Chapter LTFC 28

Nagpa-panic na si Nylanna. Halos mapudpod na ang daliri ni Lexie sa kada-dial sa condo ni Aiden. Walang sumasagot doon. Maging ang cellphone nito ay naka-off. Mag-aalas-dose na pero di pa rin ito dumadating ng opisina. Mabuti na lang at wala itong meeting.

Kung kailan naman nakahanda na siyang sabihin na pumapayag na magpakasal dito, saka naman hindi ito dadating. Nadadagdagan lang ang anticipation na nararamdaman niya. Hindi pala madaling mag-propose ng kasal.

Napilitan na siyang tawagan ang villa sa Tagaytay nang alas dose na ay wala pa rin ang binata. Nang nakaraang Biyernes ay sinabi nito na tutuloy ito doon matapos ang nabigong meeting nito kay Mr. Wang.

“Manang Tonyang, nandiyan na po ba si Sir Aiden?” tanong niya sa caretaker. “Hindi pa po kasi siya dumadating dito sa opisina. Sabi po niya sa akin noong Biyernes diyan siya tutuloy.”

“Naku, wala pa dito si Aiden. Huling punta po niya dito noong manggaling kayo ng Palawan. Wala ba sa condo niya?”

“Wala pong sumasagot doon. Kahit po sa cellphone niya,” usal niya at pasimpleng hinila ang dulo ng ponytail niya.

“Baka nasa condo lang niya iyon. Baka mamaya may sakit iyon at ayaw lang sabihin sa atin. Alam mo naman ang batang iyon, mas gusto na gamutin lang ang sarili kapag may sakit. Puntahan mo na lang at baka kailangan ng doktor.”

“Baka nga po, Manang Tonyang.” Maghahanda na sana siya para puntahan ito sa condo nito nang mag-ring ang telepono. Nagmamadali niya iyong dinampot. “Hello?”

“Hello, Lexie! Aiden here,” pagpapakilala nito.

“Sir Aiden!” Nanlalambot siyang napaupo sa swivel. “Ano bang nangyari sa iyo? Bakit ngayon ka lang tumawag? May importante akong sasabihin sa iyo. Nasaan ka? Walang sumasagot sa condo mo. Kahit cellphone mo hindi ko ma-contact. Ano ba ang nangyayari sa iyo?”

“Calm down,” sabi nito. “Nandito lang ako sa ospital…”

“Ospital?” aniya sa mataas na boses. “Bakit ka nandiyan? Saang ospital iyan?”

“Dito sa Cardinal Santos. You have nothing to worry…”

“Shut up! Pupuntahan agad kita diyan.”

Nagkatotoo nga ang hinala niya na may nangyari ditong masama. Baka nadisgrasya ito kaya hindi nakatawag sa kanya. Na ngayon lang ito nagkamalay kaya nagawa siyang contact-in. Kasalanan niya ang lahat. Hindi na sana niya tinanggihan ang pagpapakasal dito kagabi. Sana ay hindi ito napahamak.

Hindi bale. Babawi naman siya. Sa tingin niya ay matutuwa ito kapag nalaman nitong handa na siyang magpakasal dito. Na matutupad na sa wakas ang pangarap nitong flower farm.

“Nurse, I want to know Mr. Aiden dela Merced’ room,” sabi niya pagdating sa information booth ng Cardinal Santos Hospital.

“I’m sorry, Ma’am, pero wala pong Aiden dela Merced na naka-confine sa hospital namin.”

“Lexie, anong ginagawa mo dito?” tanong ng isang boses na nakilala agad niyang boses ni Aiden.

Mabilis niya itong sinugod ng yakap. Kumapit siya nang mahigpit dito na parang natatakot na mawala ito. Wala siyang pakialam kung may makakita man sa kanilang iba. Wala na siyang pakialam sa iisipin ng mga ito. Ang mahalaga sa kanya ay matiyak na buhay ang lalaking mahal niya.

