“Ecotourism is a fast growing trend in tourism. However, it could cause undesirable impact when tourists and indigenous people directly interact with each other.”
Inangat ni Lexie ang ulo mula sa unan nang marinig ang boses ni Aiden. Nakaupo ito sa harap ng laptop niya at may kalakasan sa pagbabasa.
“Baby, agree ka ba sa sinabi ng mommy mo? Hindi ka naman undesirable impact nang makipag-communicate kami sa Mogpog.”
Humuni ang walong buwan na si Tyler at sinubukang hampasin ang keyboard niya. “At bakit umagang-umaga pinakialaman ninyong mag-ama ang thesis ko?”
“Mommy, si Baby Tyler kasi kailangan na nating I-train para maging hotelier. Direct order from the boss.”
Tinaasan niya ng kilay si Aiden. Di talaga ito makatiis na makialam. She applied for online master class. Kinailangan niyang umuwi sa Pilipinas dahil ayaw ni Aiden na maiwan siyang mag-isa sa Singapore. Di rin naman niya ito pwedeng hayaang mag-isa dahil alam niyang inaasikaso din nito ang pagtatayo ng flower farm. Nagpakasal sila ni Aiden sa hardin ng farm. Ayaw pumayag ng binata na di niya ituloy ang pag-aaral niya dahil kailangan pa rin nilang tulungan si Amadeus sa pamamalakad ng Brava International Hotels and Resorts.
“Sabihin mo kay Kuya Amadeus na sila muna ni Ate Esmeralda ang gumawa ng little hotelier nila. Tyler can be whoever he wants to be. No hurries.”
Ikinasal na noong isang buwan sina Amadeus at Esmeralda. Akala niya noong una ay joke lang na in love ito kay Esmeralda. But he was really crazy in love. Kasehodang ligawan pa nito ang buong baranggay nila Esmeralda para lang ipakita ang pagmamahal nito.
Pagpatak ng alas singko y media ay lumabas silang pamilya at pumasok sa isa sa mga greenhouse ng lavender. Mula sa salamin niyon ay nakita nila ang pagsikat ng araw. Solo nila ang lugar na iyon sa umaga dahil pagdating ng alas sais ay magdadagsaan na ang mga turista. Natupad na ni Aiden ang pangarap nito.
“Nabili ko na ang lupa sa kabila. I think we can put up several cottages there.”
Gulat niyang nilingon ang asawa. “Cottages?”
“Yes. Para sa pangarap mo. It will be our own. Hindi parte ng Brava International. This one is homey. For the family. Everyone could cook their own food. Pwede din silang mamitas sa organic garden na itatayo natin.”
Sinapo niya ang pisngi. Iyon mismo ang plano niyang ipatayo bago pa sila ikasal. “Oh! I want that. Aiden, Thank you.”
“Surprise ko para sa graduation mo sana pero di ako makatiis. Wala kasi akong maisip na surprise sa iyo ngayong araw na ito mapasaya ka.”
“Makita ko lang kayo ni Tyler masaya na ako. I love you.”
Wala na siyang mahihiling pa. Sobra-sobra ang kaligayahan na nararamdaman niya dahil buo ang pamilya niya. Dati ay takot siyang magmahal. Pero ito pala ang kapalit kapag sumugal siya.