“THE investor that you must convince is Dewey McMillan. He is very conservative. A family man. Forty years na siyang kasal sa asawa niya na si Lalaine. May apat na anak, sampung apo at very much in love pa rin sa asawa niya.”
Binasa ni Lexie ang impormasyon tungkol sa investor na kakausapin nila sa pagpunta sa Koh Samui. He was an American fund manager who hated dealing with womanizers and philanderers.
Alas tres nang madaling-araw sila nakarating sa resort. They were so tired. Pero hindi pa rin sila tumitigil ni Aiden sa pagtatrabaho lalo na’t biglaan ang assignment na kailangan nilang harapin.
“So my brother sent me to face the man because his ill reputation with women won’t work. While I’m about to get married.”
Tumango ang dalaga. “It seems so.”
“Habang sinusubukan naman niyang atakihin ang pakakasalan ko.”
“Your bride is safe right now.” Sa isang linggo pa ang dating ni Amadeus sa Pilipinas. Iniisip siguro nito na vulnerable si Esmeralda habang wala si Aiden. Na baka mapapaurong nito ang babae sa kasal.
“And we have to share the same villa and we only one bed,” sabi ni Aiden at ibinagsak ang sarili sa kama.
Sa Royal Sunrise Villa sila tumuloy at naka-reserve na ang isang pool suite para sa kanila ng binata. Kaya hindi pa sila makatulog dahil ang inaasahan niya ay dalawang kuwarto ang meron sa hotel. It looked like a honeymoon suite.
“Inaasahan daw nila na ako ang babaeng pakakasalan mo. So, we have to pretend that we are a couple? Di tayo pwedeng maghiwalay ng kuwarto?”
Tumango si Aiden na parang di naman nababahala. “Iisipin ng mga McMillan na may problema sa ating dalawa. That we might not be a real couple.”
Usap-usapan pa lang ang pagpapakasal ni Aiden. Di pa nito gaanong inilalabas sa publiko si Esmeralda. Pero para sa mga taong di naman malapit sa lalaki, pwedeng isipin na siya ang babaeng ihaharap nito sa altar. At mukhang plano ni Amadeus na gamitin nila ang pagkakataon na iyon para ipakita na isa sa magkapatid na dela Merced ang naniniwala sa forever.
Kinuha ni Lexie ang isang unan. “I will take the couch.”
Inagaw nito ang unan sa kanya. “The bed is big enough for the two of us. At ngayon ka pa ba maiilang sa akin? Marami na tayong pinagdaanan. Nakita mo na ang lahat sa akin.”
“Sir, malapit na kayong ikasal.”
“I know. It is not as if we will have an affair. I trust you won’t take advantage of me,” sabi ng binata at kinindatan siya.
“That is not so cute,” sabi niya at kumuha ng pantulog saka tumuloy sa shower room.
A shot shower would cure her agitation. She needed to collect herself. Ang lalaking mahal niya sa isang kuwarto. This was different from their night in Balabac. Ikakasal na ito sa ibang babae ngayon. She won’t compromise her relationship with Aiden nor his plans to get his trust fund.
Nang lumabas siya ng shower room ay nasa poolside ito. Naulinigan niya ang boses nito. "Don't worry about us, Esmeralda. Basta mag-ingat kayo sa biyahe ninyo. Gusto ni Jeremy na sumama sa susunod dito sa Thailand? Sure. For vacation. Sabihin mo wala siyang dapat ikainggit dahil trabaho ito."
Si Esmeralda na naman ang kausap nito. May plano pa ang mga ito. Ang magkapatid na ang buhay ni Aiden ngayon. Kinuha niya ang unan at ihinarang sa gitna ng kama.
"Bakit may unan sa gitna?" tanong ni Aiden pagbalik.
Patalikod siyang humiga dito. "Para hindi ka lumampas sa boundary. Malikot kang matulog."
"Okay. Goodnight."
Pero pabiling-biling siya sa higaan. She could hear his breathing. She could feel his presence. Magkatabi lang sila pero parang napakalayo niya dito. Sa halip na unan ay si Esmeralda ang nasa pagitan nila.
Nang bumaling siya ay nagulat siya dahil wala na ang unan sa pagitan nila. "Sir Aiden..."
Hinapit nito ang baywang niya at hinila siya pasandig sa katawan nito. He was only wearing boxer shorts. She tried to squirm away from him. "Stay put. Hindi ako makatulog kung maglilikot ka lang."
"Sorry. C-Can you let me go now?”
“No. Hindi kita pakakawalan dahil alam ko maglilikot ka lang.” It was torture but her body automatically calmed down. Na parang ang mapaloob sa bisig nito ang pinakanatural na bagay sa mundo. "What's bothering you?"