“Anong nangyari sa iyo?” tanong niya nang haplusin ang mukha nito. Nanlalalim ang mga mata nito at halatang wala sa tulog. “Nadisgrasya ka ba? Nasaktan ka ba? Anong sabi ng doktor?”

Hinawakan siya nito sa balikat at tumawa. “Calm down. I’m really okay, Lexie,” paniniyak nito at ipinakitang wala ito kahit galos man lang. “I May batang nag-collapse sa harap ng kotse ko noong Biyernes. Idinala ko sila dito sa ospital.”

“That’s it?” tanong niya. “Hindi kita ma-contact mula kanina dahil doon.”

“I left my phone charging at condo. Kaya tumawag ako dahil ayokong mag-alala ka pa. Sasabihin ko sana na bukas na ako babalik ng opisina. Hindi naman ako makaalis hangga’t hindi bumubuti ang kalagayan ni Jeremy kaya kanina lang ako nakatawag sa iyo. Pasensiya na kung pinag-alala pa kita.”

“Teka, sino naman sina Esmeralda at Jeremy?”

“Esmeralda,” anito sa babaeng nakatayo sa likuran nito.

Noon lang niya ito napansin. Maganda ito kahit na morena ang balat. At hindi rin sila nagkakalayo ng tangkad. Sa simpleng pantalong kupas na suot nito at pink na T-shirt ay natiyak niyang hindi ito mayaman. Subalit hindi maikakaila ang kakaibang ganda at ang hindi nakikitang talino sa mga mata nito. Masasabi niyang exotic ang ganda nito.

Subalit nagulat siya nang ngitian ito ni Aiden at akbayan. “Lexie, I want you to meet Esmeralda Solomon, my future wife.”

“ANONG masasabi mo kay Esmeralda, Lexie?” nakangiti nitong tanong habang nagmamaneho. “Maganda siya, hindi ba? With your help, her fashion sense can be easily fixed. Kailangan lang niya ng make-over at magiging perfect wife na siya. I am expecting that you can help me with that?”

Parang sasabog ang dibdib ni Lexie habang kaharap si Aiden sa condo nito. Hindi siya makapagsalita. Hindi nga niya alam kung paano pa niya nagawang ngumiti kay Esmeralda at sa sampung taong si Jeremy nang ipakilala siya.

She felt mad, frustrated and hurt. She thought everything was perfect. Ihinanda na nga niya ang sarili bilang future wife ni Aiden. Pero biglang bumaligtad ang mundo dahil may nakuha itong kung sinong babae sa kung saan para pakasalan nito.

What the fuckkkk! This is my fault.

Kung bakit pinairal pa niya ang pride niya. Kung pumayag na sana siya noong una pa, hindi makakasingit sa buhay nila si Esmeralda. She hated that girl. She was opportunistic. Gaya nga ng sinabi ni Nylanna, siya lang ang tanga na tatanggi na pakasalan si Aiden dela Merced.

Napailing siya. “Paano siya magiging perfect wife kung noong Biyernes lang kayo nagkakilalang dalawa?” tanong niya. “I can’t believe na niyaya mo siyang magpakasal nang ganoon lang kabilis.”

Nagsalin ito ng brandy sa alak at iniabot sa kanya. Hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin iyon at ininom. Wala siyang pakialam kung alas dos pa lang ng hapon. Kailangan niya ng pampakalma o tuluyan na siyang sasabog.

“I was only trying to help. May sakit na leukemia ang kapatid niya at wala silang pera. Samantalang ako, may pera nga pero kailangan ko naman ng babaeng pakakasalan para makuha iyon. It is a mutual agreement. Apat na buwan ngayon ay kasal na namin. Sapat na panahon para maging pamilyar kami sa isa’t isa. Isang taon ang itatagal ng kasal. We won’t consummate the marriage,” paliwanag nito. “Hindi ba, convenient?”

Natigagal si Lexie. Kung pumayag siyang magpakasal dito, maaring matulad din siya kay Esmeralda na isang taon lang ang itatagal ng kasal. Ni walang katiyakan kung mapapapamahal ito sa kanya sa loob ng panahong iyon o kung mapapanatili pa nila ang pagkakaibigan nila.

