo ang buhay mo para sa akin. Handa akong sumalo ng granada para sa iyo kung kinakailangan. Marriage is forever. Hindi isang laro, hindi isang business deal. It is sacred for me. Dahil kahit na gaano pa babuyin ng ibang tao ang institusyon ng kasal, hindi ko iyon kayang sirain.” Iniiwas niya ang tingin dito. “I’m sorry, Aiden. Not under those circumstances.”
“Will you marry me even for the possibility that you might be pregnant?” marahang tanong nito.
Her heart stopped beating. There could be consequences on their night at the island. What are the chances that she could be pregnant?
Umiling siya. “I am on pill. So I am safe.” Kung mabubuntis man siya, maninindigan pa rin siya na mas makakabuti sa bata ang may magulang na kasal pero nagmamahalan. “I am sorry, Aiden. The answer is still no. I will still help you with the flower farm. There must be some other way to help you with the loan. Do you want to try Mr. Wang? He is an investment banker. He looked impressed with you last director’s meeting. Maybe we can set up a meeting.”
Nakangiti lang na sumang-ayon si Aiden pero di na umabot sa mga mata nito. All he could see was her outright rejection of his marriage proposal. Pasimple na lang nitong ibinalik ang singsing sa bulsa nito.
We deserve a marriage based on love and not on business Aiden. We owe it to ourselves.