Chapter LTFC 32

“Prince Phillip found Princess Aurora. She was such a beautiful girl that the prince kissed her.” Naramdaman ni Lexie na hinalikan ni Aiden ang labi niya. “The princess opened her eyes.”

Nang dumilat siya ay nakatunghay ang binata sa kanya. Nakasuot ito ng kapa at may korona sa ulo. Bumangon siya at hinaplos ang pisngi nito. He was really a gorgeous prince.

“Are you my prince?” tanong ng yaya ng mga bata na siyang nagbabasa ng story book ni Sleeping Beauty sa mga ito.

“No. I am the wolf and I will eat you,” sa halip ay sabi ng binata at inilabas ang ngipin ng mga ito.

Bumaling ang mga ito sa bata at hinabol ang mga ito. Kanya-kanyang takbo ang mga bata. Dali-dali namang kinalong ni Aurora si Krizzy na nakawala sa yaya nito. Tuwang-tuwa ito sa pagkakagulo ng iba. Gusto niyang batukan si Aiden. Sa halip kasi na nananahimik ang mga bata ay nagkakaingay ang mga ito ngayon. Kaya nga sila nag-play para makatulog ang magugulong mga bata.

Nasa playroom sila ng family room na inookupa ng mga McMillan. Makalipas ang ilang minuto ay bulagta na ang mga bata kasama si Krizzy.

“Sa wakas nakatulog din. How did we end up being baby sitters?” tanong ni Aiden at pagod na sumalampak sa tabi niya. Ang mga yaya na ang nag-aasikaso sa paghiga ng mga bata sa mat.

“Because they thought I’m a Sleeping Beauty and you are a prince,” sabi niya at patuloy sa paghehele kay Krizzy.

Huminga ito ng malalim at ipinaypay ang paper crown sa ulo. “This is not exactly a meeting about investment. I wonder kung ginagawa din ito ni Kuya Amadeus.”

“I remember his interview in a magazine where he had to clean a sheikh’s snake terrarium so that he will allow Brava International to build its hotel in an Emirate state. Kailangan nating makuha ang loob nila. At mga bata ang kailangan nating alagaan at hindi snake. It is safer this way,” sabi ng dalaga. “And the kids are adorable specially Krizzy.” At nilanghap niya ang bango ng bata na amoy baby gatas.

“Hindi ko alam na gusto mo ng mga bata,” sabi ni Aiden. Nakaititig ito sa kanya na parang iyon ang unang beses siya nitong nakita. “Wala sa itsura mo.”

”Wala sa itsura ko?”

”You are like this hard-ass career woman. ‘Yung pipingutin o lalatiguhin ako kapag hindi ako nag-perform ng maayos. Someone who has no time or plans to date, get married or have kids.”

“Ganoon na ba ang hard-ass career women ngayon?”

“Let’s say that I dated women who are allergic to kids. Priority nila ang career nila. Wala rin silang plano na magkaanak. You give off that vibe. Hindi ko alam na marunong kang mag-alaga ng mga bata.”

I“I used to babysit kids when I was in my teens. Nasabi ko na nagtatrabaho sa resort ang nanay ko dati. There’s a daycare for the resort. Iniiwan nila ng mga guest ang anak nila doon para makapagsolo silang mag-asawa at makapag-date. Kaya nakaipon ako ng allowance ko at pang-tuition dati. Kaya nga mahaba ang pasensiya ko sa katulad mo.”

“So, you are saying I am a kid,” anito at napamaang.

“Sometimes,” nakangisi niyang sabi. “Feeling ko yaya mo ako.”

“That’s not cute. I am not an overgrown kid.” Saka ito lumabi. “I give you a hard time, right? Halos lahat ng oras mo, ako ang inaasikaso mo.”

“I am used to it.” Hinawi niya ang buhok nito. “Anyway, you are not so bad with kids yourself. Ilan ang gusto mong maging anak?”

“Ten,” he answered with a sheepish smile.

“Whoa! Panganay lahat?”

Pinisil nito ang ilong niya. “Silly. Siyempre isa lang ang nanay nila. I want ten kids. I could even imagine you in the middle of them like this,” he said in a soft voice.

“Gusto mong gawin akong yaya ng mga anak mo? Baka wala na ako sa Brava no’n.” Oras na ma-in love si Aiden sa kay Esmeralda o sa ibang babae, di niya alam kung hanggang kailan siya tatagal na manood na lang basta.

“Of course, you are not going anywhere. Dito ka lang sa tabi ko. We are partners.” How could she walk away from him when she felt needed? Paano niya ito iiwan kung parte siya ng mga pangarap nito?

Inilapag niya si Krizzy sa crib at nagpaalam sa mga yayang nagbabantay sa mga ito na lalabas na. “I should check on my email. Baka may instruction sa atin galing kay Sir Amadeus.”

Hinawakan ni Aiden ang kamay niya. “No. Sa beach muna tayo. Saka na ang trabaho.”

“Baka I-check ng kuya mo…”

“My brother works hard and plays harder. He is his posh jet right now. Habang ginugulo niya tayo at natataranta sa pagsunod sa utos niya at pinapaikot niya sa palad niya, nag-e-enjoy siya sa kung saang parte ng mundo. Nakapagbakasyon ka na ba mula nang pumasok ka sa kompanya?”

Umiling ang dalaga. “I don’t think so.”

Bakasyon na niyang maituturing ang mga meeting nila ni Aiden sa iba’t ibang lugar lalo na sa prospective resorts. Relaxation nang maituturing para sa kanya ang makalangoy sa pool at beach o kaya ay makapag-spa matapos ang trabaho. Sa dami ng trabaho ni Aiden, kahit sick leave niya ay isinasakripisyo niya para dito.