“She’s still a stranger. Ititira mo siya sa bahay mo. Pakakasalan mo,” giit niya sa lalaki.

Nagkibit-balikat ito at umupo. “We will have a contract. No emotions involved. Just purely business.”

Naggiyagis ang ngipin ni Lexie. “Bakit di mo ako subukang alukin ulit?”

Umiling ang binata. “Muntik nang masira ang relasyon nating dalawa nang alukin kita ng kasal. Mas mabuti nang hindi ko kakilala. Mas malinaw ang agreement na maghihiwalay kami pagkatapos ng isang taon. Natulungan ko siya na gumaling ang kapatid niya, babayaran ko ang properties sa pinagsanlaan nila sa probinsiya, bibigyan ng kabuhayan at magkakaroon naman ako ng flower farm. No emotions attached. I can be finally free of my brother. Problem solved.”

Humigpit ang hawak ng dalaga sa baso ng brandy. “Sigurado ka ba dito? Paano kung ma-in love siya sa iyo?”

Humalakhak ito. “Hindi iyon mangyayari. May kasunduan kaming dalawa na hindi kami pwedeng mai-in love sa isa’t isa. Magiging mahirap lang para sa kanya ang hiwalayan ako. Dahil pagkatapos ng isang taon, magpa-file ako ng annulment.”

Napayuko siya. “Paano kung ikaw ang ma-in love sa kanya?”

A perfect damsel in distress. Malambot ang puso ng mga lalaki sa katulad ni Esmeralda. They had this hero complex. May tendency na ma-inlove sa mga babaeng mahihina at nangangailangan para umaktong hero.

Isang taong magsasama ang mga ito sa isang bubong? Paano kung si Aiden na mismo ang tumutol na tapusin ang kasal?

“That won’t happen either,” sagot nito. “Walang mas importante sa akin ngayon kundi ang flower farm. Maganda at mabait si Esmeralda pero walang puwang sa buhay ko ang ma-in love sa mga oras na ito.”

“Ano ang sasabihin ng mga kamag-anak mo sa kasal na ito? Lalo na si Sir Amadeus. Hindi kaya tumutol siya?”

Tumalim ang tingin nito. “Wala siyang magagawa. Dahil kahit anong mangyari, matutuloy ang kasal namin ni Esmeralda. Masisimulan ang flower farm. Wala na akong pakialam sa opinyon ng iba. Titiyakin ko na tatanggapin nila si Esmeralda bilang asawa ko.”

Ibinaba niya ang wala nang lamang baso sa center table. “I still find it crazy, Aiden. Nagiging obsessed ka na sa flower farm na iyan at sinisira mo ang buhay mo.”

Walang emosyon siya nitong tiningnan. “Lahat naman mali sa iyo. Kahit anong desisyon ko na may kinalaman sa farm, kinokontra mo. Inalok kitang magpakasal pero ni-reject mo ako dahil ayaw mong magpakasal sa maling rason. Ngayong may pumayag nang magpakasal sa akin, ayaw mo pa rin dahil hindi ko lubusang kilala. Ano ba ang gusto mo, Lexie?” may himig ng galit nitong tanong.

“I-I just want…” I just want a chance with you. I want to be in Esmeralda’s place. I want to be your wife. Kahit di mo ako mahal.

Tumigas ang anyo ng binata. “Magkakampi ba tayo dito? Because I need someone whom I can trust explicitly. Someone who will support my plans. Alam ko kontra ito sa mga paniniwala mo. But I need your support more than ever. I still want you to be my partner.”

She could always quit. She wanted to quit. Gusto niyang magpakalayo-layo. But her heart couldn’t just leave him alone. Kailangan siya ni Aiden. Siya pa rin ang pinagkakatiwalaan nito. Higit siyang kailangan ng binata ngayon.

“Of course. Maaasahan mo ako palagi.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.