"Aiden, may gusto ka na ba para kay Esmeralda?" mahina niyang tanong.
"I like her." Nahigit niya ang hininga. "She is a good woman. Mahal niya ang kapatid niya. Kung ganoon lang din sana sa akin si Kuya Amadeus. Bakit mo naitanong? Are you jealous?"
"No. I... also think she's a good woman."
"But you are wonderful. Salamat dahil inaalalayan mo siya. Malaking bagay para sa kanya iyon."
“Anything for you, Aiden.”
Naramdaman niya na kinintalan siya ng binata ng halik sa noo. Sleep claimed her. Maybe she just wanted to feel his body against hers. She wanted the assurance that they might still have the chance. Kahit malabo. Kahit masakit na.
"YOU defeated a warrior just to protect your woman. I'm liking this man more and more," sabi ni Dewey na nakaakbay sa asawa. They were invited to their own family pool villa. Pero sa halip na isang pormal na business meeting ay parang napasama sila sa isang family vacation.
Kumpleto ang mga anak at apo ng mga ito. May nagba-barbeque na mga kitchen ng staff ng hotel at may buffet sa mesa para sa maghapong paglulunoy ng mga ito sa pool at dagat.
"If you are in love, you have to fight for her," sabi ni Aiden at kinintalan ng halik ang ibabaw ng ulo niya.
Nailang siya nang gumising kanina na yakap pa rin ni Aiden. Parang bumalik sila sa panahong nasa Balabac sila. Tanghali na silang nagising pero awtomastiko sila na umakto na parang magnobyo. Si Aiden ang malambing sa kanya. At mukhang natutuwa naman ang mag-asawa dahil nakikita daw ng mga ito ang sarili sa kanila - young professional couple who are in love.
"So, did you get the island?" tanong ng asawang si Liliana.
"No. But we are still building a resort in a different linked island. Probably the first of its kind," sabi ng binata at ipinakita ang rough sketch building design sa iPad niya.
Mabilis ang trabaho ng team ni Amadeus dahil nai-transform agad ang vision nito. Ipinakita rin pati ang picture ng magandang isla. Nakita niya ang interes sa mga mata ng mag-asawa at tinawag pa ang mga anak para ipakita kung gaano kaganda ang napili nilang lokasyon.
May maliit na kamay na tumapik sa kandungan ni Lexie. “Up! Up! Lap! Lap!”
Nakita niya ang isang taong gulang na blonde na bata na mukhang buhay na manyika. Nakasuot ito ng swimsuit at basang-basa pa dahil kaaahon lang mula sa pool. “Oh! You want to sit on my lap? Okay,” sabi niya at kinalong ang bata.
“No! She’s wet!” tutol ng lola. “Your dress will be ruined.”
“Ma’am, I will take care of her,” anang yaya at akmang kukunin ang bata sa kanya. “Krizzy, come with me.”
“No!” At nagwala ang bata. Nangunyapit ito sa leeg niya.
“It’s okay,” sabi naman niya at pinapayapa ang bata sa pamamagitan ng pag-aabot ng creme puff dito.
“Thank you,” anang bata at humalik sa pisngi niya.
Pumitlag ang puso niya sa gesture nito. Saka niya na-realize na matagal na panahon na siyang di nakakakalong ng bata. Naramdaman niya ang mga mata ni Aiden na nakatitig sa kanya.
“She’s so sweet,” anang matandang babae. “Perhaps you want kids of your own soon.”
“We are not really on a hurry. She had just started her career and so do I,” sagot agad ni Aiden. Nakita niya ang pagkunot ng mag-asawa. “We still want to enjoy each other’s company.”
“I want one as cute as her,” sa halip ay sabi ni Lexie at kinintalan ang ibabaw ng buhok ng bata. “If God will give us a child even if it not part of our plan yet, then that’s okay.” Kailangan niyang bumawi dahil baka isipin ng mag-asawa ay wala silang planong magkaanak. Baka makasira sa binubuo nilang image sa mga ito.
“I think she’s more than ready to start a family than you thought,” makahulugang sabi ng matandang lalaki kay Aiden.
Kahit kailan ay di sumagi sa isip niya na magkakaroon siya ng anak o mai-in love. Akala nga niya ay pagmamahal lang sa pera at sa career ang laman ng puso niya. But in her mind, she was starting to build her own family. She was longing for it. At si Aiden ang gusto niyang maging ama ng mga anak niya.
It was a silly teenage girl dream. Parang malayo sa realidad. Pero napangiti siya sa ideyang iyon. She wanted to dream. Kahit ngayon lang.