“So, let’s forget about him. Just focus on us.”

Tiningnan ni Lexie ang magkahawak nilang kamay ng binata. Hindi nawala ang ngiti sa labi niya habang nilalaro ng paa niya ang puting buhangin. This was nothing new. Aiden was caring and sweet eversince. Ang kaibahan lang ngayon ay ang mahal na niya ito. She finally opened her heart and she felt free. Ganito siguro ang magmahal. Kahit sa mga simpleng bagay ay masaya na siya.

“Lexie,” untag nito sa pangalan niya.

“Hmmm..” aniya at tumigil sa paglalakad.

He touched her face and claimed her lips in a slow, sweet kiss. Nabitawan niya ang sandals at yumakap sa leeg nito para palalimin ang halik. Parang ipinaghehele siya ng halik nito pero pakiramdam niya ay buhay na buhay din siya. Bumaba ang daliri nito sa gilid ng leeg niya at hinaplos iyon.

“Dewey and Lalaine are watching us,” bulong nito sa tainga niya.

Parang nag-ice bucket challenge siya sa naramdamang panlalamig. Her heart sank. Trabaho pa rin ang lahat. Isang malaking pantasya ang halik at paglalambing nito. Nagpapanggap lang sila at mukhang hindi na magiging totoo.

Ngumiti siya at siya naman ang humalik sa pagkakataong ito. But it was better than nothing. With Aiden, she would scrap all the happiness she could get.

“LAST time I was in Alaska with my friends. We were fishing by the river then suddenly, this huge brown bear comes in. Hell! We ran for our lives. But it’s scarier when sharks are in their feeding frenzy.”

Pumailanlang ang tawa ni Aiden dahil sa mga kakaibang kwento ni Dewey dito. Nasa yate si Lexie kasama rin si Lalaine para samahan sa pangingisda ang dalawa. Hindi nila kasama ang mga bata at ang anak ng mga ito na piniling mag-shopping.

“My husband loves to fish. He usually conducts his business dealings during this like this. So your boyfriend better get catch a big one so that my husband will be impressed,” sabi ni Lalaine na may hawak na libro tungkol kay Khalil Gibran.

Hindi niya maintindihan minsan kung paano gumagana ang isip ng iba sa isang business deal. Sometimes it is about impression. Some are swayed by having the same interest.

“Do you also fish?” tanong niya sa matandang babae at sumimsim ng juice.

“No. I just usually read a good book. I want some chilli garlic crabs. I tasted these in Singapore and I asked the chef to prepare some for us. Just get ready because eating it will be messy,” babala ng babae.

Inilapag sa harap niya ang mga talangka na lumalangoy sa chilli garlic sauce. She caught the whiff of garlic. Hindi niya nagustuhan ang amoy at ibinaling ang mukha para di maamoy. Pero di sapat ang simoy ng dagat para mawala ang matapang na amoy ng sauce. Parang gustong bumaligtad ang sikmura niya.

Hinawakan ni Lalaine ang balikat niya. "Are you okay? You look green."

Tumayo siya. "Where is the restroom?"

Hindi na umabot si Lexie sa banyo. Napayukyok siya sa gilid ng bangka at doon nagsuka. Mabilis siyang dinaluhan ni Lalaine.

“Anong nangyari?” tanong ni Aiden at naramdaman niya ang paghaplos ng binata sa likuran niya.

“She must be seasick,” sabi ni Dewey. “Let’s go back to the resort.”

“No. I will be fine here,” tutol ni Lexie habang sapo ang sikmura.

“You’d better rest,” sabi ni Lalaine at inabot ang tubig sa kanya. Hindi naman siya nalulula kapag nagbibiyahe sa dagat.

Mas matataas pa nga ang alon noong nasa Palawan sila ni Aiden at mas maliit pa ang bangka pero matatag naman ang sikmura niya. Di niya masabi na di niya nagustuhan ang amoy ng pagkain dahil ayaw niyang ma-offend ang host nila. Kailan ba naging maselan ang pang-amoy niya?

"Let's go to the clinic,” sabi ni Aiden nang bumaba sila ng yate sa tapat ng pool suite at binuhat siya nito. “O kaya tatawag ako ng doktor para patingnan ka.”

Umiling siya. “I will be fine. Magpapahinga lang ako dito. Kausapin mo na si Sir Dewey. Sea sickness lang talaga ito,” giit niya.

“Your health is more important.” Sa tulong ng isa sa mga staff ng resort ay binuksa ang villa nila.

“Your boyfriend is right. You are more important,” sabi ni Lalaine na bakas ang pag-aalala sa mukha. “Take a rest.”

Inilapag siya ni Aiden sa kama at nagpaalam sa dalawang matanda. Umupo si Aiden sa gilid ng kama at hinaplos ang mukha niya. “Nahihilo ka pa rin? Pwede akong mag-brew ng tea o kape para kumalma ang sikmura mo.”

“Iwan mo na ako dito. Matutulog lang ako. Habulin mo na lang sila Sir Dewey. Aalis na sila bukas.”

Inilapat nito ang daliri sa ibabaw ng labi niya. “Shut up.”

Pinalis niya ang daliri nito. “We need that investment. Para iyon sa Balabac project. Hindi ka siguro nag-aalala para sa sarili mo pero pati department natin pahihirapan ni Sir Amadeus.”

Kinabig nito ang katawan niya palapit dito at ikinatang ang baba sa ibabaw ng ulo niya. “I will take care of it. I’ll find another way. Basta hindi kita iiwang mag-isa ngayon.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.