Chapter LTFC 27

“I HATE YOU! Kakalbuhin talaga kitang bruhang babae ka,” sabi ni Nylanna habang sinasabunutan ni Lexie. “Ang dami na ninyong ganap ni Sir Aiden. Hindi mo sinabi na may nangyari sa inyo habang nasa Palawan. At lalong hindi mo sinabi sa akin na noong isang linggo ka pa niya inalok ng kasal. Ghad! Tapos tatanggi-tanggi ka lang. How to be you po?”

“Aray!” aniya at tinampal ang kamay ng kaibigan. “Okay lang mainggit pero kailangan ba talaga literal akong kalbuhin.”

Binitawan siya nito pero humiga sa kama at doon nagkikislot na parang kiti-kiti. “Ikaw na. Na-achieve mo na ang pinapangarap ng mga kababaihan. Naakit mo na siya at inalok ka pa ng kasal. Bakit may mga babaeng masuswerte talaga pero tinatanggihan pa ang grasya? Is he good in bed?”

Tumirik ang mga mata ni Lexie. “My lips are sealed. I don’t kiss and tell.”

“Fuck and tell iyon, bitch,” nakangising sabi ng kaibigan. “Fine. You don’t have to give me the blow by blow account. Bakit ayaw mong magpakasal sa kanya?”

Niyakap niya nang mahigpit ang unan. “It is not exactly a romantic marriage proposal. Business proposal iyon. Pakakasalan ko siya at magiging partners kami sa business niya. With benefits, if I want to. Hindi ko maatim na magpakasal sa lalaking hindi ako mahal. It doesn’t feel right.”

Tumaas ang kilay ng kaibigan habang pinagmamasdan siya. “Let me set this straight. Tinanggihan mo ang maganda career opportunity para lang sa pag-ibig? Pag-ibig na baka hindi naman dadating sa iyo?”

“I don’t want to marry Aiden if he doesn’t love me. Ikaw ba magpapakasal ka sa lalaking hindi ka mahal?”

“Oo naman lalo na kung si Aiden dela Merced.” Nylanna squirmed. “Gosh! He is gorgeous, rich, and good in bed. Kahit nga pahawak lang sa abs araw-araw at kahit na five hundred a day lang ang sweldo ko bilang asawa niya pwede na ako.”

“Not me,” aniya sa malamig na boses at bumaba ng kama. “I want love.” Umupo siya sa harap ng dresser para maglagay ng moisturizer sa mukha. “At sa palagay ko di kailangang magpakasal ni Sir Aiden sa babaeng di niya mahal para lang magkaroon ng flower farm. Marami pang ibang paraan diyan.”

“How noble. Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa pag-ibig? Saka kilala kita, ambisyosang frog ka rin. Di mo palalampasin ang ganitong pagkakataon para sa pag-ibig.” Humalakhak ito. “Ikaw nga ang nagsabi na kalokohan lang ang pag-ibig.” Tumayo si Nylanna sa likuran niya at hinuli ang mga mata niya sa salamin. “Unless you are in love with him. You are in love with Aiden dela Merced.”

Nanlaki ang mga mata ni Lexie. “Don’t even say it. Don’t!”

“E sa iyon ang nakikita ko. Mahal mo si Sir Aiden. At gusto mo na mahalin ka rin niya kung pakakasalan ka man niya, tama?” Yumuko lang siya at nagkunwari na may hinahanap sa harap ng tokador kahit na di niya alam kung ano. Hinawakan ni Nylanna ang balikat niya. “Come on. We are friends. Alam ko na first time mo pa lang na-in love. I was not able to give you an advice about sex before you left for Palawan. Pero siguro naman may maitutulong ako sa iyo kahit paano pagdating sa pag-ibig. Kaya mo nga ikinuwento ito sa akin dahil di mo alam ang gagawin mo.”

Bumuga ng hangin si Lexie. “I… I just feel bad. Kahapon nagkausap sila ni Mr. Wang pero gusto daw muna niyang makita ang performance ni Sir Aiden sa Brava International bago siya mag-invest sa flower farm. Alam ko desperado na si Sir Aiden pero ayoko rin na samantalahin siya. I love him.”

“Then support him. Ang pag-ibig di ibinibigay sa iyo on a silver platter, my dear. Pinaghihirapan iyan. Ipinaglalaban. Gagawin mo ang sakripisyo para sa taong mahal mo para maramdaman niyang nasa tabi mo siya. Hindi mo ba naisip na chance mo na iyon para makuha mo siya? Siguro sa ngayon hindi ka niya mahal, pero pagkakataon mo na iyon para matutunan ka niyang mahalin.”

“Paano kung dumating ang panahon na makipaghiwalay siya sa akin dahil wala na siyang pakinabang sa akin? Paano kung may nakita siyang ibang babae na mamahalin niya? Anong gagawin ko?”

Natatakot siyang tuluyang mawala sa kanya si Aiden. Maaring maging considerate ito sa kanya dahil natulungan niya ito. Subalit hindi nito itatalaga ang buong buhay sa kanya. Lalo na kapag nakita nito ang babaeng totoong mamahalin nito. Wala siyang pagpipilian kundi ang pakawalan ito. And it would make her more stupid than her mother.

“Bago pa siya makipaghiwalay sa iyo, nakagawa ka na siguro ng paraan para ma-in love siya sa iyo.” Nagpapadyak ito. “Ano ka ba naman, Alexis? Once in a lifetime lang ang chance na iyon. Maraming babae ang nag-aabang na mapansin niya. Kasal ang inaalok niya sa iyo. Legally, he would be yours.”

“Kaya ako ang inalok niya ng kasal dahil iniisip niyang safe ako. Kapag nalaman niyang mahal ko siya, baka itapon na lang niya ako.”

Naitirik nito ang mga mata. “Kung magmamahal ka lang din naman, lubus-lubusin mo na. Wala naman siyang magagawa kapag kasal na kayo at nalaman niyang mahal mo siya. At bakit ka natatakot na mawala siya sa iyo? At least naranasan mong maging asawa niya. He will warm your bed every night. This is opportunity, girl.”

Umiling si Lexie. “It still doesn’t feel right.”

Hinawakan nito ang pisngi niya at pilit siyang tiningnan sa salamin. “Lexie, listen to me. Love is overrated. Pero may tiwala si Sir Aiden sa iyo. He needs a partner. And most of the time, that is more precious than love. Alam ko natatakot ka. But take a chance. Aiden is offering you not just his name. He is offering you a partnership. He is offering you a chance. Mas gusto mo ba na sa ibang babae siya magpakasal?”

Umiling siya. “Ayoko. So I should accept his proposal?”

Ngumisi ito. “Yes. At ako ang maid of honor mo.”

Niyakap niya ang kaibigan. “Siyempre naman. Thanks, Nylanna. I can do this. Hindi ko na siya pakakawalan.”

She was still scared. She was opening herself up to hurt. Pero ganoon siguro ang magmahal. But she must take this chance. Iyon siguro ang pagmamahal. Kung gusto niyang makuha, she must take a risk. Handa siyang isugal ang sariling puso makuha lang ni Aiden ang pangarap nito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.